10

987 40 0
                                    



MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

Unedited...
"Kayo pala ang mga bagong pumasa?"
tanong ng isang senior kina Seola matapos
nilang ipakilala bilang nga new talent ng
Bright Star.
"Yes po," magalang na sagot ng dalawa.
Lumapit ito kay Seola at sinuri ang ayos
mula ulo hanggang paa kaya nailang bigla
ang dalaga.
"Bawal ang personal assistant sa silid na ito
kaya sa labas ka na lang maghintay," sabi
nito kaya natigilan si Seola. Lahat ng
kasamahan niyang baguhan ay napatingin sa
kaniya.
"H-Hindi po ako PA," mahinahong pagtama
ni Seola at inayos ang malaking bag. "Isa rin
po sa mga bagong singers."
May ilang tumalikod at napangiti pero hindi
ipinahalata dahil ayaw nilang gumawa ng
kahit ano mang makakasira sa pangalan nila.
"Baguhan ka? Magaling ka sigurong kumanta
kaya ka pumasa," hindi makapaniwalang sabi
ni Serin.
"H-Hindi naman po," ani Seola. Oo, nanliliit
naman talaga siya sa sarili lalo na't ang
gaganda ng mga kasama at mukhang
mayayaman pa samantalang siya, made in
Divisoria lang ang mga damit niya.
"Hindi?" sabat ng isang senior na kanina pa
nakikinig sa kanila. "So? Paano ka nakapasok
sa agency?"
"H-Ha? Hindi ko rin alam," sagot ni Seola at
sinikap na ngumiti para hindi mahalatang
tinablan siya ng hiya. "Ang alam ko lang po,
nag-audition ako kagaya ng ginawa nila at
hindi ko rin inaasahang tinawagan nila ako at
sinabing pumasa."
"Sure ka? Baka wrong number lang sila?"
tanong ni Serin na may halong panunuya
ang mga titig.
Hindi na napigilan ng ilang baguhan na
tumawa kaya napayuko na lang si Seola pero
naisip niya na sanay naman siyang laitin ng
ibang tao. Kung si Clouds nga na manager
niya, ang lakas siya kung laitin, sila pa kaya?
"Actually, naisip ko rin po 'yan. Ilang beses
ko nga pong tinanong ang tumawag kung
ako ba talaga ang pumasa," pabirong sabi ni
Seola.
"Ah, i-double check natin dahil baka hindi
talaga ikaw ang pumasa," sabat ni Yurin at
tumabi sa kasama niyang senior.
"At kung hindi siya, sino?" sabat na tanong
ni Red kaya napalingon silang lahat sa binata
kasama si Clarissa.
"Good afternoon, Sir," sabay na bati nina
Yurin at Serin.
"Kayong mga seniors, dapat na tulungan
ninyo ang mga baguhan dahil diyan din kayo
nag-umpisa noon," seryosong sabi ni Red na
napatingin sa dalawa.
"N-Nakipagbiruan nga po kami sa kanila lalo
na po sa kaniya," nakangiting sabi ni Serin at
inakbayan si Seola.
"Good," ani Red. "Kung may time kayo,
turuan ninyo ang mga bagong recruit at
kayong baguhan, respeto sa seniors ninyo."
"Yes, sir!" sabay na sabi ng mga baguhan at
nagliliwanag ang mga mata habang
nakatingin kay Red.
"Red? Aalis na ba tayo?" tanong ni Clarissa
na nakatingala sa binatang guwapong-
guwapo sa suot na white suit.
"Sige," sagot ni Red at napasulyap kay
Seola. "By the way, congrats dahil nakapasa
ka, Seola. Isa ka sa mga paborito ng
audience at judges nang mag-audition ka
kaya galingan mo pa lalo."
Pilit na ngumiti si Seola at nag-bow kay
Red. "Salamat po, sir."
"Walang anuman," sagot ng binata at
kinindatan siya bago harapin ang iba pang
baguhan. "Please enjoy and do your best
dahil nandito ang Bright Star para tumulong
sa inyo. Just always keep your feet on the
ground kahit na ano man kataas ang
mailipad ninyo balang araw."
Inakay na niya si Clarissa palabas sa
malaking silid na iyon.
"Psh!" ani Clouds nang makasalubong nila.
"Saan ka galing?" tanong ni Red.
"Hello, bes," nakangiting bati ni Clarissa.
"Hi," tipid na sagot ni Clouds. "Sa labas,
kinausap ko si Luke. Bakit ka ba tanong
nang tanong?"
"Bantayan mo ang alaga mo dahil
masyadong masikip at masalimuot ang
industriya," bilin ni Red.
"Hindi ko kailangan ang payo mo!" walang
ganang sagot ni Clouds at nilagpasan ang
dalawa.
May mga baguhang napapalingon sa kaniya
pero hindi na niya pinansin. Papasok na siya
sa room nang magkasalubong ang mga
mata nila ni Seola kaya pinaypay na niya ito
ng kanang kamay para umuwi na. Tumalikod
na siya palabas nang masiguradong
nakabuntot sa kaniya ang dalaga.
Pumara siya ng taxi nang maabutan siya ni
Seola sa gilid ng kalsada. "Sumabay ka na,
para makatipid ka nang pamasahe."
Binuksan ni Clouds ang frontseat kaya sa
likod na sumakay si Seola.
Tahimik silang tatlo sa loob ng taxi. Kahit
ang driver ay hindi rin nagsasalita hanggang
sa makarating sila sa kanto dahil hindi na
makapasok ang taxi.
"Bayad," ani Clouds at inabot ang
pambayad.
Bumaba si Seola at tuloy-tuloy sa
paglalakad.
"Sandali lang," sabi ni Clouds kaya tumigil si
Seola sa paglalakad at nilingon ang binata.
"Bakit?"
"Bili tayo ng lechon manok. Tiyak, gutom na
si Ash," sabi ni Clouds at dumaan sa Baliwag
lechon manok.
Alas siyete na ng gabi kaya kanina pa niya
gustong umuwi. Siya ang nag-aalala para sa
bata. Paano kung pinasok ang bahay nila?
Paano kung may kapitbahay pala silang drug
addict at ginahasa muna bago pinatay si
Astray?
"Hindi pa 'yon," sabi ni Seola.
"Wala ka talagang kuwentang kapatid!" ani
Clouds.
"Sanay na kami at mabait ang mga
kapitbahay namin. Nasa ibabang unit lang
siya."
Kaibigan niya ang nasa tabi ng boarding
house nila at ang bait ng magkapatid.
"Kahit na!" sabi ni Clouds habang
nagbabayad at inabot ang manok na pina-
chop niya. "May kanin na ba?"
"Nagsaing na 'yon si Ash."
"Siya pa talaga ang pinasaing mo? Paano
kung masunugan kayo?"
"Rice cooker ang gamit niya at huwag kang
mag-alala, marunong na si Ash."
Maliit lang ang street nila at iilan lang ang
bahay kaya walang gaanong taong
naglalakad.
Pagdating nila sa bahay, luto na ang sinaing
pero wala si Ash kaya bumaba si Seola para
sunduin sa baba.
"Salamat sa pagbantay sa kapatid ko,"
pasalamat ni Seola.
"Walang anuman. Alam mo namang tuwang-
tuwa kami sa kapatid mo," nakangiting sabi
ni Danica.
"Ate? Kain na po tayo," nakalabing yaya ni
Ash na kanina pa nagugutom.
"Naku, kanina ka pa namin niyayayang
kumain," natatawang sabi ni Danica pero
tumanggi ang bata dahil hihintayin daw niya
ang kapatid.
"Salamat sa libreng pagiging yaya ng
pasaway kong kapatid," natatawang sabi ni
Seola.
-----------------------
"Hindi lang kasi pagkanta ang kailangan
ninyo para sumikat. Dapat package deal na
kayo. Kung singer ka, mas mabuting dancer
ka rin," sabi ng dance instructor na kanina
pa tinitimpi ang galit. Lima sa kanila ang
hindi marunong sumayaw. Hinarap niya si
Seola.
"May potential ka naman sa pagsasayaw
pero kailangan mo lang magkaroon ng self-
confident dahil sa totoo lang, para kang
stick na walang lambot sa katawan!"
prangka niyang sabi na lumalabas na ang
pagiging terror niya.
"P-Pasensiya na po," nahihiyang paumanhin
ni Seola at pinahidan ang mga pawis.
Aminado naman siyang pasaway siya. May
magde-debut ng bagong album at silang
mga baguhan ang magbibigay ng
production number pero ang problema,
hindi siya sumasayaw mula noon.
"Okay, magsimula ulit tayo!" sabi ng
instructor at pumalakpak. Napakagat si
Seola sa ibabang labi nang makita si Clouds
na nakasandal sa gilid ng pinto. Kanina pa
ba ito? "Last na 'to at galingan ninyo. May
two days lang tayo para mag-practice kaya
kahit nasa bahay kayo, mag-practice rin
kayo dahil alam kong halos lahat sa inyo ay
mga estudyante pa."
Sinubukan ni Seola na sumabay sa mga
kasama pero may times na naiiwan siya pero
hindi na nagreklamo pa ang instructor dahil
kanina pa ito nai-stress sa kaniya.
Matapos ang huling practice, kinuha ni Seola
ang bag para umuwi na pero nilapitan siya
ng babaeng instructor.
"Grupo kayong magpe-perform kaya kung
hindi mo aayusin ang dancing skill mo,
masisira mo ang buong grupo mo," prangka
nitong sabi.
"P-Pasensiya na po, magpa-practice ako
mamaya," paumanhin ni Seola.
"Ako ang malalagot sa agency kapag
magkanda-leche-leche ang production
number!" nababahalang sabi ng babae. Hindi
naman ito masisisi ni Seola. Kahit siya,
naiinis na rin sa sarili.
"Ako na ang bahala sa kaniya."
Napalingon sila kay Clouds na nasa likuran
na nila.
"Clouds!" bulalas ng babae at nginitian ang
binata. "Kilala mo siya?"
"Manager niya ako kaya huwag kang mag-
alala, tuturuan ko siya hanggang sa matuto
siya," sagot ni Clouds na hindi man lang
sumulyap kay Seola.
"Naging manager ka na lang?"
Natigilan si Clouds pero agad namang
nakabawi. "Masaya ako kapag may
natutulungan ako kaya sapat na sa akin ang
maging manager ni Seola."
"Nabalitaan ko ang--"
"Hindi ako interesado sa nabalitaan mo kaya
maiwan na namin kayo," paalam ng binata at
hinila na palabas si Seola.
Habang nasa taxi, napapasulyap si Seola sa
katabing binata na mukhang may malalim na
iniisip kaya hindi na niya ito inistorbo. Isa
pa, pagod din siya dahil mula pa alas siyete
ng umaga sila nagkakanta at nang ala una ay
nagpa-practice sila ng sayaw.
Pagdating nila sa bahay, napakunot ang noo
ni Seola. Bago ang pintuan nila na may
passcode pa sa labas. Bago rin ang sofa at
iba pang gamit.
"Ate!" masiglang bati ni Astray na naglalaro
ng malaking barbie doll. "Look, may bago
akong laruan, bigay ni Kuya Clouds."
"B-Bakit--" Seola.
"Dito na rin ako titira kaya dapat lang na
ipaayos ko ang tinitirhan ko. Isa lang ang
banyo kaya dapat magkaroon tayo ng
patakaran sa paggamit. Maglagay ng sign
kapag may naliligo sa loob. Bawal magsabay
ng toothbrush at dapat may kaniya-kaniya
tayong lagayan ng mga gamit." Parang boss
na sabi ni Clouds. Napasulyap si Seola sa
ibabaw ng mesa na may nakahanda nang
pagkain.
"Nag-order na ako ng ulam kanina kaya
huwag ka nang magluto. Pagkatapos nating
kumain, magpahinga ka para turuan kita ng
sayaw!" bilin ni Clouds bago pumasok sa
loob ng kuwarto niyang may kama na.
"Ate? Ang ganda po ng kama ni Kuya
Clouds, ang lambot pa," manghang bulong
ni Astray habang nakatingala sa kapatid.
"Pumasok ka sa silid niya?"
Tumango ang bata. "Opo, puwede raw po
akong pumasok sabi ni Kuya." Hindi na niya
dinagdagan na sinabi ni Clouds kanina na
siya lang ang puwedeng pumasok at bawal
ang Ate Seola niya.
"Magpapalit lang ako tapos kakain na tayo,"
sabi ni Seola at tumalikod niya. Nalulungkot
siya na naiinggit. Ngayon lang niya nakitang
masaya si Astray dahil sa mga laruan nito.
Naiinggit siya kay Clouds dahil kaya nitong
bigyan ng magandang laruan at masarap na
pagkain ang nag-iisa niyang kapatid.
Pagkatapos niyang magpalit, sabay lang sila
ni Clouds na lumabas sa kuwarto.
Ang daldal ng dalawa habang kumakain pero
si Seola, hindi umiimik. Busy ang utak niya
sa pagkabisa ng dance steps nila.
Nauna siyang nakatapos sa dalawa kaya
nanonood muna siya ng TV sa sala. Medyo
maayos na ang bahay nila dahil may
floormat at doormat na ito. Maayos na rin
ang pinto nilang may code.
"Ano pala ang code?" tanong ni Seola nang
lumapit sa mesa dahil tapos na ang dalawa.
"Secret," sabay na sagot ng dalawa kaya
napataas ang kilay niya.
"Anong secret? Paano ako makapasok kapag
hindi ninyo ipaalam sa akin?" naiinis na
tanong niya. Humalakhak si Astray Czarina.
"Secret nga ang password! Itipa mo ang
secret na word para bumukas ang pinto!"
naiinis na sabi ni Clouds at kinatok siya sa
ulo. "Tanga mo naman!"
"Ikaw na ang matalino!" naiinis na sabi ni
Seola at padabog na iniligpit ang
pinagkainan nila. Malay ba niya.
"Makatanga, akala mo, matalino!" bulong
niya at dinala ang hugasan sa lababo habang
nanonood na ang dalawa sa sala.
Pinatulog na ni Clouds si Ash sa kuwarto
nito.
"Ilipat mo na lang mamaya ang kapatid ko,"
sabi ni Seola.
"Mag-practice na tayo ng sayaw!" salubong
ang kilay na sabi ni Clouds at naupo sa sofa.
"Sumayaw ka sa harapan ko at tingnan ko
kung saan ka mahina."
"A-Ayaw ko..." tanggi ni Seola.
"Nahihiya ka? Huwag kang mahiya, Seola!
Ako ang nahihiya para sa 'yo, kanina pa!"
"Akala mo, hindi rin ako nahihiya sa sarili
ko?" tanong ni Seola na tumaas na ang
boses.
"Kaya nga nandito ako para turuan ka!"
napipikon na sabi ni Clouds.
Pinatugtog ni Clouds ang kanta sa cellphone
niya. "Sayawin mo!"
"Oo na!" sabi ni Seola na para bang nasa
harapan niya ang pinaka-terror na guro sa
buong mundo.
"Huwag mo akong tingnan ng ganiyan,
Seola! Mas lalo kang pumapangit!" ani
Clouds.
"Ako na ang pangit!" nakasimangot na sabi
ng dalaga at napilitang sumayaw pero nasa
gitna na siya ng pagsayaw nang patayin ni
Clouds ang music.
"Hindi pa ako tapos!" ani Seola na parang
batang napakamot na lang sa ulo habang
nakatingin kay Clouds na nanggigigil sa
kaniya.
"May balak ka pa talagang tapusin ang
pagsasayaw mo kahit na para kang patay na
bumangon sa cementeryo?" prangkang sabi
ni Clouds at tumayo saka idinemonstrate kay
Seola ang dance steps.
"Ganiyan dapat! Huwag mong kontrahin ang
katawan mo at sabayan mo ang tugtog!"
sabi ni Clouds. "Three steps sa right and
tree steps sa left, mahirap bang gawin
'yon?"
Ayun, inisa-isa at dinahan-dahanan niya ang
pagturo kay Seola dahil q g hirap nitong
maka-pickup. Napapansin niyang natututo
naman ito pero sobrang bagal lang talaga.
"Masasanay ka rin sa pagsayaw at balang
araw, kusa na lang papadyak ang mga paa
mo," sabi ni Clouds.
"S-Salamat sa pagtiyaga," pasalamat ni
Seola. Alas onse na ng gabi at ilang oras na
silang nagbabangayan ni Clouds.
Sinayaw niya ang huling step pero napatigil
siya nang may humawak sa magkabilang
bewang niya mula sa likuran.
"Lambutan mo ang pag-sway sa bewang
mo. Isipin mo na isa kang magaan na cotton
na sumasayaw at wala kang pakialam kung
saan ka man dadalhin ng hangin," seryosong
sabi ni Clouds. Natigilan si Seola at
napalunok ng laway. Kahit na pawisan na si
Clouds, ang bango pa rin nito. Nanayo yata
ang balahibo niya dahil sa mainit na hininga
nitong dumampi sa batok niya.
Bumitiw na si Clouds kaya ini-sway ni Seola
ang bewang kagaya ng sinabi nito.
"Good! Marunong ka rin pala!" puri ni
Clouds. "Shit!" Mabilis na tumakbo siya
palapit kay Seola nang makitang natapilok
ito pag-ikot.
"Kyaah!" Tili ng dalaga at nang bumagsak sa
sahig, may malambot na bagay na sumalo sa
kaniya.
Natigilan ni Clouds habang nakatitig sa gulat
na mga mata ng dalagang nakapatong sa
kaniya. Biglang nanigas ang buong katawan
niya na hindi na niya kayang igalaw kahit
ang mga daliri niya. Bakit ganito? Bakit
parang gusto niyang kumapit sa bewang ni
Seola para masiguradong hindi ito nasaktan?
Napailing si Clouds. Siyempre kailangan
niyang ingatan ang dalaga dahil ito ang susi
para bumalik ang career niya.
Agad na tumayo si Seola kaya wala sa
sariling tumayo si Clouds.
"Haist! Pasensiya ka na, pagod na siguro
ako," paumanhin ni Seola sa binatang
sumeryoso na ang mukha.
"Magpahinga ka na para may lakas ka pa
bukas. Ihahatid ko lang si Ash sa kuwarto
ninyo," malamig na sabi ni Clouds at
pumasok na sa kuwarto para kunin si Astray.
Pagkasara niya ng pinto, nanghihinang
napasandal siya sa pinto at napahawak sa
kaliwang dibdib niya. Ang bilis kasi ng tibok
eh. Parang magkaka-heart attack yata siya
dahil sa pagkakadagan ni Seola? Ang lakas
kasi ng pagkakabagsak nito sa katawan niya.
Pero wala naman siyang naalalang may sakit
sa puso sa pamilya nila. Baka siya pa lang?
Hindi kaya ang Tita Avery talaga niya ang
tunay niyang ina? Napailing siya sa naisip.
Nagiging irrational na yata siya.
"Huwag kang mag-alala," bulong niya
habang nakayuko sa hinihimas na dibdib
dahil hanggang ngayon, naririnig pa rin niya
ang pagtibok nito. "Bukas, ipapa-checkup
kita."

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon