prologue

3.7K 56 4
                                    

MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

Pitong taon nang patay ang mga magulang
ko. Ang ina ko ay namatay habang
ipinapanganak ang kapatid kong babae
habang ang ama ko naman ay natokhang
isang buwan matapos namatay ang nanay ko
kaya mag-isa kong binubuhay ang pitong
taong gulang kong kapatid.
Tumigil na ako sa pag-aaral last year dahil
hindi ko na kaya ang bayarin kaya nagtitinda
na lang ako ng pancit canton, fishball,
kikiam, squid ball at kung ano pa na
puwedeng maibenta maliban sa laman.
Siyempre, hindi talaga puwede dahil sino ba
ang bibili sa akin? Eh, wala naman akong
laman. Ilang taon na akong nagbabanat ng
buto kaya siguro puro buto na lang ako.
Kayod dito, kayod doon. Ganiyan ang buhay
ko para lang mapaaral ang kapatid ko at
may pambayad ng upa sa bahay. Swapang
kasi ang landlady namin, wala pa ang
katapusan, nagwawalwal na. Masaya naman
ako sa buhay ko pero sadyang hindi
makumpleto ang buhay ng isang tao kapag
walang kontrabida. Gaya na lang ngayon.
"Hoy, pangit!" tawag ng lalaking lumapit sa
akin.
"Bibili po kayo?" tanong ko. Kunyari hindi
ako na-offend. Pero kunyari lang naman.
Alam ko naman na pangit ako kaysa sa iba.
Well, hindi matangos ang ilong ko, maliit
lang siya. Hindi rin maganda ang medyo
singkit na mga mata ko at wala pa akong
kurbada sa katawan dahil nga payat ako.
Pero nakakabuwesit lang na ganito na nga
ako, pinapaalala pa ng ibang tao. Nakakainis!
"Hindi!" sagot nito. Aba, pakyu siya ah!
"Pakilinis ng harapan ng tindahan mo, ang
kalat!"
"Pasensiya na po," paumanhin ko.
Mayayaman kasi ang mga estudyante rito sa
Westbridge kaya kailangan kong mag-ingat.
"Matuto kang magtinda nang malinis kung
ayaw mong iba-ban kita sa pagtitinda rito!"
pagbabanta niya kaya lahat ay napatingin sa
amin at nagbubulong-bulungan.
Nakapamulsang tumalikod siya sa akin kaya
nakahinga ako nang maluwag. Kinabahan ako
nang kaunti. Malaki kasi ang sahod ko rito
kaysa sa ibang trabaho ko kaya dapat na
mag-ingat ako lalo na sa isang iyon.
Oo, kilala ko siya kahit paano. Ang tsismosa
kasi ng ibang estudyanteng bumibili sa akin
kaya kilala ko siya. Isa siya sa team Galaxy,
ang apo ng may-ari ng paaralang ito.

A/n:

Fanfic ito ng "Lovers of Music" na drama
series. So, kung may nga pic man ako na
galing sa series na iyon, alam niyo na na
inspired ang story sa movie na iyon. Medyo
adik me sa kanila kaya sila muna ang
gagawin kong bida. Hehehe.

Warning:
Sa lahat ng mahilig magpuna at ayaw ng
clichè stories at mababaw na istorya, well,
nandito kayo sa maling story kaya umalis na
kayo para hindi masira ang araw ninyo. Hindi
po ako nagkakapera sa panghuhusga ng iba.
Hindi porket binubuhay nila ang Literatura,
eh, pinapatay na natin. Magkaiba lang tayo
ng pananaw at layunin kung bakit nandito
tayo sa wattpad. Ako kasi, pampalipas oras
lang ito at well, takas sa totoong mundo.
Sulat lang nang sulat, hanggang sa matuto
at mahasa pa. Huwag ninyo akong gayahin,
may sariling panuntunan sa pagsusulat.
Char!
Note:
Madalas naglilipat-story ang mga bida ko
kaya pakitama na lang. Kung pagod na kayo,
wag i-stress ang sarili ninyo, marami ang
stories sa wattpad.

About me:
May matinding galit sa ex ko. If given a
chance na mapatawad ko siya, palalampasin
ko na lang ang chance na iyon.
Shoutout sa ex ko. Pakyu ka! Prologue pa
lang, bad influence na ako. Hahaha! Gosh...
Charot lang. Ganun dapat ang buhay,
tawanan lang.

-Nakaranas ako ng matinding pambu-bully
kaya well, naging bully na lang din ako.
Kung ma-bully kayo, lumaban kayo.
Parang ako, malayo pa lang sila, isinisigaw
ko na sa kanila na. "Oo, pangit ako. Hindi
ako sexy at ang shunga ko talaga". So, wala
na silang masasabi sa akin dahil inunahan ko
na. Dati kasi, kapag nilalait ako, sa bahay
lang ako. Hindi ako nakikihalubilo sa ibang
tao dahil mababa ang self-confidence ko.
School at bahay lang talaga ako. Hanggang
sa natutunan ko na kung paano harapin ang
mga bullies. Sino sila? Hindi nila hawak ang
buhay at kasiyahan ko. So, paano napunta
ang story ko sa ganitong topic?
See? Ganun ako kapag magsulat-
on the spot. Hindi pinag-iisipan nang
mabuti basta may ma-iupdate lang.
By the way, ayaw ko ng plastic na
comment. Hehehe. May comment o wala,
mag-aupdate ako. Pero nakaka-sad din
kapag walang mabasang comment ang isag
author sa update niya kaya minsan,
makipag-echos din kayo pero huwag lang
magpahalata. Kunyari, hindi ko alam.
Last na 'to... Lagapak me sa technicalities at
madalas mali ang grammar at terms. So un
na... Hehehe.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon