57

1.1K 42 0
                                    



MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 57

Unedited...
"Morning," nakangiting bati ni Clouds kay
Seola.
"C-Clouds!" bulalas ni Seola at napabangon
pero agad na hinila ang kumot nang
makaramdam ng lamig. Hubo't hubad siya.
Napatingin siya sa orasan, alas sais pa lang
ng umaga.
"Magandang umaga, pango ko," bati ni
Clouds na nakapaligo na.
Napayuko si Seola. Nahihiya siya kay Clouds.
Kanina pa ba ito gising? Nakita ba nito ang
kahubadan niya?
"Tumayo ka na tapos maligo, aalis tayo,"
yaya ni Clouds.
Mahigpit ang pagkakahawak ni Seola sa
kumot saka isa-isang dinampot ang saplot
na nasa sahig. Ne hindi man lang inayos ng
mokong? Paano kung bigla silang pasukin
ng mga magulang nito?
"Saan ka pupunta?" tanong ni Seola.
"Maglakad-lakad tayo, Seola."
"Ayaw ko. Ikaw na lang," tanggi ni Seola.
Ang sakit kaya ng buo niyang katawan.
Buto-buto na nga siya tapos wala pang tigil
si Clouds sa kakaboom boom paw sa kaniya
kagabi.
"Hmm? Ayaw mo akong samahan?"
"Pagod ako. Gusto kong magpahinga!"
sagot ni Seola. "Maglakad kang mag-isa at
manghuli ng talangka sa tabing-dagat para
may ulamin tayo."
"Iniinsulto mo ba ako, pango?" tanong ni
Clouds na hindi nagustuhan ang narinig.
"Wala. Gusto kong kumain ng talangka!"
sagot ni Seola habang nagsusuot na ng
damit.
"Huwag mong sirain ang umaga ko, Seola!"
"Huwag mo ring sirain ang umaga ko, Ulap!
Pagod at inaantok ako!" singhal ni Seola
saka hinatak ang shorts.
Napasulyap siya sa kumot na may bahid ng
dugo. Wala na. Nakuha na ni Clouds ang
iniingatan niya.
"Nagsisisi ka ba na may nangyari sa atin?"
seryosong tanong ni Clouds.
Umiling si Seola. "Last night? Was the most
beautiful night na nangyari sa buhay ko."
"Good," ani Clouds at nginitian si Seola.
Nawala na naman ang galit niya. "Sige na,
magpahinga ka na sa kuwarto mo at
ipapagising na lang kita sa katulong kapag
okay na ang breakfast natin."
"Gusto ko talangka," biro ni Seola.
"Huwag kang mag-umpisa ng ikakaaway
natin, Seola!" sabi ni Clouds at binigyan ng
warning look ang dalaga.
"Okay na po," sabi ni Seola saka kinuha ang
kumot. "Lalabhan ko 'to sa kuwarto ko."
Dahan-dahan pa talaga siyang lumabas sa
veranda dahil baka magising ang mga
kapatid ni Clouds. Swerte siya dahil
mukhang natutulog pa ang mga ito kaya
safe siyang nakabalik sa kuwarto.
Agad na pumunta siya sa banyo at nilabhan
ang kumot. Lumabas siya at isinampay ito sa
veranda. Sana lang ay matuyo kaagad bago
pa mapansin ng magkapatid.
"Ma'am? Sana ako na lang naglaba," sabi ni
Manang na kakalabas lang para maglinis.
"Magandang umaga po. Naku, ayaw ko na
kayong maabala. Alam ko naman pong busy
kayo," sabi ni Seola. "Nadumihan ko kasi
natapunan ng suka nang kumain ako ng
chicharon kagabi."
"Ah, sa baba ko na lang isampay para mas
mabilis matuyo," sabi ni Manang.
"Salamat po," pasalamat ni Seola saka kinuha
ang kumot at ibinigay kay Manang. Mabuti
nga para hindi mapansin ng magkapatid.
Ang lawak pa naman ng imahinasyon ng
mga iyon.
Bumalik na siya sa silid at muling nahiga sa
kama. Ang sakit ng buong katawan lalo na
ng pagkababae niya.
"Grabe, nakaya ko si Ulap kagabi," hindi
makapaniwalang saad niya at iniunan ang ulo
sa mga kamay. Hindi naman siya nagsisisi.
At least mahal niya ang nakauna sa kaniya.
Sana ay si Clouds na lang talaga.
Nakatulugan niya ang pag-iisip. Agad na
napabangon siya nang tumunog ang
cellphone. Napatingin siya sa wall clock. Alas
otso 'y media na pala kaya bumangon siya.
Si Red ang tumatawag. "Hello, Red."
"Hi. Nasa bakasyon kayo ni Clouds?" tanong
ni Red sa kabilang linya.
"Oo. Ikaw ba?"
"Shooting. Pakisabi kay Clouds na
nakahanap na ako ng producer ng album
ninyo," sagot ni Red.
"Talaga?" bulalas ni Seola. Matutupad na nila
ang pangarap nilang magkasintahan na
magkaroon ng love album. "Sino?"
Tumawa si Red sa kabilang linya. "Dahil alam
kong malaki ang kikitain sa inyo, si Dad na
lang ang magiging producer ninyo."
Napangiti si Seola. "Ikaw talaga, sir. Okay
lang."
"Siyempre. Alam ko namang kikita ako sa
inyo," sabi ni Red. "Sige na. Magsho-
shooting na kami. Enjoy na lang."
Nang matapos ang tawag, pumasok na si
Seola sa banyo saka naligo at bumaba para
sa umagahan.
"Magandang umaga po," magalang na bati ni
Seola sa mga ito.
"Morning," bati ni Taira.
Hinila ni Clouds ang upuan sa tabi nito.
"Dito ka na sa tabi ko maupo, Seola."
"Salamat," pasalamat ni Seola saka naupo.
"Uy, ang sarap ng ulam! Seafoods!" bulalas
ni Star nang maupo sa harapan nila.
"Oo nga. Ang sarap!" bulalas ni Dust. Kagabi
pa lang ay nagbilin na sila sa dalawang
katulong na bumili ng pinakamalaking
talangka sa malapit na market kaya expected
na seafoods ang ulam nila sa breakfast.
Well, they love heavy meals.
Lahat sila ay naupo na at sinimulang kumain.
"Kain ka ng marami, Seola," wika ni Clouds
saka nilagyan ng hipon ang plato ni Seola.
"Mom? Bakit walang mga kamay ang crab?"
reklamo ni Moon. Ang laki nga ng talangka
pero walang mga kagat. Iyon pa naman ang
gusto niya dahil may laman iyon. Mas malaki
pa kaya ang mga ito kaysa a nahuli ni Clouds
kahapon.
"Hindi ko rin alam," inosenteng sagot ni
Taira.
"Manang?" tawag ni Sky sa napadaan na
katulong. "Saan na ba ang mga paa nitong
talangka? Bakit pinutol ninyo?"
"Hindi ko nga rin po alam, sir. Nang lutuin
na namin, wala nang mga paa. Pero nang
binili namin 'yan sa palengke, kumpleto pa
ang mga 'yan. Ang lalaki pa nga ng mga
paa, eh," nagtatakang sagot ng katulong.
Lahat sila ay napatingin kay Clouds na
maganang kumakain ng hipon. Dedma lang
ito.
"Aminin mo nga, Ulap. Ikaw ang pumutol ng
mga paa nitong talangka, ano?" seryosong
tanong ni Matter.
"Malay ko sa ulam ninyo! Basta kami ni
Seola, hipon ang sa amin," inosenteng sagot
ni Clouds. "Ay, wala nang mga kagat ang
talangka?"
"Hayaan na ninyo! Bitter lang ang gumawa
niyan!" sabi ni Sun. "Nag-effort pang putulin
e!"
Nakikinig lang si Seola sa usapan ng
magpamilya habang kumakain pero sigurado
siyang si Clouds ang pumutol ng mga kagat
ng mga talangka. Maaga pa kasi itong
nagising kanina.
Nang matapos na silang kumain, niyaya siya
ni Clouds sa likod ng resthouse para
magpahangin. May dalawang maliit na kubo
kasi para pagpahingaan ng may gustong
magpalipas-oras.
"Ulap? Ikaw ba ang pumutol ng mga kagat
ng talangka?" tanong ni Seola habang
naglalakad sila sa kubo. Ang magkapatid ay
mas piniling maligo sa dagat kasama si Ash.
"Bakit ba ako ang pinaparatangan ninyo?"
naka-poker face na tanong ni Clouds.
"Huwag ka nang magpanggap na inosente
ka. Aminin mo na kasi dahil ikaw lang naman
ang may lalim na galit sa mga talangka."
Gusto sana niyang kumain dahil masasarap
at matataba ang nabili nina Manang pero
masama ang titig ni Clouds sa kaniya kaya
naghipon at nagpusit na lang siya.
"Saan mo itinapon ang mga kagat?" curious
tanong ni Seola. Napapansin niyang
naghahanap sina Moon kanina matapos
nilang kumain pero wala sa basurahan.
"Malay ko sa kagat ng talangkang iyon,"
sagot ni Clouds na wala talagang balak na
umamin.
"Aminin mo na kasi! Saan na?" pamimilit ni
Seola. "Hindi mo ba ako mahal? Wala ka
bang tiwala sa akin, Clouds?"
Tumigil si Clouds saka lumingon para
masiguradong walang makakarinig sa kanila.
"Pango? Atin-atin lang 'to, ha. Pero inilibing
ko sa ilalim ng punong-niyog," pag-amin ni
Clouds na para bang kriminal na
nagkukumpisal ng malaking kasalanan sa
madre.
"Saang puno?"
"Doon sa pinakadulo. Basta huwag mong
ipaalam sa kanila dahil malilintikan ka sa
akin!"
"Ginawa mo talaga iyon?" hindi
makapaniwalang tanong ni Seola.
"Bakit ba? Dapat lang sa kanila na putulan
ng kagat! Pasalamat nga sila, hindi ko sila
tinadtad ng saksak e!" puno ng hinanakit na
sagot ni Clouds.
"Bakit ba hindi ka maka-getover sa
talangka?"
"Pakialam mo? Dapat lang na mamatay sila!
Hindi sila nakakatulong sa kalikasan!"
Napailing si Seola at napatitig kay Clouds.
Grabe, mas isip-bata pa ito kaysa kay Ash.
Mabuti pa nga si Ash, nakakausap niya nang
matino.
"Tumawag pala si Red, may producer na
tayo sa album natin," pag-iiba ni Seola at
naupo sa duyan.
"Bakit sa 'yo siya tumawag? Isa pa ang epal
na 'yon e!" naiinis na sabi ni Clouds.
"Wala namang masama, 'di ba? Alam kasi
niyang busy ka kanina," sagot ni Seola.
"Ang sabihin mo, may gusto pa rin siya sa
'yo!"
"Uy, huwag ka ngang mag-isip nang
ganiyan. Mabait na nga si Sir Red sa atin e,"
saway ng dalaga. Ang suwerte nga nila dahil
hindi boss kundi kaibigan ang turing ni Red
sa talent ng Bright Star.
"Sana maging masaya na lang siya sa ka-
loveteam niya ngayon," sabi ni Clouds.
"May ka-loveteam na siya?" bulalas ni Seola.
"May pinu-push ang manager niya pero wala
akong pakialam," sagot ni Clouds na
nakatayo sa gilid ni Seola. "Ang mahalaga,
hindi ikaw ang ka-partner niya."
"Puwedeng ako na lang?" nakangiting
tanong ni Seola pero sumalubong ang mga
kilay ni Clouds.
"Pango ka kaya hindi ka bagay kay Red!"
pagtutol ni Clouds. "Bagay ka sa akin. Bagay
tayo, Seola."
Natawa ang dalaga. Ini-swing siya ni Clouds
pero mahina lang.
"Tabi tayo, Ulap. Kasya ang dalawa."
Umupo si Clouds sa tabi niya.
"Papalagyan ko ng duyan ang bawat puno
rito," wika ni Clouds saka inakbayan ang
dalaga.
"Okay na rin naman ang tatlo," sabi ni Seola.
May dalawa pa kasing duyan sa dulo na
nakatali sa magkabilang puno ng niyog.
"Kulang kapag marami ang mga bata. Kami
nga noon nina Luis, nag-aagawan sa duyan,"
ani Clouds na anag tinutukoy ay ang mga
pinsan sa ina na Lacson.
"Mabait ba ang mga Lacson?" curious na
tanong ni Seola at napatingala sa
guwappong binata. Mayayaman din ang mga
Lacson at kilala sa lipunan kaya maraming
citizen ang curious ng mga ugali nila. Well,
same lang din naman sa mga Villafuerte.
"Oo," sagot ni Clouds. "Pero mas popogi
ang mga Villafuerte."
"Talaga lang, huh?" sagot ni Seola.
"Tapos mas mapagmahal pa," dagdag ni
Clouds. "Kita mo? Mahal kita."
"Oo na lang," sagot ni Seola at
napabuntonghininga.
Napatingin siya sa bulsa ni Clouds nang
tumunog ito.
Dinukot ng binata at sinagot ang tawag
kahit na hindi nakarehistro ang numero sa
phonebook niya.
"Hello? Sino 'to?"
Nakikinig lang si Seola. Narinig niya ang
pagbuntonghininga ni Clouds para
pinipigilan ang sariling magalit.
"Sige. Ingat ka. Sana maging masaya ka na
at huwag ka nang bumalik pa, Clarissa," sabi
ni Clouds sa kausap saka nakinig na naman
sa sinasabi nito.
"Napatawad na kita pero sana iyon na ang
huli mo. Bago ka umalis, gusto ko lang
ipaalam sa 'yo na alam kong may gusto ka
kay Red and to be honest, hindi na ako boto
sa 'yo para sa pinsan ko. He deserves
someone na totoo sa sarili. Sana maging
masaya ka na. Do what you want. Hindi
iyong sunod-sunuran ka lang sa ina mong
gahaman sa pera!" huling habilin ni Clouds
saka tinapos na ang tawag.
"A-Aalis si Clarissa?" tanong ni Seola.
"Oo, mag-aabroad na raw siya. Nasa ibang
bansa ang ama niya at balak niyang mag-
handle ng negosyo ng pamilya nila. Well?
Good for her para hindi na siya makialam sa
buhay natin," sagot ni Clouds.
Nakakalungkot lang isipin na iyon ang
ginawa ng matalik niyang kaibigan.
"Iiwan na niya ang showbiz? Sayang naman,"
nanghihinayang na sabi ni Seola.
"Mas sayang ang relasyon natin kung hindi
na ako nakaalala pa," sagot ni Clouds at
masamang tiningnan si Seola. "Dahil wala
akong mapapala sa 'yo. Hindi ka marunong
lumaban!"
"Sorry na nga e," paumanhin ni Seola at
yumakap sa braso ni Clouds saka isinandig
ang ulo sa balikat nito.
"Kiss muna," nakangiting sabi ni Clouds.
"Baka makita nila tayo," bulong ni Seola
sabay hampas sa balikat ng kasintahan.
"Hayaan mo sila. Normal lang naman na
nagki-kiss tayo," bulong ni Clouds kahit na
silang dalawa lang naman ang nandito.
"Psh! Pasaway ka," ani Seola.
"Sige na, isang kiss lang sa lips."
Pangungulit ng binata saka humarap kay
Seola.
"Isang halik mo lang, limot ko na." Pagkanta
ng binata kaya natawa si Seola at inabot ang
mga labi ni Clouds. Ang smack kiss lang sana
ay nauwi sa torrid kiss pero agad naman
silang nagkahiwalay nang marinig ang mga
yabag na palapit sa kanila saka sabay na
tumawa.
"Ako ang kinakabahan sa buko kapag may
lovebirds na pumuwesto rito," wika ni Sky
na kasama si Taira. Paborito pa naman nila
ang buko salad at buko na may condensada.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon