MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 7
Unedited...
"Isang pancit canton at dalawang kikiam."
Napatingin si Seola sa lalaking nag-order na
nasa harapan niya.
"What? Hindi mo ba ako bibigyan?" tanong
ni Clouds kaya kumilos na si Suin at
isinalang sa kumukulong tubig ang chili-
mansi ang pancit canton. Bahala na kung
magreklamo ito dahil wala namang ibinigay
ng flavor sa kaniya. Naglagay rin siya ng
ilang pirasong kikiam sa mainit na mantika.
"Isang daan 'yan, keep the change," sabi ni
Clouds saka inilapag aa tabi niya ang pera.
Inilagay niya sa kaha ang pera at kumuha ng
sukli.
"Sukli mo po, sir," sabi niya kaya napa-poker
face si Clouds.
"Keep the change."
"Hindi po ako tumatanggap ng tip," sagot ni
Suin.
"Tinatanggap mo naman kay Red. Nakita
ko," ani Clouds at kinuha ang kanang kamay
ni Suin saka ibinalik ang sukli niya. "Mas
kailangan mo 'yan. Kahit na ilang piraso lang
ng hotdog para kay Ash."
"May ulam kami! Adobong baboy ang ulam
ni Astray kanina!" Akala nito? Kumakain
naman sila ng masarap kahit papano.
Nagkataon lang talaga na nawawalan sila ng
ulam sa tuwing pumunta ito.
"Kahit na. Para bukas niya," giit ni Clouds.
Inilapag ni Seola ang pera at kinuha ang
isinalang na canton saka inilagay sa styro.
Ginupit niya ang mahabang canton at
nilagyan ng seasoning.
"Seola? Alam mo bang mahirap makakuha
ng audition pass sa Bright Star agency?"
tanong ni Clouds at tinitigan ang dalagang
nakayuko na kumukuha na ng kikiam sa
kawali.
"Actually, two days lang ang pa-audition
nina Tito Blue at first day nila ngayon."
"Maanghang o matamis po ang sauce?"
tanong ni Seola na para bang hindi narinig
ang sinasabi ni Clouds.
"Maanghang!" sagot ng binata. "Alam mo,
maraming pangarap si Astray at masyado pa
siyang bata para matikman ang sobrang
kahirapan sa--" Muntik na siyang mapatalon
dahil sa lakas ng pagkakahiwa ni Seola sa
kikiam. "--buhay. Siyempre bilang kapatid,
dapat na maghanap ka rin ng mabuti at
malaking sahod na trabaho, 'di ba?"
Piniga nang malakas ni Seola ang sauce kaya
mukhang lulutang na sa sauce ang kikiam ni
Clouds.
"Ito na po ang order ninyo. Enjoy your
meal," nakangiting sabi niya kay Clouds.
Malinaw pa sa sinag ng araw na tungkol sa
audition ang ipinunta nito.
"Seola naman, mag-audition ka na kasi.
Hanggang bukas na lang ang pa-audition.
Huwag kang mag-alala, ako ang magiging
manager mo, hindi kita pababayaan,"
pangungumbinse ng binata sa dalagang
walang emosyon na nakatitig sa kaniya. "Ako
ang music god kaya huwag kang mangamba.
Mabibigyan kita ng magandang spot sa
musika."
"Kung itulong mo sa akin, bakit hindi mo na
lang kaya itulong sa sarili mo para
manumbalik ang career mo?" tanong ni
Seola at pinatay ang apoy ng stove. Nang
dahil kay Clouds, sasabog yata ang stall niya
e.
Nanginginig ang katawan ni Clouds na
nakatitig sa dalaga. Ewan ba niya at itong
babae pa na 'to ang inirekomenda sa kaniya
ni Red. Sasapakin na talaga niya ito kung
hindi lang ito babae pero pinaalala niya sa
sarili na kailangan pa niya ito sa ngayon.
"Seola naman. Isipin mo ang kapatid mo.
Paano na lang ang pagkain niya? Paano
kung magkasakit ka--"
"May Philhealth ako!"
"May babayaran ka pa rin kahit na naka-
Philhealth ka. Paano kung ikaw ang
magkasakit? Saan kayo kukuha ng pera?
Panigurado, titigil sa pag-aaral si Astray at
siya ang magtatrabaho sa 'yo, okay ka pa
roon? Ilang taon na nga ba si Ash?" sunod-
sunod na tanong ni Clouds kaya natigilan si
Seola. Naisip na niya ito noon pa pero wala
naman siyang magawa kaya hindi na niya
iniisip ang bagay na iyan. Kung anong meron
sila, iyon na 'yon. Basta mapaaral niya si
Astray at makaraos sila sa araw-araw.
"Hahanap ako ng diskarte!" sagot ni Seola.
May naipon naman siya sa savings account
niya sa BDO kaya kahit paano, may
sinasandalan pa naman siya.
"Hindi pa rin sapat," ani Clouds at kinuha
ang in-order saka naupo sa harap ni Seola at
kinain.
"Himala, kumakain ka niyan?" nakangiting
tanong ni Clarissa na naupo sa harapan ni
Clouds.
"Gusto mo? Sa 'yo na," sagot ni Clouds at
napatingin sa magandang bestfriend.
"Hmm? Ayaw ko dahil baka magkabato pa
ako. Kanina pa kita hinahanap," tanggi no
Clarissa.
"Bakit?"
"Na-miss kita," nakangiting sagot ng dalaga.
"Hindi mo sinasagot ang text ko,"
pagtatampo ni Clouds.
"Busy ako sa pag-practice sa concert ko,"
sagot nito.
"Guest mo ako?" Umaasa siya kay Clarissa
dahil sobrang close sila nito. Siyempre
bestfriend niya ito at sigurado siyang
tutulungan siyang maibalik ang career niya.
Malungkot na ngumiti si Clarissa. "Pasensiya
na, bes. Hindi papayag ang manager at
mom ko. Alam mo namang medyo mainit pa
ang isyu mo. Magpahinga ka muna,"
paumanhin ni Clarissa kaya napanganga ang
binata.
"Cla naman, alam mong kailangan ko ang
tulong mo," sabi ni Clouds. Ito na lang ang
pag-asa niya.
"Masisira din daw ang career ko," ani
Clarissa at pinisil ang kamay ni Clouds.
"Hindi naman sa tinatalikuran kita, bes. Alam
mong mahalaga ka sa akin pero mas
importante rin sa akin ang career ko. Oras
na mawalan ako, wala na. Hindi kasing
yaman ninyo ang pamilya ko. Isa pa,
mayaman naman kayo. You can survive kahit
na wala ka sa mundo ng showbiz." Sikat na
singer din ang mommy niya at gusto niyang
maging kagaya sa ina na tingalain ng lahat
kaya nagsusumikap siya kahit na 24 oras pa
siyang walang tulog.
Napabuntonghininga si Clouds,
"Naiintindihan kita, bes. Huwag kang mag-
alala, nandito lang ako para suportahan ka,"
sabi ni Clouds. Naintindihan niya si Clarissa.
Alam niyang oras na i-guest siya nito,
hahatakin niya pababa ang career ng dalaga.
Of course, isipin ng fans nito na kapareho
rin siya ni Clarissa sa likod ng camera.
Nightout dito, inom doom. Hindi mabuti sa
isang babae ang ganoong imahe. Isa sa
hinahangaan niya ang pagiging hardworking
ni Clarissa. Lahat ng pinapagawa sa kaniya
ng agency, sinusunod nito basta nakakabuti
sa career nito.
"Maiwan na muna kita, kausapin ko lang si
Sir Red," nakangiting paalam ni Clarissa.
"Sure!" ani Clouds.
Napatingin siya sa kaibigang papalayo.
Magaling na singer, may hugis ang katawan
at higit sa lahat, maganda. Almost perfect
nga ang mukha nito para sa kaniya.
"Apat na pancit canton?" tanong ni Seola
kaya napasulyap si Clouds sa dalaga. Ayaw
na niyang i-describe at ikumpara ito sa
ibang baguhang singers. Magkakasala lang
siya.
Nang matapos na siyang kumain, tumayo
siya at muling lumapit kay Seola na
naghihintay ng costumer. "Pag-isipan mo,
minsan lang ang opportunity na ito."
Dumiretso na siya sa classroom nila. Agad
na bumungad sa kaniya ang ingay ng tatlo
niyang kapatid.
"Oh? Clouds! Kumusta ka na?" masiglang
tanong ni Matter.
"Bro? Kumain ka na ba?" tanong din ni Star.
Napasulyap si Clouds kay Dust. "Ikaw? May
itatanong ka rin ba?"
Napakamot sa ulo si Dust saka umiling.
"Wala naman. Ano ba ang itatanong ko?
Pogi ka pa rin."
Naupo si Clouds sa upuan. "Saan si Moon?"
"Hindi ko alam," sagot ni Matter.
"Clouds?" tawag ni Dust na lumapit sa
kaniya at inilapag ang makapal na sobre.
"Iyan lang ang maipapahiram namin dahil
baka mahalata nina Daddy na nag-withdraw
kami na sobra pa sa allowance namin."
Isa-isang tiningnan ni Clouds ang mga
kapatid na nakatingin sa kaniya. Para siyang
pulubi na nadaanan ng magkapatid at
binibigyan ng pagkain dahil gutom na
gutom.
"Hindi ako umuutang sa inyo!" sabi ni Clouds
at kinuha ang sobre saka inilagay sa arm
chair ng katabing si Matter.
"Sure ka?" tanong ni Star.
"Hindi ko kailangan ang tulong ninyo!" giit ni
Clouds. May pride pa naman siya. Kung
ayaw siyang tulungan ng mga ito na bumalik
ang career niya, e di huwag. Pero umaasa
siyang pilitin pa rin siya ng mga kapatid at
ibigay na lang ang pera. Ang tagal naman ng
pinagsamahan nila. Kahit na hindi sila sabay
na isinilang at hindi nagsama sa iisang
sinapupunan, magkambal pa rin silang anim.
"Ayos!" bulalas ni Matter saka kinuha ang
sobre at kinuha ang pera.
"Uy, akin ang limang libo riyan!" sabi ni Star.
Napanganga si Clouds nang hinati-hati ng
mga ito sa harapan niya ang pinapahiram na
pera. Wala talaga siyang aasahan sa mga ito.
Pagkatapos ng klase, dumiretso siya sa hotel
na tinutuluyan pero kinausap muna siya ng
receptionist.
"Sir? Last day na po ninyo ngayon. Pasabi
na lang po kung mag-i-extent pa kayo,"
paalala nito kaya napakunot ang noo ni
Clouds.
"Last day? Mahigit one hundred thousand
ang ibinigay ko sa may-ari ah!" bulalas niya.
"Sir? Kasama na po ang pagkain mo sa isang
daang libo," magalang na sagot ng babae.
"Fuck!" bulalas ni Clouds. Now, what?
"Okay, mag-e-extend pa ako," sagot ni
Clouds at pumasok sa hotel room niya.
Naisangla na niya ang mamahaling gitara sa
kaibigan at sasakyan na lang ang meron
siya. Hindi naman niya puwedeng isangla
ang relo dahil mahalaga ito sa kaniya.
Wala siyang choice kundi ibenta ang SUV
niya online. Ito pa naman ang first car na
pinaghirapan niya mula sa ilang shows noon.
Nahiga siya at nanood ng TV pero kaagad
namang pinatay nang makita si Siwon na
kumakanta sa concert ng isang veteran
singer. Ito ang kasabayan niya at pumalit sa
kaniya sa kasikatan sa ngayon. Matagal na
silang pinagpipilian ng fans pero mas
marami ang fansclub niya kaysa sa rito. At
ngayong bumulusok ang career niya, ito
naman ang namamayagpag.
Pasado alas onse na nang magising siya.
Tiningnan niya ang shop na pinagbentahan
kung may buyer na ang SUV niya. May
dalawang interesado pero mura lang ang
offer ng online shop.
"Great!" naiinis na sabi niya. Binili niya ng 3
million, ginastusan niya ng 1.5 sa pagpa-
renovate tapos ibinebenta lang ng 2.5million
ng shop dahil one year na gamit na raw.
Bali lugi siya ng 2million. Dagdagan pa ng
porsyento na kukunin ng shop.
Wala siyang choice kundi pumayag. Bukas
na niya ipapahatak sa buyer kapag pumasok
na ang pera sa account niya.
Kailangan pa niyang bawasan ng 1.5 million
dahil kukunin niya ang isinanglang gitara sa
Lolo Dylan niya. Hindi siya mabubuhay
kapag wala ang precious guitar niya na
iniregalo ng Lolo Skyler niya.
Akala niya, kakampihan siya ng matanda
pero nang pumunta siya sa bahay ng lolo't
lola niya, sinermonan siya. Nakarating na
pala sa kanila ang balita kaya sumikat na
naman ang pamilya nila bilang babaero na
hindi nagustuhan ng triplets na lolo niya:
Skyler, Kyler at Kevin. Napuno rin ang tainga
niya sa asawa ng mga ito kaya wala siyang
nagawa kundi umalis na lang at hindi na
nagpakita sa mga lolo. Babalik daw siya oras
na may maipagmalaki na siya bilang siya na
hindi ginagamit ang apelyido nila.
"As if na gusto kong maging Villafuerte!"
bulong niya. Mula noon, pressure ang
natatanggap niya mula sa apelyido niya.
Kesyo mayaman, pogi at kung ano pang
mabuting salita ang maisipan ng tao sa
kanila kaya ang daming babaeng humahabol
sa kanilang anim. Mga umaasang seryosohin
nila. Lalaki lang siya at may kahinaan din
kaya pinapatulan niya. Tutal, sila naman ang
nag-ooffer ng sarili sa kaniya. Dagdagan pa
ng lintik na team Galaxy na tawag ng ama
sa kanilang anim.
Napasulyap siya sa cellphone na nasa
bedside. Inabot niya ito at tinatamad na
tiningnan ang messages.
"Oh shit!" sambit niya nang mabasa ang
number na hindi naka-register sa phonebook
niya.
"Payag na akong mag-audition pero bukas
na lang ng hapon.
093058******
Agad na tinatawagan niya ito para
makasigurado kung si Seola nga ang nag-
text.
"Hello? Pancit canton," sabi niya nang
sagutin nito ang tawag. Walang sumasagot
sa kabilang linya pero alam niyang nakikinig
ito sa kaniya. "Pancit canton."
"Papayag na nga ako kaya huwag ka nang
tumawag, natutulog na ako!"
Napangiti si Clouds nang lumitaw sa isip ang
mukhang hindi maipinta mi Seola.
"Okay, maghanda ka na lang ng ikakanta
bukas--no, magkikita tayo bukas para
mapag-usapan ang pang-audition song
mo."
"Magbebenta pa ako ng pancit at kikiam sa
school ninyo."
"Babayaran ko ang araw mo bukas! Basta
magkikita tayo dahil a-absent din ako!" ani
Clouds. "Tatawagan kita bukas kaya
siguraduhin mong nasa bahay ka ninyo!"
Pinatay na niya ang tawag. Oras na
makapag-debut at concert si Seola,
tutulungan na siya ni Red na makabalik sa
showbiz.
"Hmmm? Marunong naman siyang kumanta
kaya chicken lang 'to sa akin!" sabi ni Clouds
dahil kumakanta naman sa bar si Seola.
Tumayo siya para kumain sa cafeteria ng
hotel.