15

854 45 1
                                    



MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 15

Unedited...
"Congrats, Clarissa," nakangiting bati ni
Seola nang makasalubong niya ito sa hallway
habang bitbit ang paninda.
"Pasensiya ka na kung hindi kita nabati
kagabi, nagmamadali kasi kami ni Clouds
dahil walang kasama ang kapatid ko sa
bahay."
Tipid na ngumiti si Clarissa. "You did your
best. Congrats din."
"Sige po," paalam ni Seola at dumiretso na
sa puwesto niya.
"Ate Seola? Bakit hindi po ikaw ang nanalo?"
Napatigil si Clarissa sa paglalakad nang
marinig ang sabi ng isang estudyante.
"Oo nga po. Ang dami kaya naming nag-
vote sa 'yo," pagsang-ayon ng isang
kaibigan nito.
"Sayang! Ikaw dapat ang nanalo dahil ang
galing mo pong kumanta. Kahit na hindi
birit, dalang-dala kami sa emosyon."
Naikuyom ni Clarissa ang kamao. Bakit
ganito? Ne hindi niya naramdamang may
pumuri sa pagkapanalo niya.
"Guys? Magaling naman si Clarissa. Isa pa,
okay lang 'yon. Malaking opportunity na
para sa akin ang makarating doon,"
masiglang sagot ni Seola.
"Ikaw talaga ang dapat na nanalo eh! May
daya talaga ang online voting!"
Binilisan ni Clarissa ang paglalakad at
pumunta sa classroom nila dahil hindi na
niya kaya ang naririnig. Sa totoo lang,
sobrang kinabahan siya kagabi. Akala niya,
matatalo na siya. Kahit siya man ay nagulat
sa naging resulta.
May nag-congratulate sa kaniya sa mga
kaklase niya pero mga pito lang. Ang iba ay
tahimik na. Unlike noon, kapag nananalo
siya, ang saya ng mga ito para sa kaniya.
Proud pa nga sila e.
Binuksan niya ang cellphone at pumunta sa
Youtube. As expected, nai-upload na ang
laban nila kagabi.
"Paanong si Clarissa ang nanalo?"
"Obvious naman na dinaya!"
"Si Seola dapat. Bakit? Dahil baguhan pa
lang siya?"
"Ginawa na lang na si Clarissa para hindi
mapahiya ang senior niya. Same agency kasi
sila."
"Round 1 pa lang, talo na sana si Clarissa!"
Galit na pinatay niya ang cellphone. Hindi na
niya kaya ang mga nababasa. Tumayo siya at
tinawagan ang ina at manager para magkita
silang tatlo at mag-usap.
Nasa malapit lang ang dalawa kaya dinaanan
siya ng mga ito.
"Hindi na po ako sasama sa inyo dahil may
pasok pa ako," sabi ni Clarissa nang
makasakay sa van nila. "Nais ko lang pong
itanong kung may kinalaman kayo sa naging
resulta kagabi? Lalo na sa round 1?"
"Mababa ang online votes ni Seola kaya
bakit ganiyan ka magtanong?
Pinagdududahan mo ba kami?" tanong ng
babaeng manager niya.
"P-Parang may mali kasi..."
"Survival game ang mundo ng showbiz,
Clarissa. Kung hindi mo kayang manatili at
lumaban, maiiwan ka sa putukan!"
makahulugang sabi ng ina niya kaya
napatingin si Clarissa rito. "Gawin mo lang
ang best mo at kami na ng manager mo ang
bahala sa lahat."
Dating sikat na singer ang kaniyang ina kaya
gusto niyang sundan ang mga yapak nito
pero ayaw niyang gamitin ang kasikatan
nito. Gusto niyang makilala sa mundo ng
musika gamit ang sariling pagsisikap niya.
And she did.
"Sana huwag na po ninyong ulitin pa iyon
dahil hindi ko gusto ang gano'n!" sabi ni
Clarissa at lumabas na saka patakbong
bumalik sa classroom nila pero nagsisimula
na ang klase kaya pumunta na lang siya sa
rooftop.
"S-Sorry," paumanhin niya nang makita si
Red na nakaupo sa mahabang bench.
"Okay lang. Wala ka bang pasok?" tanong
ng binata na hindi man lang ngumiti.
"Late na ako," sagot ng dalaga at naupo sa
tabi ni Red. Namagitan ang katahimikan sa
kanilang dalawa habang nakatanaw sa
malayo si Clarissa.
"Congrats pala sa pagkapanalo mo kagabi,"
bati ni Red kaya napatingin ang dalaga sa
kaniya. "Kahit na may sakit ka sabi mo,
nagawa mo pa ring tapusin ang kanta at
manalo!"
Napayuko si Clarissa. "P-Pero hindi naman
maganda ang mga sinasabi nila sa Youtube,"
malungkot na sabi ng dalaga. Pustahan,
ganoon din sa Facebook kaya hindi na niya
titingnan pa. Narinig niya ang
pagbuntonghininga ni Red.
"Manalo o matalo ka, may sasabihin ang
ibang tao sa 'yo. Ang mahalaga, malinis ang
konsensiya mo, Cla," mahinang sabi ni Red
at nginitian siya.
Napatingala si Clarissa sa kalangitan. Malinis
nga ba ang konsensiya niya?
"Huwag mo nang isipin ang sinasabi ng iba.
Ang mahalaga, nanalo ka. Malaking bagay na
iyon para sa 'yo at para sa agency natin,"
nakangiting sabi ni Red kaya napangiti na rin
si Clarissa. Mula nang pinalitan ni Red ang
ama nito, magana na siyang nagpa-practice
at pumupunta sa studio. Guwapo si Red at
higit sa lahat, crush niya. Kahit na marami
ang nagsasabing bagay sila ni Clouds noon,
si Red pa rin ang nakikita niya.
"Red!" Tawag ni Clouds nang pumasok.
"Alam ng lahat na malaki ang agwat ng vote
ni Seola sa audience. 50% na iyon at kung
lalamang man si Clarissa sa online voting,
mahirap pa rin na makahabol. Do you think,
walang dayaan na nangyari?"
Napanganga si Clarissa sa narinig. Kahit pa
naman si Clouds, nagdududa sa
pagkamanalo niya?
"Pareho silang magaling kaya kung sino man
ang nanalo, deserving naman. Isa pa, pareho
lang naman sila ng agency kaya sila talaga
ang mahigpit na magkalaban," sagot ni Red
kaya umusok lalo ang ilong ni Clouds.
"Huwag mo akong bigyan ng baluktot na
paliwanag, Pula! Hindi ka na nakakatuwa!"
Padabog na lumabas si Clouds.
"P-Pasensiya ka na, Red," paumanhin ni
Clarissa.
Tinapik ng binata ang balikat niya. "Wala
kang kasalanan, Clarissa. Kung nanalo ka
man, dahil magaling ka at deserve mong
manalo, okay?"
Tumango ang dalaga.
"Puwede bang tumambay muna ako rito?"
tanong ni Clarissa.
"Sure," sagot ng binata saka tumayo.
"Bababa ako. Kakain ako ng kikiam. Gusto
mong sumama?"
Umiling si Clarissa. "Dito na lang muna ako."
"Sige, maiwan na kita," paalam ni Red saka
bumaba at dumiretso sa stall ni Seola.
"Ang daming benta, ah," nakangiting sabi ni
Red.
"Sir!" Lumiwanag ang mukha ng dalaga nang
makita si Red. "Magandang umaga po!"
"Maganda ka pa sa umaga. Kumusta?"
nakangiting tanong ni Red. "Isang kikiam at
fishball nga."
"Mabuti naman po," sagot ni Seola at
inilagay sa mainit na mantika ang in-order
ng binata.
"Hmm? Sure kang mabuti ka? Congrats pala
kagabi, ang galing mo," bati ni Red.
Matamis na ngumiti ang dalaga. "Naku,
salamat po. Kahit na talo ako, masaya po
akong nakapag-perform ako. Isa pa,
sobrang galing po ni Clarissa."
"Mabuti at nag-enjoy ka," ani Red at inilapit
ang mukha kay Seola. "Secret lang natin 'to
pero nag-vote rin ako sa 'yo."
"T-Talaga po? Ako ang binoto mo?
Nakakahiya," namumulang tanong ng dalaga.
Mahinang tumawa si Red. "Oo naman. Pero
secret lang natin 'yon, okay?" Kinindatan
niya si Seola kaya napangiti ang dalaga.
"Ano ang secret ninyo?" seryosong tanong
ni Clouds na kay Seola nakatingin.
Nagkatitigan sina Red at Seola.
"Ano na?" ulit ni Clouds.
"Secret nga," sagot ni Red.
"Manager niya ako kaya dapat kong malaman
dahil baka ikapahamak ng alaga ko 'yan!"
seryosong wika ni Clouds. Kailan pa
nagkaroon ng sikreto ang dalawang 'to?
"Manager ka lang niya pero ako ang acting
president ng agency niya kaya wala kang
dapat na ipangamba, hindi ko sisirain ang
career ng alaga ko rin," depensa ni Red na
nakatingin kay Seola na kinuha ang niluluto
sa kawali para umiwas sa usapan.
"Ano ang sikreto ninyo, Seola?" tanong ni
Clouds sa dalaga. Subukan lang nitong
magsinungaling at makikita nito ang
hinahanap.
Napatingin si Seola kay Red para humingi ng
tulong.
"Ang kulit mo! Kaya nga secret, 'di ba?"
sabat ni Red at hinila ang pinsan. "Maupo
muna tayo. Kanina ka pa highblood e!"
Sapilitang pinaupo niya si Clouds at naupo
sa harapan nito.
"Bakit may secret kayo ni Seola? Hindi ko
gusto ang pinapakita mo, Red." Prangkang
sabi ni Clouds.
"Hindi ba siya puwedeng maglihim sa 'yo?
Ako lang naman 'to," tanong ni Red na
ikinaseryoso ng mukha ni Clouds.
"Paano ako magtitiwala sa 'yo kunv ikaw
mismo na president ay naniniwalang natalo
si Seola? Ne hindi mo man lang ba naisip na
baka dinaya siya?" sumbat ni Clouds.
"Tapos na ang laban, Clouds. Tanggapin na
lang natin ang naging resulta."
Parehong natahimik ang dalawa nang
lumapit si Seola dala ang pagkain ni Red.
"Salamat, Seola. Kaya nga paborito kong
kumain dito," sabi ni Red at nginitian ang
dalaga.
"Naku, salamat po, suki," natatawang
pasalamat ni Seola.
"Gumaganda ka yata ngayon?" puri ni Red.
"Dahil ba sa nakakanta ka kagabi?"
"Naku, masaya po ako dahil kagabi pero ang
ganda, wala na po iyon," ani Seola.
Palipat-lipat lang ang mga mata ni Clouds sa
dalawang masayang nagkukuwentuhan.
"Kapag may free time ka, pasyal tayo," ani
Red.
"Tawag ka na ng customer mo, Seola!"
sabat ni Clouds.
"Maiwan ko na po kayo, sir." Paalam ng
dalaga at bumalik sa puwesto.
"May gusto ka ba kay Seola?" prangkang
tanong ni Clouds sa pinsna na kumakain na
ng fishball.
"Ikaw? May gusto ka ba kay Seola, Clouds?"
balitanong ni Red at nakipagtitigan sa
pinsang nakasalubong ang mga kilay.
"Ako?" wika ni Clouds at napaturo sa sarili.
"Hindi siya ang tipo kong babae kaya paano
mo naisip ang bagay na iyan? Hindi mo ba
ako kilala, Red?"
Tumigil si Red sa pagtusok ng kikiam.
"Mabuti nang nagkaliwanagan," ani Red.
"Mas pabor sa akin na wala kang gusto kay
Seola."
"Pabor sa 'yo?" bulalas ni Clouds. "Ibig
sabihin, may gusto ka nga sa kaniya?"
"May gusto ako o wala, wala ka na roon.
Ang mahalaga, hindi mo siya gusto kaya
hindi tayo magkakabanggaan kung sakaling
may gusto nga ako kay Seola," seryosong
sagot ni Red kaya natahimik si Clouds.
"Wala ka pa bang pasok? Mauna na ako,"
paalam ni Red saka tumayo na pero hindi pa
rin umimik si Clouds hanggang sa makaalis
na ang pinsan.
Tumayo si Clouds at lumapit kay Seola na
mag-isa na lang sa post nito.
"Clouds? Galit ka pa rin ba sa akin dahil
natalo ako?" nag-aalalang tanong ni Seola.
Kagabi, nang makarating sila sa bahay nila,
ne hindi siya kinausap ni Clouds. Tuloy-tuloy
lang ito sa silid niya. Kahit kaninang umaga,
hindi rin ito nagpaalam kay Ash.
"Bakit mo naisip 'yan?" tanong ni Clouds.
"K-Kasi hindi ka nagsasalita mula pa kagabi."
"I'm too upset kaya ayaw kong makipag-
usap lalo na kay Ash dahil baka
mapagbuntungan ko pa ng galit ang bata,"
sagot ni Clouds. "Hindi ko lang matanggap
na natalo ka sa laban dahil sigurado akong
hindi iyon patas." May himig pa rin ng
hinanakit ang boses nito kaya malungkot na
napatingin si Seola sa binata. Nag-effort din
naman kasi ito kagabi lalo na't pinalitan ang
kanta niya.
"Hayaan mo na. Marami pa naman ang
darating. At least nakilala na ako ng mga
tao," wika ni Seola at pinasigla ang boses.
"Seola?" seryosong tawag ni Clouds kaya
kinabahan ang dalaga.
"B-Bakit, Clouds?"
"May itatanong ako sa 'yo kaya sana sagutin
mo ako ng totoo," sagot ni Clouds kaya
marahang tumango ang dalaga.
"A-Ano iyon?"
Ipinatong ni Clouds ang siko sa mesa na
nasa harapan ng dalaga.
"Ano ang sikreto ninyo ni Red?" pabulong
na tanong ni Clouds kaya napanganga si
Seola. Ang seryoso kasi ng mukha ni Clouds
na parang baguhang detective na takot
mahuli na nag-iimbesiga.
"Iyon ba?" natatawang sabi ni Seola kaya
mas inilapit pa ni Clouds ang mukha.
Halatang interesado ang mokong.
"Ano na?" atat na tanong ni Clouds.
Matamis na ngumiti ang dalaga bago
sumagot, "Secret."
"Walang hiya ka talaga!" galit na sabi ni
Clouds sabay hampas ng mesa kaya
napalingon ang ibang estudyanteng
kumakain. "Magsama kayo ni Red!"
Natatawa na pinagmasdan ni Seola si Clouds
na papalayo sa kaniya. "Napikon ang Ulap!"

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon