Chapter IX- Factions

643 25 0
                                    

ANASTASIA LEONHART

Napalunok ako ng makita ang taong nasa harap ko.

"Siya ang trainee namin dito, lady Anastasia," sabi ng clerk. "She may be a student but her healing ability exceeds ours."

Wala sa sarili akong napatango. Si Elizabeth! Andito siya sa infirmary!

Agad siyang yumuko. "I-It's a pleasure to meet your acquaintance, lady Anastasia."

Yumuko rin ako. "The pleasure is mine."

Jusko, si Elizabeth. Gising na gising na talaga siya. Bumabalik nanaman yung kabang nararamdaman ko.

Ganito din ang nangyari sa To Be With You. Dahil sa galing ng healing ability niya, kinuha siya ng infirmary at ng apothecary.

Nagtaka ako nung hindi pa rin siya umayos ng tayo. "Elizabeth?"

"A-Ano...." sabi niya. "Salamat nga pala sa pagligtas sa akin, lady Anastasia. Babayaran ko po ang kabaitan niyo."

"Ha?" takang tanong ko. Yun ba yung nahulog siya? "Ay nako, wala yun—

Mas yumuko pa siya. "H-Hindi po, sobrang salamat po—"

Sabay kaming napatili ng matumba siya sa kakayuko niya.

Agad naman siyang nahila pabalik ng clerk." Elizabeth, ano ba naman? "

Yumuko ulit siya." Pasenya na po, lady Anastasia, pasensya na po. "

Napataas nalang ako ng ddalawang kamay. "Okay lang, okay lang, hindi mo kailangang humingi ng tawad."

Saka na siya napalingon sakin. "Ang... Ang bait niyo po talaga."

Napangiti ako. I want to be friends with her but I think fate won't allow. I'm freaking nervous right now.

"Elizabeth," biglang sabi ng clerk. "Ang trabaho mo."

Humingi nanaman siya ng sorry. Saka na siya umupo. "Saang banda sumakit, lady Anastasia?"

"Dito." Tinuro ko ang kaliwang paa ko.

Hinawakan niya yun. Bigla namang sumulpot ang kakaibang baging na namumulaklak.

Oh my gosh. Na-wiwitness ko ngayon ang kapangyarihan ni Elizabeth! Gusto ko nang magwala!

Hindi, hindi. Calm down, Anastasia.

"Tapos na," sabi niya't tumayo. "Gagaling iyan pagkatapos ng isang araw."

Ang one week injury ko noon, natalbugan ng one day niya. Ang galing niya talaga.

"Oh siya, magsibalik na kayo sa klase," sabi ng cleric. "Kami na ang magbabantay sa kanya."

"Mauuna na ako," paalam ni Hirian. "Magpagaling ka."

Tinanguan ko nalang siya. Like, ano bang magagawa ko?

Maya-maya, binisita ako ng club. Pinagalitan naman ako ni Sabrina.

Lately, habang tumatagal, sumusungit siya ng sumusungit sakin. Iba to! Napakamahiyain niya nung una kaming nagkakilala.

"At Yuuri!" sabi pa niya.

Nanigas naman si Yuuri. "Yes ma'am?"

"Di ba sabi ko sayo, ihatid mo si Anastasia?"

"Pero sabi niya, kaya niya na daw," depensa niya.

"At naniwala ka naman?"

Pati si Sabrina, nahawa na sa kaingayan ng mga Heathcliff.

Ako nalang ang natirang inosen—

"Pinakamamahal kong kawawang magandang anak!" biglang dumating si Navis. "Sobra akong nag-aalala—"

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon