24

881 40 0
                                    



MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 24

Unedited...
"Ano ba ang ginagawa mo? Bakit hinayaan
mong maagaw ng isang hamak na baguhan
lang ang endorsement mo?" tanong ni Rica
sa anak.
"Nagkasakit nga po ako, Mommy," ani
Clarissa habang naglalagay ng lipstick.
Kakatapos lang niyang mag-practice at
magkikita sila ng high school friends niya
ngayong dinner.
"Nagkasakit? Pero lumabas ka naman ah!"
sabi ng ina. Inayos ni Clarissa ang makeup
kit sa dresser niya. Nauna nang umuwi ang
PA niya kaya siya na lang ang mag-isang
naiwan.
"Marami pa namang project na nakaabang sa
akin," sabi ni Clarissa at humarap sa ina.
"Kung maging pabaya at kampante ka dahil
palagi kang nangunguna, hindi malabong
masasapawan ka."
Natahimik si Clarissa at hindi umimik. Sinabi
na ng manager niya na nagwala ang ina niya
nang malamang maagaw ni Seola ang
endosement niya.
"Ang mundong ito ay patibayan ng loob,
Clarissa. Hanggat bata at may talento ka pa,
sagarin mo na dahil darating ang araw na
malalaos ka! Kung mahina ang loob mo,
mag-quit ka na ngayon!"
"Hindi ako magki-quit!" mabilis na sagot ni
Clarissa at naikuyom ang kamao.
"I'm sure may tinatagong baho 'yang Seola
na 'yan," sabi ni Rica habang nag-iisip nang
malalim.
"Hayaan mo na po siya. Babawi ako sa
susunod," ani Clarissa.
Tinapik siya ng ina sa balikat at tinitigan sa
mukha. "Tandaan mo ang dinaanan mo bago
ka nakarating ngayon, Cla. Huwag mong
hayaang basta-basta na lang nila maagaw sa
'yo ang korona," sabi ng ina saka lumabas
na kaya napaupo si Clarissa. Aminado siyang
naging pabaya siya nitong mga nakaraang
buwan. Buhat nang ma-bash siya dahil siya
ang nanalo sa Survival Song, naging magulo
na ang career niya. Ang bilis mamayagpag ni
Seola at naaagawan na siya ng fans.
Kinuha niya ang bag saka lumabas nang
makasalubong niya sa hallway sina Red at
Seola kaya mas lalong nasira ang mood niya.
"Clarissa," nakangiting bati ni Red nang
makita siya.
"Good evening," sagot niya. Wala siyang
narinig na reklamo kay Red mula noong
nagtapat siya ng pagtingin. Ganoon pa rin
ang turing nito sa kaniya.
"Kumusta ka ang practice mo?" tanong ni
Red kaya napatitig siya sa binata at lumipat
kay Seola ang mga mata na alanganing
ngumiti sa kaniya.
"Okay lang," sagot ni Clarissa. "Saan kayo
pupunta?"
"Magdi-dinner lang," sagot ni Red.
"Magdi-dinner din sana kami ng friends ko
kaso hindi raw matuloy," sabi ni Clarissa,
"puwede ba akong sumama sa inyo? Sayang
naman ang pag-ayos ko."
"S-Sige," alanganing pagpayag ni Red. Ito
na sana ang time na masolo niya si Seola
pero nakasalubong pa nila si Clarissa.
"Salamat," masayang sabi ni Clarissa at
iginala ang mga mata sa paligid. "Si
Clouds?"
"Wala siya e, nag-basketball sila ng mga
kapatid," sagot ni Seola kaya tumango si
Clarissa at sumama na sa dalawa.
Napatitig si Seola sa cellphone na nagri-
ring. Nasa gitna siya nina Clarissa at Red
kaya nahihiya siyang sagutin.
Napasulyap si Red sa cellphone na hawak ni
Seola at nakita niyang si Clouds ang
tumatawag.
"Bakit hindi mo sagutin ang tumatawag?"
tanong ni Clarissa nang makita ang pangalan
ni Clouds sa screen ng cellphone ni Seola.
"Baka importante?"
Napilitang sagutin ni Seola si Clouds.
"Hello?"
"Nasaan ka? Alas sais na. Nasa agency ka pa
ba?" bungad ni Clouds kaya napasulyap si
Seola kay Red. Hindi niya alam kung
magsasabi ba siya ng totoo o
magsinungaling.
"Red? Saan tayo magdi-dinner?" tanong ni
Clarissa na nilakasan ang boses kaya
napatingin si Red sa dalaga pero patay-
malisya naman si Clarissa. "Mas okay yatang
sa palagi nating kinakain natin dalhin si
Seola."
"Magkasama kayo nina Red?" tanong ni
Clouds.
"O-Oo," sagot ni Seola.
----------------------
"Masarap talaga ang pagkain dito. Gusto ko
pa ng sabaw," sabi ni Clouds na maganang
kumain habang pinagmasdan nina Red at
Seola. "Ba't ganiyan kayo makatingin?
Kumain na nga kayong dalawa. Mabuti pa si
Clarissa, hindi nagda-diet."
"Psh! Kumain ka lang nang kumain!" sagot ni
Red na kung puwede lang ay palabasin niya
ito sa restaurant.
"Siyempre naman. Libre mo eh," nakangising
sabi ni Clouds at nilagyan ng ulam ang plato
ni Seola. "Kumain ka para tumaba ka naman
kahit kaunti lang. Bukas, pancit canton na
naman kasi ang ulam mo."
Napatingin si Clarissa kay Seola na
nagsimula nang kumain. Napataas ang kilay
niya kay Red na mukhang nawalan na ng
gana.
"Red? Kumain ka. Hindi ba't paborito mo
ang beefsteak nila rito?" sabi ni Clarissa at
nilagyan ng ulam ang plato ni Red.
Magkatabi sila at nasa harapan naman nila
sina Seola at Clouds.
"Kumain ka na po, Sir Red," sabi ni Seola
kaya tumango si Red at nagsimula nang
kumain. Bakit pa kasi sumama ang dalawa sa
kanila ni Seola? Nawalan tuloy siya ng gana
sa pagkain.
"Kumusta ang practice mo, Seola? Alam mo
na ba ang steps sa mall tour ninyo?" tanong
ni Clouds.
"Medyo," sagot ni Seola.
"Haist, dapat pag-aralan mo dahil mahina ka
sa pagsayaw," ani Clouds at napatingin kay
Clarissa. "Okay ka na ba? Salamat pala sa
endorsement dahil kay Seola ipinasa ni Red."
Naikuyom ni Clarissa ang kamao aa ilalim ng
mesa dahil sa inis.
"Huwag kang magalit kay Seola. Nasa iisang
agency lang tayo kaya dapat na tayo rin ang
magtutulungan. Kahit na hindi napunta kay
Seola ang endorsement na iyon, ibibigay pa
rin iyon sa iba dahil may sakit ka that time,"
mahabang sabi ni Clouds at hinigop ang
sabaw ng nilakang baka. Kanina pa siya
nagugutom dahil sa paglalaro ng baskeball.
Mabuti na lang dahil sumunod siya rito at
libre pa ni Red kaya sinamantala na niya
kahit na nanggigigil siya sa pinsan.
"Tapos na iyon," tipid na sagot ni Clarissa at
kinuha ang pineapple juice saka ininom.
Ipinagpatuloy nila ang pagkain pero si
Clouds lang ang daldal nang daldal.
Paminsan-minsan ay sinisiko ito ni Seola
para manahimik.
Palabas na sila sa restaurant pero medyo
nahuli sina Clouds at Seola.
"Oh my! Ikaw ho ba si Seola? Ang kumanta
ng Red Pepper? Ang trot singer?" sabi ng
babae na pinagmasdan ang mukha ng
dalaga.
Napakamot si Seola sa ulo.
"Opo," nahihiyang sagot niya.
"Hala, ang ganda mo po pala in person!" tili
nito at dinukot ang cellphone. "Pa-picture
po ako."
"Miss Seola? Kami rin!" sabi ng magbarkada
na lumapit din kaya napatingala si Seola kay
Clouds. Tinanguan siya nito.
"Clouds? Ikaw rin po. Fan mo po kami," sabi
ng babae na na-starstruck kay Clouds.
"Girlfriend mo po ba siya?" tanong ng isang
dalagita.
"Si Clarissa yata ang gf niya," bulong ng isa
at inginuso si Clarissa.
"Kyaah! Ate Clarissa pa-picture din kami!"
tili ng isa at lumapit kay Clarissa kaya
napilitang magpa-picture ni Clarissa.
Ayun, pati kay Red ay may nagpa-picture na
rin.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon