39

1.5K 62 3
                                        


MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 39

Unedited...
"Uuwi na po kami," paalam ni Seola sa mag-
asawang nakaupo sa sala. Ayaw pa sana ni
Ash pero pinilit niya ang kapatid. Hindi
naman puwedeng iwan niya rito dahil
responsibilidad pa rin niya ang bata.
"Dito na lang si Ash, aalagaan ko siya," sabi
ni Sky. Mula nang lumaki at nagkaisip na ang
anim na anak, wala na siyang naalagaan.
"Oo nga po, dito na lang po ako, Ate Seola.
Wala naman po kaming pasok ngayon,
aabsent daw si Teacher," pakiusap ni Ash.
"Wala ka bang tiwala sa amin? Ihahatid ko si
Ash mamaya," sabi ni Sky kaya napatingin si
Seola sa kapatid na nangungusap ang mga
mata habang nakatingala sa kaniya.
"S-Sige po," napilitang sagot niya. Sabik na
rin si Ash sa mga magulang at isa pa,
marami ang laruan sa mansion na ito.
"Uuwi na kayo? Sama ako," sabi ni Clouds
na lumapit sa kanila kasama si Star.
"Mabuti naman at ihatid mo si Seola," ani
Taira.
"Sino ang may sabi sa inyong ihahatid ko
siya? Sasabay ako dahil sira ang kotse ko,"
depensa ni Clouds.
"Maayos pa naman 'yon kanina," sabat ni
Star. Maaga pa siyang pumunta sa barkada
niya at ang kotseng ginagamit ni Clouds ang
ginamit.
"Kaya nga sira na dahil ginamit mo.
Siguradong sira na naman 'yon!" ani Sky.
Kapag may gamit siyang gagamitin din ng
kapatid, sigurado siyang masisira lang iyon.
"Sige, magpahatid ka na lang sa driver,"
pagpayag ni Sky.
Naupo si Clouds sa harap ng mga magulang
at hinila si Ash mula kay Seola saka kinalong.
"Nag-enjoy ka ba? Maganda ang bahay
namin, ano?" tanong ni Clouds at niyakap
ang bata.
"Opo," magalang na sagot ni Astray Czarina.
"Maupo ka muna, Seola. After fifteen
minutes pa tayong aalis," sabi ni Clouds kaya
napasimangot na naupo ang dalaga sa tabi
niya. Si Star naman ay pinahiwalay ang mga
magulang at naupo sa gitna nila.
"Bastos mo, Star!" sabi ni Sky.
"Miss ko nang yakapin si Mommy," sagot ni
Star at niyakap si Taira.
"Mom? Hindi ba't hindi kami magkapatid ni
Seola kahit na nasa iisang sinapupunan lang
kami nanirahan ng siyam na buwan?" tanong
ni Clouds kaya napatingin ang mga
magulang sa kaniya.
"Magkapatid pa rin kayo," ani Taira.
"Hindi kami magkapatid. Iba ang dugong
dumadaloy sa katawan nila ni Ash. Bedmate
lang kami sa sinapupunan ni Nanay Melanie!"
giit ni Clouds. "Isa pa, hindi ko naman ina
ang nanay nila legally kaya hindi ko pa rin
sila kapatid kahit babaliktarin pa rin ang
mundo!"
"Magkapatid kayo kaya tanggapin mo na
lang," sabat ni Star. Na-explain na sa kanila
ang bagay na ito ng mga magulang noon
pa.
Hindi puwedeng makapanganak ang Mommy
Taira nila kaya nag-undergo ang parents nila
ng IVF. Kumuha ang mga doctor ng egg cell
ng ina nila at sperm cell ng ama at
pagkatapos maging okay ay isinalin sa
uterus ng anim na babae. Tig isang anak sa
bawat babae kaya nabuo silang anim.
"Kapatid sa sinapupunan at kapatid sa dugo
ay magkaiba iyon!" giit ni Clouds. "Kahit
isang patak ng dugo ng ina niya, walang
humalo sa dugo ko kaya hindi kami
magkapatid!" giit ni Clouds at napaharap kay
Seola na tahimik lang. "Halika na, pupunta
pa ako sa agency!"
Tumayo si Seola at sumunod kay Clouds na
nasa labas na matapos magpaalam.
Nasa biyahe sila pero walang balak na
magsalita ang kahit isa sa kanila kaya pinili
na lang ng dalaga na manood ng matataas
na gusaling nadadaanan.
Napatingin si Seola nang isara ni Clouds ang
harang sa pagitan ng driver's seat at
backseat.
"Seola? Naging manager mo ba ako?"
tanong ni Clouds kaya napatingin si Seola sa
binata.
"S-Sino ang nagsabi sa 'yo niyan?"
"Kailangan pa bang sabihin ko kung sino?
Sagutin mo na lang ang tanong ko!"
"M-Matagal na iyon," sagot ni Seola at
iniwas ang mga mata. "Hindi na mahalaga
pa iyon."
"Marami akong walang naaalala. Buhat nang
makuhanan ako ng litrato ng mga reporter,
wala na akong matandaan. Bakit kailangan
pa ninyong ilihim sa akin ang lahat?" sumbat
ni Clouds.
"W-Wala naman kaming itinatago," ani
Seola.
"Meron!"
Natigilan si Seola at napatitig sa mga mata
ni Clouds. Nakakaalala na ba ito?
"Alam kong may tinatago kayo sa akin pero
hindi ko matandaan kung ano. Alam mo
bang nahihirapan ako? Alam mo ba iyon?"
"K-Kung ano ang pinaniniwalaan mong tama,
iyon na iyon," sagot ni Seola.
"Funny!" bulong ni Clouds at napatingin sa
labas ng pinto. "Iba ang sinasabi ninyo pero
iba ang nararamdaman ko!"
"Naguguluhan ka lang kasi wala ka pang
maalala. Huwag mong pilitin ang sarili mo
dahil hindi nakakabuti sa iyo ang mag-isip
nang sobra," mahinang sabi ni Seola at
sinulyapan ang binatang nakatingin sa labas
ng bintana.
"Paano kung pati pagmamahal ko kay
Clarissa, nakalimutan ko na rin? Paano kung
sa iba na tumitibok ang puso ko, mali ba
iyon?" wala sa sariling tanong ni Clouds at
naguguluhang humarap kay Seola. "Paano
kung may bago na akong mahal at kapag
bumalik ang alaala ko, si Clarissa naman pala
talaga ang mahal ko noon?"
"N-Nagdududa ka ba kay Clarissa?"
Napabuntonghininga si Clouds. "Matagal ko
nang kilala si Clarissa, mabait siyang
bestfriend at hindi niya ako lolokohin. Para
ano?"
Tumango si Seola at ngumiti kay Clouds.
People change. Lalo na kapag masilaw ito sa
kasikatan.
Dahil may workshop din si Seola sa
pagsasayaw, sa Bright Star na rin siya
nagpahatid.
"Seola!" Pagsalubong ni Red sa kanila saka
inakbayan ang dalaga. "Kumain ka na ba?"
"Alas nuwebe na po," natatawang sagot ni
Seola.
"So? Madalas akong late kumain," sagot ni
Red at pinisil ang pisngi ng dalaga.
Napatingala si Seola at ngitian ang boss.
"Kumain na po ako," sagot ni Seola na
hinahayaan lang na akbayan siya ng binata
kahit na may ilang artists na nakatingin sa
kanila.
"Red? Puwede bang huwag mong akbayan si
Seola?" pakiusap ni Clouds na hindi inaalis
ang mga mata sa kamay ni Red sa balikat ni
Seola. Sarap kumiha ng chainsaw tapos
putulin ang kamay ni Red.
"Aakbayan ko--"
"Kapatid ko siya kaya karapatan kong
protektahan siya!" matapang na wika ni
Clouds at nakipagtitigan sa pinsan na
naguguluhan sa nangyari.
"Ina niya ang surrogate mother ko," dagdag
ni Clouds.
Napangiti si Red. "E di mas mabuti.
Magiging cousin-in-law mo ako."
"Cousin-in-law mo mukha mo! Alisin mo na
nga!" galit na sabi ni Clouds at kinuha ang
kamay ni Red. "Hindi kami magkapatid sa
dugo. Alam mo 'yan dahil may kapatid ka
ring dumaan sa IVF!"
Ang kapatid ni Red ay may mga surrogate
mother din.
"Ano ba ang masama kung kami naman ni
Seola?" tanong ni Red at muling inakbayan
si Seola.
Naikuyom ni Clouds ang kamao at
nilagpasan ang dalawa pero agad na
napatigil nang makita ang reporters at
bloggers.
"Sir Clouds? Gaano katotoo na engaged na
kayo ni Miss Clarissa?"
"Kailan ang kasal?"
"Buntis na ba kaya magpapakasal kayo?"
"Congrats po."
Napanganga si Clouds at napalingon kina
Red at Seola. Humihingi siya ng explanation
pero clueless din ang mukha ni Red na
mukhang alam na may naghihintay sa kaniya
rito.
"C-Clouds?" tawag ni Clarissa na palapit sa
kaniya. "Halika, huwag mo na silang sagutin
pa."
Nagpatangay lang si Clouds kay Clarissa
palayo para takasan ang mga nagtatanong.
"Let's go?" tanong ni Red at pinisil ang
balikat ni Seola na nagulat sa nangyari.
"Kanina pa sila naghihintay rito para i-
confirm kay Clouds."
Para siyang lumulutang sa hangin na
sumunod kay Red hanggang sa nakarating
sila sa training room.
"Sige po, salamat sa paghatid," mahinang
pasalamat ni Seola na pinipilit na ikubli ang
lungkot sa mga mata.
"Huwag mo nang isipin iyon, hayaan mo na
sila," sabi ni Red kaya tumango si Seola.
"Seola? Hindi ko man alam ang totoo pero
nandito lang ako para sa 'yo," ani Red at
nginitian ang dalaga.
"Sir? Bigla akong nagutom, puwede bang
ilibre mo 'ko?"
"'Yon lang pala. Sige, lahat ng gusto mo,
bibilhin ko."
Tumungo sila sa cafeteria at nag-order ng
strawberry muffin at vanilla ice cream si Red
para sa kanilang dalawa.
"Kumain ka lang nang marami," sabi ni Red
kaya masayang kumain si Seola.
"Sir? Okay lang ba na kumain ako ng
sampung muffins? Libre mo naman," tanong
ni Seola at nginitian ang binata.
"Kumain ka nang marami, walang problema.
Mas malaki ang kita ko sa 'yo," natatawang
sagot ni Red at kinindatan si Seola.
Pareho silang napatingin sa pabagsak na
naglapag ng tray sa harapan nila.
"Nagutom ako sa pagtatago sa reporters
kaya kakain muna ako!" sabi ni Clouds at
maganang kumain kaya napatitig si Seola sa
binata.
"Ano ang balak mo, Clouds? Itutuloy mo ba
ang kasal ninyo ni Clarissa?" tanong ni Red.
Tumigil si Clouds sa pagkain at hinarap si
Red.
"Kung iyon nga ang naging desisyon ko
noon, wala akong karapatang iurong ang
kasal," sagot ni Clouds at ipinagpatuloy ang
pagkain. Napayuko si Seola at napatitig sa
ice cream niya. Gusto niyang maiyak sa
harapan ng dalawa pero pinapaalala niya sa
sarili na matapang siya. Nabuhay at naging
masaya naman siya noon sa simpleng buhay
lang nila ni Ash kaya masasanay rin siya.
Baka hindi talaga sila ni Clouds ang para sa
isa't isa. Isa pa, wala namang maniniwala sa
kaniya na siya talaga ang totoong kasintahan
ni Clouds. Paano kung tuluyan nang hindi
bumalik ang alaala nito? E di wala na talaga
silang pag-asa.
Ang tagal ng katahimikang namayani sa
pagitan nilang tatlo.
"Seola? Magkuwento ka naman, bored ako,"
wika ni Red na siyang bumasag sa
katahimikan.
"Wala akong kuwento," nakangiwing sabi ni
Seola. Parang bata talaga itong si Red.
"Sige na, kahit ano."
"Once upon a time," panimula ni Seola. "May
isang mahirap at pangit na babae,
nagkagusto siya sa guwapo at mayaman na
prinsipe."
Napasulyap si Clouds kay Seola habang
malungkot na nagkukuwento ito.
"...And they lived happily ever after?"
natatawang dugtong ni Red.
Umiling si Seola. "Nagkahiwalay sila dahil
nakaaksidente ang prinsipe at nawalan ng
alaala. Na-inlove ito sa isang napakagandang
prinsesa kaya ikinasal sila."
Nilalaro ni Seola ang ice cream gamit ang
kutsarita. Tahimik ang dalawang binata na
nakatitig sa kaniya. "At ang mahirap at
pangit na tindera, tinanggap ang
katotohanang hindi sila bagay ng prinsipe
kaya namuhay siyang malungkot at bumalik
na lang sa pagtitinda ng pancit canton,"
dagdag niya sa kuwento.
Napailing si Red at dinugtungan ang
kuwento ni Seola. "Pero nakita siya ng isa
pang makisig na prinsipe sa kabilang bayan
at tinulungan siyang bumangon at
manumbalik ang saya sa puso niya hanggang
sa nagka-inlove-an sila."
Tumayo si Clouds at walang pasabing
umalis.
"Tapos ka na? Balik na tayo, Sir Red," yaya
ni Seola kaya tumango si Red at hinatid si
Seola sa training room pero nagpaalam ang
dalagang uuwi na lang dahil masama ang
pakiramdam nito.
"Puwede ba tayong mag-usap, Red?"
tanong ni Clouds nang maabutan ang
pinsan.
"Tungkol saan?"
"Layuan mo si Seola!" diretsahang sagot ni
Clouds.
"At bakit ko gagawin iyon?"
"Dahil maghahalo ang balat sa tinalupan!"
sagot ni Clouds saka tinalikuran ang pinsan.
Bumalik siya sa studio niya at napaupo sa
swivel chair. Sigurado siyang kalat na ang
balita tungkol sa pagiging engaged niya kay
Clarissa. Hanggat maari, ayaw niyang
mapahiya si Clarissa kaya mas minabuti
niyang huwag nang magsalita muna.
Naguguluhan siya. Kung talagang minahal
niya si Clarissa, handa siyang panagutan ang
nangyari sa kanila.
Maghapon na pabalik-balik lang siya sa loob
ng studio hanggang sa inabot na siya ng
alas kuwatro. Ne hindi na nga niya
nagawang kumain ng tanghalian sa pag-iisip
kung ano ang gagawin sa problemang hindi
niya matukoy kung ano.
Lumabas na siya para umuwi dahil
nagugulumihan siya.
"Nasaan na si Seola?" tanong niya kay Red
na palabas na rin sa building.
"Umuwi na kanina pa dahil masama ang
pakiramdam."
Pumara si Clouds ng taxi.
"Kuya? Sa bahay po," ani Clouds at ibinigay
ang address ng villa nila. Naalala niya si
Seola, wala itong kasama sa bahay dahil nasa
kanila si Ash at may sakit pa ito.
"Manong, puwede ho bang paliko at pa-U-
turn?" pakiusap ni Clouds.
Nag-U-turn naman ang nasa singkuwenta na
driver.
"Haist! Pakialam ko sa kaniya?" naiinis na
tanong ni Clouds habang bumalik ang driver.
"Manong? Ituloy na lang po pala natin ang
pag-uwi ko sa bahay," pagbawi ni Clouds.
"Pasensiya na po."
"Ano ho ba talaga?" naguguluhang tanong
ng driver.
"Ido-double ko ang bayad kaya uuwi na po
tayo sa bahay," sagot ni Clouds kaya lumiko
na naman ang matanda.
"Paano kung may nangyari sa pangong iyon?
Baka multuhin ako ng nanay namin!" bulong
ni Clouds at napahilamos sa mukha.
"Kuya! Tigil muna tayo," pakiusap ni Clouds
kaya napapreno ang matanda. "Sandali lang
po, mag-iisip muna ako."
Tinitimbang niya ang bagay-bagay.
"Hindi puwede dahil ikakasal na ako kay
Clarissa," sigaw ng isip niya at
napabuntonghininga.
"Manong? Uuwi na po tayo sa bahay namin.
Iyong unang address na ibinigay ko at kapag
sabihin ko pong lumiko tayo, huwag na
huwag mo po akong papakinggan. Itri-triple
ko ang metro kapag maihatid mo ako sa villa
namin, okay?" pakiusap ni Clouds kaya
pumayag naman ang driver.
Matapos ang ilang oras, tumigil na ang
driver. Napatingin si Clouds sa relo. Alas
otso na ng gabi kaya puno na ng ilaw ang
kalsada.
"Haist! Dito na po tayo, Sir," nakangiting
sabi ng matanda.
"Magkano po?" pagod na tanong ni Clouds.
"Limang libo pero tatlong libo na lang po,"
sagot ni Manong. Kinuha ni Clouds ang
wallet at binigyan ng limang libo ang driver.
"Usapang lalaki po, kaya limang libo ang
ibabayad ko. Salamat at pasensiya na po,
Manong," ani Clouds at bumaba na saka
naglakad patungo sa bahay na uuwian niya.
Naka-times 10 rin siya kay Manong dahil
ilang beses silang lumiko at tumigil.
"Hindi ko na talaga pag-aari ang katawan
ko!" naiinis na bulong niya habang
pinipindot ang "secret" para bumukas ang
pinto.
Inayos muna niya ang tsinelas ni Seola nang
makapasok saka itinabi ang sapatos niya.
"C-Clouds," wika ni Seola na nasa sala at
kumakain ng pancit canton.
"Pagod ako, kaya matutulog muna ako.
Mamayang paggising ko, dapat may pagkain
sa mesa," sabi ni Clouds na nahihilo sa nagig
desisyon niya. Mas kawawa nga nag driver
kanina e.
"B-Bakit ka nandito?" usisa ni Seola at
tumayo saka lumapit kay Clouds.
"Para dugtungan ang walang kuwentang
kuwenti ninyo ni Red!" sagot ni Clouds at
hinarap ang dalaga. "Hindi natuloy ang kasal
ng guwapong prinsipe sa magandang
prinsesa at mas lalong hindi nagkatuluyan
ang prinsipe sa kabilang bayan at ang pangit
na tindera!"
Napatingala si Seola sa mukha ni Clouds na
salubong ang mga kilay. "...Dahil bago pa
man sila tuluyang magkahiwalay, bumalik na
ang alaala ng guwapong prinsipe."
"C-Clouds..." usal ni Seola at napalunok ng
laway.
"Iyon ang dapat na ending ng kuwento mo!
Magkukuwento ka lang, walang kuwenta pa
ang ending mo!" sabi ni Clouds at kinatok
ang ulo ni Seola gamit ang kanang kamay ng
isang beses. Bakit ba parang may ibig
iparating ang kuwento nina Seola at Red?
Pakiramdam kasi niya, siya ang prinsipeng
nawalan ng memorya. Pareho talaga e.
Mapait na ngumiti si Seola habang nakatitig
sa sumarang pinto nang tuluyan nang
nakapasok si Clouds.
"Sana nga, bumalik na ang alaala mo, Ulap,"
bulong ni Seola at pinahidan ang mga luha.

My Unideal GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon