"Just surrender cause you feel the feeling taking over."
-The Greatest Showman OST
ANASTASIA LEONHART
"Let's welcome our casts for Our Missing Cinderella!" anunsiyo bigla ng emcee.
Nanlaki ang mata namin.
"Tara, tara!" sigaw ni Mikael kaya sunod-sunod kaming lumabas sa kurtina.
Isa-isang binanggit ng emcee ang mga pangalan namin.
Being infront of a crowd is... overwhelming.
But satisfying.
Naghawak-kamay kaming pito at sabay-sabay na yumuko. Nagpalakpakan naman ang mga tao.
Hindi ako nagsisising sumali sa club na to.
Our Missing Cinderella, in a sense, is actually meant figuratively. Ibig sabihin, may hidden meaning yun na pakulo ni Hirian.
Ang ibig niyang sabihin dito ay nawawala, lost, tinatago, hidden.
Our Hidden Cinderella.
Yan napaili niya para itago ang katotohanang ang totoong Cinderella—disney princess niya, ay si Anastasia pala, ang gumanap na kalaban.
Pagbaba namin ng stage, dinumog kami agad ng mga tao at kaliwa't kanan nang-congrats sa amin.
The theatre... is finally over.
Hindi na kami babalik sa club.
Ilang oras pa ata kami na-stuck sa kumpol-kumpol na tao bago kami nakatakas para maghanda sa magaganap na parade.
Oo, parade. Yan ang pinaka-highlight ng carnival. Nangyari rin ito sa To Be With You.
At magsisimula ang gulo pagkatapos.
Binihisan nila ako ng isang puting ceremonial dress. Hindi kagaya ng mga nakasanayan namin, manipis ang tela nito at may gintong belt lang na humahapit sa beywang ko.
Iniba na rin ang mga alahas ko para mag-match sa parade.
Gabi na nang makalabas kami. Napanganga nalang ako nang makita ang parade. Ang daming makukulay na banderitas habang tumutugtog ang marching band sa unahan. Kasunod naman nila ang nga noble na pinapalibutan ng kani-kanilang mga personal knights. Ang dami ring tao. Lahat sila may bitbit na payong para sa magaganap mamaya.
Naalala kong patungo ang parade sa isang templo rito sa Heathcliff. They would offer prayers while the temple's maidens would perform a rain dance.
And it would rain, like in the novel.
Dinaluhan naman kami ng kani-kaniyang tagapagsilbi para ituro kung saan kami pupwesto.
At gaya ng inaasahan, dinala nila ako sa tabi ni Heinz
May bitbit siyang payong ns gawa sa kahoy habang may nakasabit na maliliit na lamparilya sa bawat dulo nito.
Di ko tuloy maiwasang kabahan. Drama mode pa naman siya.
At gaya nanaman sa inaasahan, hindi nga niya ako pinansin hanggang sa nagsimula na parade.
Ewan ko ba pero... Hindi ko talaga siya matiis.
"Heinz," panimula ko habang naglalakad kami. Siguro, ayoko lang talagang magalit siya sakin.
Dahil natatakot ako para sa buhay ko.
Sinundot ko ang pisngi niya. "Psst."
Nairita na siya. "What?"
"Wag ka nang magalit oh," sambit ko sabay pa-cute. Sasapakin ko nalang ang sarili ko mamaya.
BINABASA MO ANG
A Villain's Ever After
RomanceI died. Atleast, that's what I remembered. So how the hell did I end up inside a fictional story?! I suddenly got revived in another person's life. What's worse, she's the fiancé of the notorious, devillishly handsome prince, the villain in the st...