MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 34
Unedited...
"Tama na, ayaw ko na," natatawang sabi ni
Seola. Pauwi na sila ni Clouds at kumakanta
sila habang nagmamaneho ang binata.
"Baka mamaos ako, mahirap na," nakangiting
pagsang-ayon ni Clouds. "First solo concert
ko, mag-duet tayo, okay?"
"Okay," pagpayag ni Seola. "Pero galingan
mo muna bukas dahil nasasapawan na kita."
Tumawa si Clouds at hinawakan ang kamay
ni Seola habang ang kaliwang kamay ay nasa
manibela.
"Oo naman, para sa 'yo ang comeback ko.
Sana mag-hit," puno ng pag-asang sabi ni
Clouds. Kinakabahan siya. Paano kung hindi
siya tanggapin ng masa? Paano kung failure
ang comeback niya?
"Clouds? May PTA meeting kami bukas,
baka ma-late ako," ani Seola. Saktong hapon
ang meeting sa klase nina Ash.
"Hihintayin pa rin kita, bukas. Umaasa akong
makahabol ka."
"Paano kung hindi?"
"Okay lang, mas mahalaga si Ash."
"Isasama ko siya, okay lang ba?"
"Sure. Mas matutuwa ako kapag makita ko
kayong magkapatid," sabi ni Clouds at
ipinagpatuloy ang pagmaneho habang
nakahawak ang isang kamay sa kamay ni
Seola. Paminsan-minsan, napapasulyap siya
sa dalagang tahimik lang.
"Hanggang dito na lang kita ihatid?" tanong
ni Clouds. Kapag magkasama sila ni Seola,
dito sa kanto niya binababa ang dalaga.
"Ingat, Ulap," bilin ni Seola at ginawaran ng
halik ang binata sa kabilang pisngi.
"Sa lips pa," hirit ni Clouds.
"Hey! Nakaisa ka na kanina," sabi ni Seola
kaya ngumiti si Clouds.
"Gusto ko ng second round," pilyong sabi ni
Clouds at tinanggal ang seatbelt.
"Baba na ako, Ulap!"
"Kiss ko!" Nagmamadaling sabi ni Clouds na
hindi pa rin binibitiwan ang kamay ni Seola.
"Clouds--uhmp!"
"Okay. Ingay ka, pango ko," nakangiting sabi
ni Clouds. Ngiting tagumpay matapos
halikan ang dalaga.
"Namimihasa ka na," ani Seola at napailing
na lang.
"Maliban sa puwet at lips mo, 'yan lang ang
maipagmalaki ko sa 'yo sa ibang tao," biro ni
Clouds kaya nanlaki ang mga mata ni Seola.
"T-Tinitingnan mo ang puwet ko?"
"H-Hindi ah," mabilis na tanggi ng binata.
"Walang hiya ka talaga, Ulap!"
"Haist, sorry na, Pango. Hindi ko kang
talaga maiwasan kasi palagi kong nakikita
ang likod mo. Mukha mo na lang talaga ang
palatandaan ko kung nakaharap ka sa akin."
"Isa pa, Clouds! Isa pa at masasapak na
talaga kita!"
"Hmmm? Mahal mo ako kaya okay lang na
sa 'yo."
"Oo na. Mahal na kita, masaya ka na?"
pagtataray ni Seola.
"Oo, masayang masaya ako dahil mahal mo
ako, Seola," seryosong sabi ni Clouds kaya
napangiti ang dalaga.
"Alam mo kung ano ang nakakatakot,
Clouds?"
"Ano?"
"Si Clouds Villafuerte ang boyfriend ko."
Napataas ang kilay ni Clouds at napa-poker
face. "Ano naman ang nakakatakot doon?
Dapat maging proud ka dahil superstar ang
boyfriend mo."
"Iyon nga ang nakakatakot, Clouds. Kilala ka
at ang pamilya mo kaya nababahala ako.
What if--"
"Huwag mong isipin ang mga what if's. Ako
ang bahala sa lahat, Seola."
"Pero iba pa rin ako, malaking personalidad
ka at malaking angkan kayo, pero ako? Wala
man lang na puwedeng ipagmalaki sa akin,"
malungkot na wika ni Seola kaya
napabuntonghininga si Clouds at pinisil ang
pisngi ni Seola.
"Pantay lang tayo kaya huwag kang mag-
alala, aalagaan kita hanggang sa masabi
mong bagay tayo."
Mapait na ngumiti ang dalaga, "Sige, baba
na ako."
"I love you," sabi ni Clouds kaya muli siyang
hinalikan ni Seola sa mga labi.
"I love you too," sagot ng dalaga at bumaba
na.
Nailang tuloy siyang maglakad dahil ang sabi
ni Clouds, pinagmamasdan nito ang likod
niya. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon
sa sasakyan ni Clouds. Nakangiti ang
mokong at nag-flying kiss pa sa kaniya.
"Haist! Kung hindi lang ako inlove sa 'yo,
babasagin ko na talaga ang bungo mo!"
bulong ni Seola at binilisan ang paglalakad.
--------------
"Ang pogi naman ng anak ko!" proud na
sabi ni Taira nang pumasok sa dressing
room at niyakap ang anak. "Good luck at
congrats sa comeback album mo."
"Thanks, Mom. Kaya love kita e."
Hinaplos ni Taira ang makinis na pisngi ni
Clouds. "Nandito na ba ang girlfriend mo?"
"I'm afraid na she can't make it but I'm
hoping na makarating siya," sagot ng binata
at iniwan na ang ina dahil tinatawag na siya
ng isang staff. Siya ba kasi ang susunod na
ipakilala.
Lumabas siya sa stage at nagtilian ang mga
babae. Kahit paano, nabuhayan siya ng pag-
asa.
"Good afternoon, I know may nagawa akong
mali nitong mga nakalipas na buwan pero
sana matanggap pa rin ninyo ako at
magustuhan ang latest songs ko na isinulat
ko mismo mula sa puso ko. These songs was
inspired by the girl--I mean, my unideal girl
but still, I fell inlove with her."
Nagsimula ang bulong-bulungan pero
ngumiti lang si Clouds. "Hopefully,
makakarating siya." Wala pa ring nakaupo
sa special seats para kina Seola at Ash pero
okay lang. Nagsimula na siyang tumugtog
ng gitarang pinahiram sa kaniya ni Luke at
sinimulang kumanta.
Napapansin niyang nakikisabay ang mga
audience sa kaniya kaya napangiti si siya.
"My big comeback!" bulong ni Clouds
habang nginingitian ang ilang fans na
patuloy na sumusuporta sa kaniya.
Hindi nakarating si Seola pero okay lang
naman sa kaniya. Agad na tiningnan niya ang
cellphone at puro mensahe ng dalaga ang
nababasa niya kaya tinawagan na niya.
"Sorry kung hindi ako nakaabot, may sinat
kasi si Ash pero papunta na ako," naiiyak na
bungad ni Seola.
"Ano ka ba, okay lang. Saan ka na?"
"Malapit na, fifteen minutes, nandiyan na
ako. Sigurado akong tapos ka na,"
malungkot na sagot ni Seola.
"Okay lang, may nextime pa naman. Sana
hindi mo na iniwan si Ash at ako na lang ang
pupunta sa inyo," ani Clouds na nag-aalala
rin sa bata. Baka kasi maulit ang nangyari
noong na-ospital ito.
"Okay lang, nawala na ang lagnat niya kaya
iniwan ko na muna sa kapitbahay," ani Seola.
"Sige, text ka kapag nasa malapit ka na at
susunduin kita," sabi ni Clouds at tinapos na
ang tawag nang makitang papalapit ang
mga magulang at kapatid sa kaniya.
"Clouds? Wala pa ba ang kasintahan mo?"
tanong ni Taira.
"Malapit na po siya," sagot ni Clouds at
nginitian ang mga ito.
"Hindi ko akalaing may girlfriend ka na. You
know, iyong ipakilala sa amin," sabat ni
Moon at sinabayan pa ng tawa.
"May lagnat si Clouds," segunda ni Dust.
"Umalis na nga kayo!" pagtataboy ni Clouds.
"Kilala ba namin siya?" -Star.
Napatingin si Clouds sa cellphone. "Sunduin
ko lang po ang girlfriend ko, kita na lang
tayo sa bahay," paalam ni Clouds. Welcome
at victory party na rin niya pero sila lang
ang magtitipon-tipon. Walang fans at
reporters para magkaroon sila ng privacy na
magpamilya.
-------------------
"Malapit na po ako sa KBS studio," sagot ni
Seola sa manager habang nasa loob ng taxi.
Nakikita na nga niya ang malaking logo ng
TV station nina Red.
"Sige, pero bukas, kailangan mong pumirma
ng kontrata para sa new TVC mo," sabi ni
Manager Yoo.
"Bakit agaran po?"
"Huwag kang mag-alala, nabasa ko na ang
contract at okay naman sa sched mo. Isa
pa, winithdraw nila kay Clarissa dahil sa
attitude issue niya ngayon," pagbalita ng ni
Manager Yoo kaya natigilan si Seola.
"M-Manager? Hindi ko po tatanggapin ang
offer nila."
"Bakit? Malaking TVC iyon at malaki ang
kikitain natin."
"Manager Yoo? Ibang TVC na lang po pero
hindi ang kay Clarissa, please," pakiusap ni
Seola. Minsan na siyang inaway ni Clarissa
dahil sa pagkuha ng project nito kaya ayaw
na niyang maulit pa ang nangyari.
"Mga negatibo na ang lumalabas sa kaniya
dahil sa drinking problem at mataray na
ipinapakita niya sa fans kaya wala tayong
magagawa kung mag-back-out man sila,"
sabi ni Manager Yoo.
"Kahit na po. Please, ayaw ko."
Tumigil ang taxi sa harap ng KBS network
kaya tinapos na ni Seola ang pag-uusap.
Pagkatapos magbayad, nagmamadaling
bumaba na siya suot ang puting bestida na
iniregalo ni Clouds sa kaniya. Mas minabuti
niyang sa back door ng building dumaan
para walang gaanong fans na makakakita.
"Seola!" sigaw ni Clarissa na palapit sa
kaniya.
"Senior," magalang na bati niya at
sinalubong ito.
Pak!
Isang napakamalakas na sampal ang
sumalubong sa kaniya kaya napahawak si
Seola sa kanang pisngi.
"Hanggang kailan mo aagawin ang lahat ng
proyekto ko?" singhal ni Clarissa.
"Hindi ko inaagaw sa 'yo. Sa katunayan,
tumanggi ako sa offer nila," sagot ni Seola.
"Sinungaling! Ikaw siguro ang nagpapadala
ng paparazzi para siraan ako at maagaw ang
proyekto ko!" galit na sabi ni Clarissa.
"H-Hindi ko iyon magagawa sa 'yo," sabi ni
Seola. C-Clarissa, matutumba yata ang
billboard, huwag tayong mag-usap dito."
Napansin kasi niyang natutuklap na ang
billboard dahil sa malakas na hangin. Ang
balita niya, may bagyong paparating
ngayong gabi.
"Huwag mong ibahin ang usapan! Tinulungan
kita kay Clouds at inilayo ko si Red sa
relasyon ninyo pero ito pa ang kapalit?"
sumbat ni Clarissa. Oo, may pagkakamali
siya pero normal lang naman iyon dahil tao
pa naman siya sa likod ng camera. Isa pa,
hindi na niya kayang sikmurain ang
pangingialam ng ina niya kaya nagrerebelde
siya. Mas hindi niya matanggap dahil kay
Seola pa ino-offer ang project na dapat ay
sa kaniya.
"D-Doon na lang tayo sa loob ng building
mag-usap," pakiusap ni Seola nang
matanggal ang kalahating part ng malaking
billboard. Wala pa namang tao ngayon dahil
nasa main entrance sila para abangan ang
paglabas ng mga artista. Ipinagbawal kasi
ng KBS na dumaan dito para walang isyu na
pang-isnob sa talents nila.
"Kyah!" tili ni Seola nang itulak siya ni
Clarissa kaya napaupo siya sa kalsada.
"Huwag mo akong kalabanin!" pagbabanta ni
Clarissa at tinalikuran siya. Tatayo sana si
Seola pero muling napaupo nang sumakit
ang mga paa niya. Napatingala siya sa
billboard. Kitang-kita niyang natuklap ito
dahil sa malakas na hangin at pabagsak sa
kaniya.
"Seola!"
Narinig niya ang malakas na sigaw ni Clouds
pero ipinikit niya ang kaniyang mga mata.
Huli na para umiwas pa siya. Napahiga siya
nang isang matigas na bagay ang tumulak sa
kaniya pahiga kasabay ng pagkabagsak ng
mabigat na bagay sa kaniya.
Idinilat niya ang mga mata nang
makaramdam ng mainit na likidong umaagos
sa pisngi niya.
"C-Clouds?" mahinang sambit niya sa
lalaking nakadagan sa katawan niya at
sumalo sa malaking billboard. "C-Clouds?"
natarantang sabi niya at inalis ito sa kaniya
saka gumapang palabas sa malaking
billboard at hinatak palabas ang walang
malay na kasintahan. Nanginginig ang mga
kamay na kinapa niya ang leeg nito, may
pulso pa si Clouds pero ang daming dugo
na lumalabas sa malaking sugat sa likod ng
ulo nito kaya kinuha niya ang panyong
regalo ng binata at itinali sa ulo para tumigil
ang pagdurugo.
"C-Clouds!" umiiyak na sabi ni Clarissa
habang palapit sa kanila.
"I-Idiin mo ang sa sugat niya, h-hihingi lang
ako ng tulong," umiiyak na pakiusap ni Seola
at hindi na ininda ang sumasakit na paa at
katawan. Mabilis na tumakbo siya sa main
entrance para humingi ng tulong sa mga
tao.
"C-Clouds? L-Lumaban ka, pakiusap,"
luhaang sabi ni Clarissa habang kalong ang
duguang kaibigan. Iyak siya nang iyak.
"Clarissa? Ano ang nangyari?" bulalas ng ina
niya kasama ang dalawang reporter.
"M-Mommy? H-Hindi ko sinasadya,"
natarantang sagot ni Clarissa. "T-Tulungan
natin siya."
"May emergency ambulance sa kabilang
entrance, tawagan ninyo!" Utos ni Rica sa
isang reporter habang ang isa ay kumukuha
ng litrato.
"A-Ano ang gagawin ko?" umiiyak na sabi ni
Clarissa.
"Tumahimik ka!" sabi ng ina.
Ilang sandali pa'y dumating na ang
ambulance at kinuha si Clouds. Pinasakay
nila si Clarissa para samahan si Clouds.
Napatingin si Clarissa sa kumakatok sa pinto
ng ambulance nang maisara ng ERU team.
Nasa labas si Seola na umiiyak habang
nakatingin sa kanila sa loob at nakikiusap na
sasama ito.
"A-Ano pa ang hinihintay ninyo? Umalis na
tayo!" singhal ng ina ni Clarissa sa mga ito
kaya pinaandar na ng driver habang
binibigyan ng paunang lunas si Clouds.
Pagdating sa hospital, agad na sinaklolohan
ng nurses sa emergency room si Clouds.
Stable naman ang vital sign nito pero hindi
pa rin nagigising hanggang sa inilipat sa
private room.
"C-Clouds!" umiiyak na sabi ni Seola nang
pumasok. Naka-jacket na ito para matakpan
ang dugo sa puting damit.
"Lumabas ka na muna, Seola!" Utos ni Rica
kaya napatingin si Clarissa kay Seola.
"A-Ayaw ko po. Dito lang ako sa tabi ni
Clouds," umiiyak na tanggi ni Seola. Hindi
niya iiwan ang kasintahang nagligtas sa
buhay niya.
"May reporters sa labas kaya umalis ka na!"
pagtataboy ni Rica at tinawag ang dalawang
bodyguard saka pinalabas si Seola.
"A-Ano ba!" singhal ni Seola pero malakas
ang dalawang lalaki kaya wala siyang nagawa
kundi maghintay na lang sa labas.
"M-Mom? Papunta na po sina Tita Taira at
Tito Sky, ano ang gagawin ko?" natarantang
sabi ni Clarissa. "P-Paano kung
magsumbong si Clouds? P-Paano na ako?"
Pabalik-balik si Rica habang nag-iisip.
Naikuwenta na ni Clarissa ang buong
nangyari kanina.
"Aksidente ang nangyari kaya wala kang
dapat na ikabahala," sagot ni Rica at
napatingin sa nag-iisang anak.
"P-Pero natatakot pa rin ako," sagot ni
Clarissa at napatingin kay Clouds na
gumalaw at biglang dumilat ang mga mata.
"C-Clouds?"
"B-Bakit ganiyan ang mukha mo, Clarissa?
Ouch!" daing ni Clouds at napahawak sa
sumasakit na ulo.
"S-Sorry, h-hindi ko sinasadya," paumanhin
ni Clarissa at hinawakan ang kanang kamay
ng binata.
"A-Ang party--" Namimilipit sa sakit na sabi
ni Clouds pero mas minabuti pa niyang
huwag na munang magsalita.
"Magpahinga ka muna, hijo," mahinahong
sabi ni Rica pero kinakabahan din siya.
"K-Kailangan kong makadalo sa welcome
party," sabi ni Clouds at sinisikap na
tumayo.
"Welcome party?" ulit ni Rica.
"W-Welcome party ng manager ng kaibigan
ko," sagot ni Clouds.
Bumukas ang pinto kaya napatingin silang
tatlo sa pumasok.
"U-Ulap! M-Mabuti at gising ka na," umiiyak
na sabi Seola habang palapit sa kaniya pero
napasiksik si Clouds sa headboard ng kama.
"Huwag kang lumapit!" sigaw ni Clouds.
"Shit! Bakit ba nandito ka? Sino ang
nagpapasok sa 'yo?"
Natigilan si Seola at nagtatakang tumitig kay
Clouds.
"Kuya?" tawag ni Clouds sa dalawang
bodyguard nina Clarissa na pumasok.
"Pakilabas ng babaeng 'to rito!"
"C-Clouds? A-Ano ang problema mo? Ako
ito, si Seola." tanong ni Seola at napatingin
kina Clarissa na nagtataka rin.
"So?" tanong ni Clouds at sumenyas sa mga
guwardiya kaya hinatak na nila palabas si
Seola.
"C-Clouds? Ano ba! G-Girlfriend mo ako!"
sigaw ni Seola habang nagpupumiglas sa
mga guwardiya.
Tumawa si Clouds. "Ambisyosa ka ba? Bakit
kita magustuhan? Hindi kita type! Mahiya ka
nga sa sarili mo." nandidiring sabi ng binata
kaya puwersahan nang pinalabas ng guards
si Seola sa kuwarto.
"H-Hindi mo siya kilala?" curious na tanong
ni Clarissa nang maisara na nag pinto.
"Kilala," tinatamad na sagot ng binata.
"Hindi ba't siya ang pangit na bagong
tindera ng pancit canton sa Westbridge?
Pangit na nga, baliw pa! Girlfriend ko?
Yuck!" Napailing na sabi ni Clouds. Never
niyang papatulan ang tindera na iyon.
Noong isang araw lang niya itong nakita sa
Westbridge pero hindi na niya gusto dahil sa
hindi naman matangos ang ilong nito at
payat pa. "Haist! Bakit nandito ako sa
hospital? Ako pa naman ang star sa welcome
party mamaya. Balita ko, maganda ang anak
ng manager ng kaibigan ko?"
Napatingin ang mag-ina. Ang tinutukoy nito
ay ang welcome party noong gabing mahuli
itong nakikipagtalik sa anak ng isang
manager.
"C-Clouds? Hindi ba't natanggal ka sa
Bright Star agency?" tanong ni Rica.
"Pinagsasabi ninyo? Paano magawa ni Red
sa akin 'yon? Ako kaya ang god of music!"
pagmamayabang ni Clouds. "Huwag kayong
maniwala sa haka-haka. Tayong dalawa ang
star ng Bright Star, Clarissa."