Nag-iiba ang format niya kasi copypaste na to e....
MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 4
Unedited...
Napahawak si Clouds sa ulo niya. Shit, ang
sakit! Pati likod niya, sumasakit na rin. Ano
ba ang nangyari at ganito ang
nararamdaman niya? Para siyang
nakipagtalik sa sampung babae sa loob ng
isang gabi.
Iminulat niya ang mga mata at iginala ang
paningin sa loob ng bahay na kinaroroonan
niya. Bahay ba 'to? O kulungan?
"Oh shit!" sambit niya saka mabilis na
tumayo nang makita ang magandang batang
nakatunghay sa kaniya. Napasiksik siya sa
dingding na gawa sa plywood. "S-Sino ka?"
"Hello po," masiglang bati ng batang babae.
"B-Bakit ako nandito?" curious na tanong
niya at napatitig sa mukha ng bata.
"Boyfriend ka ho ba ng ate ko?" inosenteng
tanong ng bata na hanggang balikat ang
haba ng buhok.
"Ate mo? Sino ang ate mo? Kaninong bahay
ito?" tanong ni Clouds. May dalawang kulay
pink na orocan drawer at isang lumang
cabinet sa gilid nitong malawak na silid. Ang
ibang gamit ay naka-karton sa gilid.
Napatingin siya sa banig na hinigaan kanina.
"Bahay po namin," sagot ng batang babae.
"Mukha po kayong mayaman. Ano po ang
pangalan mo, Kuya?"
"H-Huwag kang lumapit!" sigaw ni Clouds at
naka-stop sign ang kanang kamay. Malay ba
niya na kung ano ang nangyayari? Baka
mamaya, nas haunted house pala siya at
multo ito.
"Ash? Kumain ka na," tawag ng babae nang
bumukas ang pinto. Napatingin naman si
Clouds dito at nanlaki ang mga mata.
"I-Ikaw?" hindi makapaniwalang sabi niya. Sa
lahat ba naman ng oras, ito na ang nakikita
niya?
"Halika na, Ash, kain na tayo," patay-malisya
na yaya ni Seola sa kapatid.
"Ano po ang ulam?" inosenteng tanong ni
Astray. Kanina pa siya nakatitig sa
guwapong binatang natutulog ditosa
kabilang silid.
"Hotdog," nakangiting sagot ni Seola.
"Talaga po?" manghang tanong ni Astray.
Tumango si Seola kaya tumayo ang bata.
"Yehey! Kakain na po ako!" tuwang-tuwa na
sabi ni Astray at patakbong lumabas.
Sumunod naman si Seola.
"Iniwan na nila ako?" wika ni Clouds saka
tumayo at lumabas sa silid.
"Ate? Sana palaging masarap ang ulam
natin," nangangarap na sabi ni Astray.
Napasulyap si Seola kay Clouds na
nakatingin sa kanila.
"Kumain ka na, damihan mo ng kain dahil
minsan lang 'to," sabi ni Seola at inilagay
ang isang pirasong jumbo hotdog sa plato
ng kapatid. Matanda na siya para matuwa sa
ganitong ulam. Naalala niya noong bata pa
siya, hindi sila nawawalan ng ulam dahil
masipag ang kanilang mga magulang na
maghanap buhay. Lahat ng gusto niya noon
na kayang ibigay ng ama, nakukuha niya.
Pero si Ash, nahihirapan siyang ibigay ang
lahat ng pangangailangan nito. Wala rin
naman kasi siyang mabuting trabaho dahil
high school graduate lang siya.
"Bakit ako nandito?" tanong ni Clouds na
lumapit sa kanila.
"Kain po, Kuya," alok ni Astray nang maalala
ang poging bisita.
"Lasing ka kagabi at nawalan ng malay kaya
dinala na kita rito," sagot ni Seola.
"Paano?"
"Taxi," tipid na sagot ng dalaga. "Bayaran
mo ang load ko at bayad sa taxi," paniningil
niya. Sayang din 'yon. Sa yaman pa naman
ba ni Clouds, dapat lang na magbayad ito.
Siya na nga ang namemerwisyo e.
Dinukot ni Clouds ang wallet. May dalawang
dalawang libo pa kaya inabot niya kay Seola.
"Oh, bayad sa lahat ng utang ko."
"Hindi naman abot sa isang libo lang," sagot
ni Seola. Hindi naman siya mukhang pera.
Ang utang ay utang lang.
"Tubo na 'yan at ang sobra, ibili mo ng
masarap na ulam diyan sa kapatid mo. Psh!
Parang hindi mo siya pinapakain a," ani
Clouds at hinarap ang magandang bata.
"Ano ba ang palagi ninyong ulam? Pancit
canton?"
Nanlaki ang mga mata ni Seola. "Bakit mo
po alam?"
Pinandilatan ni Seola ang kapatid para
tumahimik na ito.
"See? Tama nga ako. Baka ang natitira sa
ibinebenta mo, inuuwi mo pa?"
"Pakialam mo?" pagsisinuplada ng dalaga na
nahulaan nga nito ang gawain niya.
"Haist!" Iginala ni Clouds ang paningin sa
kabuuan ng bahay. Lahat ay luma. Pati plato
at ibang gamit ay mukang noong panahon
pa ni Kupong-kupong. "Paano mo naatim na
tumira dito? Nakikitabi na yata ang mga ipis
at daga sa inyo."
"Ang arte mo! Kahit na hindi bago at hindi
maganda ang bahay namin, malinis naman.
Hindi kagaya sa 'yo, mayaman ka nga pero
ang itim ng budhi mo!" depensa ni Seola.
Kapal ng mukha! Ito na nga ang tinulungan,
ito pa ang magalit?
"Hoy! Pancit canton girl! Mas masama
ang--" Clouds.
"Nag-aaway po ba kayo?" malungkot na
tanong ni Astray habang palipat-lipat ang
mga mata sa dalawa.
"Hindi," tanggi ni Seola at sinaway ng mga
mata si Clouds. Laking pasalamat niya dahil
nakinig naman ang binata.
"Kumain ka na, bata. Mukhang once in a
lifetime lang kayo nagpapalit ng ulam,"
panunuya ni Clouds at hinarap si Seola.
"Bilhan mo ng masarap ng ulam ang batang
ito dahil may pera naman akong ibinigay sa
'yo."
"Wow! Salamat po, Kuya Pogi. Ang bait mo
po," tuwang-tuwang sabi ni Astray kaya
napangisi si Clouds.
"Hindi talaga nagsisinungaling ang mga
bata. Mabuti na lang dahil hindi nagmana sa
ate mo ang ilong mo, ang ganda mo e,"
puri ni Clouds kaya nanggigigil na sinaksak si
Seola ang isang pirasong hotdog nang
humagikhik si Astray. Napasulyap si Clouds
sa tindera ng paaralan nila. Hindi naman siya
nagsisinungaling e.
"Mukhang okay ka naman kaya puwede ka
nang umuwi!" pagtataboy ni Seola sa bastos
na bisita.
"As if na gusto kong manatili sa bulok na
tirahan mo!" sagot ni Clouds at napasulyap
kay Astray. "Ganda, alis na ako. Basta
kumain ka lang at singilin mo ang ate mo na
walang ibang ulam kundi pancit canton na
ibili ka naman ng iba pang putahe."
"Labas ka na!" pagtataboy ni Seola saka
itinuro ang pintuan.
"Kanina ko pa gustong gawin 'yan
kaya huwag kang atat!" sagot ni Clouds na
isinuot ang mamahaling shades at lumapit sa
pintuan at binuksan ang pinto. "Fuck!"
Nahulog ang seradura nang mahawakan niya.
"Umalis ka na, aayusin ko 'yan mamaya," ani
Seola kaya napataas ang mga kamay ni
Clouds at lumabas na. Hindi naman squatter
pero medyo dikit-dikit ang ibang bahay na
maayos tingnan. Kina Pancit canton girl lang
yata ang hindi magandang bahay.
"Ang ganda ng kapatid niya pero ang pangit
niya," natatawang sabi ni Clouds. Matangos
ang ilong at mapupungay ang mga mata ng
bata pero ang tinderang iyon, ang maliit at
pango ang ilong tapos wala pang kakaiba sa
mga mata nito. Mukha ring kawayan sa
kapayatan.
Nang makalabas sa main street, pumara siya
ng taxi at nagpahatid sa bahay nila.
"Saan ka galing?" bungad ng ama niya
pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa
loob ng bahay.
"Barkada," tinatamad na sagot ni Clouds.
"Hindi ka pa rin ba nadadala sa nangyari sa
'yo kahapon?"
"Sanay na ako sa isyu at hindi ko kailangan
ng showbiz dahil mayaman tayo. Isa pa, ang
lakas ng kita ng company natin lalo na ang
toy factory ninyo," sagot ni Clouds kaya
naikuyom ni Sky ang kamao.
"Lumayas ka na sa pamamahay ko, Clouds!"
"Hindi mo po kayang gawin iyan dahil anak
mo po ako at ako ang pinakapaborito mo,"
nakangising sabi ni Clouds.
"Sir? Saan ho namin ito ilalagay?" tanong ng
driver nila na may bitbit na maleta.
"Ilagay na lang ninyo riyan," sagot ni Sky
kaya napakunot ang noo ni Clouds. Familiar
sa kaniya ang mga maleta.
"Kanino po ang mga gamit na iyan?" tanong
ni Clouds habang nakatingin sa mga tauhan
na inilalapag ang mga dalang gamit mula sa
itaas.
"Okay na 'yang mga gamit mo. Kung may
mahalagang bagay ka pang kukunin, balikan
mo na lang," walang emosyong sagot ni
Sky.
"Hindi ho ako aalis. Bakit mo pinaligpit ang
mga gamit ko, Daddy?"
"Hindi pa ba maliwanag sa 'yo ang lahat?"
poker face na tanong ni Sky. "Pinapalayas na
kita sa pamamahay ko."
"Whaaaat?" sigaw ng binata at napanganga.
"Dad? Ang tindi mo naman pong magbiro."
"Seryoso ako, Clouds. Lumayas ka na sa
bahay na ito."
Ilang segundong nakipagtitigan si Clouds sa
ama. Damn, seryoso nga ito.
"H-Hindi mo 'to kayang gawin, Dad."
"Ginagawa ko na nga kaya bitbitin mo ang
mga gamit mo at huwag kang bumalik
hanggat wala ka pang napapatunayan sa
pamilya natin!" sagot ni Sky.
"D-Dad..."
"Sawa na ako, Clouds. Hindi ko na pina-
cancel ang lahat ng bank account mo. Kapag
maubos mo, bahala ka na," pagbibigay alam
ni Sky sa anak na hindi pa natauhan sa
pagkabigla. Kagabi nang hindi ito nakauwi,
ipinaligpit na niya ang mga gamit nito sa
mga katulong. Napupuno na siya. Ne hindi
na niya kayang sawayin ang mga anak lalo
na't anim na mga lalaki ito.
"M-Malulungkot si Mommy kapag mawala
ako," sabi ni Clouds. Sana ay maawa naman
ang ama niya.
"May lima pang natira kaya hindi siya
malulungkot. Matutuwa pa nga ito kapag
malaman niyang mabawasan ang problema
namin sa buhay," ani Sky. Hindi na talaga
siya magpapadala sa drama nitong si Clouds.
Kung puwede nga lang lahat silang anim ay
palayasin niya, gagawin talaga niya. Kaso
parang unreasonable naman yata kapag
ginawa niya iyon. Itong si Clouds na lang
may dahil mas may tama ang isang 'to.
"Ang sama mong ama! Nasaan ang puso mo
at isinumpa mo sa simbahan na magsama
tayong magpamilya sa hirap at ginhawa?"
sumbat ni Clouds at kinuha ang isang
malaking maleta. "Aalis ako pero kapag
mag-away kayo ni Mommy, hinding-hindi
kita tutulungan!"
"Manong? Pakitulungan nga po si Clouds na
ilabas ang lahat ng gamit niya," pakiusap ni
Sky at tumalikod na.
"Haist! Talagang pinapalayas na niya ako,"
bulong ni Clouds habang palabas ng
mansion nila.