MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
EPILOGUE
Unedited...
"Buntis ka na, Seola?" bulalas ni Kimberly sa
asawa ng apo.
"O-Opo," nakalabing sagot ni Seola.
Magtatatlong buwan na raw siyang buntis at
wala man lang na signs and symptoms.
"Really? Masayang balita 'yan. Tiyak
matutuwa ang Lolo Skyler mo at ang asawa
mo," masiglang sabi ni Kimberly. Parami na
nang parami ang angkan nila ni Skyler.
Patanda na rin sila nang patanda kaya gusto
na rin nilang makita ang mga apo.
"H-Hindi ko po alam kung ano ang sasabihin
ko e. Nahihiya akong ipaalam kay Ulap,"
nahihiyang sabi ni Seola. Hindi niya alam
kung paano simulan ang pagsabi sa asawa.
Baka magulat si Clouds o himatayin lalo na't
matagal na nitong hinihinging magkaanak
sila.
"Bakit ka mahihiya? Alam mo bang excited
na ang batang 'yon?" sabi ni Kimberly at
mahinang hinampas sa balikat si Seola.
"K-Kasi po, ang OA niya minsan kaya baka
mawalan po siya ng malay."
Laking pasalamat lang niya nang kasal nila
dahil umiyak lang si Clouds.
Three months na silang kasal pero hindi pa
sila nakakabuo. Masasabi niyang okay naman
sila ni Clouds. Nag-aaral na siya sa
Westbridge at ganoon din ang binata. Ang
kita nilang pareho ay inilaan nila sa
pagpatayo ng bahay rito sa villa ng mga
Villafuerte. May tampuhan minsan pero
naaayos naman. Medyo seloso kasi si Clouds
pero bumabawi naman kapag alam nitong
sumosobra na.
"Hayaan mo at hahanap tayo ng tiyempo
para maipaalam sa kaniya," sabi ni Kimberly
kaya pumayag naman si Seola. Alam niya na
ang nararamdaman ni Seola dahil naranasan
na niya ito kay Skyler na madalas himatayin.
"Lola Kim? Kain na raw tayo," yaya ni Clouds
nang lumapit sa kanila.
"Kain na tayo, Seola," yaya ni Kimberly kaya
tumayo rin si Seola.
"Pango?" tawag ni Clouds nang nagpahuli
ito at sinabayan ang asawa.
"Hmm?"
"Hindi na kaya tayo sasama sa world tour
next week," sabi ni Clouds.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Seola. Ito
kasi ang nagpumilit na sumama sila sa world
tour nina Red at Lovely para ma-promote
pa lalo ang new teleserye ng mga ito.
"Gusto kong magtrabaho," bulong ni Clouds
para hindi marinig ng Lola Kimberly nila.
"Kaya nga sasama na tayo sa mall tour," sabi
ni Seola. Okay lang naman kahit na buntis
siya dahil hindi naman siya maselan. Isa pa,
gusto niyang kumanta sa harap ng
maraming tao. Mas nagaganahan pa siya
lalo.
"Pango naman. Gusto kong magpahinga
tayo at gagawa na lang tayo ng baby buong
araw," pakiusap ni Clouds nang malapit na
sila sa dinning room. Napatingin si Seola sa
asawa na mukhang problemado. Gusto
niyang matawa at yakapin si Clouds pero
nag-aalinlangan lang siya.
"Gusto ko nang magka-baby tayo kaya sa
halip na mag-world tour tayo sa semestral
break, gagawa na lang tayo ng baby sa
bawat oras."
"Mamaya na natin 'yan pag-usapan sa
bahay," bulong ni Seola saka naupo matapos
hilain ni Clouds ang silya para sa kaniya.
"Mabuti at naisipan ninyong pasyalan kami
ng Lola Kimberly ninyo," sabi ni Skyler.
"Oo nga po e. Mahal ko kaya kayo, Lolo
Skyler," ani Clouds na may kasamang pang-
uuto.
"Naku, Clouds. Kailan mo ba kami bibigyan
ng apo? Gusto ko nang makita ang apo ko
sa tuhod bago namin lisanin ng Lola Kim mo
ang mundo," excited na tanong ni Skyler.
Mas excited pa nga ito kaysa kay Sky.
"L-Lolo? Paano ba makabuo ng baby?"
naiiyak na tanong ni Clouds.
Makahulugang nagtitigan sina Kimberly at
Seola pero hinayaan na nilang mag-usap ang
maglolo.
"Naku! Araw-arawin mo. Ang hina mo
naman," pang-iinsulto ni Skyler. Palibhasa,
nakabuo siya kaagad. Gusto pa sana niyang
sundan ang triplets noon pero ayaw na ni
Kimberly.
Nilagyan na ni Seola ng pagkain ang plato ni
Clouds.
"Halos gabi-gabi na nga po. Lahat ng
posisyon, nagawa na namin ni Seola pero
wala pa rin," walang prenong sabi ni Clouds
kaya nag-init bigla ang magkabilang pisngi
ni Seola. Nakaramdam siya ng hiya sa
pinagsasabi ni Clouds. Hindi kasi siya sanay
na pinag-uusapan ang pinaggagawa nilang
mag-asawa.
"Baka baog ka?" mulagat na sabi ni Skyler.
Si Clouds lang yata ang mahina sa kanila?
"Shit! Huwag mong sabihin 'yan, Lolo
Skyler. Nangingilabot ako!" bulalas ni
Clouds. Hindi puwede. Never. Scary.
"Papa-checkup kita," suhestiyon ni Skyler.
"Fuck! Ayoko, natatako ako." Nanindig pa
talaga ang balahibo ni Clouds. Paano kung
baog nga siya? Napasulyap siya sa asawang
maganang kumakain. Napangiwi siya. Iiwan
ba siya ni Seola kapag hindi niya ito
mabigyan ng anak?
"B-Bakit?" inosenteng tanong ni Seola.
Namumutla kasi ang asawa.
"W-Wala," tugon ni Clouds.
"Kumain na nga kayong maglolo," ani Skyler
kaya walang imik na kumain ang maglolo.
Paminsan-minsan, sinusulyapan ni Seola ang
asawa. Matamlay itong kumakain. Ganoon
din ang ginagawa ni Kimberly kay Skyler.
Halos hindi na ni Skyler malunok ang
kinakain.
"May pupuntahan kami ni Seola mamaya
after nating kumain. May bibihin lang kami,"
wika ni Kimberly na siyang bumasag sa
katahimikan. Kapag talaga tumahimik ang
mga boys, para silang mundo na nawalan ng
kulay.
"L-Lola Kim? Bantayan mong maigi si Seola,
ha," natatakot na sabi ni Clouds kaya
napakunot ang noo ni Seola. "K-Kuwan--
ahm... B-Baka kasi dumugin siya ng mga
fans kapag makilala siya sa mall. Alam mo
na, mahal ko si Seola kaya ayaw ko siyang
masaktan."
Okay. Ito talaga ang pagkaprangka ni
Clouds ang nagpapakilig sa kaniya. Para
silang hindi mag-asawa. Simple at corny
pero nakakakilig lang. Masyado itong vocal
at showy.
"Ako ang bahala kaya huwag kang mag-
alala," nakangiting sabi ni Kimberly.
"Seola? Huwag kang umalis sa tabi ng Lola
Kimberly mo, ha. Alam mo na 'yon," bilin ni
Skyler.
Napatirik ang mga mata ni Kimberly.
"Lintik na Skyler, matanda na eh!" bulong ni
Kim. Hanggang ngayon, seloso pa rin ito.
Ayun, pagkatapos nilang kumain, lumabas na
sina Kim at Seola. Bumili sila ng balloons at
bulaklak para sa gagawing pag-amin at pag-
congratulate kay Clouds.
Saktong nasa library ang maglolo nang
umuwi sila kaya dumiretso sila sa silid na
tutulugan nina Seola mamaya at
nagpatulong sa mga katulong na palubohin
ang balloons at mag-cut ng letrang
"Congratulation, Daddy Clouds" para idikit
sa dingding.
Si Seola na ang naglagay ng red petals ng
roses sa sahig at kama.
Nang matapos ay pinuntahan nila ang
maglolo.
"Nandito na pala kayo, hon," masayang sabi
ni Skyler saka nilapitan ang asawa at
hinalikan sa mga labi. Napangiti si Seola.
Ang sweet. Minsan ka lang kaya nakakakita
ng matandang ganito ka-sweet sa isa't isa.
"Ulap? May ibibigay ako sa 'yo sa kuwarto.
May binili akong gift sa 'yo," sabi ni Seola at
nginitian ang asawa.
"Sige," wala sa mood na sabi ni Clouds.
"Ay, naiwan ko rin pala ang gift ko sa honey
ko," ani Kimberly at napatampal sa noo saka
tiningala ang asawang kahit na marami na
ang puting buhok, guwapo pa rin.
"Sige, hon. Excited na akong malaman ang
gift mo sa akin," sabi ni Skyler kaya sabay
silang apat na pumunta sa kuwarto.
"Ano ba ang binili mo para sa akin, Pango
ko?" tanong ni Clouds.
"Pinakamahalagang regalo na alam kong
makapagpasaya sa 'yo," nakangiting sagot ni
Seola.
"Psh! May mas masaya pa ba kapag magka-
baby tayo?" mahinang sabi ni Clouds at
inakbayan ang asawa. Masyado na ba siyang
masama para hindi bigyan ng Panginoon ng
anak? Nakakatampo si Lord.
Pagkapasok nila, napanganga ang dalawa
nang maraming petals sa sahig. May red and
white balloons din sa dingding.
"A-Anong meron?" naguguluhan na tanong
ni Skyler. Bakit kinakabahan siya?
"Congratulation, Daddy Clouds!" pagbasa ni
Clouds sa nakapaskil sa dingding.
"Ulap?" nakangiting sabi ni Seola aylt kinuha
ang mga kamay ng asawa. "I'm pregnant."
Napanganga si Clouds tapos hindi
kumukurap habang nakatitig sa asawang
namumungay ang mga mata.
Pasimpleng pumunta si Kimberly sa likuran ni
Clouds nang makitang namumutla ang apo.
"Buntis na ako, Ulap. Three months na raw
sabi ng doctor," ulit ni Seola.
"T-Totoo ba, Seola? B-Buntis ka?"
nahihirapang huminga na tanong ni Clouds.
Nawawala yata ang pandinig niya. Basta
buntis daw ito. Pero natatakot siyang baka
nanaginip lang siya.
"Oo, buntis na ako, Ulap," pagkumpirma ni
Seola at ipinakita ang pregnancy kit.
"Magkaka-baby na tayo. Magiging daddy ka
na."
"H-Hindi ko makahinga," sabi ni Clouds kaya
mabilis na nag-alalay sina Seola at Kimberly
sa kaniya. "B-Basta ang saya ko."
Nanlalabo na ang paningin ni Clouds at
nawalan na ng lakas ang tuhod pero agad na
nagising siya sa katotohanan nang may
malakas na kumalabog sa likod nila at
nawasak ang malaki at mamahaling figurin
nang bumagsak ito sa sahig.
"Skyler!" sigaw ni Kimberly at mabilis na
tinakbo ang asawa nang matumba ito at
ngayon ay wala nang malay na nakahiga sa
sahig katabi ng nabasag na figurin.
"Skyler, gising!" sigaw ni Kimberly saka
niyugyog ang asawa. Nakalimutan na niyang
nangunguna pala ito kapag himatay ang
usapan.
"L-Lolo Skyler? Gising na po, magiging
daddy na ako at may apo ka na sa tuhod,"
sabi ni Clouds saka bubuhatin na sana ang
lolo pero gumalaw ito.
"K-Kim?" nanghihinang tawag ni Skyler sa
asawa. "Bakit ka naiiyak?"
"Walang hiya ka! Tumayo ka na nga riyan!
Okay ka na?" naiinis na sabi ni Kimberly
pero natatakot din naman siya lalo na't
tumatanda na sila. Paano kung bigla na lang
si Skyler na himatayin tapos hindi na
magising? Nakakatakot.
"M-May nangyari ba?" inosenteng tanong ni
Skyler. "Bakit ako nakahiga sa sahig? Bakit
nabasag ang figurin natin?"
"Lolo Skyler? Magkakaapo ka na po, buntis
na si Seola ko," masayang paalala ni Clouds
na nawala na ang panlalamig sa buong
katawan.
"M-Magkakaapo na ako sa tuhod?" nanlalaki
ang mga matang ulit ni Skyler.
"Oo. Magkakaapo na tayo--subukan mong
himatayin ulit at malilintikan ka sa akin!"
pagbabanta ni Kimberly nang mapansing
namumutla na naman ang asawa.
"H-Hindi na," sabi ni Skyler na sinusubukang
maging maayos ang sarili.
-----------------------
"Ano ang gusto mong kainin, Pango ko?"
paglalambing ni Clouds nang magising si
Seola. "Mangga? Santol? Singkamas? Ano?"
Napatitig si Seola sa mukha ni Clouds at
pinagmasdan ang asawa nang maigi.
"Ako ba ang gusto mong kainin, pango?"
pilyong sabi ni Clouds at tumabi sa asawang
nakaupo na sa gilid ng kama at sinusuot ang
pambahay na tsinelas.
Umiling si Seola saka nakalabing hinarap kay
Clouds.
"Ulap? May gusto akong kainin. Natatakam
na talaga ako," parang batang sabi ni Seola.
"Ano? Bibilhin natin," sabi ni Clouds. Ano
kaya ang paglilihian nito para sa magiging
anak nila?
"Talangka," sagot ni Seola kaya napatulala si
Clouds na nakaharap sa asawa. "Ulap? Gusto
kong kumain ng talangka."
"Seola naman! Walang biruan!" sabi ni
Clouds saka tumayo at walang pasabing
lumabas.
"Problema niya?" naiinis na tanong ni Seola
saka pumunta sa shower room at naligo.
Nang matapos ang lahat, lumabas si Seola
at bumaba sa sala. Nandito ang lahat ng
magpamilya at nag-uusap.
"Ulap?" tawag ni Seola nang hindi na
makatiis saka naupo sa tabi ng asawa.
"Gusto kong kumain ng talangka."
"Isa pang talangka at malilintikan ka sa akin,
Seola!" pagbabanta ni Clouds sa mataas na
boses kaya napatingin ang lahat ng pamilya
sa kaniya.
Napakagat si Seola sa ibabang labi.
Sinigawan siya ni Clouds?
"P-Pasensiya ka na," paumanhin ni Clouds
nang ma-realize ang sinabi. "N-Nadala lang
sa emosyon. Alam mo namang ayaw ko
talaga sa talangka."
"Kapag hindi mo ibigay ang gusto ng asawa
mo, maglalaway ang anak mo kapag
lumabas sila," sabat ni Taira.
"M-Mom naman? Ano na lang ang mukha ng
anak namin? Mukhang talangka?" bulalas ni
Clouds.
"May isang banyera kaming malalaking
talangka na binili ni Star," nakangising sabi
ni Moon. Alam na nilang talangka ang
pinaglilihian ni Seola kahapon pa kaya
nagsadya pa sila sa palengke kaninang
umaga para pakyawin ang mga talangka.
"Oo nga. Binili namin ni Star," pagsang-ayon
ni Moon kaya masamang tumingin si Clouds
sa magkatabing kapatid.
Sabay na tumayo ang lima at kinuha ang
malaking palanggana na puno ng talangka
kaya mabilis na napatayo si Clouds.
"Putang ina! Ano ang trip n'yo?"
pagmumura niya nang ilapag ng mga ito ang
talangka na may malalaking kagat sa center
table.
"Talangka!" bulalas ni Seola at agad na
kumuha ng isa at nakiusap sa katulong na
magdala ng kanin.
Hindi na umimik si Clouds kaya masayang
kumain na si Seola kasabay ng buong
pamilya sa sala.
"A-Ang sama ninyo!" umiiyak na sumbat ni
Clouds sa mga kapatid habang nakatingin sa
asawang sarap na sarap sa kinakaing kagat
ng talangka. "P-Palibahasa hindi ninyo anak
ang pinaglilihi ni Seola! Mga gago kayo! Mga
hayop! Mga walang awa! Mga walang puso!"
Pero kahit gaano man kalakas ang sigaw
niya, dedma lang siya ng buong pamilya.
Sarap na sarap sila sa talangka eh. Pinahidan
niya ang mga luha saka tumayo. Wala na.
Araw-araw na niyang makikitang kumakain
ang asawa niya ng talangka.
"Ulap?" tawag ni Seola kaya tumigil siya at
nilingon ang asawa. "Gusto mo ng
talangka?" alok ni Seola habang inaabot sa
kaniya ang hawak na malaking talangka.
"Gabi ako kumakain ng talangka!" naiinis na
sabi ni Clouds. Malintikan talaga ito sa
kaniya mamayang gabi.-------------------THE
END------------------Salamat po sa lahat ng bumabasa.
Paki-follow ako kung okay lang. Hehehe.
Salamat, guys.
Please support natin ang story ni Red.
"Langit Ka, Lupa Ako"
Wala sanang spoiler. Hehe.
I love you. Mwuah...