29

1.1K 54 1
                                    


MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 29

Unedited...
"Bakit ka nandito?" tanong ni Clouds nang
pagpasok sa studio ay nakaupo si Seola sa
silya na nasa tapat ng table niya.
"Binibisita ka," nakangiting sagot ng dalaga.
"At bakit?"
"Na-miss ko si Ulap?"
"Bumalik ka na sa studio mo, baka may
makakita pa sa 'yo," pagtataboy ni Clouds
kaya napangiti si Seola at tumayo.
"Gusto mo na akong bumalik?"
Napataas ang kilay ni Clouds habang
nakatitig sa dalaga. "Naman! Baka kung ano
pa ang sabihin nila kapag madatnan ka nila
rito."
"Really?"
"Oo sabi! Ba't ba--"
Hindi na natuloy ng binata ang sasabihin
nang niyakap siya ni Seola.
"B-Ba't nanyayakap ka?" nauutal na tanong
ni Clouds at marahang tinapik ang balikat ni
Seola.
"Huwag ka na kasing maraming salita, yakap
ka na lang," nakangiting sabi ni Seola saka
inamoy si Clouds. Okay, malandi siya ngayon
pero slight lang.
"B-Bilisan lang natin," kinakabahang bulong
ni Clouds at gumanti sa yakap ni Seola.
"Huwag kang mag-alala, sarado ang pinto,"
natatawang sabi ni Seola at kumalas sa
pagkakayakap sa binata saka inayos ang
kuwelyo ng polo nito.
"Aalis na ako, babawi pa ako sa manager ko
dahil sa pag-skip sa interview kahapon,"
paalam ng dalaga.
"Seola?"
"Hmm?"
"Wait lang, may ginawa akong tea para sa
'yo," sabi ni Clouds at kinuha ang isang
tumbler sa ibabaw ng table. "Dalawa 'yan
kaya sa 'yo ang isa."
Inabot ni Seola ang binibigay ni Clouds.
"Salamat, Ulap."
"Alis na," pagtataboy ni Clouds at inginuso
ang pinto kaya napilitang lumabas si Seola.
"Nasa loob si Clouds?" tanong ni Clarissa
nang makasalubong niya.
"Oo," sagot ni Seola.
"Masaya ka yata?" puna ni Clarissa.
"H-Ha? Wala naman," ani Seola at
sinubukang maging seryoso ang mukha.
"Okay," ani Clarissa at nilagpasan na siya
saka tumuloy sa studio ni Clouds.
Pagbalik ni Seola sa studio, nag-aabang na
ang manager niya.
"Okay ka na? Kung masama pa ang
pakiramdam mo, magpahinga ka muna," sabi
ng manager. Iyon kasi ang idinahilan niya
kahapon kung bakit bigla na lang siyang
umalis na walang paalam.
"Okay na po ako, pasensiya ka na talaga sa
nangyari kahapon. Alam mo naman po na
masakit ang ulo ko at muntik na akong
masuka," paumanhin niya kaya nagsalubong
ang kilay ng manager.
"Buntis ka?"
Napahampas si Seola sa balikat nito at
tumawa. "Ano ka ba, manager. Hindi ah.
Wala kang dapat na ipag-alala dahil hindi pa
ako buntis."
"Naku, sabihin mo lang para makapaghanda
ako. Teka, may boyfriend ka na ba?"
"H-Ha?"
"May boyfriend ka na ba? Baka mamaya, sa
newspaper ko pa mabalitaang may boyfriend
ka na at buntis pa."
Umiling si Seola. "W-Wala pa po," sagot
niya. Wala naman silang napag-usapan ni
Clouds kaya hindi pa nga siguro sila kahit na
nagkaaminan na ng feelings? Magulo rin sila
e.
"Malapit na 'yan, sikat ka na eh,"
natatawang sabi ng manager.
"Manager Yoo? M-May boyfriend ka ba?"
naiilang na tanong ni Seola sa gay manager.
Ladladd naman ang kabaklaan nito pero
ngayon lang niya natanong.
"Hmm? Hiwalay na. Actually, may family na
siya nang maging kami. Well? Tanga ako,
eh, kaya tanggap ko siya pati buong pamilya
niya. Lahat ng gusto niya at ng dalawa
niyang anak, binibigay ko," natatawang
pagkuwento ni Mr.Yoo. "Ganoon ako
magmahal, giver ako. Pati nga lipstick ng
asawa niya, ako pa ang bumibili. Alam ko
naman kasing mas priority niya ang family
niya kaysa sa akin kaya sapat na sa akin na
minsan lang kami magkita. Iyong kapag
sahod na, nandiyan na siya para kumuha ng
parte niya."
Napatitig si Seola sa tumatawang manager.
Sa totoo lang, wala siyang nakikitang
nakakatawa roon.
"Pero nagising na lang ako isang umaga sa
katotohanan. Katotohanang ayaw ko nang
magpakatanga dahil hindi naman talaga niya
ako mahal kundi ang perang ibinibigay ko sa
kaniya. Kaya mula nang maghiwalay kami,
focused na ako sa parents ko. At least
pamilya ko ang nakikinabang sa
pinaghirapan ko. Matanda na kasi sina
Mudra at Pudra kaya gusto kong maging
hayahay na sila sa buhay.
"Pero may mga gay naman na maganda ang
lovelife."
"I know," pagsang-ayon ni Manager Yoo,
"Ang malas lang talaga ng napili kong
mahalin. Okay lang 'yon, at least nagising na
ako sa katotohanan. Lesson learned na lang
para sa akin. Marami rin naman akong
bisexual na kaibigang successful ang
marriage nila kahit na pareho sila ng
kasarian."
Ngumiti si Seola. "At least mayaman ka na
ngayon at tama ang ginawa mo na sa mga
magulang mo ibinibigay ang pera mo. Kita
mo, mga professional na ang mga
pamangkin na pinaaral mo," puri ni Seola.
Karamihan ay nurse at doctor na sa ibang
bansa kaya masaya siya para sa manager.
"That's life. Wala naman akong hinihingi sa
mga pamangkin ko. Ang mahalaga ay
natapos nila ang pag-aaral nila at mabuti na
ang buhay nila."
"Masuwerte ang mga pamangkin na
pinapaaral ng Tito at Tita nila," pabulong na
sabi ni Seola. Sana may pamilya rin siyang
ganiyan.
"Masuwerte rin si Ash sa 'yo dahil
nagsusumikap ka para sa kaniya," puri ng
manager kaya napangiti si Seola. "Kaya kung
ako sa 'yo, galingan mo pa lalo para malaki
ang kita ko sa 'yo at malaki rin ang pera
mo."
Natawa si Seola. "Hmm? Mas marami ang
pera mo dahil kapag wala ako, marami ka
pang hinahawakan na talent."
Napataas ang kanang kilay ni Manager Yoo,
"As of now, ikaw muna ang favorite ko. Kaya
bawal na ang mang-indian sa reporters para
hindi mawala ang commercials mo, okay?"
Nag-practice na si Seola sa practice room
nang umalis na ang manager.
Bitbit ang malaking shoulder bag na may
mga damit, lumapit siya sa elevator.
"Pasok na," sabi ni Clouds nang makita si
Seola na nasa tapat ng pinto ng elevator at
alanganing nakatingin sa kaniya. Pumasok
ang dalaga. Pinindot na ni Clouds ang close
button at umatras pero pumasok ang apat
na magbarkada na maingay pa kaya
napaatras si Seola sa likuran katabi ni
Clouds.
Nag-uusap ang mga ito nang maramdaman
ni Seola ang mga daliri ni Clouds sa kamay
niya. Napangiti siya at nakipag-holdinghands
sa binata. Tutal, wala namang nakikita ang
magbarkadang nasa unahan nila.
Pinisil ni Clouds ang kamay niya at nginitian
siya kaya patay-malisya na rin si Seola. Nang
tumigil ang elevator sa ground floor, agad
na hinila ni Seola ang kamay niya at lumabas
kasabay ng mga nakasakay sa elevator.
"Pauwi ka na?" tanong ni Clouds habang
sinasabayan siya pero ang mga mata ay sa
unahan nakatingin.
"Oo," sagot ni Seola pero hindi nakatingin
kay Clouds.
"Date tayo?" yaya ni Clouds kaya napatigil si
Seola. "Same place, hintayin kita," sabi ni
Clouds at walang lingong dumiretso sa taxi
na nag-aabang sa labas.
Dumaan muna siya sa flower shop at bumili
ng puting bulaklak. Alas dos na nang
makarating siya dahil traffic pero wala pa si
Seola.
"Haist! Saan na ba siya?" naiinis na tanong ni
Clouds. Isang oras na siyang naghihintay kay
Seola pero wala pa ang dalaga.
"Tita? Tito?" pabulong na sabi ni Clouds
habang nakaupo sa lapida ng mga magulang
ni Seola. "Huwag kayong magalit kung dito
ko dinadala ang anak ninyo. Dito lang kasi
ang pinaka-safe na lugar para sa amin eh,"
bulong ni Clouds. Sa lahat ng babae, si
Seola lang talaga ang na-date niya sa
cementeryo.
"Kuya Clouds!" tili ni Ash na patakbong
lumapit sa kaniya.
"Ash?" nakangiting wika ni Clouds at binuhat
ang bata matapos nitong salubungin. "Bakit
ka sumama?"
"Gusto ko pong makita ang parents ko at
higit sa lahat, gusto kitang makita, Kuya!"
masiglang sabi ng bata.
"Kiss mo 'ko kung na-miss mo 'ko,"
natatawang sabi ni Clouds kaya pinaliguan
siya ng mga halik ng bata sa pisngi.
"Gusto kong magselos!" nakasimangot na
sabi ni Seola habang nakatingin sa dalawa.
Ibinaba ni Clouds si Ash at humarap kay
Seola. "Okay lang ba sa 'yo na mag-kiss
tayo sa harap ng parents mo?" tanong ni
Clouds at inginuso ang lapida ng parents ni
Seola kaya namula ang pisngi ng dalaga.
"Joke lang!"
"Psh! Ayaw mo rin pala eh," sabi ni Clouds.
Kinuha ni Seola ang mahabang tela at
inilatag sa ibabaw ng lapida ng parents niya
saka inayos ang mga pagkain.
"Ano 'yan?" natatawang tanong ni Clouds.
"Magpi-picnic po tayo, Kuya Clouds," sagot
ni Ash at tinulungan ang kapatid sa paglabas
ng mga pagkain. Naupo si Clouds sa tabi ni
Seola na napagitnaan nila ni Ash.
"Hanggang sa picnic, magpa-pancit canton
tayo?" hindi makapaniwalang tanong ni
Clouds. May fishball at kikiam pa.
"Huwag ka nang magreklamo, ito lang kasi
ang madaling lutuin," sabi ni Seola.
"Kaya pala isang oras akong naghintay sa
inyo," ani Clouds at kinuha ang ibinibigay na
paperplate ni Seola at kuha ng kikiam.
"Kuya Clouds? Pupunta ka ba sa bahay?"
nakatingalang tanong ni Ash.
"Bawal pa kasi marami ang isyu," sagot ni
Clouds at ginulo ang buhok ng bata. "Kapag
okay na ang lahat, palagi na kitang
bibisitahin."
"Kuya Clouds? Alam mo bang nalungkot ako
dahil paggising ko, wala ka na sa bahay?"
nakalabing sabi ng bata.
"Nandito naman ako at palagi na tayong
magkikita rito," ani Clouds. Malayo ang
ibang taong bumibisita sa puntod ng mahal
nila sa buhay kaya safe naman sila.
"Dito na ba tayo parati magkikita?"
nakasimangot na tanong ni Seola.
"Ayaw mo pa no'n? Palagi nating
nakakasama ang parents mo," ani Clouds
kaya natawa si Seola.
"Magandang idea," sabi ni Seola at
napatingin kay Ash na maganang kumakain
ng fishball.
"Clouds? Kumusta na ang kantang isinusulat
mo?" tanong ni Seola.
"Hindi ko pa tapos pero malapit na," sagot
ni Clouds at napasulyap sa dalagang katabi.
Ipinatong niya ang kamay sa kamay ni Seola.
"Hayaan mo, kapag bumalik na sa dati ang
lahat, hindi na tayo magtatago sa publiko."
"M-Mahal mo ba talaga ako?" pabulong na
tanong ni Seola matapos ilapit sa tainga ni
Clouds ang mukha niya pero natigilan siya
nang humarap si Clouds kaya amoy na amoy
niya mabangong hininga nito. Amoy menthol
kahit na kumain pa ito ng kikiam.
"Sa tingin mo?" patanong na sagot ni
Clouds at pinagmasdan ang makinis na
mukha ni Seola. Wala itong pimples pero
maliit lang talaga ang bridge ng ilong nito
at medyo singkit ang mga mata.
Hindi umimik si Seola at nakipagtitigan lang
kay Clouds. "Ayaw mo? Matangos ang ilong
ng mga Villafuerte."
"Kainis ka!" reklamo ni Seola at tinulak si
Clouds nang pingutin nito ang ilong niya.
"Hmm? Gusto mo rin namang magkalahi sa
akin e," pilyong sabi ni Clouds at inakbayan
si Seola. "Alam mo? Huwag ka nang
magtampo kung tuksuin kita na pango."
"Bakit ba palagi mo akong inaasar na
pango?"
"Kasi ang cute mo kapag nagagalit ka at isa
pa, gusto kong asarin ka pa lalo. Ang totoo
niyan, gusto ko lang na palagi mo akong
napapansin," pag-amin ni Clouds at inalis
ang pagkakaakbay kay Seola nang may
dalawang babae na palapit sa kanila.
"Yumuko ka," bulong ni Clouds kay Seola at
sinuot ang sunglasses at inilagay sa ulo ng
dalaga ang sombrero niya para hindi sila
mamukhaan.
"Bumalik po sila," bulong ni Ash kaya
nakahinga nang maluwag si Clouds.
"Akala ko talaga, dadaan sila sa atin," ani
Clouds kaya natawa si Seola.
"Ayaw mong malaman nila ang relasyon
natin, Ulap?"
"Hindi mo ako naintindihan, Seola. Haist!
Basta! Hindi kita ikinakahiya kaya huwag
kang magtampo. Balang araw, maiintindihan
mo rin. Bago ka pa lang kasi sa business na
ito kaya medyo hindi mo pa kabisado ang
lahat!" naiinis na sabi ni Clouds pero agad
namang nawala nang niyakap ni Seola ang
braso niya at isinandal ang ulo nito sa
balikat niya.
Nag-usap pa sila at nakipagkulitan si Clouds
kay Ash hanggang sa magdapithapon na
kaya naisipan na nilang umuwi.
"Salamat sa sombrero mo," pasalamat ni
Seola nang humarap kay Clouds.
"Ingatan mo 'yan, mahalaga sa akin 'yan,"
bilin ni Clouds. "At ang mga bilin ko, sundin
mo. Bawal ka sa malamig na tubig kaya
mag-tea ka palagi na may honey at lemon.
Lagyan mo rin ng pipino at lemon ang tubig
mo, okay?"
"Oo, I love you," sabi ni Seola.
Luminga-linga muna si Clouds sa paligid.
Mukhang wala pa namang nakakilala sa kanila
dahil malayo sila sa ibang tao na nag-
aabang ng sasakyan.
"I l-love you too..." mahinang sagot ni
Couds kaya natawa si Ash.
"Ayieee. Sabi ko na nga ba eh, love ninyo
ang isa't isa," tukso ni Ash habang
nakatingala kay Clouds.
"Halika na, pasaway ka rin eh," yaya ni Seola
at tinakpan ang bibig ng kapatid.
"Ingat ka, Ash. Mahal din kita," natatawang
sabi ni Clouds nang pumara na si Seola ng
sasakyan.
"Mauna na kami, ingat ka sa pag-uwi,"
paalam ni Seola.
"Ingat ka. Nandiyan na rin si Luke," sabi ni
Clouds nang makitang papalapit ang kotse
ng kaibigan. Nakangiti siya habang
nakatingin sa sinakyang jeep nina Seola na
papalayo. Ang saya ng araw niya ngayon.
"Ang cheap ng romantic place ninyo!"
Napailing na sabi ni Luke nang sumakay si
Clouds.
"Yes, it's cheap, but true love exists,"
nakangiting sagot ni Clouds at tinanggal ang
sunglasses.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon