ANASTASIA LEONHART
"Lady Anastasia, lady Sabrina," tawag ni prof.
Lumapit naman kami sa kanya.
"I don't want to be rude but your grades are just.... there," nahihirapan niyang sabi.
Alam na namin prof, no need to explain. Mababa ang grades namin.
Pero hindi naman kami lang. Marami kaming tinawag.
"Alam ko namang hindi natin mapipilit ang iba kung hindi naman talaga nila kaya," sabi pa niya.
"Babagsak ba kami prof?" Ayan na, tinanong na ng kaklase ko.
"Yes, and you might repeat another year."
Ako na ang napanganga. "Pero prof—"
"Wait, let me finish okay?" putol niya.
Natahimik naman kami.
"I suggest you enter a club," sabi niya. "Each club has their own number of points which will be added up to your grades."
Club?
"Iyan nalang ang huling magagawa niyo," sabi ni prof. "Pag babagsak parin kayo, then goodbye."
Lunch. Kumakain kami sa cafeteria.
Ang tahimik namin ni Sab, parehong nag-iisip. Nagpasalamat nalang din ako na bobo siya para may karamay ako rito.
"Hindi ba gusto mong mag-acting, Sabrina?" tanong ko.
Napatingin siya sakin. "Oo pero hindi ko naman alam kung may club ba para sa ganun," sagot niya. "Eh ikaw, Anastasia?"
Napasimangot ako. "Ewan, hindi ko alam."
"Ano bang hilig—Wala ka palang alam," agarang bawi niya. "Baka pwede ka sa naliligaw club."
"Ang sakit mong magsalita!" angal ko.
Tumawa lang siya.
"Pero gusto mo ba talagang mag-acting?" tanong ko.
Tumango naman siya.
Tumayo ako. "Halika."
"San tayo pupunta?" takang tanong niya.
"Maghahanap tayo ng club." Hinila ko siya. "Dali na—"
"Anastasia, hindi pa naman siguro tayo tapos kumain no?" putol niya.
Napatingin ako sa plato ko. "Oo nga, sabi ko nga.
Maya-maya, pumunta kami sa student council. Buti't kabisado na ni Sabrina ang buong academy kaya hindi kami naligaw.
"Anong kailangan niyo?" bungad samin ni Seike." Hindi dahil fiance ka, iistorbohin mo na ang prinsipe sa trabaho. "
Oo nga pala, walanghiya rin pala ang lalaking to.
"Pasensya na sa istorbo pero may kailangan ako sa kanya," sagot ko.
Bigla siyang ngumiti. "Hindi ba iyan makapaghintay?"
Unti-unti na akong naiinis. "This is urgent."
"Is that more important than our work?" sabi niya habang may pinipirmahang files.
"Sabrina, pigilan mo ako," bulong ko sakanya. "Baka makapatay ako ng tao ng wala sa oras."
Bumuntong-hininga lang si Seike. "Wala dito si lord Heinzal. Ano bang kailangan niyo? Ako nalang ang magsasabi sa kanya."
"Actually, hindi naman talaga siya kailangan," sabi ko. "Pwede namang ikaw."
Agad siyang napalingon sakin. "What are you talking about?"
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...