5

1.3K 55 0
                                    

MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 5

Unedited...
"Gago ka talaga, Clouds!" pagmumura ni
Riffle na pinsan nila.
"Ano na? Hahanapan ninyo ako ng
matutuluyan? O hahayaan ninyo ako na
matulog sa lansangan?" tanong ni Clouds.
"Mas gusto ko ang idea na matulog ka sa
lansangan," sagot ni Revolver kaya masakit
na titig ang itinapon ni Clouds sa
magkambal na kaharap. Anak ito ng Tita Lyn
nila na kapatid ng ama.
"Wala akong mapapala sa inyo!" galit na sabi
ni Clouds. "Mabuti pa kung kina Gab at Luis
na lang ako humingi ng tulong!"
"Banned ka na sa lahat ng pamilya natin,
Clouds," ani Riffle na ipinatong ang mga paa
sa center table ng VIP room sa isang sikat
na bar.
"What? Hindi ako matitiis ng mga Lacson!"
sagot ni Clouds.
"Come on, Clouds. Nasaan ang pride mo?
Ganiyan ka na ba ka walang kuwentang
anak, kapatid at pinsan?" sumbat ni Revolver
kaya napanganga si Clouds.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Kuya
Revolver?"
"Tsk! Wala ka talagang respeto, Clouds. Sa
side namin, huwag kang umasang tutulungan
ka namin," sabat ni Riffle.
"Parang hindi ko kayo pamilya, ah!" ani
Clouds. Grabe ang dalawang 'to.
"Bautista kami," nakangising wika ni Riffle.
Sila ang kambal na anak ni Drew Bautista at
Lynlie Villafuerte kaya ang gaguwapo rin
naman ng mga ito pero kung titigang maigi,
iba na ang mukha ng magkambal. Mas
nanaig na ang dugong Bautista ng mga ito
kaysa sa Villafuerte.
"Haist! Makaalis na nga! Mga walang
kuwentang kausap!" inis na sabi ni Clouds at
tumayo saka lumabas sa silid na iyon.
Bumungad sa kaniya ang maingay na musika
at mga taong nagsasayawan.
Tuloy-tuloy siya sa labas ng bar at
dumiretso sa sasakyan saka nagmaneho
pabalik sa hotel na tinutuluyan niya.
Tama naman sina Riffle, dapat na magkaroon
pa siya ng pride. Siya itong naturingang
matanda pero siya pa ang naging masamang
example sa mga Lacson.
"Fuck!" pagmumura niya at kaagad na
nagpreno nang may tumawid na bicycle
pagpaliko niya. Kaagad na bumaba siya nang
makitang natumba ang may sakay niyon.
"Gago ka ba? Magpapakamatay ka?" singhal
niya.
"Ang mga balut ko!" naiiyak na sabi ng
babae habang pinupulot ang mga balut.
Lumingon siya kay Clouds kaya nanlaki na
naman ang mga mata ng binata.
"The fuck! Ikaw na naman?" bulalas ni Clouds
nang mamukhaan si Seola. "Of all people,
ikaw na naman?"
"Ikaw na naman?" bulalas din ni Seola.
Nabasag na ang halos kalahati ng tinitinda
niyang balut. "Papatayin mo ba ako,
Clouds?"
"Kapal ng mukha mo! Ikaw nga itong
tumawid bigla!" depensa ni Clouds at sinipa
ang isang balut.
"Hey! Hindi mo ba alam na ako ang
magbabayad ng nabasag na balut?" singhal
ni Seola. Mabuti na lang dahil nasa tabi sila
pero may iilang balut pa rin na napunta sa
gitna ng kalsada at napisa ng mga
sasakyang dumadaan.
"Pakialam ko? Ikaw ang wala sa lugar!" sagot
ni Clouds.
"Wala kang headlight!" depensa ni Seola at
naiyak na lang dahil sa dami ng balut na
nabasag. Paano na ang kita niya? Siya ang
magbabayad ng mga nabasag kaya sa halip
na kumita, siya pa ang malugi. Mahigit 300
peso rin ang halaga ng mga nabasag.
"Hindi ka dapat na tumawid. May streetlight
naman!" depensa ni Clouds saka bumalik sa
sasakyan niya.
"Hey, bayaran mo 'to!" sigaw ni Seola at
patakbong lumapit kay Clouds pero
nakasakay na ang binata at pinaharurot
palayo ang sasakyan.
"Walang modo!" sigaw ni Seola at isa-isang
pinulot ang puwede pang maibenta at kahit
ang mga basag, binalik niya sa icebox. Hindi
nila ito maubos kainin ni Astray kaya
ibebenta na lang niya ng kalahati ang mga
basag para kahit paano, may kita pa naman
siya. Sigurado, marami ang papatol dahil
mura lang. Sabihin na lang niyang napisa
nang ilagay niya sa ice box.
"Kapal ng mukha! Hayop talaga siya!"
pagmamaktol niya. Sa halip na sumuko,
magbebenta pa rin siya. Bakit ba mula nang
makilala niya si Clouds, puro na lang
perwisyo ang dinadala ng lalaki sa kaniya.
"Sana maghirap ka para maranasan mo kung
gaano kahirap ang mabuhay sa mundo na
walang-wala!" panunumpa niya kahit na alam
naman niyang imposible iyon dahil mula ito
sa mayamang angkan. Imposibleng maghirap
ang mga Villafuerte. Wala siyang magawa,
ganoon talaga ang buhay; hindi lahat ng
gusto mo ay makukuha mo na lalo na kung
mahirap ka lang.
-------------------
"Sir? Pasensiya na po pero wala naman pong
laman ang ATM na ito," paumanhin ng
saleslady at inabot pabalik ang ATM card ni
Clouda.
"Paanong wala? Marami pang laman 'yan!"
sagot ni Clouds.
"Wala na po, sir," sagot ng saleslady kaya
kinuha ni Clouds at dumukot ng isa pang
ATM at ibinigay sa babae.
"Try this!"
"Yes, sir," magalang na sagot nito. Laking
pasalamat ni Clouds nang may laman pa ang
huling ATM niya. Ito na lang ang natitira
dahil ang ibang bank account niya ay wala
na ring natirang pera. Nitong nakaraang
araw, panay ang bar niya at pagbili ng mga
gamit. Kahit pagkain, binibili pa niya at wala
namang pumapasok na pera kaya nauubusan
na siya.
Nang makabalik sa hotel na tinutuluyan,
pabagsak na inihiga niya ang sarili sa kama.
"Natitiis talaga ako ng pamilya ko? Sa oras
ng kagipitan, nasaan sila?" naiinis na tanong
niya. Kahit ang limang kapatid ay wala man
lang pakialam sa kaniya. Busy ang mga ito sa
pambabae kaysa sa damayan siya.
Tumayo siya at pumunta sa shower room
saka nagpalit ng damit. Alas onse pa lang
kaya papasok siya ngayong hapon.
Paubos na ang pera niya kaya hindi siya
puwedeng tumagal sa hotel na ito.
"Psh! Magpakamatay na lang kaya ako?"
bulong niya habang nasa elevator.
Pagdating sa parking lot ng hotel, sumakay
siya sa sasakyan at nagmaneho patungo sa
Westbridge.
Inilagay niya ang earphone at tinawagan ang
manager.
"Wala ba akong schedule?" kalmadong
tanong niya na para bang walang nangyari.
Iniliko niya ang sasakyan nang mag 'go'
signal.
"Wala. Walang nagpapa-book at kahit sa
radio station, wala na rin ang mga kanta
mo."
"What the fuck? Ano ang ginagawa mo
bilang manager ko?" singhal niya at
pinabilisan ang pagpatakbo ng sasakyan.
"Alam mo namang mainit pa ang isyu sa 'yo
at walang gustong kumuha dahil sa
reputasyon mo."
"Wala? Lalaki lang ako at normal lang na
may babaeng maglandi sa akin. Ano ang
masama roon?" Marami na siyang isyu pero
nalalampasan naman niya at nagagawan ng
paraan ng agency.
"Ang kaso, sumuko na ang Bright Star sa
'yo. Isa pa, marami na ang magagaling na
baguhan, accept it, masakit man tanggapin
nasasapawan ka na kaya hindi na kayang
hatakin ng agency ang karera mo." sagot ng
manager niya kaya napabuntonghininga na
lang si Clouds at tinapos ang tawag.
Napahilamos siya sa mukha. Wala na
talagang pag-asa ang career niya. Kahit ang
manager niya, mukhang sinukuan na rin siya.
"Dahil lang sa isang sex scandal?" bulong
niya na nanginginig ang buong katawan.
Pagdating sa paaralan, kaagad na hinanap
niya si Red.
"Nasaan si Kuya Red?" tanong niya kay Star
na naglalaro ng PSP sa classroom.
"Hindi ko alam. Wala ba sa classroom nila?"
"Magtatanong ba ako kung nakita kong
naroon siya?" naiinis na sagot ni Clouds at
humarap kay Moon. "Hey, Moon? Nasaan na
si Kuya Red?"
"Hindi ko alam. Huwag ka ngang maingay!"
sagot ni Moon na busy rin sa pakikipag-usap
sa cellphone.
Wala man lang bang pakialam ang mga ito
sa kaniya? Lumabas siya sa classroom. Alas
dose pa lang naman kaya may time pa siyang
kausapin si Red kapag makita niya.
"Kuya!" tawag niya nang mahagip ng mga
mata niya ang pinsan.
"Clouds!" nakangiting bati ni Red at hinintay
siya. "Kumusta ka na?"
"Matapos ako pabayaan ng agency ninyo,
'yan ang itatanong mo sa akin?" Napakamot
si Red sa ulo at ipinagpatuloy ang
paglalakad kaya sinundan siya ni Clouds.
"Hindi ka pinabayaan ng agency, ikaw ang
nagpabaya sa karera mo," sagot ni Red.
Sinusundan pa rin siya ni Clouds hanggang
sa makarating sila sa mga stall.
"Haist! Kaya nga dapat na tulungan ninyo
akong mahatak ang career ko!" sagot ni
Clouds at nagsalubong ang kilay ng makita
ang babaeng nagtitinda ng pancit canton.
"Hello, Seola," nakangiting bati ni Red.
"Dalawang order ng kikiam."
"Hello po, sir. Sige po," sagot ni Seola at
napasimangot nang mapansin ang kasama ni
Red.
"Bakit ba ang hilig mong kumain dito?"
naiinis na tanong ni Clouds at naupo sa tabi
ng pinsan.
"Masarap ang sauce nila rito," sagot ni Red
kaya napasulyap si Clouds kay Seola na
nagpiprito ng kikiam.
"Kuya? Bakit--"
"Kung tungkol sa career mo ang pag-
uusapan natin, ang ama mo ang kausapin
mo, Clouds. I am just following his orders.
Isa pa, sira na talaga ang imahe mo lalo na
sa mga kabataan at hindi ka mahahatak ng
pamilya natin. Ikinama mo ang anak ng
manager ng kaibigan mo. Clouds naman,
hindi ka mabuting ihemplo sa mga
baguhan," sagot ni Red. Suko na siya sa
pinsan dahil ilang beses na nila itong
pinagtakpan. Ilang reporters na nga ang
kinausap at binayaran nila para huwag lang
lumabas ang isyu tungkol kay Clouds.
"Ano ang gagawin ko para makapabalik
ako?" pagsuko ni Clouds.
"Hindi ko rin alam. Pero sana kapag
makabalik ka, dala mo na ang malinis na
pangalan," sagot ni Red.
"Ito na po, sir," sabi ni Seola at inilapag sa
harapan ng dalawa ang kikiam.
"Seola? Napag-isipan mo na ba ang sinabi
ko?" tanong ni Red kaya napatingin si
Clouds sa dalaga.
"Wala po akong balak na sumali, sir.
Pasensiya ka na," paumahin ng dalaga.
"Maganda at buo ang boses mo, may
potential ka," pangungumbinse ni Red. Ilang
beses na niyang nahuling kumakanta ang
dalaga habang nagluluto.
"Ano ba ang pinagsasabi ninyo?"
nagtatakang tanong ni Clouds.
"Ah, gusto ko siyang sumali sa audition para
sa mga bagong singers na kukunin ng
agency," sagot ni Red.
"Magpapa-audition kayo?" tanong ni Clouds.
"We need new singers. Iyong mga bagong
mukha at boses sa industriya," sagot ni Red.
"Kailangan pala ninyo pero pinapabayaan
ninyo ako. Malaki naman ang kita ng agency
dahil sa akin ah," sumbat ni Clouds
Tinapik siya sa balikat ni Red, "Iba ang kaso
mo, Clouds."
"Hindi siya sisikat! Sa mukhang 'yan, wala
siyang puwang sa industriya," panunuya ni
Clouds na sadyang nilakasan ang boses para
marinig ng dalaga kaya inirapan siya nito.
"Let's see," sabi ni Red at kinain ang isng
hiwa ng kikiam. "Kaunting ayos lang and
proper handling kay Seola, may mararating
siya sa mundo ng industriya."
"Sabi mo e," sagot ni Clouds at tumusok ng
isang kikiam na in-order ni Red at kinain..
"Kailangan lang ni Seola ng manager," ani
Red at hinarap si Clouds. "You can use her
para makabalik sa entablado."
"Marami akong options," sagot ni Clouds at
inubos ang kikiam na hindi niya alam kung
ba't siya kumakain.
"Bahala ka," sagot ni Red at tinawag si
Seola. "Bayad ko. Keep the change."
"Salamat po," magalang na sagot ni Seola at
kinuha ang isang daan.
"Here," ani Red at may inabot sa kaniya na
maliit na papel. "Gate pass 'yan sa audition,
pag-isipan mo."
"Salamat pero ayaw ko talaga," sagot ni
Seola na hindi pinansin ang kakaibang titig
ni Clouds sa kaniya bago siya bumalik sa
puwesto niya.
"Bestfriend!" masiglang tawag ng
magandang babae palapit sa kanila. "Hello,
Sir Red."
Naupo ito sa harapan ng dalawang binata.
"Bes? Kailan ang concert mo?"
"Next month na," sagot ng dalaga.
"Puwede mo akong i-guest," ani Clouds
kaya napakamot ang ulo ng dalaga. Isa
siyang sikat na singer ngayong henerasyon
na kasabayan ni Clouds kaya nga sila naging
matalik na magkaibigan.
"Sisirain mo lang ang career ng bestfriend
mo," sabat ni Red kaya natahimik si Clouds.
"Hayaan mo, lilipas din 'yan at makakabalik
ka," nakangiting sabi ng dalaga kaya tumayo
si Clouds. Bakit ba pakiramdam niya, lahat
ay tumatalikod sa kaniya?

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon