Chapter LXV- Code Ignis

199 8 2
                                    

ANASTASIA LEONHART

Parang dinudurog ang puso ko habang nakatingin sa kanya. Ang dami niyang kadena. May nakagapos sa leeg niya, sa magkabilang braso, palapulsuhan, beywang, hita tsaka sa paa.

"H-Heinz..." halos pabulong kong sabi habang nanginginig na nakatingin sa kanya. Ang dami niya ring sunog at sugat sa katawan. Nababalot na rin siya sa sariling dugo.

Anong nangyari?!

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at nagtama ang mga mata namin. "N-Nesa?"

Imbes na sumagot ay tinakbo ko ang distansya naming dalawa saka umupo para magkapantay kami.

"Hey, don't!" singhal ng bubwit pero tumagos nalang yun sa kabilang tenga ko.

"A-Anong..." Hindi ko naiwasang mapiyok. "Anong nangyari sayo?" tanong ko sabay hawak sa mukha niyang duguan.

Imbes na sumagot ay lumingon siya sa likod ko. "Why did you tell her?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"B-Because—"

"Leave, Lancaster," sambit niya Heinz.

"P-Pero—"

"I said leave!" Bigla nalang siyang nagliyab kaya nagitla ako. Pero hindi naman ako nasaktan. Mas nagulat pa ako nang may kumalabog sa likod ko at nakitang tumilapon palabas si Lanc.

A-Anong...?!

Kasabay din nito ang biglaang pagsara ng pinto.

Dahan-dahan akong napalingon kay Heinz at nakitang walang ekspresyon siyang nakatingin sakin.

"Why are you still here?" tanong niya na ipinagtaka ko.

"Ha?"

"Kailangan ko namang ulitin?!" iritang sambit niya. "I said leave!"

Napailing ako. "Ayoko." Ano bang nangyayari sa kanya?! Naguguluhan na ako.

Pilit niya akong tinutulak palayo. "Alis, Anastasia."

Umiling ako ulit. "Ayoko."

Mukhang nabanas na siya. "Can't you just fucking leave—"

"Ayoko nga sabi!" singhal ko kasabay ang tahimik na pagbagsakan ng mga letseng luha ko. "A-Ayokong..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sunod-sunod na akong napahikbi. Napatakip nalang ako sa mukha.

"Shit, shit..." Bigla siyang nataranta at gumalaw para punasan ang luha ko. "H-Hey, stop crying, okay?"

Napailing lang ako.

Naramdaman ko namang hinila niya ang kamay ko kasabay ang pagtunog ng kadena dahil sa paggalaw niya.

"Nesa, look at me." Pilit niya akong pinatingin sa mga mata niya. "Why are you crying?"

Nakaramdam ako ng matinding inis sa tinanong niya. "I-Ikaw kasi, ba't mo 'ko pinapaalis ha? Akala ko gusto mo 'ko?!" sumbat ko sa kanya sabay singhot. "Tignan mo yang sarili mo, halos mabaliw na ako sa pag-aalala kung anong nangyari sayong bwiset ka tapos pagdating ko rito, palalayasin mo lang—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan. Narinig ko nalang ang pagtunog ng kadena bago ko naramdamang hinila niya ako palapit sa kanya para mas palalimin pa ang halik.

Maingat akong napahawak sa dibdib niya saka pumikit at tinugunan siya.

I think I'm falling for this guy. Fast.

Ilang segundo pa atang lumipas nang biglang bumukas ang pinto. "Heinzal—Holy shit!"

Wala sa oras ko tuloy natulak si Heinz at lumayo sa kanya, pulang-pula.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon