22

861 40 1
                                    


MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 22

Unedited...
"Pauwi ka na? Ihatid na kita," alok ni Red
nang palabas na si Seola sa gate.
"Sir? Opo. Naku, huwag na po," tanggi ni
Seola.
"Sige, hindi na kita ihatid pero puwede mo
ba akong samahang mag-merienda?" tanong
ni Red. "Huwag mong sabihing tatanggihan
mo ang boss mo?"
Nag-pout si Seola.
"Ginagamit mo ang pagiging boss mo?"
kunwari ay nagtatampo siya na ikinangiti ni
Red.
"Kapag ba hindi, sasamahan mo ako?"
tanong ni Red na ikinangiti ni Seola.
"Sige na nga. Pero mabilis lang tayo, sir,
dahil hinihintay ako ni Ash," pagpayag ng
dalaga kaya alanganing ngumiti si Red. Si
Ash nga lang ba? O si Clouds. Gusto sana
niyang ipaalam kay Seola na alam na niyang
nasa iisang bubong lang silang umuuwi ni
Clouds. Naiinggit siya sa pinsan. Kung sa
ganoong bahay siya titira pero kasama
naman si Seola, magiging masaya na siya.
Sa ice cream shop niya dinala ang dalaga.
"Masarap ang ice cream nila rito,"
nakangiting sabi ni Seola.
"Nasubukan mo na?"
Tumango si Seola. "Oo, kasama ko si Clouds
pero pinagbawalan niya akong kumain nang
marami."
Hinawakan ni Red ang kanang kamay ni Seola
at hinila palapit sa counter. "Dahil ako ang
kasama mo, eat-all-you-can tayo. Treat ko."
"Talaga?" tanong ni Seola na lumiwanag ang
mga mata.
"Oo naman. Ayaw mo?" natatawang tanong
ni Red. Ang genuine ng kasiyahan ni Seola.
"Hindi. Sabi ko nga, kakain ako nang
marami," sabi ni Seola. Minsan lang siyang
makakain ng masarap na pagkain dahil libre.
Nang mabusog na sila, saka naman
nagpaalam si Seola na uuwi na. Ihahatid pa
sana siya ni Red pero tumanggi siya.
Pagdating sa bahay, kaunti lang ang kinain
niya pero hindi na nagtanong pa si Clouds
at maaga pa itong pumasok sa kuwarto.
Tinatamad na ring magsalita si Seola kaya
hinayaan na niya ang binata at maagang
pinatulog si Ash.
Kinabukasan, maaga pa siyang nagising at
nagsangag ng kaning natira kagabi at
nagprito ng itlog at tuyo.
"Aaah," sabi ni Seola habang kumakain sila
at napahawak sa leeg. Namamalat siya.
"Okay ka lang po ba, Ate Seola?" tanong ni
Ash. Napasulyap si Seola kay Clouds na
walang imik na kumain. Papagalitan siya nito
kapag sabihin niyang medyo sumasakit ang
lalamunan niya.
"Okay lang ako. Kumain ka na para maaga ka
pa sa school," sagot niya at kinuha ang kape
pero agad na inagaw ni Clouds ang tasa.
"Magtubig ka para hindi ka matuluyang
mamaos," sabi ni Clouds kaya tumango si
Seola.
-------------------
"Oh, 'di ba? Okay ka na?" tanong ni Clouds
nang lumapit kay Seola.
"Pero masakit pa rin ang lalamunan ko,"
reklamo ni Seola.
"Ano ba kasi ang kinain mo kahapon?"
"Wala," sagot ni Seola.
"Oh!" sabi ni Clouds sabay lapag ng inumin
sa harapan ni Seola. Chamomile tea at
nilagyan niya ng kaunting honey at lemon.
"Ano 'to?"
"Ito ang inumin mo at huwag ka nang mag-
softdrinks o kape. Mas nakakabuti 'to sa
lalamunan mo," sabi ni Clouds kaya
napatingin si Seola sa tea na ibinigay ni
Clouds.
"Saan mo 'to nalaman?"
"Sa mommy ko. Noong okay pa kami,
ginagawan niya ako ng ganito," sagot ni
Clouds na biglang nakaramdam ng pagka-
miss sa ina. Pero ayaw pa rin niyang umuwi
dahil nagtatampo pa rin siya sa ama.
"W-Wala ka bang balak na umuwi?"
"Wala," tipid na sagot ni Clouds. "Gusto ko
ng pancit canton kaya ipagluto mo ako."
"Ilan?" tanong ni Seola.
"Dalawa. Original lang pero paki-seperate,"
sabi ni Clouds kaya tumango si Seola at
nagluto. Pumunta naman si Clouds sa upuan
ng mga customer saka tinitingnan si Seola.
Marami ang lumapit at bumili sa dalaga kaya
naging busy na ito.
"Pasensiya na sa paghintay. Ito na ang order
mo, Sir," sabi ni Seola at inilapag ang
dalawang paper plate na may laman na
pancit canton.
"Kunin mo ang tea na ibinigay ko," sabi ni
Clouds.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Seola.
"Dapat maligamgam pa siya kapag inumin
mo."
"Iinumin ko na lang sa puwesto ko," sagot ni
Seola at tumalikod na pero nahawakan ni
Clouds ang kanang kamay niya.
"Dalawa ang in-order ko kaya sa 'yo ang isa.
Samahan mo akong kumain, Seola."
Humarap ang dalaga na nakataas ang kilay.
"May trabaho pa ako, manager."
"Mamaya ka na magtrabaho, samahan mo
muna akong kumain."
"Clouds naman, anong drama 'to?" naiinis na
tanong ni Seola.
"Wala akong drama. Gusto lang kitang
magpahinga muna kaya kumain ka na."
Hindi makapaniwalang tinitigan ni Seola si
Clouds.
"Bakit? Hindi mo ba ako sasamahan dahil
pancit canton lang ang inililibre ko sa 'yo?"
tanong ni Clouds.
"Hindi naman sa gano'n, Clouds. Ano ba ang
pinagsasabi mo?"
"Alam kong kaya ka namaos dahil
magkasama kayo ni Red kahapon. Alam
kong pinakain ka niya ng ice cream kaya--"
"Sinusundan mo ba ako? Clouds naman,
wala na ba akong privacy?"
"Masama sa boses mo ang sobrang matamis
dahil iyon ang puhunan mo, Seola. Alam mo
'yan at alam ng president ng agency 'yan!"
giit ni Clouds na pinipigilan ang sariling
sumigaw. Nakita niya ang dalawa na
pumasok sa ice cream shop sa labas ng
Westbridge.
"Pero next week pa naman ang live concert,"
sagot ni Seola.
"What if hindi na maka-recover ang boses
mo? Hindi natin malalaman ang mga
susunod na mangyari, Seola. At bilang
manager mo, iyan ang trabaho ko!"
Napilitang umupo si Seola at padabog na
kinain ang pancit canton.
"Kung masama ang loob mong kumain
kasama ko, bumalik ka na sa pagtinda roon!"
pagtataboy ni Clouds kaya sinubukan ni
Seola na pakalmahin ang sarili.
"Nagugutom na rin ako," sagot ni Seola at
ipinagpatuloy ang pagkain.
"Pasensiya ka na kung naka-istorbo ako,"
paumanhin ni Clouds na ikinasimangot ng
dalaga.
"Kumakain na tayo kaya wala na iyon."
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si
Ash kung naka-merienda na ba ito?
"Naalala kong nawala ang cellphone mo last
week, saan mo nakita?" tanong ni Clouds.
"Naiwan ko pala sa kotse ni Sir Red nang
pumunta kami sa Quezon," sagot ni Seola.
Inaway pa nga niya si Clouds at Ash dahil
baka pinagtrip-an lang siya ng dalawa.
"Nang dahil sa katangahan mo, kami pa ang
pinagbintangan mo?" naiinis na sumbat ni
Clouds.
"Sorry naman."
"Seola?" tawag ni Clarissa na palapit kaya
napalingon ang dalawa.
"Hi," nakangiting bati ni Seola.
"Okay ka na ba sa liveshow?" Naupo si
Clarissa sa tabi ni Clouds.
"M-Medyo..." alanganing sagot ni Seola at
napasulyap kay Clouds na ipinagpatuloy ang
pagkain.
"Good. Good luck then." Tumayo si Clarissa
at napatingin kay Red na papalapit sa kanila.
"Puwede ba tayong mag-usap, Cla?" tanong
ni Red at nginitian si Seola.
"Kumain ka na, Seola. Hindi ba't sabi mo,
hindi na masarap ang pancit canton kapag
malamig na?" sabi ni Clouds nang
mapansing ngumiti si Seola kay Red. Itinulak
ang paperplate may Seola para ipagpatuloy
ang pagkain.
"Psh! Isip bata!" bulong ni Red at tumalikod
para dalhin si Clarissa sa tambayan nila.
Napasulyap si Clarissa kay Red. Nakaramdam
siya ng kirot nang makita niyang umiba ang
timpla ni Red nang mapansing hindi na ito
sinagot pa ni Seola nang dahil kay Clouds.
Tahimik na naglakad sila patungo sa
tambayan ng magpinsan. Pagdating sa loob,
wala pang tao kaya masosolo niya si Red.
"Baliw talaga si Clouds!" bulong ni Red.
"Gusto mo ba si Seola?" tanong ni Clarissa
kaya napatingin si Red sa kaniya.
Namayani ang katahimikan sa loob ng silid.
"M-May gusto ka ba sa kaniya?" muling
tanong ni Clarissa.
"Wala ka na roon," sagot ni Red at humarap
sa kaniya. "Gusto kong kausapin ka para sa
nalalapit na liveshow mo."
"Gusto kita..." diretsahang pag-amin ni
Clarissa kaya napakunot ang noo ni Red.
"Matagal na kitang gusto, Red. Pero bakit
hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako
napapansin? Pero bakit si Seola na bago
lang, kaagad mo siyang nagustuhan? Am I
not pretty enough?"
"Huwag mong isipin 'yan, Cla. Maganda ka
kaya marami pa riyan. Naninibago ka lang."
"Sino ka para pagdudahan ang feelings ko?
Hindi ko sinabi ito para magustuhan mo ako.
Gusto ko lang malaman mo na nasasaktan
ako kapag makita kong mas mahalaga sa 'yo
ang ibang tao kaysa sa akin. I did my best
para mapalapit sa 'yo," malungkot na sabi ni
Clarissa na pinipigilan lang ang mga luha.
"Cla--"
"Nextime na lang tayo mag-usap, Red.
Pupuntahan ko pa ang manager ko," sabi ni
Clarissa at mabilis na nawala sa harapan ni
Red.
"Nakita mo si Yesha?" tanong ni Chummy
nang pumasok.
"Hindi," walang ganang sagot ni Red at
napatingin sa kaibigang dumiretso sa kusina
at naghanap ng pagkain.
"Para kang nahulugan ng langit," puna ni
Chummy na may bitbit na burger paglabas
sa kusina.
"Lumabas ka na nga, nakadali ka na ng
burger eh," pagtataboy ni Red.
"Suplado ka! Hindi ka namin gagawan ni
Yesha ng assignment," nakasimangot na sabi
ni Chummy at inirapan si Red bago
tumalikod pero kaagad na naitago ang
burger nang sabay na pumasok ang tatlong
magkakapatid.
"Ano 'yang sa likod mo?" walang emosyong
tanong ni Star. Umiling si Chummy pero
hinablot ni Red ang burger at ipinakita sa
tatlo.
"Kainis ka, Red!" pagtatampo ni Chummy
saka tumakbo palabas.
-----------------------------
"May last song ka pa," sabi ni Seola kay
Clarissa. Tapos na ang duet nila at palabas
na sila backstage para magpalit si Clarissa
ng damit.
"Salamat, Seola," pasalamat ni Clarissa at
pilit na ngumiti. Hindi siya kumportable
dahil may naririnig siyang sumisigaw ng
pangalan ni Seola habang duet sila. Siya ang
star ngayong gabi pero bakit may iilang
nagche-cheer kay Seola?
"Ang galing mo talaga. Kaya nga idol kita
e," puno ng paghangang puri ni Seola. Ang
sexy pa ni Clarissa. Kahit na maliit ito sa
kaniya, at least may laman. Hindi kagaya
niyang matangkad lang pero straight ang
katawan. Isa pa, matangos ang ilong ni
Clarissa kaya ang cute nito tingnan.
"Good job, Seola. Ang galing ng
performance ninyo ni Clarissa," puri ni Red
at inabot sa kaniya ang bouquet ng puting
rosas.
"Salamat po," pasalamat ni Seola at kinuha
ang bulaklak.
"Here," ani Red at ibinigay rin kay Clarissa
ang isa pang white roses. "Ang galing mo,
Cla. Bawing-bawi ang gastos ko sa inyo,"
biro ni Red kaya natawa si Seola.
"Ikaw talaga, sir. Napakapalabiro mo," ani
Seola.
"Ang ganda mo ngayong gabi, Seola. Bagay
sa 'yo ang suot mo," puri ni Red at
kinindatan ang dalaga kaya iniwas ni Clarissa
ang mga mata. Bakit ganito si Red? Alam
naman nitong may gusto siya rito pero bakit
na patuloy siya nitong sinasaktan?
"Mauna na muna ako, sir. Hinihintay ako ng
manager ko sa dressing room," paalam ni
Seola at umalis na.
"Alam mong gusto kita pero bakit ganiyan
pa rin ang ipinapakita mo sa harapan ko,
Red?" mahinang tanong ni Clarissa nang
talikuran na sana siya ni Red.
"Naiintindihan kita pero may sarili rin akong
gusto, Cla," mahinang sagot ni Red. "Good
luck sa last performance, Cla. You're still my
favorite talent."
Tinalikuran na niya si Clarissa nang makita
sina Seola at Clouds na palabas ng dressing
room.
"Uuwi ka na, Seola?" tanong ni Red.
"Obvious ba?" sabat ni Clouds na
nakapamulsa pero siniko ito ni Seola at
pinandilatan para manahimik.
"Opo, wala kasing kasama si Ash at maaga
pa ako bukas dahil maglalaba pa ako," sagot
ni Seola.
"Ako na ang magdadala," ani Red at mabilis
na inagaw ang dala nitong malaking bag.
"Huwag na po, magaan lang naman," tanggi
ni Seola pero agad na tinago ni Red sa likod
ang bag.
"Kahit na. Ako na ang magdadala dahil alam
kong pagod ka. Isa pa, exercise na rin," sabi
ni Red kaya tumango na lang si Seola.
"Gusto mong mag-exercise?" sabat ni
Clouds. "Ito pa, dalhin mo ang mga supot
na 'to!"
"Mas malakas ka kaya ikaw na, ang tamad
mo," sagot ni Red at sumunod na kay Seola
na naunang naglakad.
"Psh! Pa-impress!" bulong ni Clouds at
sumunod na sa kanila.
"Ako na ang maghahatid sa 'yo," alok ni Red
nang makalabas na sila sa stadium.
"Huwag na po," nahihiyang tanggi ni Seola.
"Sige na, gabi na e. Delikado sa daan," giit
ni Red at binuksan ang pinto ng sasakyan
nang makalapit na sila. "Mas kampante
akong mahatid kita."
Pinara ni Clouds ang taxi at binuksan sa
compartment saka ipinasok ang bitbit na
gamit. Walang pasabing hinablot niya ang
dala ni Red na malaking bag at patapon na
inilagay sa taxi. Binuksan niya ang pinto ng
backseat at humarap sa dalawa.
"Sakay na, Seola," ani Clouds.
"Ako na ang maghahatid sa kaniya," sabat ni
Red na sinalubong ang mga mata ng pinsan.
Hinarap ni Clouds si Seola na hindi umiimik
at nakayuko dahil may iilang nakatingin sa
kanila.
"Sakay na! Hindi ka sasakay?" Tumaas na
ang boses ni Clouds kaya nataranta si Seola
at hinarap si Red.
"U-Uuwi na po ako. Salamat po sa paghatid
dito sa labas, Sir Red," pasalamat ni Seola at
yumuko kay Red saka mabilis na lumapit kay
Clouds na naghihintay sa pagpasok niya sa
taxi.
Napabuga si Red sa hangin habang
nakatingin kay Seola na nasa loob na ng
taxi. Isinara ni Clouds ang pinto at humarap
kay Red.
"Sa akin siya sumama kaya huwag mo nang
ipilit pa ang sarili mo sa kaniya," sabi ni
Clouds.
"Sumama siya kasi pinilit mo lang siya,"
sagot ni Red na naikuyom ang kamao.
"Walang makakapilit kay Seola kapag
magmatigas siya," sagot ni Clouds at umikot
na sa kabila saka sumakay.
Paminsan-minsan, napasulyap si Seola kay
Clouds na nakatingin sa dinadaanan nila
pero mukhang may malalim na iniisip. Sana
sigawan na lang siya nito at murahin pero
tahimik lang si Clouds.
"Congrats sa maayos mong performance,"
wika ni Clouds.
"S-Salamat."
Tumango lang si Clouds kaya naasiwa siya.
"G-Galit ka ba?" tanong niya. Hinarap siya ni
Clouds pero kaagad niyang iniwas ang mga
mata sa binata. Kinakabahan siya sa
pananahimik nito.
"Paano kung sabihin kong oo? Iiwasan mo
ba ang pinsan ko?"
Napanganga si Seola at hindi malaman ang
gagawin.
"Kalimutan mo na ako ang sinabi ko," bawi
ni Clouds.
"Clouds?"
"Hmm?"
"Inaantok na ako," ani Seola kaya umusog si
Clouds palapit sa kaniya. Hinawakan nito ang
ulo ng dalaga at isinandal sa malapad na
balikat niya.
"Wala akong mai-offer sa 'yo sa ngayon
kundi ang balikat ko," bulong ni Clouds kaya
hindi makakilos ang dalaga. Ne hindi niya
kayang magsalita dahil sa ginawa ni Clouds.
Wala na itong sinabi kaya ipinikit niya ang
kaniyang mga mata nang makaramdam siya
ng antok.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon