MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 37
Unedited...
"Ano ba talaga ang nangyari, Cla?"
seryosong tanong ni Red habang umiinom
ng 7-UP.
"Anong ano?"
"Noong naaksidente si Clouds?" usisa ni Red
habang nakatingin sa baba ng building. Nasa
rooftop sila ni Clarissa para makapag-usap
nang masinsinan.
Iniwas ni Clarisa ang mga mata at tinatagan
ang loob. "Kung ano ang naririnig mo, iyon
na iyon, Red."
"Paniniwalaan kita kapag magkuwento ka.
Ikaw ba talaga ang iniligtas ni Clouds,
Seola?"
"K-Kung hindi ka naniniwala, bahala ka,
Red." Hinarap niya ang binata at
nakipagtitigan sa mga mata nito.
Ngumiti si Red. "Ikaw ang may gawa ng
kapalaran mo, Cla. Kung may problema ka,
labas na ang agency dahil iyon ang pinili
mong landas na tatahakin."
Napalunok si Clarissa ng laway. Gusto
niyang takasan ang problema pero wala
siyang choice.
"Alam mo kung ano ang pinakagusto ko sa
'yo, Cla? Matatag ka. Matapang. May
paninindigan. Pero paunti-unti kong
napapansin na nawawala na ang Clarisang
iyon. Ano ang nangyari, Cla?" malungkot na
tanong ni Red. Hindi ito ang babaeng
hinangaan niya.
"Alam mo kung bakit ako nagkaganito,
Red?" matapang na tanong ni Clarissa at
tiningala ang binata. "Dahil sa 'yo! Dahil
minahal kita. Nagmahal ako ng taong iba
ang gusto!"
Umiling si Red, "Kung mahal mo 'ko, huwag
kang magbago. Hayaan mong mahalin kita
na bukal sa kalooban ko."
"Kung pinatawag mo ako para insultuhin at
ipamukha sa akin na wala ka talagang
nararamdaman para sa akin, pasensiya na,
Red. You're just wasting my time!"
"Sorry kung iyon ang tingin mo, Cla."
"Wala kang dapat na ihingi ng tawad, Red.
Gusto kong mahalin mo ako pero mas
natatakot ako na mawala ang mga bagay na
mayroon ako ngayon, Red. Mas takot akong
talikuran ng fans at mawalan ng pangalan sa
pagkanta."
Tinalikuran na niya si Red at lumabas habang
tumutulo ang mga luha. Hindi sana siya
aabot sa ganito kung hindi niya minahal ang
binata.
"Alam kong hindi na kita makukuha," bulong
ni Clarissa. Tama si Red, ito ang landas na
pinili niyang tatahakin.
"Miss? Saan ba dito ang studio ni Sir
Clouds?" tanong ng lalaking nakasalubong
niya at may bitbit na gitara.
"Bakit?"
"Pinapabalik ni Mr.Lim ang gitara niya,"
sagot ng binatilyo kaya napakunot ang noo
ni Clarissa.
"Bakit nasa kay Mr.Lim ang gitara ni
Clouds?" tanong ni Clarissa. Ito nga ang
lagayan ng gitara ni Clouds noon.
"Collateral niya noon para makapag-produce
ng album," sagot nito.
Napaisip si Clarissa. Si Mr.Lim ang producer
ng first album ni Seola.
"Ahm? Ako na ang maghahatid, doon din
ako patungo sa studio niya." nakangiting
sabi ni Clarissa.
"Ganoon po ba--ay ma'am? Ikaw po ang
girlfriend niya, 'di ba?" Ngayon lang
namukhaan ng binatilyo ang mukha ng
dalaga.
"Oo, ako nga."
"Sure ka? Mabigat po ito."
"Magaan lang 'yan, naggigitara din ako," ani
Clarissa at kinuha sa binatilyo ang gitara.
"Sige, umalis ka na."
"Sige po," nakangiting sabi ng binatilyo na
manghang-mangha sa magandang mukha ng
dalaga.
Dinala ni Clarissa ang gitara ni Clouds sa
studio ng binata.
"Cla? Bakit bitbit mo ang gitara ko?"
nagtatakang tanong ni Clouds. Noong isang
araw pa niyang hinahanap ang gitara niya
pero hindi niya mahagilap.
"Naiwan mo sa condo ko," sagot ni Clarissa
at inilapag sa table ni Clouds. "Isasauli ko na
dahil alam kong kailangan na kailangan mo
ito."
"Doon lang pala? Ghad, nakalimutan kitang
tanungin," bulalas ni Clouds at tumayo saka
niyakap si Clarissa. "Alam mong mahalaga
ang gitara ko sa akin."
Tinapik ni Clarissa sa likod ang binata. "Alam
ko, pasensiya ka na kung pinilit kitang iwan
ang gitara mo sa condo dahil nasira ang
strings ng gitara ko."
Tumawa si Clouds. "Mahal lang kita kaya
nagawa kong iwan ang gitara ko at
ipagkatiwala sa 'yo."
Kumalas si Clarissa sa pagkakayakap, "Mauna
na ako, Clouds. May gagawin pa ako."
"Ingat. Tawagan mo ako mamaya, ihahatid
kita sa inyo."
"Sure. Gusto ka rin makita ni Mommy," sabi
ni Clarissa at hinalikan si Clouds sa kanang
pisngi at umalis na.
Kakalabas lang ni Clarissa nang pumasok si
Dust sa studio niya.
"Bakit napadalaw ka?" tanong ni Clouds sa
kapatid. Hindi man sila nabuhay sa iisang
sinapupunan at sabay na isinilang, kambal pa
rin ang turingan nilang anim. Team Galaxy
kung ang ama pa nila.
"Pinapatawag ka ni Daddy, may mahalagang
bagay raw siyang idi-discuss sa 'yo. As in
now na."
"Busy ako. Mamayang gabi na lang," sabi ni
Clouds.
"Okay, may date pa ako," nagmamadaling
sabi ni Dust at umalis na kaagad.
Kinuha ni Clouds ang gitara at sinubukang
gamitin. Maayos pa ito at nasa tono. Wala
sa sariling niyakap niya ang gitara na para
bang ang tagal nitong nawala sa kaniya.
Napatingin siya sa pinto nang bumukas ito
matapos ang dalawang katok.
"Ano ang kailangan mo?"
"Kasama ka sa talent na magkakaroon ng fan
sign mamayang alas tres," sagot ni Seola at
napasulyap si gitarang hawak ni Clouds.
"What? Seryoso ka? Bakit ako? Busy ako!"
sunod-sunod na tanong niya.
"Ewan ko kay Red," sagot ni Seola.
"Baliw na ba siya?"
"Itatanong ko sa kaniya?"
"Ang alin?"
"Kung baliw ba siya?"
"Wala ka bang ginagawa at sinisira mi ang
araw ko?" singhal ni Clouds kaya
napasimangot si Seola.
"Mabuti naman at nakabalik na ang gitara
mo," masayang sabi ni Seola. Mabuti at
ibinalik na ni Mr.Lim kagaya ng ipinangako
nito sa kaniya.
"Oo naman! Ibinalik na ni Clarissa. Pakialam
mo?" pagsisinuplado ni Clouds kaya
natigilan si Seola.
"C-Clarissa?"
"Bakit ka ba nakikialam sa buhay ko? Ano ba
ang masama kung iiwan ko sa condo ni
Clarissa ang gitara ko? Girlfriend at mahal
ko naman ang tao!" singhal ni Clouds kaya
napakagat sa ibabang labi si Seola. Si
Clarissa na naman?
"Fine! Magsama kayo ng Clarissa mo at oras
na bumalik ang alaala mo, huwag kang--"
Hindi na niya itinuloy ang sasabihin dahil
naninikip ang dibdib niya. Huwag lang
talagang humingi ng tawad si Clouds sa
kaniya dahil papahirapan talaga niya. Pero
agad namang binawi niya ang naisip. Wala
pala itong maalala kaya hindi rin niya masisi
ang binata.
Kakasara lang niya ng pinto nang makaharap
niya si Clarissa.
"Puwede bang huwag ka nang lumapit pa
kay Clouds? Ginugulo mo lang siya!"
Napangiti si Seola at hinarap si Clarissa.
"Sino ang nanggugulo, Clarissa? Ako nga
ba? O ikaw na nakikiapid lang sa relasyon
naming dalawa?"
"Ang ka--" Clarissa. Sasampalin sana niya si
Seola pero nasalo ng dalaga ang kamay niya.
"Hahayaan kitang umeksena ngayon dahil
mahal ko si Clouds pero huwag na huwag
kang lumuhod sa harapan ko oras na
makaalala na si Clouds!" madiin na sabi ni
Seola at pabagsak na binitiwan ang kamay ni
Clarissa.
Dali-dali siyang tumungo sa dressing room
para mag-ayos dahil sa fan sign nila. Mag-
isa siyang aalis at walang kasamang make-
up artist. Tinatamad siyang mag-ayos dahil
hindi naman nababago ng makeup o ganda
ang ugali ng isang tao. Parang si Clarissa,
mukhang Anghel pero may tinatago itong
sungay at sa dilim lang makikita. Kapal ng
mukha.
Lumabas na siya at nauna sa van na service
ng agency. Ilang sandali pa ay sabay na
pumasok sina Clouds at Clarissa sa unahan
niya. Lima silang artists pero tinatamad
siyang magsalita.
"Kailan ang kasal, Cla?" tanong ni Yuri.
"Soon..." tipid na sagot ni Clarissa kaya
napasimangot si Seola at isinalampak ang
earphone sa tainga at ipinikit ang mga mata.
Sa sobrang pagod ng utak ay hindi niya
namalayang nakatulog na pala siya.
"Labas na!" pagsisinuplado ni Clouds
patapos tanggalin ang earphone sa tainga
niya.
"Salamat sa paggising," labas sa ilong na
pasalamat ni Seola at inayos ang sarili saka
sumunod kina Clouds. Para lang siyang
alalay ng apat. Lahat ng fans ay nagtilian
nang pumasok sila at puro Clouds ang
isinisigaw ng mga ito.
Pinaupo na sila sa mahabang table.
Magkatabi sina Clarissa at Clouds kasi
magsa-sign sila as couple.
"Salamat po sa pagpunta," nakangiting
pasalamat ni Clarissa habang pinipirmahan
ang album ng fan nila ni Clouds.
"Bagay po kayo ni Kuya Clouds," nakangiting
sabi ng fan kaya napahawak si Clarissa sa
braso ni Clouds na nagpipirma rin ang
kabilang kamay.
Napapangiti lang si Clouds sa mga fans at
hinahayaan na si Clarissa ang makipag-usap
sa kanila.
Napasulyap siya kay Seola na nasa right side
niya. Busy ito sa kakapirma.
"Ate Seola? May boyfriend ka na po ba?"
tanong ng dalagang nagpapirma kay Seola
kaya napangiti ang dalaga.
"Secret," todo ngiti na sagot ni Seola kaya
natawa ang mga fans nito.
"Uy, meron na yata e. Blooming ka, Ate."
Tuksuhan na ang mga ito.
"Hindi mawawala ang nagpapakilig sa atin
kaya secret lang muna," sagot ni Seola at
kinindatan ang mga ito kaya naikuyom ni
Clouds ang kamao.
"Kilig pa. Bakit hindi na lang aminin na si
Red ang boyfriend niya?" bulong ni Clouds
at inirapan si Seola nang mapasulyap ito sa
kaniya.
Nagkaroon sila ng break ng 15 minutes para
uminom at mag-snacks muna.
Dumiretso si Seola sa CR para umihi. Isasara
na niya sana ang pinto nang itulak ito ni
Clouds at agad na pumasok.
"A-Ano ang ginagawa mo rito?" pabulong
na tanong ni Seola dahil baka marinig sila.
"Clouds?" pukaw niya nang hindi sumagot
ang binata.
Nanlaki ang mga mata niya nang hapitin siya
nito at hinalikan sa mga labi kaya mabilis na
tinulak niya ang binata.
"Ano ba ang problema mo?" mahina pero
pagalit na sabi niya. Napakunot ang noo
niya na napatingala sa binata. Nakaalala na
ba ito?
Hinawakan ni Clouds ang magkabilang pisngi
niya, "Gusto ko lang gawin 'to sa 'yo."
Hinayaan na niya nang yumuko si Clouds at
muling siniil siya ng halik sa mga labi. This
time ay mas matagal na at nang hindi na
makahinga ay pinakawalan siya ng binata.
"Para patunayan mo na mas magaling akong
humalik kaysa sa boyfriend mo!" sabi ni
Clouds para pagtakpan ang hiya dahil sa
ginawa. Kahit siya, hindi rin niya
maintindihan ang sarili kung bakit nagawa
niya iyon kay Seola. Parang nakagawian na
niya? Basta. Magulo.
Nasa labas na si Clouds nang sinagap ni
Seola ang hangin. Hindi pa nga bumalik ang
alaala ni Clouds pero nakaiskor na naman ito
sa kaniya.
"Mahilig talagang manghalik!" bulong ni
Seola at napailing na lang saka umihi bago
bumalik sa table nila.
Alas siyete na ng gabi natapos ang fan sign.
Ne hindi na siya napasulyap pa kay Clouds
dahil baka sasama lang ang loob niya dahil
panay ang pagpapa-sweet ni Clarissa sa
harap ng fans nila.
"Hi," nakangiting bati ni Red nang lumabas
sina Seola kaya napatingin din sina Clarissa
at Clouds.
"Bakit nandito ka?" tanong ni Seola.
"Ihatid na kita," sagot ni Red at inakbayan
siya.
"May service kami!" sabat ni Clouds.
"Okay lang, para diretso na sa bahay si
Seola," sagot ni Red at hinawakan ang
kamay ng dalaga. "Let's go?"
"Bakit mo pa kami pinagamit sa van kung
hindi mo rin pala siya pasakayin?" naiinis na
tanong ni Clouds.
"Para sa inyo lang ang van pero hindi kay
Seola," sagot ni Red at hinila na si Seoal
palayo sa kanila at pinasakay sa sasakyan
nito.
"Red? Bakit mo pa ako sinundo?"
"Napadaan lang ako at nakita ko kayo,"
sagot ng binata habang nagmamaneho.
Hindi na umimik pa si Seola at nahulog sa
malalim na pag-iisip. Kailan kaya siya
maalala ni Clouds? Nasasaktan na siya sa
sweetness nila ni Clarissa. Hindi naman
talaga dapat pero nagtatampo na siya kay
Clouds.
"Nandito na tayo," anunsiyo ni Red at
pinatigil ang sasakyan. Totoong napadaan
lang talaga siya at nakita niya si Seola na
nakatingin kina Clouds at Clarissa kaya
tumigil na siya lalo na't nasasaktan ang
isinisigaw ng mga mata nito.
"Salamat sa paghatid, Sir Red," pasalamat ni
Seola at lumabas na.
Binilisan niya ang paglalakad nang mapansin
niya ang mamahaling sasakyan sa labasan
bago pumasok sa iskinita nila.
Nang pumasok siya sa bahay, agad na
tumayo si Ash at sinalubong siya.
"Ate? May bisita po tayo."
"B-Bakit po?" nagtatakang tanong ng dalaga
at napatingin sa babaeng bisita na may
kasamang katulong nito.
"Ikaw ba ang anak ni Melanie Vasquez?"
tanong ni Taira.
"O-Opo, bakit ho? May utang ho ba ang
nanay ko?" kinakabahang tanong ni Seola.
Ngumiti si Taira. "Ang nanay mo ang
surrogate mother ng isa sa mga anak ko."
Napakunot ang noo ni Seola. Parang familiar
ang magandang mukha nito pero hindi lang
niya maalala kung saan niya nakita ito.
"I heard, sa Westbridge ka nagtatrabaho
dati bago ka naging singer?" tanong ni
Taira.
"O-Opo."
"Siguro, kilala mo na ang mga anak ko?"
"H-Ho?"
"Ang team galaxy, sila ang mga anak ko,"
pagpakilala ni Taira kaya napanganga si
Seola. Ito ang ina ng team galaxy?
"A-Ang ganda mo po," sinambit niya ang
unang pumasok sa utak niya. Tumawa si
Taira at napatitig sa mukha ni Seola.
"Ang ina mo pala ang surrogate mother ng
isa sa anim, kapatid ninyo si Clouds," sabi ni
Taira na ikinabigla ni Seola.
"K-Kapatid namin si Clouds?" ulit ni Seola.
"Kapatid sa sinapupunan," nakangiting sagot
ni Taira.A/n:
Para may originality naman kahit kaunti ang
story na ito. Hehehe...