31

892 44 0
                                    



MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 31

Unedited...
Pak!
Napaatras si Seola nang makitang sinampal
si Clarissa ng ina nito. Papasok na sana siya
dahil nakabukas ang pinto pero ito ang
nakita niya.
"Kapag may makakita sa 'yo na
nagpakalasing ka, sino ang tatakip sa butas?
Ako na naman? Wala ka na bang gawing
matino sa buhay?"
"G-Gusto ko lang maging malaya."
"Malaya? Ano 'tong mga litrato? Una,
pagtataray tapos ngayon naman, paglalasing
mo?" singhal ng ina ni Clarissa kaya dali-
daling tumakbo paalis si Seola dahil baka
makita pa siya ng mga ito.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni
Red nang makasalubong niya. "Tumakbo ka
ba?"
"H-Ha? Exercise lang," pagdadahilan ni Seola
at napakamot sa ulo.
"Exercise?"
"O-Oo." Inunat niya ang mga kamay. "Alam
mo na, kailangan kong nagpalakas kaya
gusto kong libutin ang buong building."
Natawa si Red. "Kakaiba talaga ang trip mo.
Gusto mong sabayan kita?"
"H-Ha? Naku, hindi na. Patapos na ako.
Nakakapagod din pala," sagot niya at nag-
jogging palayo kay Red pero sinundan siya
ng binata.
"Seola? Nakauwi ba kayo nang maayos
kagabi ni Clouds?" nag-aalalang tanong ni
Red. Gusto sana niyang ihatid si Seola pero
nahatak na ito ni Clouds papasok sa taxi.
"Nandito ba 'yan kung hindi ko nauwi nang
maayos kagabi?" sabat ni Clouds sa likuran
nila. "Kaya kong ihatid si Seola sa bahay nila
na walang galos kahit sa pinakamalalim pa
na kalasingan ko!"
"Ano ba ang ikinakagalit mo, Clouds?
Nagtatanong lang naman ako," depensa ni
Red.
"Kaya kong protektahan ang mga taong
mahalaga sa akin kaya huwag ka nang
magtanong," ani Clouds at napasulyap kay
Seola na hindi na maipinta ang mukha nito.
Obviously, hindi nito nagustuhan ang
pinagsasabi niya.
"Maiwan na muna kita, Seola. Marami pa
akong dapat na asikasuhin sa office ko,"
paalam ni Red at iniwan na silang dalawa.
"What?" inosenteng tanong ni Clouds nang
masakit pa rin ang titig ni Seola sa kaniya.
"Huwag mong awayin si Red, pinsan mo pa
rin siya."
"Hindi ko siya inaaway!"
"Maging mabait ka naman sa pinsan mo
kahit na isang beses lang."
"Mabait naman ako. Wala naman akong
ginagawang masama sa kaniya. Ikaw Seola,
may pinapaboran ka talaga sa amin ni Red.
Nagseselos na ako!" salubong ang kilay na
sabi ni Clouds kaya napasimangot si Seola.
"Wala akong pinapaboran. Pero minsan kasi,
nakakasakit ka na kay Red," ani Seola.
"Nakakasakit ka na rin naman a. Hindi mo ba
naisip na nasasaktan na ako? Sana bago ka
maging mabait sa ibang lalaki, isipin mo
naman na may boyfriend mo ako."
"Wala naman--"
"Ayaw ko nang may kahati, Seola! Gusto ko
sa akin lang ang lahat ng atensiyon mo
maliban kina Ash at sa fans mo!" sabi ni
Clouds at padabog na tinalikuran siya.
Napabuntonghininga si Seola pero nagulat
siya nang makita si Clarissa na nakatayo sa
hindi kalayuan at mukhang narinig ang
usapan nila.
Naka-crossed arms ito na lumapit sa kaniya.
"Hindi ko pa nakita at narinig na naging
obsessed si Clouds sa ibabang babae," ani
Clarissa kaya iniwas ni Seola ang mga mata.
"Pero mahal ka niya, Seola. Ikaw lang ang
babaeng minahal niya nang ganito."
"B-Bakit mo sinasabi ito, Cla?" mahinang
tanong ni Seola.
"Dahil bestfriend ko si Clouds kaya kilala ko
siya."
"Ganoon ba?"
"Tapatin na kita, Seola. Gusto ko si Red at
gusto kong lumayo ka sa kaniya. Kung mahal
mo si Clouds, wala tayong magiging
problema. Pero kay Red? Sana dumistansiya
ka sa kaniya!" pag-amin ni Clarissa na
ikinagulat ni Seola. Ang akala niya, bilang
kaibigan lang ang turingan nila.
"Wala akong gusto kay Sir Red," ani Seola.
"Good. If I were you, suyuin mo na lang si
Clouds dahil ma-pride ang mga Villafuerte,"
pagbibigay payo ni Clarissa at nilagpasan
siya.
Pumasok si Seola sa dressing room niya at
nagpalit ng damit. Nakailang text na siya
kay Clouds pero hindi ito nagre-reply. Kahit
na tawagan niya, hindi rin siya sinasagot.
"Kaasar ka talagang lalaki ka!" bulong niya
saka pinuntahan si Clouds sa studio nito.
Pagkabukas niya ng pinto, napatingin ito sa
kaniya na nakaupo sa swivel chair sa tapat
ng mesa. Napasulyap siya sa cellphone ni
Clouds na katabi lang nito.
"Hindi mo ba talaga sasagutin ang tawag
ko?"
"Kung pakiusapan mo ako na maging mabait
kay Red, hindi ko sasagutin."
"Clouds naman? Ganiyan ka ba kaisip bata?"
bulalas ni Seola.
"Ganiyan lang kita kamahal," sagot ni Clouds
at nakipagtitigan kay Seola. "Hilingin mo
lang ang lahat pero huwag lang ang
makipagbait-baitan ako sa karibal ko,
Seola!"
"Ikaw na nga ang sinagot ko. Ikaw na ang
mahal ko, Clouds!" singhal ng dalaga. Hindi
naman sila maririnig sa labas at kung may
makarinig man, wala na siyang pakialam.
"Hindi mo 'ko naiintindihan, Seola. Gusto ka
ni Red kaya ayaw kong makipagbati sa
kaniya dahil hindi ko kaya. Okay lang sana
kung nilalaruan lang kita, kahit na magsalo
pa kami sa iisang plato kapag kumain,
walang problema! Pero hindi plato ang
sinasaluhan namin ngayon kundi ikaw kaya
ayaw ko! Ayaw kong may kahati sa 'yo! Akin
ka lang dapat!" mahabang sabi ni Clouds.
Ginigigil ma talaga siya ni Seola e. Tumayo
si Clouds at lumapit kay Seola na tila napako
sa kinatatayuan nito.
Malapit na siya kay Seola nang may kumatok
sa pinto.
"Mag-usap na lang tayo mamaya," mahinang
sabi ni Seola at tatalikod na sana pero agad
na nahawakan ni Clouds ang kanang kamay
at hinatak siya palapit sa katawan nito sabay
yakap sa kaniya.
"Pasensiya ka na kung matigas ang ulo ko.
Alam kong kaunting bagay lang ito para sa
iba pero malaking problema ito sa akin.
Hindi ko kayang pigilan ang pagseselos ko,
Seola," bulong ni Clouds at hinigpitan ang
yakap sa dalaga. "S-Sorry."
Kumalas si Seola sa pagkakayakap nang
lumakas ang pagkatok sa pinto. Hinawakan
niya sa magkabilang pisngi si Clouds at
matamis na nginitian.
"Ikaw ang lalaking nang-iinsulto sa akin dahil
ang pangit ko pero ikaw rin ang lalaking
nagparamdam sa akin ngayon na ako ang
pinakamagandang babae sa buong mundo,"
madamdaming sabi ni Seola at nag-tiptoe
saka masuyong hinalikan ang mga labi ni
Cloids pero sobrang bilis lang. "I love you,
Ulap ko."
Nang hindi makasagot si Clouds, tumalikod
na siya at binuksan ang pinto.
"Oh? Seola? Ikaw lang pala ang kasama ni
Clouds pero ang tagal ninyong magbukas,"
ani Star na kasama si Moon at pumasok na.
Si Seola naman ay umalis na dahil baka kung
ano pa ang sasabihin ng mga kapatid ni
Clouds kapag manatili pa siya.
"Clouds? Ba't nakatulala ka riyan?"
nagtatakang tanong ni Moon at napa-snap
sa harap ng mukha ni Clouds.
"S-Si Seola?" wala sa sariling tanong ni
Clouds.
Napangisi si Star at naupo sa sofa na nasa
harap ng table ni Clouds.
"Umalis na. Para kang baliw riyan!"
natatawang sabi ni Star.
Sumeryoso si Clouds at bumalik sa swivel
chair niya saka hinarap ang dalawang
kapatid.
"Ano pala ang ipinunta ninyo rito?"
"Pinapakamusta ka nina Mommy," sagot ni
Star.
"Sabihin mong mabuti at kaya ko pang
huminga na wala sila!" sagot ni Clouds.
"Mukha nga," pagsang-ayon ni Moon.
"Umalis na nga kayo. May gagawin pa ako,"
pagtataboy ni Clouds.
"Bar tayo mamaya?" yaya ni Star.
"Nagpapatino na ako," sagot ni Clouds at
tinext si Seola na magkikita sila. May
kasalanan pa ito sa kaniya kaya dapat lang
na pagbayaran nito.
"Really?" nakataas ang kilay na tanong ni
Star at napa-smirk. "Kailan ka pa tumino?
Sa dami ng babae mo, magpapatino ka?"
"Tigilan mo nga ang bunganga mo! Virgin pa
ako!" depensa ni Clouds kaya sabay na
natawa ang dalawang kapatid.
"Kami rin, virgin," pilyong sabi ni Moon.
"Wala na ba kayong sasabihin?" naiinis na
tanong ni Clouds at binasa ang reply ni
Seola.
"Coming!"
Tumayo si Clouds at naglakad palapit sa
pinto.
"Oh? Saan ka pupunta?" tanong ni Star.
"Sa cementeryo, sama ka?" sagot ni Clouds
kaya natawa si Star.
"Ulol! Mauna ka na roon! Gusto ko pang
mabuhay nang matagal!" sagot ni Star.
"Mabuti naman. At nang masaya ang buhay
ko kapag wala kayong mga asungot sa
paligid ko!" sagot ni Clouds at lumabas pero
agad na bumalik at kinuha ang gitara niyang
hiniram kay Luke.
"Umuwi na kayo!"
"Seryoso, saan ka pupunta, Clouds?"
seryosong tanong ni Moon kaya napa-poker
face si Clouds at isa-isang tinitigan ang
dalawang kapatid.
"Sa cementeryo!" sagot ni Clouds at dali-
daling lumabas.
"Gago!" pahabol ni Star.
Sumakay si Clouds sa taxi at nagpahatid sa
cementeryo. Binilisan niya ang paglakad
palapit kay Seola na tumayo nang makita
siya.
"Clouds--"
Nagulat si Seola nang yakapin siya ni Clouds.
"May kasalanan ka pa sa akin, pango!"
bulong ni Clouds habang nakayakap pa rin
sa dalaga.
"A-Ano," nagtatakang tanong ni Seola na
iginagala ang mga mata. Baka mamaya, may
makakita sa kanila. Well, may tao naman sa
loob pero iyong bantay lang. Ang iba ay
malayo na sa puwesto nila.
"Pinakilig mo ako kanina," nakangiting sagot
ni Clouds at kumalas sa pagkakayakap saka
hinawakan sa magkabilang balikat ang
dalaga. "Ninakawan mo pa ako ng halik."
Natawa si Seola at hinampas sa dibdib si
Clouds pero nahuli nito ang mga kamay
niya.
"Ano ang gagawin mo?" tanong ni Seola
habang nakatingala sa kasintahan. Matamis
na ngumiti si Clouds.
"Hahanap ng patas!"
Bago pa maka-react ang dalaga, inangkin na
ni Clouds at mga labi niya. Naramdaman
niya ang malamig na hangin na tinatangay
ang mahabang buhok niya pero mas nanaig
ang init ng mga labi ni Clouds na umaangkin
sa mga labi niya. Ngayon lang sila
naghalikan nang ganito katagal at
nanlalambot ang mga tuhod niya. Gusto
niyang malumpo pero nakasuporta naman
ang mga kamay ni Clouds sa bewang niya at
ibinaon ang mga labi kaya wala siyang
nagawa kundi hayaang gumalaw ang mga
labi niya para sabayan ang maharot na mga
labi ni Clouds hanggang sa tuluyan na nitong
napasok ang dila. Napayakap siya sa leeg ni
Clouds para hindi matumba.
"Doon tayo!"
Agad na napahiwalay ang dalawa sa ingay ng
magbarkadang palapit sa kanila.
Pareho silang sumasagap ng hangin at
hinihingal. Natawa si Clouds at inakbayan si
Seola.
"Nakita na tayo ng parents mo," bulong ni
Clouds at pinaupo si Seola na namumula ang
magkabilang pisngi.
"Pasaway ka talaga, Clouds!"
"Pakasalan na raw kita," pilyong sabi ni
Clouds kaya napasimangot si Seola.
"Oh? Nakuha mo na ang gitara mo?" pag-
iiba ni Seola.
"Ibang gitara 'to. Kay Luke, hiniram ko
lang," sagot ni Clouds at inilapag ang gitara
saka naupo sa tabi ni Seola. Hanggang
ngayon, hindi pa rin nasasauli ni Mr.Lim ang
gitara niya.
"Mabuti naman."
"Halika, kantahan kita ng ikinomposed ko na
kanta," ani Clouds at inayos ang string ng
gitara matapos kunin sa lagayan nito.
Mabuti n.a. lang dahil may malaking puno sa
tabi ng puntod ng mga magulang ni Seola
kaya masarap tumambay rito.
"Bagong kanta?"
"Yes, para sa debut album ko pero ikaw ang
inspirasyon ko sa pagsulat nito. Ikaw ang
iniisip ko, Seola, kaya gusto kong ikaw rin
ang unang makarinig nito," proud na sabi ni
Cloud at sinimulan nang kumanta.
"Your eyes are not beautiful 🎶
Neither is your nose 🎶
But how did I get to love you?🎶
Maybe my heart melted at your smile 🎶
I like you, who isn't that pretty 🎶
When I'm in your arms
All of the hard things 🎶
Get erased like magic
Your coziness and warmth
I miss it so much 🎶
All day I only think of you 🎶
I go better with you more than anyone in
this world🎶
I will stay by your side so don't let me go
🎶
You always smile even when things are hard
You say it's alright even when something is
up 🎶
I want to take some of the heavy weight off
your shoulders 🎶
When I kiss you all of hard things get erased
like magic 🎶
Napapangiti si Seola habang nakikinig kay
Clouds na kumakanta. Tumigil ang binata at
napatitig kay Seola.
"Nagustuhan mo?"
Tumango si Seola. "Maganda ang kanta."
"Maganda kasi ikaw mismo ang nasa kanta,"
ani Clouds.
Kumanta pa sila ni Seola ng isa pang ginawa
niya. This time ay sinabayan na siya ni Seola
sa pagkanta habang naggigitara si Clouds.
Hanggang sa napagod na silang dalawa sa
pagkanta kaya tumigil na si Clouds sa
paggitara.
"Clouds? Ano ang pangarap mo?" pag-iiba
ni Seola. Curious lang siya kung ano
pangarap ng isang mayaman na si Clouds
Villafuerte?
"Pangarap ko?" tanong ni Clouds at
napatingala sa magandang langit. "Maging
sikat na singer, maraming babae at pera."
Napasulyap si Clouds kay Seola na nakikinig
lang sa kaniya. Wala namang inis o galit sa
mukha ng dalaga kaya ipinagpatuloy niya
ang pagsasalita. "Iyon ang pangarap ko
noong hindi pa kita nakilala."
Napataas ang kilay ni Seola kaya natawa si
Clouds. "Ngayon, gusto ko na lang na
maging simple ang pamumuhay, at ikaw lang
ang babae sa buhay ko."
"Hindi ba corny?" tanong ni Seola kaya
kinatok ni Clouds ang ulo niya ng isang
beses.
"Seryoso ako, Seola. Ikaw? Ano ang
pangarap mo?"
"Ako?" patanong na sagot ng dalaga at
napaisip. "Mabigyan ng magandang
kinabukasan si Ash at makapagpatuloy ng
pag-aaral sa kolehiyo."
"Iyon lang ba? Nextyear, magpa-enrol ka na
sa Westbridge, ako ang bahala sa 'yo."
"As if na kaya mo akong paaralin."
"Kami ang may-ari ng Westbridge."
"Sus, hindi papayag ang parents mo."
"Magtatrabaho ako at hati tayo sa allowance
ko. Basta! Tutuparin ko ang pangarap mo."
Napangiti si Seola at napasulyap kay Clouds.
"Seola?" tawag ng binata at humarap kay
Seola.
"Hmm?"
"Gusto mo ng kiss?"
Napataas ang kilay ng dalaga at
sumimangot. "Ayaw ko, Ulap!"
Tumayo siya at pinagpag ang pantalon. "Uwi
na tayo, baka naiinip na si Ash sa kakahintay
sa akin."
Nauna siyang maglakad kaya hinabol siya ni
Clouds at hinawakan sa kanang kamay kaya
napabalik siya sa binata.
"Ayaw mo talaga ng kiss?" giit ni Clouds
kaya hinampas siya ni Seola sa balikat.
"Ayaw nga sabi."
"Puwes ako, gusto ko!" sabi ni Clouds.
Tsup!
Napanganga si Seola sa smack kiss ni
Clouds.
"Ikas Ulap, namimihasa ka na, ah!"
Kinurot niya sa tagiliran ang binatang
tatawa-tawa. "Ang taba mo na, Clouds!"
Holdinghands sila habang ipinagpatuloy ang
paglalakad.
"Mataba? Naku, kapag makita mo ang abs
ko--" Pambibitin ni Clouds kaya tumigil si
Seola at tiningala ang binata.
"Makita ko ang abs mo tapos ano, Ulap?"
"Mas lalo kang ma-inlove sa akin,"
nakangiting sagot ni Clouds na proud sa
sarili kaya tumahimik na si Seola. Hmm?
Kahit walang abs, inlove naman talaga siya
sa ulap na 'to.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon