MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 43
Unedited...
"Luke, sandali lang!" tawag ni Clouds na hinabol ang kaibigang nakihalubilo sa kapwa
artists.
"'Tol? Kumusta ang bakasyon?" tanong n n isa nilang kasama.
"Okay naman," sagot ni Luke at napatingin sa lalaking mahigpit ang pagkapit sa kanang
kamay niya."Mag-uusap tayo!" madiing sabi ni Clouds na hindi na pinansin ang iba pa nilang kasama.
"Ayaw ko nga!" pagpapakipot ni Luke kaya sinapak na siya ni Clouds. "Aray! Ang sakit
no'n ah!""Makipag-usap ka sa akin, o magsusuntukan
tayo?" galit na tanong ni Clouds kaya napakamot sa ulo si Luke.
"Biro lang. Alam ko namang hindi mo ako matiis," nakangising sabi ni Luke at sumunod kay Clouds nang hilain siya nito.
"Hey, bitiwan mo ang kamah ko. Baka mapagkamalang lovers tayo."Tumigil si Clouds at pinakawalan ang kamay ni Luke saka galit na hinarap ito.
"Sumunod ka sa labas!" ani Clouds at lumabas sa venue. Sumunod naman si Luke
sa kaniya.
"Ano ang pag-uusapan natin?" tanong ni Luke. Nasa lobby sila at malayo sa mga tao
na busy rin sa kani-kanilang buhay."Tungkol sa sinabi mong kami ni Seola?" sagot ni Clouds.
"Oh? Anong masama? Tahimik naman ako sa secret relationship ninyo kahit sa
cementeryo ang meeting place ninyo," depensa agad ni Luke. Ngayong ikakasal na
ito kay Clarissa, baka pakiusapan siya nitong manahimik.
"Kapal ng mukha mo! Bakit naman kami sa
cementeryo magkikita? Napakagago mo!"
pagmumura ni Clouds sa kaibigan."Ako pa ngayon ang gago? Ikaw kaya ang nakikipagkita sa cementeryo!" naiinis na sabi
ni Luke. "Una, hiniram mo ang sasakyan ko, nakitira ka sa condo ko tapos ginagawa ninyo
akong driver noon!""N-Naging kami ba talaga ni Seola?" usisa ni
Clouds kaya napakunot ang noo ni Luke."Gago ka talaga, Clouds! Ano ba ang nangyari sa 'yo? At teka lang--" Naguguluhang tanong ni Luke. "Bakit ka
magpapakasal kay Clarissa? Naging kayo ba?
Ako naman ang palagi mong kasama pero bakit hindi ko alam?" Mataman na tiningnan niya si Clouds na
naguguluhang nakaupo sa tapat niya. "Letse
ka, Clouds! Huwag mong sabihing, nabuntis
mo si Clarissa?""Hindi ah!" mabilis na sabi ni Clouds. Ne wala siyang maalalang nag-kiss o nag-sex
sila ni Clarissa. Wala talaga.
"Eh ano? Bakit mo siya papakasalan?
Matapos ang lahat ng sakripisyo mo para kay Seola, kay Clarissa ka magpapakasal?
Iba rin ang trip mo, ano?""May amnesia ako!"
Natigilan si Luke at napatitig sa seryosong mukha ni Clouds. Kapagkuwa'y tumawa nang
malakas.
"Ikaw? May amnesia?" Tatawa-tawa pa rin
ito at napahawak na sa tiyan. "Ang lakas ng
trip mo--ouch! Aray..." daing niya at napahawak sa tuhod nang malakas na sipain
ni Clouds."Wala akong maalala kaya tinatanong kita,
Luke! Hindi ako nakikipagbiruan! Nabalitaan
mo naman siguro ang pagkaaksidente ko at
pagkagising ko, si Clarissa raw ang girlfriend
ko," pag-amin ni Clouds at napalinga-linga sa paligid dahil baka may makarinig sa kanila."What? Paano nangyari iyon? Bakit naalala mo kami?"
"Bago ako masangkot sa malaking eskandalo, iyon lang ang maalala ko.
Pagkatapos no'n, nawala na sa alaala ko. Ne hindi ko nga matandaan kung paano ako naging manager ni Seola," nahihirapang pagkuwento ni Clouds kaya napanganga si
Luke."Seryoso?"
"Luke naman! Sa tingin mo, nagbibiro lang ako?"
Itinaas ni Luke ang mga kamay bilang pagsuko."Fine, may amnesia ka nga," ani Luke at napailing. Grabe, ngayon lang siya nakasaksi
ng ganitong pangyayari. "Pero bakit si Clarissa na ang girlfriend mo at hindi si Seola?"
