Chapter XXVII- Crisis In Ashmire

328 10 0
                                    

Just leave it and come to me.
-Anonymous

ANASTASIA LEONHART

"I am the head of the Magic Institute!" a woman yelled with authority. "Step aside!" Nakadamit siya ng panglalaki habang nakatakip ang mukha ng balabal. May bitbit din siyang staff sa kanang kamay.

Woah, hindi ko inakalang siya mismo pupunta dito. Hindi naman kasi siya nabanggit sa To Be With You.

Nagsiatrasan nanaman kami habang dumaan siya kasama ang mga miyembro ng institute. Nagkatinginan pa kami ni Nicol na nakasunod lang sa kanya.

Nanlaki ang mata niya.

Pinanlakihan ko din siya ng mata. Tinitingin-tingin niya diyan?

"This is dark magic!" singhal ng babae. "Hunt!"

Lumapit si Nicol sa kanya at may inabot na maliit na bote.

Hinablot ito agad ng babae at binuhos sa tiyan ng bangkay. May itim na usok ang lumabas mula dito.

"Are there more of these scums?" seryosong tanong niya sa isang matandang lalaki.

Tumanngo ito. "Oo pero nilibing namin lahat."

"Take them out," maowtoridad nitong utos. "Now!"

Nanigas kami sandali sa paraan ng pagkakasalita niya.

Sinenyasan ko naman ang mga lalaki dahil baka kami pa ang mapagbuntunan ng inis ng head kaya agad silang nagsikilos.

"Who knew about the plague?" biglang tanong ng babae habang naghihintay sa mga bangkay.

Napatingin ang mga tao sakin kaya nilingon niya ako.

"You?" Kumunot ang noo niya. "Lady Anastasia?"

Yumuko ako. "Greetings, from the duchy of Leonhart."

"This is amazing, I'm impressed." Ngumisi siya. "I really want you now in the institute—" Bigla siyang napalingon sa likod ko. "Ah, perfect timing."

Napalingon ako sa likod at nanlaki nalang ang mata nang makita ang karwahe ng royal family.

Napalunok ako. Ang bilis naman ata ng balita?! Ba't siya nandito?

Agad bumaba ang lulan ng sasakyan at halos makahinga ako ng maluwag nang si kuya Vanklov ang bumaba.

Nagsiyuko kaming lahat. "Greetings your royal higness."

"I heard the news," bungad niya samin. "Who did this?"

"As for the dark magic, we're not sure yet," sagot ko. "But the villagers confessed that one of the assassins responsible for the corpses admitted Viscount Darsen to be involved in the matter."

Tumango siya saka nilingon ang mga kawal na nakasunod sa kanila. "Get him."

Tumango ang iba saka pinatakbo ang mga kabayo nila.

"Where's the assassin you mentioned?" tanong ng babaeng head ng institute.

Nilingon ko si lolo Pedro, and leader ng lugar na to saka sinenyasang lumapit.

Yumuko naman siya bilang paggalang.

"Lo, nasaan po daw ang assassin na nahuli niyo?" tanong ko. "Gusto namin siyang makausap."

Umiling siya. "Pasensya na my lady. Bigla siyang namatay pagkatapos niyang umamin," sambit niya. "Hula namin, pinatay siya ng mga kasama niya gamit ang mahika para patahimikin siya."

"If magic's involved, then bring me his corpse," utos ng babae.

Yumuko si lolo Pedro. "Masusunod." Saka siya umalis at tinawag ang mga kasama niya.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon