55

1.2K 54 3
                                    

MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 55

Unedited...
"Good morning," bati ni Clouds matapos
hilain ang upuan saka naupo sa harapan ng
pamilya sa tabi ni Seola.
Lahat sila ay napataas ang kilay at napatitig
sa mukha niya.
"Ano po ang ulam?" tanong ni Clouds at
tiningnan ang mga pagkain sa harapan.
"Wow, may tuyo. Ash? Ito 'yong paborito
nating breakfast."
Wala pa ring umimik sa pamilya. Kahit si
Seola ay isa-isang pinagmasdan ang mga
kapatid ni Clouds.
"Mom? Uuwi na ba tayo bukas? Extend pa
tayo ng one day," sabi ni Clouds.
"Sige. Iyon din ang balak namin ng daddy
mo," sagot ni Taira at ipinagpatuloy ang
pagkain.
"Kumusta ang party ninyo kahapon, Sun?
Nauna na akong natulog dahil pagod ako,"
tanong ni Clouds sa kapatid.
"So? Wala nang breakup? Nagkabalikan na
kayo?" seryosong tanong ni Moon.
"Tinanong mo pa!" segunda ni Dust.
"Paano ninyo nalaman?" nakangiting tanong
ni Clouds.
"Ulol! Kailan pa ba talagang itanong 'yon?"
sagot ni Dust. Hindi ganoon kahirap hulaan.
Si Clouds ang tipo ng taong kapag may
dinadamdam, basta na lang itong tatahimik
na para bang tinahi ang bibig matapos
putulan ng dila.
"Ganoon ba ka-obvious?" curious na tanong
ni Clouds at kinuha ang kamay ni Seola sa
ilalim ng mesa pero kaagad namang binawi
ng dalaga kay sumimangot ang binata.
"Yeah!" ani Star at ipinagpatuloy ang
pagkain. Bumalik na nga si Clouds sa
pagiging madaldal nito.
"Ah--ganoon talaga kasi okay na kami ni
Pang--ni Seola ko. Nagkabalikan na kami
kagabi. Kaunting tampuhan lang,"
nakangiting sabi ni Clouds.
Napakagat si Seola sa ibabang labi. Heto na
naman siya, magtitiis sa mga unpredictable
na sasabihin at gagawin ni Clouds.
"Kumain na kayo at sana ma-enjoy mo na
ang vacation natin," sabi ni Sky. Ang hirap
kapag may isa siyang bitbit na sobrang
killjoy sa activities ng pamilya nila. Parang
sila pa ang nag-aadjust sa pananahimik ni
Clouds.
Kumain na sila at laking pasalamat ni Seola
nang manahimik na si Clouds. Nakikisali ito
minsan sa usapan ng pamilya pero
nanahimik nang mahuli nito ang kamay niya
kaya holdinghands sila habang kumakain.
Nang matapos ang breakfast, tumulong si
Seola sa dalawang katulong sa paghuhugas
ng plato.
"Swimming na tayo," yaya ni Clouds sa
likuran niya.
"Mamaya na. Naghuhugas pa kami," tanggi
ni Seola.
"Mom? Kami na lang po rito," sabat ng
katulong. Ang swerte nila sa mga Villafuerte
dahil maliban sa maganda magpasahod,
mababait pa ang mga ito.
"Sige lang po," sabi ni Seola at nginitian ang
katabing naghuhugas.
"Seola? Swimming na," malambing na sabi ni
Clouds at niyakap siya sa bewang saka
ipinatong ang baba sa balikat niya.
"Clouds? Ano ka ba," saway niya. Nahihiya
siya sa dalawang kasama. "Doon ka na
muna," bulong niya saka pinandilatan ang
binata.
"Sasama ka sa akin o dito na lang tayo?"
tanong ni Clouds. Kahit na anong bulungan
nila, sigurado siyang naririnig siya ng
dalawang kasama.
"Oo na!" pagpayag ni Seola at napatingin sa
katabi. "Manang? Maiwan ko na po kayo."
"Sige. Kaunti lang naman ito. Huwag mo
kaming intindihin," sagot ni Manang na
nakangiti.
Siniko ni Seola si Clouds at sinenyasan na
umalis na sa pagkakayakap sa kaniya. Para
siyang pagong na may malaking bahay sa
likod. Ang laki pa naman ni Clouds.
"Magtwo-two piece ka, Seola?" nakangiting
tanong ni Clouds kaya napa-poker face ang
dalaga.
"Biro lang. Ayaw rin naman kitang mag-two
piece. Dapat ako lang ang makakita ng buto
mo sa katawan," nakangising sabi ni Clouds.
"Ke aga-aga, nang-iinsulto ka!" reklamo ni
Clouds.
"Bakit? Proud ako na payat ka. Aba,
pinaghirapan mo 'yan. Mahirap kaya mag-
maintain ng ganiyang katawan," proud na
sabi ni Clouds at inakbayan si Seola. "Payat
o mataba, maganda o hindi, basta mahal ni
Ulap si Pango, okay?"
"Salamat sa pagmamahal na puno ng
pangungutya!" sarcastic na pasalamat ng
dalaga at tinanggal ang kamay ni Clouds sa
balikat niya. "Akala mo naman, ang guwapo
niya. Mas guwapo si Red."
"Ulitin mo nga ang sabi mo, Seola?"
seryosong sahi ni Clouds.
"Wala!"
"Ikaw Seola, kapag binibiro ka, insulto ang
balik mo sa akin! Nakakasakit ka ng
damdamin!"
"Nasasaktan din naman ako, Ulap!" depensa
ni Seola.
"Sabihin mo na pangit ako, hindi ako macho
o gago ako pero huwag mo akong ikumpara
sa ibang lalaki dahil mas masakit ang biro
mo!" reklamo ni Clouds.
"Hiwalayan na naman 'yan!" hiyaw ni Sun.
"Breakup na agad!" panggagatol pa ni
Matter.
Natikom nila ang bibig nang masamang
tinitigan sila ni Clouds.
"Kapag may makialam pa sa inyo sa usapan
namin, buburahin ko kayo sa galaxy!"
pagbabanta ng binata.
"Ikaw naman ang wala sa galaxy," sagot ni
Dust. "Sana gas na lang ang ipinangalan sa
'yo."
"Nag-aaway na naman kayo?" tanong ni Sky
nang pumasok.
Hinawakan ni Clouds ang kamay ni Seola.
"Maligo na tayo, Seola. Huwag ka nang
magpalit ng damit."
Nagpahatak na lang ang dalaga bago pa
gumulo ang magkapatid. Minsan, may
dalang gulo talaga itong si Clouds kapag
sinumpong.
Walang usap-usap na naglakad sila sa
dalampasigan pero naka-holdinghands.
Maalon ngayon kaya malakas din ang ingay
na dulot ng paghanmpas ng tubig-dagat sa
batuhan. Ang lakas ng hanging umiihip sa
mahabang buhok ni Seola. Ilang segundong
nilanghap niya ang malamig na simoy ng
hangin. Nakakagaan ng loob. Kaya sabi nila,
gamot ang hanging mula sa dagat lalo na sa
may ubo.
"Seola? Gusto mo ba ng beach wedding?"
tanong ni Clouds kaya napatingala si Seola.
"H-Hindi ko alam."
"Ano ba ang pangarap mong wedding?"
tanong ni Clouds at niyuko ang kasintahang
inosenteng nakatingala sa kaniya.
"Wala. Basta maihatid lang ako ng parents
ko sa altar para pakasalan ang taong mahal
ko, masaya na ako. Pero hindi na matutupad
iyon," malungkot na sagot ng dalaga at
napatingin sa malawak na karagatan na sa
dulo ay parang humahalik ang langit sa
dagat.
"Wala na ang biological parents mo pero
nandito pa ako," sabi ni Clouds at tumigil sa
paglalakad saka inakbayan si Seola habang
nakatingin sila sa pinakamalayong bahagi ng
dagat. "Nandito pa ako bilang groom mo."
Napangiti si Seola. "Paano kung hindi pala
tayo magkatuluyan?"
"Panira ka talaga ng kaligayahan! Hindi lang
tayo magkatuluyan kung iiwan mo ako at
ipagpalit sa iba!" nagtatampong sagot ni
Clouds. Puro negatibo ang naririnig niya kay
Seola.
"Hindi kita iiwan," sabi ni Seola saka
hinawakan ang kamay ni Clouds saka hinila
palapit sa batuhan.
Naupo siya kaya naupo rin sa tabi niya ang
binata.
"Pango? Wala ka ba talagang pagmamahal
na nararamdaman sa akin? Bakit puro
negatibo ang naririnig ko mula sa 'yo? Kesyo
iiwan kita, hindi tayo magkatuluyan, at kung
anu-ano pa? Puwede bang maging positibo
ka naman kapag relasyon ang pag-usapan
natin?" pakiusap ni Clouds.
Isang malalim na buntonghininga ang
pinakawalan ng dalaga at muling hinawakan
ang kamay ni Clouds.
"Sa totoo lang, natatakot ako na baka joke
lang ang lahat. Natatakot ako na baka
paggising ko, wala ka na sa buhay ko. Isa
kang Villafuerte at isa lang akong
ordinaryong babae. Marami akong kaagaw
sa 'yo, Ulap. Wala akong laban sa kanila,"
pag-amin ni Seola. Kung alam lang nito ang
takot sa puso niya. Wala siyang ibang
masasandigan kundi si Clouds lang. Paano
kung bigla siyang iwan ng binata? Wala na
siyang pamilya at pati si Astray Czarina,
nawala na rin sa kaniya. Paano na lang siya?
"Natatakot ka?" napailing si Clouds. "Kung
natatakot ka, mas natatakot ako, Seola,"
anito saka kumuha ng maliit na bato at
inihagis sa dagat.
"Isa kang Villafuerte. Nasa iyo na ang lahat
kaya bakit ka natatakot?" Napasulyap si
Seola sa binatang diretso ang tingin sa
dagat.
"Isa akong Villafuerte pero lahat ng iyan ay
mawawalan ng saysay kapag hindi ko
maangkin si Seola," sagot ni Clouds saka
humarap kay Seola.
Agad na iniwas ng dalaga ang mga mata
niya. Nabigla lang siya. Nahuli kasi siya ni
Clouds na nakatitig sa guwapo nitong
mukha.
Hinawakan ni Clouds ang baba ni Seola para
humarap ito sa kaniya.
"U-Ulap..." usal ng dalaga at ibinaba ang
tingin. Hindi niya kayang salubungin ang
mga titig ni Clouds. Natutunaw siya.
Nalulusaw ang puso niya.
"B-Bakit hindi mo ako kayang titigan?
Natatakot ka ba sa akin?" tanong ng binata
na sinisikap mahuli ang mga mata ng dalaga.
"N-Natatakot ako na baka ibigay ko sa 'yo
ang lahat ng meron ako," pag-amin ni Seola
at napalunok ng laway. Kahit hindi
nakatingin, nanlalamig siya sa mainit na mga
titig ng binata sa mukha niya.
"Ba't ka matatakot kung lahat ng meron ako
ay handa ko ring ibigay sa 'yo?" tanong ni
Clouds saka yumuko.
Napapikit si Seola nang dumampi ang mainit
at malambot na mga labi ni Clouds sa mga
labi niya kasabay ng paghalik ng tubig sa
batuhan.
Dahan-dahan siyang pinahiga ni Clouds sa
malaking bato na nasa likod niya habang ang
mga dila nito ay naglulumikot sa loob niya.
Dumilat si Seola nang bumaba ang halik ng
kasintahan sa leeg niya. Napatingala siya sa
kulay bughaw na kalangitan. Ang ganda ng
paligid. Ang sarap pakinggan ng tunog ng
alon at pagaspas ng mga dahon ng
punongkahoy.
"U-Ulap? B-Baka may makakita sa atin,"
mahinang sabi ni Seola.
"N-Nasa likod tayo ng batuhan, hindi nila
tayo makikita mula sa resort," bulong ni
Clouds at itinaas ang blusa ng dalaga. Hindi
na niya ito tinitigan dahil baka ma-
misinterpret na naman ng dalaga. Yumuko
siya saka malayang inangkin ang maliit na
pasas na nakapatong dito.
"U-Ulap..." nauutal na sabi ni Seola saka
napahawak sa ulo ng binatang naglalaro sa
maliliit niyang bundok. Ang sa kaliwa ay ang
malapad nitong mga palad na pumipisil at sa
kanan naman ay ang mainit na dila.
Tumigil si Clouds saka tumingala kay Seola
na nakatunghay sa ginagawa niya.
"I love you, Seola. K-Kung ano man ang
gagawin natin ngayon, pananagutan kita,"
buong pusong sabi ni Clouds saka muling
yumuko at pinaglaruan ng mga labi ang
nipples ng dalaga. Palipat-lipat.
Napalunok ng laway si Seola pero ang tainga
ay aktibo sa ingay sa paligid. Natatakot na
kinakabahan siya at the same time, nai-
excite sa gagawin nila ni Clouds. Ang init ng
balat ni Clouds na nakapatong sa kaniya.
Nakataas na rin ang blusa niya kaya
natatanaw ng binata ang upper part niya
pero hindi siya nakaramdam ng hiya.
Natutuwa siyang pagmasdan ang nag-aapoy
at puno ng pagnanasang mga mata ni
Clouds.
"C-Clouds..." alanganing usal niya at ipinikit
ang mga mata nang maramdamang
gumapang ang mga kamay nito pababa sa
puson niya. Ang luwag pa naman ng shorts
niya kaya madali lang na pasukin ng kamay
ni Clouds kung sa baba ito dumaan.
"I'll be gentle, promise," bulong ni Clouds na
binuksan ang zipper ng summer shorts.
Mahirap ang sitwasyon at lugar pero
kakayanin. Nandoon nga ang thrill sa
gagawin nila.
"Oh-- shit!" impit na ungol ni Seola saka
napaliyad. "U-Ulap, nakikiliti ako." Weakness
pa naman niya ang paghipo sa legs niya lalo
na't gumagapang ang kamay ni Clouds
papasok sa shorts niya.
"S-Sorry," paumanhin ni Clouds pero hindi
tumitigil sa paghalik at paghimas sa bundok
ni Seola.
"C-Clouds? Itigil na, h-hindi ko na kaya,"
pakiusap ni Seola saka marahang tinutulak
ang dibdib ng kasintahan pero
nagmamatigas si Clouds at pinababa ang
kamay sa loob ng shorts ni Seola. Natatawa
na si Seola dahil sa kiliting nararamdaman.
Ayaw talaga paawat ng gumagapang sa loob
ng shorta niya.
"U-Ulap! M-May gumagapang sa shorts ko,"
natarantang sabi ni Seola nang mapunang sa
itaas ng katawan niya ang kamay ni Clouds.
"Fuck!" pagmumura ni Clouds saka hinugot
ang kamay sa loob ng shorts ni Seola.
"Puta! Puta!" Pagmumura ng binata at
mabilis na napatayo.
Agad na inayos ni Seola ang tshirt saka
tumayo at napatitig kay Clouds na
namimilipit sa sakit.
"S-Seola... Pakitanggal!" naiiyak na pakiusap
ni Clouds habang nakataas ang kanang
kamay. Ipit na ipit ang kagat ng talangka sa
hintuturo niya.
"S-Sandali..." natarantang sabi ni Seola at
hihilain na sana ang malaking talangka pero
pinigilan siya ni Clouds.
"Huwag. Puta! Mapuputol ang daliri ko!"
wika ni Clouds. "Ouch! Mamamatay na ako,
Seola."
"T-Tulong!" sigaw ni Seola. "B-Balik tayo sa
resort, Ulap!"
Naiiyak na tumakbo si Seola pabalik sa
resort para humingi ng tulong.
Patakbo namang sumunod si Clouds na
mahigpit pa rin ang pagkapit ng talangka sa
daliri niya.
"Uy? Malaki ang talangkang nahuli mo,
Ulap!" masayang sabi ni Moon kaya lahat sila
ay napatingin sa magkasintahang pabalik.
Kasinglaki ng palad ni Clouds ang talangkang
bitbit nito.
"Oo nga. Masarap 'yan!" natatakam na sabi
ni Star.
"P-Puta ninyo! M-Mommy? Pakitanggal ng
talangka," naiiyak na sabi ni Clouds habang
inaabot ang kanang kamay sa ina.
Saka lang nila napansing nakaipit ang kagat
nito sa daliri ni Clouds. Nangingitim na nga
ang daliri nito sa higpit ng kapit.
"T-Tito Sky? Pakitanggal naman po," naiiyak
na pakiusap ni Seola.
Lumapit si Sky kay Clouds saka tinakpan ang
anak sa mga kapatid nito.
"D-Dad? Masakit na. H-Hihimatayin na ako,"
pawisang sabi ni Clouds pero napatitig siya
sa ama nang pasimpleng itinaas nito ang
nakabukas niyang zipper kaya mas lalo
siyang namutla.
"Sa susunod, huwag na kayong pumuwesto
sa batuhan," seryosong sabi ni Sky saka
buong lakas na pagputol ng kagat ng
talangka kaya nahulog ito pero ang kagat ay
nakakapit pa rin sa daliri ni Clouds.
"Ang sakit!" daing ni Clouds saka napakagat
sa ibabang labi habang tinatanggal ang
naiwang kagat.
Grabe, bumaon talaga ang kagat nito kaya
namanhid ang daliri niyang may tumutulong
dugo.
Napatitig siya kay Seola nang kunin ng
dalaga ang daliri niya at pinunasan ang dugo
saka tinalian ng panyo. Kaya pala kiliting-
kiliti ito, pinapasok na pala ng talangka ang
shorts nito.
"O-Okay ka lang?" nahihiyang tanong ni
Seola.
"Kailan pa ako naging okay kung ibang
talangka ang nadukot ko?" mahinang sagot
ni Clouds.
"Ang laki ng crab na nahuli mo, Clouds,"
manghang sabi ni Dust.
"Lintik! Kailan pa naging okay ang makagat
ng talangka!" singhal ni Clouds na kulang na
lang ay sapakin niya ang mga kapatid.
"Huwag kasi kayong pumuwesto sa
batuhan," sabat ni Sky kaya natahimik si
Clouds at pumasok na sa resort kasama ai
Seola.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon