26

826 35 0
                                    

MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

Unedited...
"Alam mo, ngayon lang kita nakitang
nagsulat ng kantang hindi nagpatulong,"
sabi ni Luke habang naggigitara si Clouds at
sinusubukang kantahin ang isinulat nito.
"Umalis ka na nga muna, istorbo ka!"
nakasalubong ang kilay na pagtataboy ni
Clouds.
"Ingatan mo ang gitara ko," bilin ni Luke.
"Two weeks ka na sa condo ko kaya
magbayad ka na ng renta."
"Eh, kung singilin kaya kita ng lahat ng
utang mo sa akin mula pa noon!" sagot ni
Clouds kaya napangiti si Luke. "Labas na!"
"Oo na! Condo ko 'to pero ako ang
pinapalayas mo. Pasalamat ka pa nga,
pinatuloy pa kita."
"Kapag bumalik ang career ko, isasama kita
sa concerts ko bilang tigabitbit ng mga
damit ko, okay ka na?" tanong ni Clouds
kaya napasimangot si Luke.
"Ulol!" sabi niya. Seryosong nagco-compose
si Clouds ng kanta kaya hinayaan na lang
niya ito. Kaibigan niya si Clouds at malaki rin
naman ang utang na loob niya rito noong
hindi pa sila bumagsak sa music industry.
"Gusto mo ng merienda, Clouds? Magpapa-
deliver ako ng pizza."
"Huwag na," sagot ni Clouds.
"Magpahinga ka rin. Alam kong ginagawa
mo ang lahat para makabalik ka pero hindi
na para sa sarili mo, 'di ba?"
"Pinagsasabi mo?"
"Si Seola. Siya ang rason kung bakit ka
babalik. In love ka na sa kaniya."
"What if I am?" tinatamad na sagot ni
Clouds kaya nanlaki ang mga mata ni Luke.
"Really? In love ka kay Seola?"
"Umalis ka na sa tabi ko bago pa kita
masapak!"
"Pero Clouds? Hindi nga. In love ka na ba
talaga sa kaniya?"
Ilang segundong namayani ang katahimikan
sa kanila.
"Magco-concert ako. Kapag bumalik ang
kasikatan ko, magtatapat ako kay Seola at
magpro-propose para hindi na siya
mapahiya na pumatol sa akin. Para hindi
matigil na kaagad ang speculations na
pinaglalaruan ko lang siya," sabi ni Clouds at
ipinagpatuloy ang pagsusulat.
Napailing si Luke at pinagmasdan ang
seryosong mukha ni Clouds habang
nagsusulat.
"Malapit na nga sigurong magunaw ang
mundo," bulong ni Luke bago tuluyang
lumabas.
Napatingin si Clouds sa cellphone niyang
nagri-ring. Si Seola ang tumatawag kaya
kinuha niya ito at pinatay. Sa ngayon,
tinatamad siyang sagutin ang dalaga dahil
mas lalong mahihirapan lang siya. Mas okay
na ganito na lang muna sila. Kung sagutin
man nito si Red, wala na siyang magagawa.
Isa pa ang pinsan niyang ito! Ayaw siyang
tulungan kasi may gusto rin ito kay Seola.
-----------------------------
"Saan ka po pupunta?" tanong ni Seola sa
secretary ni Red.
"Kay Clouds, ibibigay ko lang 'to," sagot
nito.
"Ako na po ang magdadala, Ate. Pupunta rin
naman ako sa kaniya," sabi ni Seola.
"Talaga? Sige. Marami pa akong gagawin eh.
Salamat, Seola."
Bitbit ang CD, tumungo si Seola sa maliit na
studio ni Clouds. Walang tao nang pumasok
siya kaya lumapit siya sa table ni Clouds.
Napasulyap siya sa cellphone nitong nasa
ibabaw ng mesa. Palagi na lang siyang
pinapatayan nito at minsan, hindi pa
sinasagot ang tawag niya.
"Hindi ba talaga tayo puwedeng maging
magkaibigan?" pabulong na tanong niya at
wala sa sariling dinampot ang cellphone ni
Clouds. Wala namang password kaya
natukso siyang buksan ito. Pagbukas niya,
nasa Gallery na ito.
"Baka may scandal siya," bulong ni Seola at
ini-scan. Napakunot ang noo niya nang
madaanan ng mata ang isang video kaya
binuksan niya ito.
Napatitig siya nang maigi. Ito ang viral
video niya noong pinilit siya ng mga
estudyante ng Westbridge na kumanta
habang nagtitinda. Hindi siya puwedeng
magkamali dahil ilang beses niya itong
tiningnan sa Facebook at Youtube.
"Ano ang ginagawa mo rito?"
Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na
cellphone nang magsalita si Clouds sa likuran
niya.
"C-Clouds..."
Nagulat siya nang hablutin ng binata ang
cellphone nito sa kamay niya.
"Kailan ka pa nakialam sa gamit ng iba,
Seola?" singhal ni Clouds pero hindi
nagpatinag ang dalaga. Nakatingala lang siya
kay Clouds at nanlulumo ang mga mata.
"Ano ang kailangan mo? Kung wala kang
sasabihin, lumabas ka na!" pagtataboy ng
binata.
"Ikaw ang nag-upload ng video ko sa social
media," wika ni Seola. Hindi na kailangan
pang itanong iyon dahil nakita naman niya
ang ebidensiya.
"Manager mo ako at kailangan kong gumawa
ng paraan para sumikat ka, may masama
ba?" sagot ni Clouds.
"Kaya ka ba umalis sa bahay dahil sa mga
litrato natin?" mahinang tanong ng dalaga
kaya natigilan si Clouds. Paano nalaman ni
Seola? Sinabi ba ni Red?
"May litrato o wala, aalis talaga ako sa
boarding house ninyo dahil magbabalik na
ang God of Music na si Clouds. Bakit ako
magtitiis sa masikip at hindi magandang
bahay na iyon?"
Hindi pa rin kumikibo si Seola at malungkot
lang na nakatitig sa kaniya kaya napikon na
si Clouds. Malapit an siyang bumigay kay
Seola pero hindi puwede.
Ngumisi siya at hindi makapaniwalang
nakatingin sa dalaga. "Haist! Wait, huwag
mong sabihin na iniisip mo na inaalagaan ko
lang ang career mo dahil gusto kita?
Masyado ka naman yatang ambisyosa para
isipin iyan, Seola?" Sinabayan pa niya ng
nakakainsultong tawa kaya sumimangot si
Seola.
"Kahit ano pa man ang rason mo, salamat
pa rin sa lahat, Clouds. Salamat dahil kung
hindi dahil sa 'yo, wala sana ako sa
kinalalagyan ko ngayon. Pero na-miss ka na
ni Ash, gusto ka niyang makita."
"Huwag mong gamitin ang kapatid mo para
mapalapit sa akin, Seola. Tapos na tayo at
hindi ba sabi ko, kalimutan mo nang
nagkakilala at nagsama tayo? Isa pa, sikat ka
na. Marami ka nang projects. Hindi pa ba
iyon sapat sa 'yo para hangarin pa ako?"
Aaminin niya, nasaktan siya sa sinasabi ni
Clouds pero hindi lang niya pinahalata. Alam
naman niya iyon na malabong mangyaring
magustuhan siya nito pero bakit nasasaktan
siya? Hindi rin naman niya maintindihan ang
sarili.
"Pinabigay pala ni Red ang CD. Sige, alis na
ako," paalam ni Seola.
"Seola?" tawag ni Clouds nang nasa pinto na
siya.
"Sana ito na ang huli nating pag-uusap sa
pinagsamahan natin."
Hindi sumagot si Seola at lumabas na saka
naglakad palayo sa mini studio ni Clouds.
"Bakit ganiyan ang mukha ng talent ko?"
nakangiting tanong ni Red.
Umiling si Seola.
"Come on, alam kong may problema ka,"
sabi ni Red at sinundan si Seola.
Naupo sila sa bench na nasa lobby.
"Si Clouds kasi, ayaw na niya akong
makausap at kalimutan na lang daw namin
ang lahat," sumbong ni Seola kaya napatitig
si Red sa malungkot na mukha ng dalaga.
"N-Nasasaktan ka ba?"
"Nalulungkot lang."
Napabuntonghininga si Red. Hindi niya
maintindihan pero parang nasasaktan siya na
nakikitang nalulungkot si Seola.
"Huwag ka nang malungkot, kakausapin ko si
Clouds."
"Huwag!" Agad na pagtutol ni Seola,
"Magagalit 'yon. Hayaan mo na si Clouds.
Okay na sa akin. Nalulungkot lang ako kasi
may pinagsamahan naman kami. Pero tama
siya, mas magiging madali lang ang lahat
kapag kalimutan na namin ang isa't isa."
Tumango si Red.
"Salamat sa pakikinig, Red. Aalis na ako,"
paalam ni Seola saka tumayo at mabibigat
ang mga paang lumayo kay Red.
Gusto niyang habulin at i-comfort si Seola
pero pinigilan niya ang sarili. Bibigyan niya
ito ng time na mapag-isa.
Tumayo siya at pumunta sa studio ni Clouds.
Nagsusulat ito habang hawak ang gitara ni
Luke.
"Ano ang kailangan mo?" tanong ni Clouds
sa pinsan. Lumapit si Red at naupo sa
upuang nasa kanang sulok ng studio na
paharap kay Clouds.
"Bakit ganoon ang pinagsasabi mo kay
Seola?" diretsahang tanong ni Red.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," sagot
ni Clouds na ipinagpatuloy ang pagsusulat.
"Bakit kailangan mo siyang ipagtabuyan?
Alam mo bang nasasaktan siya?"
Napatigil si Clouds sa ginagawa at hinarap si
Red.
"Nagsumbong siya sa 'yo? Ganoon na ba
kayo ka-close na pati personal na pinag-
usapan namin, idudulog niya sa 'yo?"
"Nakita ko siyang malungkot na naglalakad
kaya nagtanong ako, Clouds. Alam mo bang
nasasaktan ang tao? May pinagsamahan
naman kayo, ah!"
Sinipa no Clouds ang mesa na nasa harapan
niya. "Ano ba ang gusto mo, Red? Hindi
ba't ito ang gusto mo? Ayun oh, tapos na!
Umalis na ako kina Seola at kung ano mang
meron kami ngayon, sana huwag mong
himasukan!"
"Pero mali pa rin na saktan mo siya. Puwede
namang umalis ka nang maayos. Naisip mo
ba ang feelings niya? Hindi mo siya
tinutulungan kundi sinasaktan mo siya,
Clouds!" Tumaas na rin ang boses ni Red
habang nakipagsukatan ng titig sa pinsan. Si
Luke na papasok na sana para kunin ang
gitara ay maingat na lumabas dahil baka
madamay pa siya sa pagtatalo ng
magpinsan.
"Hayaan mo na kami, Red. Kung gusto mo si
Seola, isipin mo na lang ang diskarte mo sa
kaniya. Huwag ka nang pumasok pa sa amin
dahil tapos na kami," walang ganang sabi ni
Clouds.
"Alam kong gusto mo si Seola," sabi ni Red.
Hindi umimik si Clouds at ipinagpatuloy ang
paggawa ng kanta. Naramdaman niyang
tumayo si Red.
"Pero patas pa rin akong lumaban, Clouds.
Kung mahal mo siya, hindi mo siya dapat na
sinasaktan."
Napahilamos si Clouds ng mukha nang
tuluyan nang makalabas sa studio niya si
Red. Ayaw niyang kumilos. Nakatitig lang
siya sa papel na sinusulatan ng lyrics.
Nawalan siya bigla ng gana. Napansin niya
ang lungkot sa mga mata ni Seola habang
kausap niya ito kanina pero ayaw niyang
ipakitang apektado siya.
Dalawang oras siyang nanatili sa loob ng
studio niya pero wala namang ginagawa
hanggang sa naisipan niyang kumain sa
cafeteria.
Pagkalabas niya, nakita niyang
makakasalubong niya si Seola kasama ang
dalawang makeup artist nito. Sa
pagkakaalam niya, may gig ang dalaga
mamayang alas otso ng gabi.
Lalagpasan na sana siya nito pero automatic
na napahawak ang kamay ni Clouds sa braso
ng dalaga.
"B-Bakit?" tanong ni Seola. Akala ba niya,
hindi na sila magpapansinan ni Clouds.
"Ilang beses ko bang sabihin na hindi
maganda sa 'yo ang makapal na makeup?"
naiiritang tanong ni Clouds kaya
napasimangot si Seola at tinanggal ang
kamay nito.
"Gusto ko ng makapal na makeup at wala ka
na roon," mahinang pagtataray ni Seola.
Narinig niya ang desperadong paghinga ni
Clouds.
"Seola--"
"May sarili na akong buhay, Clouds. Hindi na
ikaw ang manager ko kaya gagawin ko ang
lahat ng gusto kong gawin," matapang na
sabi ng dalaga at inirapan si Clouds kaya
naikuyom ng binata ang kamao. "Pasensiya
ka na pero nagmamadali kami dahil may gig
pa ako."
Pumunta sila sa isang sikat na bar sa
Parañaque at siya ang special guest. Ang
saya niya dahil marami na ang nakaka-
recognized sa kaniya bilang singer.
"Maraming salamat po," magalang na sabi
niya saka iniwan na ang stage. Masigabong
palakpakan mula sa mga parokyano ang
natanggap niya.
"Bongga! Ang galing mong kumanta," tili ni
Mocha. Aliw na aliw ito dahil marami ang
sikat na celebrities ang nandito. Former
actress ang nagmamay-ari ng bagong bukas
na club na ito kaya mahal ang talent fee ni
Seola.
"Hi," bati ni Red habang palapit sa kanila.
"Sir," nakangiting wika ni Seola.
"Kaibigan ni Dad ang may-ari ng club kaya
nandito ako. Okay lang ba kung maki-join
ako?" tanong ni Red.
"Actually, pauwi na po kami ni Mocha. Okay
lang ho bang maiwan na namin si Seola?"
tanong ng isang makeup artist.
"Sure. Ako na ang maghahatid sa kaniya,"
sagot ni Red kaya silang dalawa na lang ang
naiwan sa table.
Nang maupo si Red, nag-order siya ng
ladies drinks para kay Seola at isa pang alak
para sa kaniya.
"Hindi matapang 'to kaya uminom ka na,"
sabi ni Red.
"Sige," sabi ni Seola. Hindi naman matapang
ang alak. Sa katunayan, nagustuhan niya ang
lasa na parang strawberry lang.
"Gusto mo pa?" tanong ni Red nang
mapansing nagustuhan ito ng dalaga.
"Basta libre mo," nakangiting sabi ni Seola.
Ngumiti si Red at tinawag ang waiter.
"Tama na ang pag-inom, may tama ka na,"
natatawang saway ni Clouds dahil namumula
na ang magkabilang pisngi ni Seola.
"Hindi ko maintindihan si Clouds kung bakit
ganoon siya kasakit magsalita sa akin!"
naiinis na sabi ni Seola kaya napatigil si Red
sa pagtungga ng alak. "Alam mo ba 'yon?
Minsan, mabait siya. Pero mas madalas na
galit at naiinis siya sa akin pero bakit
nasasaktan ako nang umalis siya sa bahay?
Siguro dahil nasanay na ako na parati siyang
nandiyan sa amin ni Astray Czarina!"
Pinaikot ni Red ang mga daliri sa labi ng
boteng nasa harapan.
"Nagseselos ako."
Napatingin si Seola sa kaharap. Mapait na
ngumiti si Red. "Nagseselos ako, Seola."
Napatitig ang dalaga kay Red pero walang
salitang namutawi sa mga labi niya.
"Ihatid na kita, lasing ka na," sabi ni Red at
inalalayan si Seola para tumayo pero
natigilan siya nang makita sina Clouds na
papasok kasama ang limang kapatid.
"Ang team Galaxy!" tili ng isang babae
habang nakatingin sa anim na papasok.
"Hey, Red! Wazzup!" preskong bati ni Moon
at napasulyap kay Seola.
"Pauwi na kayo?" tanong ni Matter.
"Ihahatid ko na siya," sagot ni Red at
napasulyap kay Clouds na sa stage ang mga
mata at nilagpasan sila.
"Clouds!" tawag ni Seola kaya napahigpit
ang hawak ni Red sa braso ng dalaga nang
hindi lumingon si Clouds.
"Lasing ka na, umuwi na tayo," bulong ni
Red at hinila ang dalaga palabas sa bar.
"Ang sama talaga ng ugali niya!" wika ni
Seola nang nasa sasakyan na sila.
Magsasalita pa sana si Red pero nakapikit na
si Seola.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon