44

1.1K 52 1
                                    

MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 44

Unedited...
Kailangan pa rin nating makasigurado. Paano
kung bumalik na ang alaala niya?" sabi ni
Rica na nakaupo sa kama ni Clarissa.
"Hindi naman po siguro," sabi ni Clarissa.
"M-Mom? Aaminin ko na lang po kaya ang
totoo? Malalaman din naman ni Clouds ang
lahat."
"At ang career mo?" nakataas ang kilay na
tanong ni Rica kaya napayuko si Clarissa.
Bata pa lang siya ay pangarap na niyang
maging singer at lahat ng paraan ay ginawa
niya para maabot ang kung anong
kasikatang natatamo niya ngayon.
"P-Pero sinasaktan ko na po si Clouds,"
malungkot na sagot niya.
"Oras na akuin mo ang nangyari, sa tingin
mo, mapapatawad ka nila? Sa tingin mo,
hahayaan na lang nilang gumala-gala ka sa
daan, Clarissa?"
Hindi na umimik pa si Clarissa at desperada
ang mukhang naupo sa tabi ng ina.
"Siguraduhin mong wala pang maalala si
Clouds bago ang kasal ninyo dahil kung
hindi, kulungan ang bagsak mo, Clarissa!"
sabi ng ina niya saka tumayo at lumabas sa
kuwarto niya.
Napahilamos ng mukha si Clarissa at
napatingin sa cellphone. Nag-reply na si
Clouds at papunta raw ito sa live concert ni
Seola.
Ngayon ang first solo concert nito kaya
todo suporta ang buong Villafuerte.
"Small world," bulong niya. Sino ang mag-
aakalang magkapatid pala sina Seola at
Clouds sa surrogate mother ng binata?
Tumayo siya at isinuot ang black dress.
Pagbukas niya ng drawer, agad na nahagilap
niya ang velvet box na ibinigay ni Clouds.
Kinuha niya ang necklace at isinuot saka
inayos ang sarili bago bumaba.
Alas siyete na ng gabi nang makarating siya
pero puno na ang theater. Tumungo siya
kina Clouds sa backstage.
"Babe!" tawag niya nang lumabas si Clouds
at matamis na nginitian ang binata. Ngiting
nagpapahirap din sa kaniya. Kung puwede
lang niyang ibalik ang nakaraan o 'di kaya'y
takasan na lang.
"Cla? Mabuti at dumating ka na," sagot ni
Clouds na humalik sa pisngi niya nang
lapitan siya nito.
"Late na ba ako? Hindi pa naman
nagsisimula," sagot ni Clarissa.
"Oo, hindi pa naman."
"B-Babe? Puwede ba tayong mag-usap na
tayo lang?" pakiusap ni Clarissa na palinga-
linga sa paligid. Ang daming tao kaya baka
may makarinig sa kanila.
"Sure," sagot ni Clouds at dinala si Clarissa
sa dressing room na walang tao.
"Ano ang pag-uusapan natin, Clarissa?"
tanong ni Clouds na nakatitig sa mukha ng
dalaga. Maganda si Clarissa at kung
tutuusin, simple lang pero with class
kumilos. Iyon ang tipo niya sa babae pero
sadyang hindi nga siguro matuturuan ang
puso ng tao kung kanino ito titibok nang
dahil sa pag-ibig.
Tinanggal ni Clarissa anv kuwentas sa leeg at
inabot kay Clouds. "B-Babe? Sa tingin ko,
hindi ko pa matatanggap ang kuwentas na
ito. Malay mo, baka sa mommy mo naman
talaga ito."
Kailangan niyang malaman kung nakaalala na
si Clouds. Mahirap na dahil baka
nakikipaglaro lang ito sa kanila.
Kinuha ni Clouds ang kuwentas at mahigpit
na ikinuyom kaya nagulat siya. Tama ba ang
hinala ng mommy niya? Nakaalala na ito?
"C-Clouds..." sambit niya saka napaatras
nang naningkit ang mga mata ng binata.
Lumapit ito sa kaniya kaya napapikit siya.
Hindi niya kayang salubungin ang galit nito.
Naramdaman ni Clarissa ang malamig na
bagay na dumampi sa leeg niya.
"Naiinis ako dahil ibinalik mo sa akin ang
kuwentas na ito na alam naman nating para
sa iyo ito," sabi ni Clouds kaya dumilat si
Clarissa. Nakangiti na ito habang nakatitig
sa kaniya. Ngiting magkaiba kapag si Seola
ang kaharap nito. "Ayan, huwag mo nang
alisin pa iyan sa leeg mo lalo na't wala
akong matandaang pinagawa ko iyan sa iba."
Bumalik ang ngiti sa mga labi ni Clarissa at
ipinulupot ang mga kamay sa braso ni
Clouds.
"Thank you, babe. Akala ko, para sa iba ito
kaya nahihiya akong isuot," ani Clarissa.
"Halika na, bumalik na tayo dahil
magsisimula na ang show ni Seola," yaya ni
Clouds kaya sabay na silang bumalik. Naging
kampante naman si Clarissa nang
mapatunayang wala pa ngang naalala si
Clouds.
"Mauna ka na, Cla. Iihi lang ako," sabi ni
Clouds.
"Hintayin na kita."
"Sige na, doon na tayo magkita. Magkatabi
naman ang upuan natin," sagot ni Clouds at
nginitian ang dalaga.
"Okay, pero bilisan mo," pagpayag ni
Clarissa at nauna na. Mahirap din kapag
sabay sila dahil baka magkagulo pa ang fans.
Papasok na si Clouds nang marinig ang pag-
uusap ng dalawang tao sa loob.
"Siguraduhin mo lang na hindi makarating si
Siwon dahil kapag makita ko ang anino niya,
malilintikan ka sa akin!" pagbabanta ng
lalaki.
"Oo, natanggap na niya ang bayad ni Ma'am
Rica kaya hindi iyon sisipot."
"Siguraduhin mo lang!"
"Oo nga. Double kaya ang ibinayad no'n
kaysa sa talent fee niya rito."
Napatigil si Clouds sa pagpasok at napaatras
sa narinig. Umatras na rin yata ang ihi niya
kaya nilisan niya ang restroom at bumalik
kina Seola.
"Manager Yoo? Si Seola?" tanong niya sa
manager ni Seola.
"Nagpe-perform na. Nakadalawang kanta na
siya. Saan ka ba galing?" sagot nito.
"Nandito na ba si Siwon?"
"Wala pa e. Traffic daw," sagot ng manager
na kanina pa napapatingin sa relo. "Siya pa
naman ang susunod."
"Hindi na siya makakarating," sagot ni
Clouds at naikuyom niya ang kamao.
"What?" bulalas nito. "Hindi puwede.
Masisira ang performance ni Seola. Isa pa
naman siya sa inaasahan ng audience."
Napailing si Clouds. Sinabotahe na naman
ng ina ni Clarissa ang live concert ni Seola.
Bakit ba hindi nila tantanan si Seola? Wala
naman itong ginagawang masama sa kanila.
-------------------
"Thank you po," pasalamat ni Seola at
bahagyang yumukod sa mga fans. "Next
song? Alam kong magugustuhan ninyo ito
at ang special guest ko."
Nagtilian ang mga tao dahil inaasahan na
nila si Siwon. "Excited?"
Naghiyawan ang mga ito. Bini-buildup kasi
sila bilang loveteam sa pagkanta dahil
marami ang nagkagusto sa performance nila
noon at TV ad.
"Okay, heto na. Ang next song ay para sa
isang taong naging espesyal sa buhay ko
pero sadyang mapaglaro ang tadhana at pilit
kaming pinaglalayo," nakangiting sabi niya at
sinimulan na ang pagkanta.
Its turning out just another day 🎶
I stopped there as usual 🎶
Had a coffee and pie
When I turned to leave I couldn't believe my
eyes 🎶
Standing there I didn't know what to sang
without one touch 🎶
We stood there face to face

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon