Chapter XLIX- Growing Small

219 8 0
                                    

ANASTASIA LEONHART

"H-Hindi mo ba siya pagbubuksan?" nababahalang tanong ko.

"Bahala siya diyan." Nakasubsob pa rin ang mukha niya sa leeg ko. "Istorbo."

"Alam kong gising na kayo, may narinig akong bumulong-bulong," sambit nanaman ni kuya Vanklov mula sa labas.

"Heinz." Tinapik-tapik ko ang balikat niya para paalisin siya.

Napasinghap nalang siya sa inis bago umalis sa pagkakadagan sakin at padabog na naglakad patungo sa pinto.

Natigilan din ako nang may napansin.

Yung damit niya!

Wala sa oras tuloy akong napabangon. "Teka—"

Pero too late.

Nabuksan niya na ang pinto. "What do you want?" irita niyang tanong.

Hindi naman nakapagsalita si kuya Vanklov at napakurap-kurap nalang habang nakatitig sa kanya— sa katawan niya.

Napatakip nalang ako sa mukha.

"Hoy bata ka!"

"Hey— Oww!"

Narinig ko nalang na pabalang na sumara pinto.

"Ano yan, ha?! Ba't ka nakahubad?!" rinig kong tanong ni kuya. "Buti ako nakakita sayo! Paano nalang kung hindi?! Anong ginawa mo kay Anastasia?!"

"What else?" walang kwentang sagot ng isa na ikinasinghap ng kapatid niya. "Kung yan lang pala sasabihin mo, layas nga, istorbo. "

Sa sinagot niya, iba talagang iisipin ni kuya Vanklov.

"N-Nag... " Pakiramdam ko tumingin siya sakin. "Nag-ano kayo?"

Naibaba ko tuloy ang kamay ko saka siya sinamaan ng tingin. "Hindi no!"

Kumunot naman ang noo ni Heinz. "What do you— Oww!"

Sinapak siya ni kuya sa ulo. "Ikaw kebata-bata mo pa gumagawa ka na ng milagro! Paano pag nabuntis si Anastasia? Tas hindi pa kayo kasal?"

Asar na asar siyang tinignan ni Heinz habang sapong-sapo ang ulo. "Edi magpakasal."

Namula ako.

Parang nabuhayan naman ng loob si kuya Vanklov. "Teka— Tama!" Tinuro-turo niya pa si Heinz. "Tama, tama!" Bigla siyang tumalikod. "No time to waste! Aasikasuhin ko na ang mga papeles niyo. Ingatan mo yan, Heinzal!"

Nanlaki ang mata ko. Ano?!

Mabilis siyang kumaripas ng takbo na parang atat na atat gawin ang binabalak niya.

Natataranta tuloy akong napalingon kay Heinz. "Heinz!"

Knowing the crown prince, seseryosohin niya yun!

Prente lang na umupo si Heinz sa kama. "Let him be." Akmang lalapit siya sakin ng itulak ko siya.

"Habulin mo!" aligaga kong tanong. "Baka kung anong ipagkakalat nun!"

"Ayaw mo nun?" walang kahiya-hiyang tanong niya na ikinapula ng pisngi ko.

"Malamang hindi!" singhal ko saka siya pinagtutulakan paalis sa kama. "Dali na, pigilan mo si kuya!"

"Fine, fine," iiling-iling niyang sabi. "But do I get something out of this?"

Nagsalubong ang kilay ko. Mandurugas!

"Nesa?"

Napatili nalang ako. "Oo meron, kahit anong gusto mo basta pigilan mo'ng kapatid mo!"

"Now that's inspiring." Sinara niya na ang butones ng damit niya. "Consider it done, my lady." Pagkasabi niya nun ay kumaripas siya ng takbo palabas.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon