Chapter XXII- The Novel

443 15 0
                                    

"Do you know what you started?"
-Rihanna

ANASTASIA LEONHART

"San ka pupunta?" tanong ni Nicol.

"San pa ba?" asar kong balik sa kanya. Nagmartsa ako palabas ng Institute, hawak-hawak ang royal order na kagagawan ni Heinz. Nagpaalam ako sa kanya ng maayos pero pinapakialaman niya ako.

It clearly forbid me with anny involvement with the Institute. He's finally showing it! Lumalabas na ang nakatagong baho niya na alam na alam ko dahil sa To Be With You.

He's a manipulative bastard, the makings of a tyrant.

Oh you want war, I'll give you war.

Paglabas ko, mas lalo lang akong nabanas nang mapagtantong nakaalis na ang sinasakyan kong karwahe. Badtrip.

"Need help?" seryosong tanong ni Nicol na sinundan pala ako sa labas.

Napalingon ako sa kanya. "Ano namang maitutulong mo?"

"Something like dispelling a royal decree?" sagot niya.

Nanlaki ang mata ko. Right, his father is a prime minister. May kapangyarihan silang tanggihan ang royal family kung kailangan.

Pero...

Napailing ako. "Thanks, but I want to settle this by myself." At nanggigigil ako ngayon kay Heinz. Hindi ako mapakali hanggang hindi ko siya makikita.

"Okay," tanging sabi niya.

Tumalikod na ako at nagpalinga-linga sa paligid. May sakayan naman ata ng mga karwahe dito para sa mga commoner.

"If you're looking for public carriages, there's none," biglang sabi ni Nicol.

Mas uminit ang ulo ko sa sinabi niya. "Ha?!" singhal ko. "Ba't wala— Aray!"

Pinitik niya ang noo ko! "And who gave you the audacity to yell at me?"

Di-makapaniwala ko siyang tinignan. "Bakit? Paki mo kung sisigaw ako?"

Ang seryosong mukha niya ay bigla nalang ngumiti. He then chuckled. "So this is the real Anastasia."

Hindi ko alam kung ba't nag-init ang pisngi ko ngayon. Napaiwas ako ng tingin. "Kung wala kang sasabihing matino, aalis na ako."

Nang akmang tatalikod na ako ay bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Hey, I told you, there's no available carriage today."

Napabuntong-hininga nalang ako para kalmahin ang sarili ko. "Why?"

"Commoners are flocking over the carriages to see The Novel," sagot niya.

Mabilis pa sa alas kwatro akong napalingon sa kanya, nanlalaki ang mata. "The Novel?"

"Uh-huh," sagot niya.

Naglaho bigla ang inis ko. Oh my gosh, it's The Novel!

"Nasaan ang mga karwahe?" aligaga kong tanong.

The Novel is a group of traveling merchants. They have all kinds of books from around the world. Minsan lang sila nakakabalik sa isang lugar. Their last visit was seven years ago.

"Kakasabi ko palang—"

"Di mo naintindihan," putol ko. "I want to see The Novel!"

Kumunot ang noo niya. "They're for commoners only."

"Who says nobles can't come?" balik ko sakanya. "Just because majority of their customers aren't part of nobility, doesn't mean they're for commoners only. Ngayon, saan na ang mga karwahe?"

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon