8

904 41 0
                                    


MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

Unedited....
"Good morning, Ash. May dala akong ulam
para sa 'yo. Lechon paksiw, fried chicken at
dessert na leche flan!" nakangiting bati ni
Clouds at inilapag ang pagkain sa ibabaw ng
mesa. Saktong pagdating niya ay kumakain
ang magkapatid.
"Wow! Ang sarap po ng amoy!" bulalas ni
Astray.
"Ang aga mo naman!" reklamo ni Seola. 6:30
pa lang ng umaga pero kumatok na itong si
Clouds.
"Bakit? Kapag ba sinabi kong maaga pa ako,
papalitan mo ang pancit canton na ulam
ninyo?" nakataas ang kilay na tanong ni
Clouds at kinuha ang pancit canton sa pang-
apatang mesa at inilapag sa sahig at inayos
ang mga dala niya. "Tamang-tama, hindi pa
ako kumain."
"Sabat na po tayo, Kuya Pogi," masayang
sabi ni Ash.
"Bilisan mo ang pagkain at may pasok ka
pa!" sabi ni Seola at pinandilatan ang
pagiging madaldal ng kapatid.
"Sige, kumain ka nang marami para tumaba
ka," sabi ni Clouds at kinurot ang
magkabilang pisngi ng bata. "Naku, marami
kang mapapaluhang lalaki kapag
magdadalaga ka na."
"Napaka-advance ng utak mo!" singhal ni
Seola kay Clouds. Ang bata pa ng kapatid
niya, kung anu-ano na ang iniisip nito.
"Tsk! Palibhasa inggit ka lang kay Ash!"
sagot ni Clouds at idiniin ang pointing finger
sa noo ni Seola. "Ikaw lang kasi ang
lumuluha sa lalaki."
"Kapal ng mukha mo! Wala pa akong
iniyakang lalaki!"
"Wala naman kasing papatol sa 'yo,"
nakangising pang-aasar ni Clouds.
"Ikaw po," inosenteng sabat ni Astray na
nakatingala kay Clouds.
"Ako?" bulalas ng binata sabay turo sa sarili.
"Opo. Hindi po ba girlfriend mo si Ate
Seola?" Patulis ang nguso na sagot ng bata.
"Excuse me? Hindi ko gusto 'yang ate mo.
Ano ang ipapakain niya sa akin kapag mag-
asawa na kami? Pancit canton?" tanggi ni
Clouds na hindi niya lubos maisip na maging
sila ni Seola.
"As if na gusto kita! Pancit canton na may
lason!" ani Seola.
"Kumain ka na, Ash," sabi ni Clouds at
nilagyan ng ulam ang plato ng bata para
matigil na ang bangayan nila ni Seola na mas
lalong tumatago ang maliit na ilong.
"Salamat po sa masarap na pagkain,"
pasalamat ni Astray at masaganang kumain
pero tumayo na si Seola at naghugas ng
sariling plato.
"May kinse minutos ka pa para tapusin ang
pagkain, Ash."
Nagtatawanan pa ang dalawa habang
kumakain kaya lumabas sa sala si Seola para
manood ng TV. Masakit sa tainga ang mga
tawa ni Clouds.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Astray
na pumasok.
"Hindi mo ba siya ihahatid?" tanong ng
binata.
"Nandiyan lang sa labasan ang paaralan."
"Marami ang nangingidnap ng mga bata.
Sayang si Ash, maganda pa naman kaya
dapat na ingatan mo ang kapatid mo!" nag-
aalalang sabi ni Clouds at sinundan ang bata
para ihatid. Mahalaga ang pamilya sa kanila
kahit na madalas silang mag-away na anim.
"Kuya? Saan ka po pupunta?" tanong ni
Astray at hinawakan ang kanang kamay ng
binata.
"Ihahatid kita sa school mo."
"Talaga po?" masayang tanong ng bata na
nakatingala sa binata.
"Oo," sagot ni Clouds at nginitian si Astray.
Ilang metro lang ang layo ng boarding
house nila sa paaralan.
"Astray? Sino ang kasama mo?" tanong ng
kaklase niya at napatingala sa guwapong
binatang kasama ni Astray.
"Baka papa ni Astray 'yan," sabat ng batang
babae kaya nanlaki ang mga mata ni Clouds.
"Ha? Umuwi na papa mo?" tanong ng
batang babae. Ang akala kasi nila, nanay ni
Ash si Seola.
"Hoy, hindi ko siya anak ah!" tanggi ni
Clouds. "Guwapo lang ako at maganda si
Ash pero hindi ko siya anak."
Kung hindi lang mga bata ang kaharap, baka
kanina pa niya binitin patiwarik ang mga ito.
"Kuya ko siya," sagot ni Ash at nginitian ang
binata. "Salamat po sa paghatid, kuya."
"Mag-aral kang mabuti," bilin ni Clouds at
pinapasok na si Ash.
Bumalik siya sa bahay ng mga ito. Nadatnan
niyang naghuhugas si Seola ng mga plato.
"Ano ang kakantahin mo mamaya? Mag-
practice na tayo. I'm sure na may CD ka
naman dito," tanong niya.
"Wala akong CD," sagot ng dalaga.
"What?"
"Wala akong CD o cassette."
"Paano ka nakakapagkanta kapag wala kang
gamit?" tanong ni Clouds.
"Acapella!" sagot ni Seola kaya napanganga
si Clouds.
"Huwag ka nang magbiro, saan na? May
ilang oras na lang tayo para mag-practice."
"Wala nga akong mga gamit pang musika!"
sagot ni Seola kaya napatitig si Cloudsa sa
mukha nito.
"Paano ka nakapagkanta?" Malapit na siyang
mainis. "Ano ang ginagamit mong
instrumento?"
"Microphone," sagot ni Seola.
"Damn!" ani Clouds. Seryoso nga ang
dalaga.
"May damit ka ba para isuot mamaya sa
audition mo?"
"Oo, meron na," sagot ng dalaga.
"Kunin mo ang damit mo at may
pupuntahan tayo!"
"Saan?"
"Ang dami mong tanong! Kunin mo na!"
Parang haring utos ni Clouds. Kaunti na lang
ay mauubos na ang pasensiya niya sa dalaga.
Padabog na kinuha ni Seola ang plastic bag
na may laman ng damit niya. Damit pa ito
ng nanay niya noong dalaga pa ito kaya
mahalaga ito sa kaniya. Lucky charm, 'ika
nga.
Ini-lock niya ang pinto bago sumama kay
Clouds na pumara sa taxi. Habang nasa
biyahe, sinubukan niyang huwag magsalita
dahil tahimik din ang binata.
Bumaba sila sa isang building at pakaladkad
na hinihila na siya ni Clouds papasok sa
building. Sa second floor siya dinala nito at
pumasok sa isang silid.
"Clouds!" bulalas ni Luke na nagpa-practice
ng gitara. "Himala, napadpad ka sa music
studio ko."
"Kailangan niyang mag-practice bago mag-
alas dose," sabi ni Clouds kaya napatingin si
Luke kay Seola.
"Oh? Pumayag ka na? Akala ko ba, hindi ka
kukunin ni Clouds?"
"Dami mong satsat! Bilisan mo na at
tulungan mo akong i-practice siya para
makapasa siya sa audution!" sabi ni Clouds
kaya dinala ni Luke ang dalawa sa maliit na
music room.
"Dito na lang kayo mag-practice. May
gagawin pa ako kaya maiwan ko muna kayo."
Nang maiwan ang dalawa, pinapili siya ni
Clouds ng kakantahin pero wala siyang ibang
maisip kundi ang kantang isinulat ng
kaniyang ama.
"Damn! Ibang kanta na lang! Pambata 'yan
e!" reklamo ni Clouds.
"Wala nang time at mas kampante ako sa
trot music," sagot ni Seola kaya napahilamos
si Clouds. "Isa pa, sabi nila, kumanta ka na
galing sa puso mo."
"Bahala ka. Kapag hindi ka pumasa,
malalagot ka sa akin!" pagbabanta ng binata.
Bandang alas dose ay tumigil na sila at
pinabihis na niya si Seola dahil nawawalan na
sila ng time. Nasa baba siya ng building
nag-abang para makakakuha na ng taxi
habang sa studio na niya pinabihis ang
dalaga.
Napanganga si Clouds nang makita ang ayos
ni Seola. Kulay pula ang damit nito na hapit
sa katawan at Sa lahat ng damit, ito na yata
ang pinakamakintab na pulang nakita niya sa
balat ng lupa dahil umiilaw pa sa tuwing
tatamaan ng sikat ng araw. Para itong
dadalo sa party nina Santa Claus at
McDonald.
"Sana sinabi mo sa akin na wala kang
isusuot!" reklamo ni Clouds at sumakay na
sa taxi kaya nakasimangot na pumasok si
Seola. Hindi ba nito alam na espesyal sa
kaniya ang damit na ito?
Pag-apak pa lang nila sa building ng Bright
Star agency ay biglang kinabahan na si
Seola.
"H-Huwag na lang kaya tayong tumuloy?"
Walang pasabing hinila siya ni Clouds
papasok. Namangha siya nang makita ang
mamahaling gamit lalo na ang music
instruments na nadadaanan. Nalulula siya sa
lawak at ganda ng interior design.
"Clouds! Bumalik ka?" nakangising sabi ni
Siwon at sinuri ang kasamang babae ni
Clouds na mas tuwid pa kaysa sa kawayan.
"Sino 'yan? Huwag mong sabihing siya na
ang karma mo? Sa dinami ng babae, sa
kaniya ka napunta?" panunuya ni Siwon.
"Tumabi ka sa daan ko kung ayaw mong
masapak kita, gago!" pabulong na sabi ni
Clouds pero ngumisi lang si Siwon.
"Marami ang reporters sa paligid. Isang
pagkakamali pa at tuluyan nang ililibing nila
ang career mo," paalala ni Siwon kaya
pinigilan ni Clouds ang sarili.
"Halika ka na, Seola!" ani Clouds na
nagtitimpi lang sa galit. Mabuti pa ang lima
niyang kapatid, kayang magmura at
manapak dahil walang inaalagaang career at
pangalan maliban sa apelyido nila.
Tuloy-tuloy sila sa backstage ng auditorium.
"Miss? Tapos na ba kami?" tanong ni Clouds
at ipinakita ang number ni Seola na ibinigay
ni Red.
"Labindalawa pa at kayo na," sagot ng
babae at nginitian si Clouds.
"Clouds? Hindi ko kaya," bulong ni Seola.
Napatingin siya sa mga makakalaban niyang
pawang magaganda at sanay sa pagkanta.
"Isipin mo na wala sila at nasa bar ka lang,"
ani Clouds na naiinis dahil mukhang hindi na
siya kilala ng mga baguhang singers. Ganito
ba kabilis maglaho ang singing career niya?
"P-Pero--"
"Wala nang pero-pero! Isipin mo ang
kapatid mo at kung para kanino mo ito
ginagawa!" pagbibigay payo ng binata kahit
na hindi niya masikmurang kasama si Seola.
"Kinakabahan talaga ako," nakasimangot na
sabi ni Seola. Grabe ang mga tingin nila sa
kaniya.
"Kaya mo 'yan!" sabi ni Clouds at hinawakan
aa magkabilang balikat ang dalaga. "Tiwala
lang sa sarili mo. Oras na lumabas ka sa
entablado, lahat ay pantay-pantay sa mga
mata ng judges."
Tumango si Seola. Kahit paano, matino
naman palang kausap si Clouds.
Pabalik-balik siya habang ang binata ay
nakatayo lang at tinitingnan siya.
"Eight hundred seventy two, ikaw na," sabi
ng organizer. Hanggang isang libo lang ang
auditionee nila.
"Kaya mo 'yan," sabi ni Clouds at tinulak na
papasok sa stage si Seola.
Nangangatog ang tuhod na naglakad si
Seola sa stage. Lahat ay natahimik nang
lumabas siya.
"H-Hello, I am Seola," tipid na bati niya at
napasulyap kay Clouds na nasa backstage.
Mas lalo siyang kinabahan nang makita si
Red sa judges table. Isang buntonghininga
ang pinakawalan niya bago ibinuka ang mga
bibig para kumanta.
Passing by hills, hills. There is still one left
If I pass them all, it's an endless mountain
pass🎶
Living in this world
Living this life 🎶
"It' spicy, spicier than pepper. 🎶
Passing by hills, hills. There is still one left
🎶
Nakikita niya sa isip ang nakakabatang
kapatid na nakatingiti habang nakatingala sa
kaniya. Sa hindi kalayuan ay ang ama niyang
nakaakbay sa kaniyang ina habang
nakangiting nakikinig sa kaniya.
Alam niyang pangarap ito ng mga magulang
para sa kaniya pero mula nang mawala ang
mga ito, tinalikuran na niya ang pangarap
niyang maging sikat na singer.
"Kaya mo 'yan, anak!" Parang bumulong ang
ama niya sa kaniyang tainga.
"Balang araw, magiging sikat na singer ka,"
bulong din ng ina kaya biglang sumigla ang
boses niya habang kumakanta nang
magkaroon siya ng lakas ng loob.
It' spicy, spicier than pepper. 🎶
Passing by hills, hills. There is still one left
🎶
Siniglahan niya ang boses at nakisabay sa
tempo ng kaniyang lyrics.
"Patigilin mo siya," sabi ng isang judge na
sisenyas na sana sa operator para patayan
ito ng mic pero kaagad na pinigilan ni Red
ang kamay nito.
"Bigyan natin siya ng chance," ani Red.
"Pero hindi man lang siya preparado," naiinis
na sabi ng babaeng judge. "Ayaw ko ng
hindi handa."
"Real singers can sing without instruments,"
sabat ni Red at nakangiti habang nakatingin
sa dalagang kumakanta. "Voice power ang
hinahanap natin, hindi props."
"Pero wala siyang star quality," sagot ng
babae. "Wala rin siyang ganda."
"Hindi beauty pageant ang ino-audition-an
niya kundi singing audition. At wala akong
nakikitang mali sa mukha niya." Depensa ni
Red kay Seola. Napasulyap siya kay Clouds
na nakatingin mula sa gilid ng stage. Ano
kaya ang ginawa ng mokong at napapayag
nito si Seola?
Napatingin si Red sa mga tao lalo na sa
matatandang tumayo at nagpapalakpakan
kasabay ng tono ng ginakanta ni Seola kaya
mas lalong ginanahan ang dalaga at
napapagalaw pa ang katawan.
"I think, we can train her to be a star," wika
ni Red at hinarap ang katabing judge na
nawiwili na sa panonood sa dalagang nasa
center stage. Hindi kasi bumibirit si Seola
pero buo ang boses nito. Marunong ito
kung saan lakasan at bilisan ang boses.
Naiilang na tumalikod si Seola at lumabas sa
stage nang matapos na siya pero somehow,
napangiti siya nang makitang nag-enjoy ang
audience kahit na hindi familiar ang kanta sa
mga ito.
"Kumusta ang performance ko?" pabulong
na tanong niya kay Clouds na nakasandal sa
pader at nakapamulsa.
"Mukhang okay naman," sagot ng binata.
May iilang bumabati sa kaniya pero may
kalakip na panunuya ang mga tingin. Iyong
kulang na lang ay isigaw sa mukha niya na
laos na siya.
Nang matapos ang pang isang libo,
pinatawag silang lahat at kinausap ni Red.
"Thank you sa pagsali, guys. Actually, it was
a tough decision kaya bukas na lang namin
ipaalam ang mga pumasa. Anyway, my
secretary will call sa mga pumasa so make
sure na open ang contact number na isinulat
ninyo sa biodata ninyo at kapag hindi kayo
natawagan, better luck nextime na lang,"
anunsiyo ni Red at bumaba na sa stage.
Nagsimulang umingay na ang paligid.
"Halika na, uwi na tayo," yaya ni Clouds.
"Mabuti pa. Magtitinda pa ako ng balut,"
sabi ni Seola na nakabuntot kay Clouds.
"Clouds," tawag ni Red na kasabay nilang
maglakad.
"Bakit?" tanong ni Clouds na ipinagpatuloy
ang paglalakad.
"Wala lang," nakangiting sagot ni Red at
napasulyap kay Seola. "Hello, Seola. Mabuti
at nakapag-audition ka. I like your choice of
song."
"Psh! Hindi na ako magtataka kung pumasa
siya. Malakas ang kapit e," pabulong na sabi
ni Clouds kaya tinapik siya ni Red sa balikat.
"Kung makakapasa man si Seola, iyon ay
dahil sa magaling siya. Tsk! Paano ka naging
manager kung hindi ka naniniwala sa boses
niya?" Lumiko na si Red dahil dadaan pa siya
sa opisina.
"Alam niya kung bakit ako naging manager
ni Seola!" naiinis na sabi ni Clouds. Sarap
pektusan ng pinsan niya e.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon