MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 32
Unedited...
"Hindi ka ba talaga uuwi?" malungkot na
tanong ni Taira sa anak.
"Mom? Nandiyan naman ang lima. Isa pa,
kailangan ko nang magkaroon ng bagong
album dahil matagal naman akong
namahinga sa pagkanta," sagot ni Clouds.
Kakapasok lang ng mommy niya at
kinukumbinse siyang umuwi na.
"Okay ba ang tinutulugan mo? Kumakain ka
ba nang maayos?"
"Kay Luke ako at nakakain pa naman ako."
Tutungo si Luke sa US bukas kaya
magsosolo niya ang condo ng kaibigan.
Tapos na ang first semester kaya marami
siyang oras na pagtuunan ng pansin ang
mga kanta niya. Nakakuha na rin ng
producer si Red para sa kaniya.
"Basta kapag wala ka na talagang
matatakbuhan, umuwi ka na, ha. Hindi
naman talaga galit ang daddy mo sa 'yo.
Ang totoo, miss na miss ka na niya," sabi ni
Taira. Palagi na lang silang nagtatalo ni Sky
dahil ayaw nitong pumayag na sunduin nila
si Clouds.
"Kapag okay na ang lahat, babalik ako sa
inyo," sabi ni Clouds kaya niyakap siya nang
mahigpit ni Taira.
"N-Na-miss ko na ang ulap ko," naiiyak na
sabi ni Taira.
"Hindi mo na ako ulap," mahinang saad ng
binata.
"Ha?"
"Wala po. Ang sabi ko, miss na miss ko na
po ang Mommy Taira ko," ani Clouds at
gumanti sa yakap ng ina. Mabait ang
mommy niya pero ang daddy lang talaga
niya ang problema. Mabait naman ang daddy
niya. Sa katunayan, si Sky talaga ang
tigaalaga sa kanila mula pa noong bata pa
sila. Ang problema lang ay pinalayas siya.
"Pasensiya ka na sa ama mo, napagod na
kasi siya at hindi na niya alam ang gagawin
niya sa 'yo," paumanhin ni Taira. Nasagad na
si Sky at hindi naman talaga niya masisi ang
asawa. Nasanay na kasi ang anim na lokohin
siya palagi at kapag mag kalokohan, ang
ama ang tigaayos ng problema nilang
magkapatid.
"Wala iyon," sagot ni Clouds at kumalas sa
pagkakayakap sa ina saka pinagmasdan ang
magandang mukha nito. "Mom? You're the
most beautiful woman in the world."
Natawa si Taira. "Bibigyan kita ng allowance
kaya huwag mo na akong utuin, Clouds."
"Seryoso po ako," sabi ni Clouds. "Mom?
Okay lang ba na malahian tayo ng hindi
kagandahan sa pamilya?"
Napataas ang kilay ni Taira. "May girlfriend
ka na?"
"Hindi siya kagandahan," napangiwing sagot
ni Clouds kaya napangiti si Taira. "Pero
mom? Kapag magkaapo ka, dugong
Villafuerte pa rin ang mangingibabaw.
Siguraduhin ko 'yan sa 'yo."
"Loko ka! Ipakilala mo muna at ako na ang
huhusga sa beauty niya, okay?"
"Saka na, mom. Hindi pa puwede sa ngayon
pero sooner."
"Inlove na talaga ang baby ko?" Hindi niya
alam kung matutuwa o mangamba sa inamin
ng anak. Or maybe, nabubulag lang ito?
Ganiyan naman ang mga Villafuerte,
maraming babae. Pero mukhang seryoso na
nga ang anak. Napatingin si Taira sa
cellphone nang mag-ring.
"Sige na, mommy. Baka magalit pa ang ama
kong mas mahal pa ang unggoy kaysa sa
akin," pagtataboy ni Clouds at kinuha ang
perang inabot ng ina sa kaniya.
Inihatid niya ang ina sa labas ng building at
kinuha ang plate number ng taxi na sinakyan
nito.
Pabalik na siya sa studio nang makasalubong
ang pinsan.
"Kuya Clouds!" tili ni Ariana at patakbong
lumapit sa kaniya.
"Ano ang ginagawa mo rito?"
"Binibisita si Kuya Red at gusto ko rin pong
makita si Seola," sagot ni Ariana. Dalaga na
rin ito at nextyear ay kolehiyo na rin.
"Idol mo si Seola?"
"Opo," sagot ni Ariana at tumango. "Bumili
ako ng album niya at nagustuhan ko ang
kanta."
Ngumiti si Clouds at pinisil ang pisngi ng
pinsan. "Ipagpatuloy mo lang ang pag-idolo
sa kaniya."
"Kuya? Mag-duet kaya kayo?" suhestiyon ni
Ariana.
"Darating tayo riyan," sagot ni Clouds.
"Maiwan muna kita, may pupuntahan pa pala
ako."
Iniwan na niya ang pinsan at muling lumabas
sa building saka sumakay sa taxi.
Sa jewelry store siya dumiretso.
"Ano ba ang gusto mo, Sir?" magalang na
tanong ng saleslady.
"Necklace," sagot ni Clouds. Magpapagawa
siya ng necklace para kay Seola. "Puwede
bang PC ang ilagay ninyo siya pendant?"
"Para ho sa girlfriend mo?" nakangiting
tanong ng saleslady na titig na titig sa
binatang idol niya.
"Yes, balak kong ipakilala siya sa publiko,"
sagot ni Clouds. "Sa tingin mo, okay na
ito?"
"Maganda na po itong necklace na may
hugis na puso," sagot ng babae. "S-Sir?
Puwede pong pa-autograph?"
"Pa-picture, ayaw mo?" tanong ni Clouds
kaya tumili ang babae.
"Gusto po. Fan mo po ako," kinikilig na sabi
niya at dinukot ang cellphone sa bulsa.
"Secret lang natin 'to, ha," natatawang sabi
ni Clouds kaya sunod-sunod na tumango
ang saleslady.
Sapat lang ang binigay ng ina para sa
necklace. Dinagdagan niya ng natirang pera
mula sa hiningi niya sa Lolo Skyler nila para
sa mamahaling kuwentas. Hindi na baleng
mawalan na siya ng pera sa bulsa.
Palabas na siya sa jewelry shop nang
tawagan si Seola.
"Nasa bahay ako," sagot ni Seola sa kabilang
linya. Nakasakay na si Clouds sa taxi pabalik
sa agency
"Good. Pupunta ako riyan," sabi ni Clouds at
pinakiusapan ang driver na sa address na
pala siya nina Seola uuwi.
"Huwag, baka may makakita sa 'yo."
"Palagi akong pumupunta riyan kaya huwag
ka nang mag-inarte!" ani Clouds na walang
balak umurong tapos tinapos ang tawag
para hindi na makatanggi pa si Seola.
Bumili muna siya ng pasalubong para kay
Ash bago dumiretso sa bahay nina Seola.
"Bakit ka ba pumunta rito?" nakasimangot
na sabi ni Seola nang pumasok siya. Alam
naman niya ang password kaya hindi na siya
kumatok.
"Si Ash?"
"Nasa kapitbahay, nagla--"
Tsup!
Agad na hinampas ni Seola ang balikat ni
Clouds.
"Grabe ka! Trespassing ka na nga,
magnanakaw ka pa ng halik!"
"Mula nang maging boyfriend mo ako, may
karapatan na akong halikan ka kapag ginusto
ko," sagot ni Clouds at dumiretso sa table
saka inilapag ang spaghetti at ice cream na
dala. "Bawal ka sa ice cream dahil may gig
ka bukas kaya si Ash na lang."
"Bumili ka pero ayaw mo akong bigyan,"
nagtatampong sabi ni Seola.
"Huwag ka nang magtampo, halikan kita
riyan eh!" nakangiting sabi ni Clouds at
hinarap si Seola pero mabilis na tinalikuran
siya ng dalaga at pumunta sa sala para
manood ng paborito nitong teleserye sa
hapon.
"Wala ka bang gagawin?" tanong ni Seola
nang maupo si Clouds sa tabi niya.
"Recording na ako bukas at sa noontime
show ako ng KBS mag-anunsiyo ng
comeback ko," sagot ni Clouds saka niyakap
ang dalagang katabi. "May couch na kayo at
may ref na. Pati TV, flatscreen na rin.
Yumayaman na ang pango," biro ni Clouds
kaya kinurot siya ni Seola sa tagiliran.
"Ouch! Ang sakit ng kuko mo, Seola."
"Ang lakas mong manuya!" sabi ni Seola
pero hindi na sumagot pa si Clouds dahil
busy na ito sa paghalik sa leeg niya.
"C-Clouds?"
"Hmm?" ungol na sagot ng binata at
pinababa ang mga halik sa shoulder ni Seola.
"Tigil na."
Tumingala si Clouds saka ngumisi. "What if
ayaw ko, Seola?"
"Nakakainis ka na talaga!"
"Mahal kita," sagot ni Red at pinahiga ang
dalaga sa couch saka pumatong dito.
"C-Clouds... Hindi pa ako ready,"
kinakabahang sabi ni Seola at napahigpit ang
pagkakahawak sa laylayan ng damit.
"Ako? Ready na ako," ani Clouds saka
kinindatan si Seola.
"C-Clouds--" Nanlaki ang mga mata ni Seola
nang iangat ni Clouds ang tshirt niya kaya
napalunok siya ng laway. Natatakot na
nahihiya siya. Nakaramdam siya ng lamig
dahil sa pag-ihip ng hangin. Sa pagkabigla,
hindi niya namalayang nahubad na pala ni
Clouds ang bra niya.
"C-Clouds..." usal niya habang nakayuko sa
mukha ng binatang nasa tapat ng dibdib
niya at nakatitig lang sa boobs niya.
Napanganga si Seola nang makita ang
reaction ng mga mata ni Clouds na parang
hindi naniniwala sa nakikita kaya tinulak niya
ito.
"B-Bakit ka nanunulak?" tanong ni Clouds
nang matauhan dahil nahulog sa couch.
Naupo si Seola at inayos ang damit.
"Umuwi ka na!" galit na pagtataboy ng
dalaga. Kapal ng mukha!
"Bakit ba? Hindi pa tayo tapos,"
nagtatakang tanong ni Clouds.
"Tapos na! Nang-iinsulto ka, eh!"
"Hala, wala ah," tanggi ni Clouds.
"Tumahimik ka, Ulap! Kitang-kita kong
nanlalait ang mga mata mo!" Grabe,
disappointment talaga ang nakita niya sa
mga mata ni Clouds kanina.
"Grabe ka, Seola. Hindi talaga. Na-
misinterpret mo lang," depensa ni Clouds.
"Tumahimik ka! Alam kong maliit lang ako
pero nakakabuwesit ka talaga!" singhal ni
Seola at hindi na napigilan ang umiyak.
Masakit sa loob ang reaction ni Clouds.
Nasasaktan siya.
Naupo si Clouds sa tabi niya at niyakap siya.
"Tahan na, hindi ko sinasadya," pabulong na
sabi ni Clouds at pinasubsob ang mukha ni
Seola sa dibdib niya. "Obvious naman na
maliit ang size mo kaya huwag kang umiyak,
tanggap kita."
Mas lalong napahagulgol si Seola at pilit na
lumayo sa katawan ng binata pero malakas
si Clouds.
"A-Ang sama mo sa akin, Clouds!"
humihikbing sabi niya.
"Psh! Nagulat lang ako dahil sa 'yo talaga
ang pinakamaliit na nakita ko. Alam mo
'yong pasas na pinatong sa--"
"T-Tama na!" singhal ni Seola at mas lalong
umiyak na ikinatawa naman ni Clouds. Eh, sa
natatawa naman talaga siya.
"Tahan na, Seola. Mahal naman kita kahit na
pang elementary size ka lang," pag-aalo ni
Clouds.
"Pakyu ka, Ulap!"
"Ang mahalaga naman, mahal kita. Hindi
mahalaga sa akin ang laki ng dibdib. I
mean-- hindi na mahalaga sa akin iyon. Size
doesn't matter, Seola. Kita mo, kahit na
pango ka, minahal kita." Sabi ni Clouds at
inakbayan ang dalaga saka hinalikan sa
pisngi.
"Huwag mo akong kausapin!" naiinis na sabi
ni Seola saka tumayo at lumabas para
puntahan si Ash. Bahala si Clouds sa buhay
nito.
Tumambay muna siya sa bahay ng
kapitbahay nila. Sana lang pag-uwi nila ni
Astray Czarina ay wala na si Clouds.
"Boyfriend ko siya pero palagi na lang niya
akong iniinsulto!" naiinis na bulong ni Seola.
Sarap durugin ng mukha ni Clouds.
"Ate? Uwi na po tayo, nagugutom na ako,"
yaya ni Ash kaya napilitang sumunod si Seola
sa kapatid. Siguro wala na si Clouds.
Pagbukas nila sa pinto, napanganga siya
nang makita ang nagkalat na petals ng iba't
ibang kulay ng santan sa sahig.
"Anong kalokohan 'to, Clouds?" tanong niya.
Nakangiting lumapit si Clouds kay Seola.
"Sorry na, hindi naman talaga iyon ang
intensiyon ko," paumanhin niya at inabot
ang tatlong bulaklak ng kalachuchi kay
Seola.
"Ash? Kumain ka na at may pagkain sa
mesa," sabi ni Seola kaya tumakbo ang bata
sa mesa para kumain.
"Mahal kita, Seola. Sorry naman oh, hindi
talaga kita iniinsulto," paumahin ni Clouds at
inilagay ang isang bulaklak ng puting
kalachuchi sa kanang tainga ni Seola. "Kiss
na lang kita para bati na tayo."
"Heh!" singhal ni Seola at tinaasan ng kilay si
Clouds pero agad siyang niyakap ng binata.
"Mahal talaga kita, Seola. Matiyaga naman
akong tao kahit na maliit ang hinaharap
mo," bulong ni Cloudsm kaya
napabuntonghininga na lang si Seola.
"Saan mo kinuha ang mga bulaklak?"
Alanganing napangiti si Clouds. "Sa tabi ng
daan. Doon sa labas," sagot niya. "Ouch!"
"Walang hiya ka! Kaya pala wala nang mga
bulaklak sa daan kasi inubos mo?"
nanggigigil na sabi ni Seola habang
kinukurot si Clouds sa tagiliran.
"Aray! M-Masakit na, Seola."
Pinakawalan ng dalaga ang balat ni Clouds.
Ang daming santan sa sahig.
"Dapat magpasalamat ka dahil nag-effort
ako. Paano kung nahuli ako ng may-ari?
Ano ang sasabihin ko? Nam ginawa ko lang
iyon dahil gusto kong mapasaya ang
nagtatampo girlfriend ko?"
"Dapat ko pa palang ipagpasalamat iyon?"
"Kung hindi mo ako mapatawad, uuwi na
lang ako! Ikaw na nga itong minamahal, ikaw
pa ang magagalit? Ano ba ang gusto mong
gawin ko? Makipagplastikan sa 'yo at purihin
ka? Walang masama kung yakapin mo ang
kapansanan mo sa katawan dahil minamahal
naman kita! Walang mali kung maliit ang
dibdib mo. Nagulat lang talaga ako kanina
dahil nakita ko na ang hinaharap mo. Eh ano
naman kung maliit? Totoo namang maliit
talaga! Pero nagbago ba ang pagtingin ko?
Hindi naman ah! Mahal pa rin kita. Ang dami
ninyong arteng mga babae! Mahal nga kita,
kaya nagawa kong magnakaw ng bulaklak
para lang mapasaya ka, ano pa ba ang
ikinagagalit mo? Isa pa, mamumulaklak
naman ang santan sa susunod na araw pero
ang effort ko, hindi mo mapapalitan iyon at
habambuhay mong maalala!" mahabang sabi
ni Clouds kaya napanganga si Seola habang
nakatingala sa kasintahan.
Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang
dalawa.
"Oo na, pinapatawad na kita!" napilitang
sagot ni Seola.
Matamis na ngumiti si Clouds.
"Ikaw lang talaga ang boyfriend na walang
ginawa sa girlfriend kundi ang manlait!"
"Alam mo ba kung bakit palagi kitang
nilalait?" tanong ni Clouds at hinawakan ang
magkabilang kamah ni Seola. "Kasi ang cute
mo kapag magalit at higit sa lahat, gusto
kong palagi mo akong napapansin."
"Kaya palagi mo akong inaaway noon sa
Wedtbridge?"
"Oo," pag-amin ni Clouds. "Kaya kapag
asarin kita o laitin, huwag kang magalit.
Gusto ko lang magpapansin sa 'yo kasi
mahal kita."
Napangiti si Seola. Hindi niya alam kung
kikiligin siya o magagalit sa pang-aasar ni
Clouds. Basta mahal niya ito kahit na ang
lakas mam-bully.
"Dito ako matulog, pango ko?" tanong ni
Clouds at inakbayan ang dalaga at lumapit
kay Ash.
"Talaga po? Dito ka matutulog, Kuya
Clouds?" sabat na tanong ni Astray Czarina.
"Hindi/Oo." Sabay na sagot ng
magkasintahan.
"Oo, tutal, dito naman ako kaya bukas na
ako uuwi. May kama naman ako," ani Clouds
at hinila ang upuan para makaupo si Seola.
"Bahala kayo!" ani Seola at sinimulan nang
kumain.
"Seola?" tawag ni Clouds.
"Ano?" Seola.
"Tabi tayo?" nakangising tanong ni Clouds
kaya inirapan siya ng dalaga.
"Biro lang, basta matutulog ako rito," ani
Clouds at inumpisahan nang kumain. May
kung anong kasiyahan sa puso niya habang
pinagmamasdan niya si Ash na maganang
kumain. Napasulyap siya kay Seola at
kinindatan niya nang magsalubong ang
kanilang mga mata. Totoo, mahal na mahal
na niya ang magkapatid na ito. Mahal na
para bang bahagi na ito ng buhay niya
bilang isang pamilya. Sana nga, habambuhay
na silang magsamang tatlo. 'Di na bale,
matutupad ang lahat ng iyon oras na
pakasalan na niya si Seola. Napangiti siya sa
naisip. Oo, papakasalan niya si Seola sa
tamang panahon.
