35

774 33 0
                                    

MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 35

Unedited...
"May selective amnesia ka, Clouds. Mahigit
tatlong buwan na ang nakalipas,"
pagpaliwanag ng ina niya nang makalabas
sila sa hospital. Walang isang nagsalita
tungkol sa nangyari para hindi mabigla ang
binata lalo na't sa likod ng ulo ang sugat na
okay na matapos tahiin. Maliit lang naman
ang sugat pero matindi lang ang pagdurugo
noon kaya hindi na pumayag si Clouds na
magpakalbo dahil kaya namang takpan ng
makapal na buhok niya ang parte ng ulong
ginupitan.
"Ibig sabihin, mahigit tatlong buwan ang
nawala sa alaala ko?"tanong ni Clouds.
"Oo."
"Wala naman sigurong mahalagang bagay na
nangyari sa loob ng tatlong buwan," ani
Clouds. At least hindi taon o buong
memorya niya ang nawala.
"Baka," sagot ni Sky. Napag-isahan nilang
lahat na mas mainam na si Clouds na ang
bahalang makaalala. At least bumalik na ito
sa kanila.
"Dad? Nasaan na ang van ko?" tanong ni
Clouds nang hindi mapansin ang sasakyan sa
garahe.
"Akyat muna ako sa kuwarto, napagod ako,"
paalam ni Sky at umalis na para makaiwas sa
mga tanong ng anak.
"Clouds? Nasira ang sasakyan mo, nasa
talyer at mukhang hindi na maayos pa. Bili
ka na lang ng bago, bibilhan ka ng daddy
mo," malumanay na sagot ni Taira kaya
napatigil si Sky sa pag-akyat at humarap sa
asawa pero sumenyas si Taira na huwag
nang sumabat pa.
"Pero pinaghirapan ko iyon."
"Hiniram kasi iyon ng dad mo at sa
kasamaang palad, nabunggo sa poste dahil
nalasing," pagdadahilan ni Taira. Hindi rin
nila alam kung nasaan na ang sasakyan ng
anak.
"Grabe ka, Dad. Sasakyan ko iyon!"
"Iwan ko sa inyo!"naiinis na sabi ni Sky at
umakyat niya. Siya na naman ang may
kasalanan?
"Pupunta ho ako sa agency mamaya kaya
gamitin ko ang bagong kotse ni Dad,"
paalam ni Clouds.
"Bukas ka na pumunta, magpahinga ka na
muna," sabi ni Taira kaya pumayag naman si
Clouds at umakyat na sa kuwarto. Malapit
na naman pala ang second semester, four
days na lang.
Pagkahapon, bumaba si Clouds nang sabihin
ng katulong na may bisita siya. Pagkababa
niya sa sala, nakita niya si Clarissa na
nakikipag-usap sa ina niya.
"Magandang hapon, Clouds."
"Magandang hapon, bes," nakangiting bati ni
Clouds.
"Maiwan ko na muna kayo," paalam ni Taira.
"Napadalaw ka?" tanong ni Clouds at naupo
sa harapan ni Clarissa. Habang nasa hospital
siya, araw-araw itong nakabantay sa kaniya.
"Kumusta ka na, Clouds?"
"Okay lang, buhay pa rin," biro ng binata.
"P-Puwede bang sa labas na tayo mag-
usap? Gusto ko ng fresh air," pakiusap ni
Clarissa kaya sumunod si Clouds sa kaniya sa
gazebo.
"May problema ka ba, Cla?"
May kinuha ang dalaga sa bag nito at inabot
sa kaniya.
"Nagtatanong ka kung ano ang nangyari
noong gabi ng aksidente, 'di ba?"
"Oo, bakit ba ako naaksidente at bakit
nandoon ka rin?" curious na tanong ni
Clouds at napasulyap sa newspaper na
noong isang araw pa. Sila ni Clarissa ang
nasa headline.
"Noong gabing iyon, nasa live show ka para
sa comeback mo," pagsimula ni Clarissa.
Binuklat ni Clouds ang newspaper at binasa
ang balita tungkol sa kaniya.
"B-Ba't ako nag-comeback? Ano ang
nangyari?"
"Medyo tagilid ang career mo at nagpahinga
ka. Ilang buwan ka ring nawala hanggang sa
nakabalik ka."
"Hindi ko ma-gets, Cla."
"Basta. Mahabang istorya pero nasiraan ka
nila kaya bago ka pa tuluyang masira, nag-
stop ka na muna."
"The fuck! May relasyon tayo?" bulalas ni
Clouds nang mabasang kaya siya naaksidente
ay dahil iniligtas niya si Clarissa sa nahulog
na billboard. Sinalo niya ang billboard na
para sana sa dalaga. May mga litrato pang
kalong siya ng dalaga habang duguan ang
ulo niya.
"Here..." sabi ni Clarissa at ipinakita ang
news tungkol sa pagligtas ni Clouds sa
kaniya. Puro positive feedback ang nababasa
niya. Na nagbago na raw si Clouds, ideal
boyfriend at sobrang mapagmahal na
kasintahan. "Nasira ang career mo dahil nang
gabing nasa party ka, nakuhanan kayo ng
reporters ng litrato ng babaeng nagtatalik."
Napahawak si Clouds sa noo. "Iyon ang
nangyari sa akin?"
Tumango si Clarissa at ipinakita ang isa
pang news na nasa Facebook niya. Muling
binasa ni Clouds at lahat ay puro negatibo.
"Naging successful ang comeback mo,
Clouds. Naging mabango na rin ang
pangalan mo dahil sa relasyon natin."
Natigilan si Clouds. Medyo nakuha na niya
ang nais iparating ng kaibigan.
"Cla? Puwedeng magtanong?"
"Ano iyon?"
"M-May relasyon ba talaga tayo? Or gawa-
gawa lang natin dahil sa nangyari sa akin?"
curious na tanong ng binata.
Ngumiti si Clarissa at hinawakan ang kanang
kamay ni Clouds sa ibabaw ng mesa. "Hindi
mo isasakripisyo ang buhay mo para sa
kapakanan ng ibang tao, Clouds."
Tumango ang binata. "Paano nangyari iyon?"
Muling ngumiti si Clarissa. "Bigla na lang
tayong nagkaaminan ng feelings at
ipinangako mong magbabago ka na at
nangyari nga iyon."
"G-Ganoon ba?" tanong ni Clouds at hindi
na magtanong dahil sumasakit na ang ulo
niya.
Napansin ni Clarissa ang paghawak ni Clouds
sa sintido kaya tumayo na siya.
"Bukas na lang, babe."
"B-Babe?" ulit ng binata.
"Iyon ang tawagan natin," sagot ni Clarissa
at hinalikan sa gilid ng kanang labi si Clouds.
"Bukas na lang ulit, magpahinga ka na
muna."
"S-Sige..."
Bumalik si Clouds sa loob ng bahay.
Pinagbawalan siya ng mga magulang na
gumamit muna ng laptop o cellphone dahil
makakasama lang sa ulo niya. Mahirap daw
na puwersahin niya ang utak na makaalala.
Kinabukasan, maaga pa siyang bumaba.
"Bakit ganiyan ang mga mata mo?" tanong
ng ina.
"Hindi ko alam kung anong meron sa
kuwarto ko pero hindi ako makatulog,"
sagot ni Clouds at nagpasalamat sa katulong
na nagdala ng juice niya. Bawal daw muna
siya sa kape.
Matapos nilang mag-usap ng ina, nagpaalam
siya na pumunta sa agency.
Kakapasok lang niya sa building at marami
na siyang nakakasalubong na hindi niya
kilala. Siguro mga baguhang talent.
Paliko na siya nang bigla siyang napapreno.
"A-Ano ang ginagawa mo rito?" bulalas niya
nang makasalubong si Seola.
"Magandang umaga, Clouds," magalang na
bati ng dalaga at nginitian siya.
"B-Bakit ka nandito sa agency? Ano ang
ginagawa mo rito?" takang-takang tanong
ng binata. Para itong kabute na sumusulpot
na lang bigla sa harapan niya.
Hindi makaimik si Seola at napatitig lang sa
mukha ng kasintahan niya. Araw-araw siyang
nasa hospital pero araw siyang papasukin ng
bodyguards nito. Nakalusot siya minsan
pero tinaboy lang siya ni Clouds. Alang-
alang sa kapakanan ng binata, hindi na niya
kukulitin ito. Sana dumating ang araw na
maalala na siya nito.
"Ano ang ginagawa mo rito? Magtitinda ka
ba ng pancit canton? Bawal!" singhal ni
Clouds at lumapit kay Seola. "O baka naman
stalker talaga kita? Haist! Hindi kita type!"
Napabuntonghininga ang dalaga. Hindi nga
siya maalala ni Clouds. Ang sabi ni Clarissa,
huwag daw nilang i-pressure si Clouds dahil
baka mas lumala pa ang kalagayan nito.
"Ano na? Hindi ka sasagot? Ipapakaladkad
kitasa security guard!"
"Talent siya ng Bright Star," sabat ni Red na
nasa likuran ni Seola kaya napanganga si
Clouds.
"Baliw ka na ba, Red?" bulalas ng binata at
itinuro si Seola, "Siya? Talent ng Bright
Star? Paano nakapasok ang tinderang iyan
kung wala naman siyang talent?
Nagsasayang ba kayo ng pera?"
Napailing si Red. "Hayaan mo na ako, pera
ng pamilya ko naman ang malulugi sa
desisyon ko."
Alam na niyang gustong ilihim ng mga
magulang nito ang amnesia ng pinsan para
walang gulo sa media. Bahala sila. Maki-ride
on na lang siya sa plano ng mga ito.
"Kahit na. Tanggalin mo 'yan sa Bright Star!"
Parang boss na utos ni Clouds.
"Ang career mo ang atupagin mo at huwag
ang kay Seola," sabat ni Red at napasulyap
sa dalagang nakayuko at hindi kumikibo.
Ilang beses niya itong nadadatnan sa
hospital sa labas ng kuwarto ni Clouds kaya
siya na lang ang nakipag-usap kay Seola na
umalis na lang muna bago pa dumating ang
reporters. Baka malito ang mga ito sa
impormasyong ibinigay ng mag-ianng Rica
at Clarissa. Walang ibang nakakaalam sa
nangyari kundi sina Clarissa, Seola at Clouds
lang pero ayaw magkuwento ni Seola. Sa
tuwing subukan niyang alamin, napapayuko
lang ito at malungkot na nakatitig sa kaniya.
Si Clarissa ay hindi pa niya nakakausap.
"Bakit nagkaroon ng pangit sa agency na
ito? Noong una, sa Westbridge. Tapos
ngayon, sa Bright Star naman!" naiinis na
sabi ni Clouds at masamang nakatitig sa
nakayukong dalaga. Naiinis siya noong
sabihin nitong may relasyon sila. Hindi kaya
niya ito type.
"Halika na, Seola. Sasama ka pa kina Yuri sa
mall show nila," yaya ni Red at inakbayan
ang dalaga para mag-prepare na.
"Huwag mo siyang akbayan!" singhal ni
Clouds saka mabilis na tinanggal ang kamay
ng pinsan sa balikat ni Seola at tinulak nang
malakas ang si Red palayo kay Seola. Sabay
na napaharap ang dalawa sa kaniya na
nakakunot ang mga noo.
Natigilan si Clouds sa ginawa. Kusa na lang
kasing gumalaw ang mga kamay niya para
gawin iyon. Basta hindi lang niya nagustuhan
ang ginawang pag-akbay ni Red kay Seola.
"May problema ba kung akbayan ko siya,
Clouds?" tanong ni Red na nakatitig sa
mukha ng namumulang pinsan. Gusto niyang
patulan kung 'di lang nagka-amnesia ito.
"H-Hin--h-hindi maganda sa isang boss na
akbayan ang bagong talent niya dahil baka
kung ano ang isipin ng iba. Isa pa, nasa
agency kayo. Ano na lang ang sasabihin ng
iba kapag malaman nilang may pinapaboran
ka!" agad na depensa ni Clouds. Palibhasa
may pagkamanyakis din si Red kaya kahit
sino, pinapatos nito. Kahit itong si Seola na
ang pangit, mukhang papatulan pa.
"Iwan ko sa 'yo! Aakbayan ko ang lahat ng
gusto ko," ani Red at hinawakan si Seola sa
kamay saka hinila na palayo kay Clouds.
Kung nakalimutan nito si Seola, mukhang
bumalik nga ang inis niya sa dalaga.
Malayo na sina Red at Seola nang sinipa ni
Clouds ang basurahan at ipinagpatuloy ang
paglalakad patungo sa studio niya.
Inilapag niya ang bag sa sofa saka lumapit
sa table pero napalinga-linga siya na para
bang may hinahanap.
Lahat na yata ng sulok ng studio, natingnan
na niya pero wala talaga.
"Badtrip na nga ako, wala pa ang gitara ko!"
pagmamaktol niya at nang mapagod sa
kakahanap ay naupo na siya sa swivel chair
at ipinatong sa ibabaw ng mesa ang mga
paa.
"Hindi na nga maganda ang tulog ko, sinira
pa ng tinderang iyon ang araw ko!" bulong
niya at dinukot ang cellphone sa bulsa pero
naalala niyang wala pala siyang cellphone
dahil bawal daw sabi ni Clarissa noong nasa
hospital pa siya. Nadurog din ang cellphone
niya dahil nadaganan kaya itinapon na nila.
Napahawak siya sa sugat sa ulo. Naalala niya
ang litrato nila ni Clarissa na nasa
newspaper. Duguan siya at walang malay
habang umiiyak si Clarissa. Oo, maganda si
Clarissa at wala siyang maireklamo sa mukha
ng dalaga kaso ayaw lang niyang patulan ito
dahil lolokohin lang niya kung maging sila
man. Hindi lang niya akalaing aabot siya sa
limit at naging sila.
Bumukas ang pinto at nakangiting pumasok
si Clarissa.
"Good morning, babe," bati ng dalaga at
naupo sa harapan niya. "Tumawag ako sa
inyo, ang sabi ng mommy mo, nandito ka
na kaya rito na ako dumiretso."
"Oo," sagot ni Clouds.
"Here," ani Clarissa at inabot ang isang
iPhone sa binata. "Nasira ang cellphone mo
noong iniligtas mo ako kaya papalitan ko na
lang. Naka-save na rin ang number ko rito."
"Nag-abala ka pa," nakangiting sabi ni
Clouds at kinuha ang cellphone. Kailangan
nga niya ito.
Tipid na ngumiti si Clarissa. Hindi naman
talaga nasira ang cellphone nito pero kinuha
lang niya dahil may mga litrato at video ni
Seola. Hindi siya sang-ayon sa ganitong
setup pero wala siyang magagawa. Kailangan
niyang sakyan ang amnesia ni Clouds kahit
na alam niyang pansamantala lang ito. Wala
siyang choice. Pinabura na rin ng ina niya
ang record sa CCTV sa likod ng building.
Kapag makaalala na si Clouds, bahala na.
"Kumain ka na ba, Clouds?"
"Nag-juice lang. Halika, kain tayo sa
cafeteria," yaya ni Clouds at tumayo.
"Sure," nakangiting pagpayag ni Clarissa at
sumama kay Clouds.
Napatingin siya sa binata nang tumigil ito sa
paglalakad kaya sinundan niya ang
tinitingnan nito.
Sina Red at Seola, masayang nag-uusap na
makakasalubong nila. Tumigil din ang dalawa
nang mapansin sila.
"Nagkita ulit tayo, Clouds," wika ni Red pero
hindi umimik si Clouds. Nakatitig lang ito
kay Seola na malungkot na nakatitig sa
kaniya.
"K-Kakain lang kami sa canteen," mabilis na
sabat ni Clarissa at ipinulupot ang kamay sa
kanang braso ni Clouds.
"Hindi ko akalaing kayo na pala," wika ni Red
na kay Clarissa ang mga mata pero agad na
iniwas ng dalaga ang mga mata kay Red
dahil hindi niya kayang makipagtitigan dito.
Alam niyang mali ang ginagawa niya pero
wala na siyang magagawa pa. Kailangan
niyang sundin ang ina dahil kung hindi,
makukulong siya at mawawalan siya ng
career. Hindi niya iyon makakaya.
"Bakit? Impossible ba?" nakataas ang kilay
na tanong ni Clouds at hinila na si Clarissa
para lagpasan ang dalawa.
"C-Clouds?" tawag ni Clarissa nang
makapasok na sila sa cafeteria. Binitiwan ni
Clouds ang kamay ng dalaga.
"Bibili lang ako ng pagkain, maupo ka na
muna."
Lumapit si Clouds sa counter. Binati siya ng
kakilala niyang cashier.
"Mabuti at magaling na po kayo, Sir Clouds.
Congrats pala sa inyo ni Ma'am Clarissa.
Finally, kayo rin pala."
"Salamat," tipid na pasalamat ng binata at
inabot na ang tray matapos magbayad.
Lumapit siya kay Larissa at inilaag ang
pagkain.
"Clouds? Plano kung magkaroon tayo ng
album, okay lang ba?" ani Clarissa habang
kumakain na sila.
"Ikaw ang bahala," sagot ni Clouds na kanina
pa hindi nagsasalita.
"M-May problema ka ba, Clouds? Ang
tahimik mo yata?"
"Clarissa? Puwedeng magtanong?"
seryosong tanong ni Clouds.
"A-Ano iyon?" kinakabahang sagot ng
dalaga.
Isang malalim na buntonghininga ang
pinakawalan ni Clouds bago magsalita,
"Minahal ba talaga kita? Nagmamahalan ba
talaga tayo?"
Napatigil si Clarissa sa pagkain at napatitig
sa mukha ni Clouds. May naalala na ba ito?
Bumalik na ba ang alaala nito?
"Haist! Kalimutan mo na ang tanong ko," ani
Clouds at ipinagpatuloy ang pagkain. Baka
na-offend si Clarissa? "Pasensiya ka na,
naguguluhan lang ako dahil sa amnesia ko."
Ngumiti si Clarissa. "Wala iyon. Ang
mahalaga, nagbago ka na at nabawi mo na
ang kasikatan mo."
Napatango si Clouds at ipinagpatuloy ang
pagkain pero may isang bagay na sumasagi
sa isip niya; Kung totoong mahal niya si
Clarissa, bakit hindi niya nararamdaman?
Nagka-amnesia na rin ba pati ang puso niya?

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon