41

1.1K 42 1
                                    


MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 41

Unedited....
"M-Mom? Nawawala po ang memory card
ng cellphone ni Clouds," nangangambang
sumbong ni Clarissa sa ina.
"What? Paano nangyari iyon?"
"H-Hindi ko rin po alam. Pagtingin ko, wala
nang pictures," nataratang sagot ni Clarissa
at napakagat sa kanang hinlalaki.
"Paano nangyari iyon? Wala namang ibang
tao na nakapunta--"
Nagkatinginan silang mag-ina ay parehong
nabahala sa naisip.
"H-Hindi kaya si C-Clouds ang kumuha? Siya
lang naman po ang nakapunta rito,
Mommy," natatakot na wika ni Clarissa.
"Hindi pa tayo nakakasigurado," sabi ni Rica
na umusbong ang kaba sa dibdib. Oras na
malaman ni Clouds ang totoo habang hindi
pa kinakasal sila ni Clarissa, mawawalan ng
career ang anak.
"P-Paano na? P-Paano na kapag matuklasan
niyang si Seola naman talaga ang girlfriend
niya?" Hinarap ni Clarissa ang ina na hindi
rin mapakali. "P-Paano na ako, Mommy?
Paano kung magsumbong siya sa pulis o
malaman ng media?"
"Kalma!" saway ni Rica. "Nag-iisip ako!"
"K-Kasalanan mo 'to, Mommy eh. K-Kung
hindi mo ako pinilit na magpanggap, hindi
sana mangyari ito sa akin," paninisi ni
Clarissa. Lagot siya kay Clouds. Siguradong
hindi nito mapapalampas ang ginawa niyang
panloloko sa mga ito.
"Shutup!" sigaw ni Rica. "Kung hindi ka
lumabas at kung hindi mo tinulak ang
dukhang iyon, hindi ka sana mapahamak!"
Natahimik si Clarissa at napaupo saka
napahilamos sa mukha. Gusto niyang umiyak
pero wala siyang mga luha. Natatakot siya.
"Hindi ka ipapahamak ni Clouds dahil
bestfriend ka niya. Tawagan mo siya at
imbitahan ng dinner sa labas mamaya."
"A-Ano ang plano mo?"
Napa-crossed arms si Rica. "Sundin mo lang
ang ipinag-uutos ko at huwag kang matakot
mamaya sa harapan niya."
Napilitang tawagan ni Clarissa si Clouds.
Pumayag naman ang binata kaya nakahinga
siya nang maluwag. Maayos ang pakikipag-
usap ni Clouds sa kaniya kaya baka sakaling
hindi naman talaga ito ang nakakuha ng
memory card. Baka nahulog lang at nawalis
ng katulong. Pero kailangan pa rin nilang
makasigurado.
Alas siyete ng gabi nang dumating siya sa
restaurant. Agad na tumayo si Clouds nang
makita siya.
"Babe," nakangiting bati ni Clarissa at
hinalikan ang binata sa kaliwang pisngi.
"Hi," tipid na sagot ni Clouds at hinila ang
silya.
"Busy ka ba kanina? Hindi ka tumatawag,"
nagtatampong tanong ni Clarissa. Ngumiti si
Clouds kaya medyo nakahinga siya.
"Medyo. I was about to call you kaso
naunahan mo na ako," sagot ng binata at
napatitig sa magandang mukha ng kaharap.
Kaibigan niya si Clarissa. Bestfriend pa nga
ang turingan nila pero kung si Seola ang
totoong kasintahan niya, bakit si Clarissa
ang kasama niya?
"Really? Pareho lang pala tayong iniisip ang
isa't isa," ani Clarissa.
"Naka-order na ako," sabi ni Clouds at
napatingin sa waiter na papalapit at bitbit
ang pagkain nila.
"Okay lang. Alam mo naman ang paborito
ko," sagot ni Clarissa.
Nag-uusap sila habang kumakain at
parehong sinasakyan ang kuwento ng bawat
isa. Si Clouds ay sinusuri kung may itinatago
ba si Clarissa sa kaniya at si Clarissa ay kung
nagdududa ba si Clouds sa kaniya.
"C-Clouds?"
"Hmm? May sasabihin ka, Cla?" tanong ng
binata at napasulyap sa suot na kuwentas ni
Clarissa na iniregalo niya. Ang ganda ng
kuwentas pero bakit tila hindi siya masayang
nakikita ito sa leeg ng iba? Para itong
munting Anghel na inihulog sa lupa para
parusahan. Wala sa tamang lugar?
"M-May aaminin ako," sagot ni Clarissa kaya
tumigil sa pagkain si Clouds.
"Go ahead, Cla."
"A-Alam kong nahihirapan ka pa dahil sa
alaala mo kaya hindi ka namin biniglang
alalahanin ang lahat dahil maguguluhan ka
lang," panimula ni Clarissa. Nakikinig lang si
Clouds dahil mukhang may aaminin na ito
tungkol sa katotohanan tungkol sa nawalang
alaala niya.
"C-Clouds? Ang totoo niyan, si Seola naman
talaga ang girlfriend mo," pag-amin ni
Clarissa kaya mapanganga si Clouds.
"S-Si Seola?" ulit ng binata na nanlamig sa
narinig.
Mapait na ngumiti si Clarissa at
ipinagpatuloy ang sinasabi. "Oo, si Seola ang
girlfriend mo. S-Siya ang inilalarawan mo sa
mga nakakilala natin dahil ayaw nating
bigyan sila ng hint na tayo talaga. Ayaw
nating magbigay ng lead sa reporters dahil
gusto nating maging pribado ang relasyon
natin. K-Kinausap mo si Seola na kung
puwede, magkaroon kayo ng music video
para iligaw ang mga reporters pero
sinamantala niya ang pagkakataon dahil may
gusto siya sa 'yo kaya nag-backout ka."
Hindi nakaimik si Clouds. Nakatitig lang siya
kay Clarissa.
"M-May gusto siya sa akin?" tanong ni
Clouds.
Tumango si Clarissa. "Alam niyang ginagamit
mo lang siya kaya nakiusap siya sa 'yo na
kung puwede, magpanggap ka na boyfriend
niya sa harap ng kapatid niya at maging
sweet sa kaniya."
"Which I did!" sabat ni Clouds at naikuyom
ang kamao.
"Pati cellphone mo, pinakialaman din niya,"
panggagatong ng dalaga.
Napatingin si Clouds sa dalawang kakapasok
lang at naghahanap ng vacant table.
"Nandito rin kayo?" tanong ni Red habang
palapit sa kanila at hawak nito ang kamay ni
Seola.
"Maupo kayong dalawa," wala sa mood na
sabi ni Clouds kaya napatingin si Clarissa sa
kaniya at nagtatanong ang mga mata. "Mag-
uusap tayong apat."
"B-Babe," usal ni Clarissa at napasulyap kay
Red na inalalayan si Seola na maupo.
Nasasaktan siya sa nakikita pero alam niyang
parusa na ito sa kaniya lalo na sa mga sinabi
niya ngayon lang.
"Ano ang pag-uusapan natin?" kampanteng
tanong ni Red na kay Clouds ang mga mata.
"Tapatin mo ako, Seola," panimula ni Clouds.
"Wala akong maalala at alam ninyong tatlo
iyon. Naguguluhan ako sa totoo lang. Sino
ba talaga ang girlfriend ko sa inyo ni
Clarissa?"
Natigilan si Seola at napatitig kay Clouds.
"Sa inyong tatlo, ikaw ang paniniwalaan ko.
Sabihin mo sa akin ang totoo, ikaw o si
Clarissa ang girlfriend ko?"
Hindi umimik si Red at nakikinig lang sa mga
ito dahil sa tingin niya, labas siya sa usapan.
Napatitig si Seola kay Clouds na nahihirapan.
"Ito ang una't huling tanong ko sa inyo. Sino
ba talaga ang girlfriend ko?"
"A-Ako?" sabat ni Clarissa at tumulo ang
mga luha. "B-Bakit ayaw mong maniwala?
B-Bakit ganiyan ka magtanong? N-
Nagdududa ka ba sa akin, Clouds?"
"Seola?" tawag ni Clouds na hinihintay ang
sagot ni Seola. Damn!wala siyang
paniniwalaan ngayon kundi si Seola lang.
Aminin lang nito na siya nga ang girlfriend
niya at itatakas na niya ito. Bahala na ang
kasikatan.
"Clouds? May mga paparazzi kaya sa ibang
lugar na lang ninyo pag-usapan 'yan," sabat
ni Red nang mapansin ang kumukuha sa
kanila ng litrato.
"Seola?" ulit ni Clouds. Wala siyang pakialam
kung lumakas man ang iyak ni Clarissa.
"K-Kung ano ang sinasabi ni Clarissa, i-iyon
ang totoo," sagot ni Seola at napalunok ng
laway kaya napahilamos si Red ng mukha.
Bakit pati siya, hindi rin kumbinsido?
Mahabang katahimikan ang namayani sa
kanila at mga hikbi lang ni Clarissa ang
naririnig nila.
Inakbayan ni Clouds si Clarissa. Maybe, ito
nga talaga ang kasintahan niya.
"S-Sorry, Clarissa. Alam kong nasaktan kita
dahil nagduda ako sa relasyon natin. Hayaan
mo, hindi na ako magtatanong pa ulit
hanggang sa bumalik ang alaala ko. Bilang
bawi, magpapakasal na tayo sa mas lalong
madaling panahon," pag-aalo ni Clouds.
Kahit masakit, tatanggapin na lang niya ang
totoo. Siguro, babalik din ang pagmamahal
niya kay Clarissa kapag maalala na niya ang
lahat.
"C-Clouds?" luhaang sambit ni Clarissa.
Masuyong pinahidan ni Clouds ang mga luha
ng dalaga. "Tahan na, huwag ka nang
umiyak. Naguguluhan lang ako."
"O-Okay lang," sabi ni Clarissa at niyakap si
Clouds. Kahit paano, nakaramdam siya ng
kaginhawaan.
"Let's go?" tanong ni Clouds at naunang
tumayo.
"M-Mauna na kami," paalam ni Clarissa na
hindi niya alam kung saan niya kinuha ang
kapal ng mukha para iharap sa mga ito.
Ne hindi na nagpaalam pa si Clouds na
umalis kaya sinundan na lang ng malungkot
na tingin ni Seola. Alam niyang hindi na ito
babalik pa sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Kung nasasaktan ka, iiyak mo lang," sabi ni
Red na pumukaw sa diwa ng dalaga.
"R-Red..." usal ng dalaga. Nginitian siya ni
Red.
"Kahit hindi mo aminin, alam kong
nasasaktan ka. Pero bakit, Seola?"
Pilit na ngumiti si Seola. "Kasi hindi kami
para sa isa't isa."
"Habang nasasaktan ka, nasasaktan din ako."
Napatitig si Seola sa mukha ni Red.
"Hindi ako alam kung para saan at para
kanino kung bakit ako nasasaktan."
"P-Pasensiya ka na, sir." Nahihiyang
paumanhin ng dalaga.
Tinapik siya ni Red sa balikat at sinenyasan
ang waiter na linisin ang table at mag-o-
order na sila.
"Wala iyon. Bakit hindi ka umamin?"
"Wala naman--"
"Kahit hindi ninyo aminin ang totoo, alam
kong pareho lang kayong nagsisinungaling,
Seola."
Napabuntonghininga si Seola. "B-Bukas na
ianunsiyo ng mga Villafuerte na kami ang
nawawalang pamilya ni Clouds. N-Na
magkapatid kaming tatlo sa sinapupunan."
Matagal na pala silang hinahanap ng mga ito
ayun na rin sa kagustuhan ni Clouds na
matagpuan ang surrogate mother nito.
"Pero hindi naman kayo talaga magkapatid
by blood," sabi ni Red kaya malungkot na
ngumiti si Seola.
"Sa mga mata ng lahat, m-mali pa rin na
maging kami ni Clouds."
"Sa tingin mo, sapat na iyon para itago
ninyo ang totoo kay Clouds? Paano kapag
maalala na niya ang lahat?"
"A-Ayaw kong makulong si Clarissa," sagot
ni Seola kaya napakunot ang noo ni Red.
"Oras na aminin ko kay Clouds ngayon, baka
ipapahiya niya si Clarissa."
"B-Bakit, Seola?" tanong ni Red.
Ngumiti si Seola bago sinagot ang binata,
"Dahil alam kong sa aming tatlo, mas
nahihirapan siya."
Napabuntonghininga si Red. "Nahihirapan
din si Clouds lalo na ikaw."
"Pero alam nating pareho na hindi naman
talaga masamang tao si Clarissa."
"Pero ngayon, ganoon na siya," malungkot
na sagot ni Red.
Wala nang nagsalita sa kanila hanggang sa
nag-order na si Red.
Natapos ang dinner nila nang alas nuwebe
kaya nagyaya na si Seola na umuwi.
Pagdating sa bahay, agad na nagpalit siya.
Wala si Ash dahil hiniram na naman ng mga
Villafuerte. Sinundo kasi ito nina Star at Sun
kaya wala siyang choice kundi payagang
sumama si Ash na namimilit na sumama.
Napahiga siya habang nag-iisip. Hinihingi ng
mga Villafuerte na aampunin na sila ni
Astray Czarina. Hindi siya papayag pero si
Ash, panay ang pangungulit sa kaniya. Sa
sobrang pag-iisip, nakatulugan na niya ang
mga gumugulo sa isip niya.
Kinabukasan, maaga pa siyang pumunta sa
bahay ng mga Villafuerte.
"Good morning," bati ni Clouds nang makita
niya ito sa veranda na nagkakape. "Coffee?"
"Uminom na ako sa bahay," sagot ni Seola.
"Pasensiya ka na pala sa nangyari kagabi,
naguguluhan lang ako. Sana maunawaan mo
ako," paumanhin ni Clouds at nginitian siya.
"W-Wala iyon, Clouds."
"Hayaan mo at babawi ako sa 'yo. Susunduin
mo na si Ash?"
"Huwag ka nang bumawi, naiintindihan kita,"
sagot ni Seola. "Nasaan na si Ash?"
"Pinapabihisan ni Mommy. Darating ang
media para sa interview nating tatlo."
"A-Anong interview?"
"Tungkol sa ating tatlong magkapatid,"
sagot ni Clouds kaya naalala ni Seola na may
usapan pala sila na ngayon sila ipakilala sa
media.
"G-Ganoon ba? Bakit parang may party yata
ngayon?"
Napansin niyang may nag-aayos sa hardin at
naglalagay ng table.
Ngumiti si Clouds. "Ngayong araw rin ang
engagement party namin ni Clarissa."
Natigilan si Seola. Tama ba ang narinig niya?
Engagement party na?
"Gusto kong bumawi sa kaniya. Kung iyon
ang plano namin noon, dapat lang na
panindigan ko ngayon. Hindi hadlang ang
pagkawala ko ng alaala para hindi ituloy ang
nasimulan ko na."
Tumango si Seola bilang tugon. Wala
nang salitang namutawi sa lalamunan niya.
"Maiwan na muna kita, titingnan ko kung
ready na ba si Ash at magpapalit na ako,"
paalam ni Clouds at tumayo bitbit ang mug.
Wala sa sariling sunod-sunuran lang si Seola
sa mga ito hanggang sa dumating ang ibang
bisita at taga media. Sinimulan nang ipakilala
sila na ikinagulat ng lahat.
Nabingi siya habang mag-isa sa table nang
ianunsiyo ni Clouds na ikakasal na ito kay
Clarissa kaya malakas ang tuksuhan ng mga
tao sa pangunguna ng team galaxy. Siguro
kasalanan naman niya ang lahat. Ang hirap
nang bawiin ang sitwasyon.
"Sino ang bridesmaid ninyo? May napipisil
na ba kayo?" masayang tanong ng reporter.
"Siyempre ang kapatid ni Clouds, si Seola,"
nakangiting sagot ng ina ni Clarissa kaya
pilit na ngumiti si Seola sa mga lumingon sa
kaniya. Tumayo siya nang hindi na makaya
ang nakikita sa maliit na center stage lalo na
at ang sweet ng dalawa habang hinihingian
ang mga ito ng kiss.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon