MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 52
Unedited...
"Pasyal tayo, pango," yaya ni Clouds habang
nasa veranda sila.
"Palagi naman tayong namamasyal."
"Pasyal na kasama mga fans natin?"
nakasimangot na sabi ni Clouds. Palagi
silang magkasama sa mall tour.
"Oo," sagot ni Seola. Mas mainam nang
gumala sila kahit saan na magkasama. At
least may pera.
"'Yong galang masolo naman kita," sabi ni
Clouds at idinantay ang mga paa sa hita ni
Seola.
"Ulap? Mabigat ang paa mo!" reklamo ng
dalaga at ibinaba ang mga paa ng binata.
"Mas mabigat ang buong katawan ko,"
nakangiting sabi ni Clouds.
"Ba't ganiyan ang mga ngiti mo?" nakataas
ang kilay na tanong ni Seola.
"Wala lang," inosenteng sagot ni Clouds.
"Sige na, Seola. Pasyal tayong dalawa.
Maganda ang resort nina Gab sa Iloilo."
"Kaunting push pa, Clouds." Sabat ni Star sa
likuran nila.
"Haist! Ano ba ang ginagawa mo rito,
Butuin na walang ningning?" naiinis na
tanong ni Clouds at sinenyasan ang kapatid
na umalis na at huwag nang makisawsaw sa
usapan nilang magkasintahan.
"Pinapatawag kayo ni Mommy, kakain na
raw," sagot ni Star.
"Kain na raw," yaya ni Moon na lumapit sa
kanila. "Niyaya ka na naman ba ni Clouds na
mag-out-of-town?" makahulugang tanong
ni Moon.
"Ba't ba nagsisulputan kayong nga hari ng
kadiliman?" singhal ni Clouds kina Star at
Moon.
"Kasi madilim ang gabi kapag wala kami?"
patanong na sagot ni Star.
Tumayo si Clouds kaya mabilis na tumakbo
ang dalawa pababa.
"Huwag mo na silang pansinin, Seola," sabi
ni Clouds at inakbayan ang kasintahang
tumayo na. "Basta pasyal tayo this
December."
"Sasam tayo kina Ash?" excited na tanong ni
Seola pero ikinasimangot ni Clouds.
"Nextime na lang tayo sumama sa kanila.
Dapat may time tayong dalawa para sa
relasyon natin," tanggi ni Clouds. Sagabal
lang ang mga ito lalo na't kasama niya ang
mga magulang at kapatid.
"Ngayon lang ang first family bonding ninyo
kaya sumama ka na. Ikaw lang ang wala."
Pangungumbinse ng dalaga.
"Pero gusto kitang makasama ngayong
Christmas," parang batang sabi ni Clouds.
"Ito ang first Christmas natin bilang
magkasintahan kaya lubos-lubusin na natin."
"Kaya nga sumama na tayo sa kanila. May
pera naman akong pambili ng ticket," sabi ni
Seola. Matagal na silang nagpapasko na
walang kasamang magulang. Mula nang
isinilang si Ash, dalawa na lang sila parati sa
noche buena.
"Hindi naman issue ang pamasahe e. Ang
concern ko lang ay ang magkaroon nama
tayo ng lakad na solo."
"Bumaba na nga tayo, Ulap. Nagugutom na
ako," pag-iiba ni Seola.
"Hindi mo talaga ako mahal," pagtatampo ni
Clouds at nauna nang bumaba kay Seola.
"Ulap!" tawag ng dalaga pero hindi talaga
ito lumilingon. "Hoy, Ulap!"
Sinundan niya ito pero ang bilis maglakad
kaya sa dining room na niya naabutan.
"Ano na naman ang pinag-aawayan ninyo?"
tanong ni Sky nang mapansin ang
pananahimik ni Clouds. Kabisado na nila ang
dalawa. Kapag manahimik si Clouds, isa lang
ang ibig sabihin, may pagtatalo ang dalawa.
"Gustong bumukod ng bakasyon,"
nakangising sabat ni Star pero hindi siya
pinansin ni Clouds. Kain lang ito nang kain.
"Hindi puwede! Ngayon nga lang tayo
magbabakasyon na buo at kasama si Ash,
titiwalag ka pa?" pagtutol ni Sky kaya mas
lalong sumama ang mukha ni Clouds.
"Hindi ko naman sinasabing sa araw na 'yon
kami aalis ni Seola," pagtatanggol ni Clouds
sa sarili.
"Tama na nga 'yan, nasa harap tayo ng
pagkain," saway ni Taira.
"Mom? Ang init," reklamo ni Dust saka
hinubad ang tshirt at ipinagpatuloy ang
pagkain. Kahapon pa sira ang isang aircon at
ang init pa kaya naghubad din si Matter.
Napasulyap si Seola sa mga ito na topless sa
harapan niya pero agad na iniwas ang mga
mata dahil naiilang siya. Kung ikaw ba
naman ang kakain na ganito ka-macho ang
mga nasa harapan at tabi mo, aba,
gaganahan ka talagang kumain.
Agad na ibinaba niya ang mga mata nang
magkasalubong ang mga mata nila ni
Clouds. Galit ito. Napakagat siya sa ibabang
labi. Panigurado, mas lalo itong nagalit dahil
nahuli siyang napasulyap sa katawan ng mga
kapatid.
"Mom? What are you doin'?" tanong ni
Moon nang maghubad si Taira ng damit at
naka-bra na lang.
"B-Babymine? Magsuot ka ng damit,"
bulalas ni Sky saka kinuha ang tshirt ng
asawa para ipasuot ito sa kaniya.
"Bakit? Naiinitan din ako," sabi ni Taira.
"Seola at Ash? Kung naiinitan kayo, huwag
kayong mahiyang maghubad ng tshirt.
Napanganga sina Dust at Matter at dali-
daling isinuot ang tshirt.
"M-Mom? Magsuot ka na po ng damit,"
pakiusap ni Dust kaya isinuot na ni Taira ang
tshirt nang makitang may mga damit na ang
dalawang anak.
Nang matapos silang kumain, naunang
umakyat si Clouds sa kuwarto nito.
"Pagpasensiyahan mo na si Clouds, Seola.
Ganiyan talaga 'yan sila kapag hindi makuha
ang gusto," sabi ni Taira sa dalaga habang
nasa sala sila at nanonood ng bagong
teleserye ni Red.
"Bipolar po siya," mahinang sumbong ni
Seola.
Umusod pa si Taira sa tabi niya saka
bumulong. "Actually, lahat sila. Lalo na ang
ama."
Napangiti si Seola. Mukhang
nagkakaintindihan sila ng ina ni Clouds.
"Ano ang pinag-uusapan ninyo at
nagbubulungan pa kayo?" nagdududang
tanong ni Sky.
"Wala naman. Girls talk," sagot ni Taira saka
inirapan ang asawa.
"Ang hard mo sa akin, babymine. Palagi mo
na lang sinosolo ang lahat," pagtatampo ni
Sky na nagpupusod ng mahabang buhok ni
Ash. Nakaupo ang bata sa sahig para hindi
siya mahirapang magtali.
"Daddy? Ito na lang po ang ipantali mo,"
sabi ni Ash saka inabot ang kulay berde na
pantali.
"Mas maganda ang kulay pink, princess, kasi
babae ka," sabi ni Sky saka kinuha ang isa
pang tali.
"Dad? Kung hindi ka lang mahilig sa boom
boom paw, isipin talaga naming bading ka,"
sabi ni Moon na napatingin sa ama.
"Gago!" pagmumura ni Sky pero agad na
napakamot sa ulo nang sapakin ni Taira.
"Bunganga mo, Langit!" saway ni Taira kaya
tumahimik na si Sky saka ipinagpatuloy ang
ginagawa sa buhok ng bunsong anak.
"Alam mo baby? Madalas akong inaaway ng
mga pinsan ko lalo na ng kapatid ng
Mommy Taira mo. Madalas nila akong
pagbintangan na ninanakaw ko ang anak
nila. Parang hiram lang e," pagtatampo na
sumbong ni Sky sa anak saka pinatayo ito at
pinakalong sa kandungan niya. "Pero nahuli
ka lang pala. Masaya ako dahil natagpuan na
kita. Pasensiya ka na kung hindi ko
sinubukang hanapin ka. Hindi ko naman kasi
alam na nag-iexist ka," naluluhang
paumanhin ni Sky.
Biglang tumahimik ang buong sala at
napuno ng kalungkutan ang paligid.
"Inaantok na po ako," paalam ni Sun.
"Ako rin po. May lakad pa ako bukas,"
paalam din ni Dust.
Isa-isang umalis ang anim dahil hindi nila
kaya ang pagdadrama ng kanilang ama.
Nakakadala. Minsan lang kasi itong mag-
emote dahil masiyahing tao naman ito. After
ng ilang years, natupad na rin ang matagal
nitong dinadasal sa Panginoon.
"Mauna na po ako," paalam ni Seola nang
matapos na ang pelikula ni Red. Tumayo siya
at humalik sa pisngi ni Ash.
Masaya naman siya para sa mga Villafuerte
pero hindi niya maiwasang magselos dahil
hindi na siya ang katabing matulog ng
batang ilang taon niyang inaruga dahil ang
buong akala niya, biological sister niya ito.
Para siyang nawalan ng trono.
Napailing siya sa naisip.
"Ano ka ba, Seola. Para din ito kay Ash kaya
maging masaya ka na lang," saway ni Seola
sa sarili.
Malapit na siya sa pinto nang masulyapang
nakabukas ang pinto ng kuwarto ni Sky. Isa
pa 'to. Nagtatampo na naman ito sa kaniya
dahil ayaw niyang pagbigyan.
Lumapit siya saka napasulyap sa loob ng
kuwarto. Nakaupo si Sky sa kama at
mukhang may malalim na iniisip.
Nakapantulog na ito at bubulong-bulong.
Hindi naman niya marinig dahil sobrang hina
ng boses ng binata.
Humarap si Clouds sa kaniya at sumimangot
nang makita siya.
Napabuntonghininga si Seola bago siya
pumasok sa loob para kausapin ang
kasintahan.
"Galit ka ba talaga sa akin? Kung ang
ikinagagalit mo ay ang pagtanggi ko ng
bakasyon kasama ka, sige na. Papayag na
akong mag-Christmas vacation kasam ka
kahit two days lang after ng vacation natin
sa Hongkong kasama ang pamilya mo,"
pagpayag ni Seola.
"Matapos mong pagnasaan ang katawan ng
mga kapatid ko sa hapag-kainan at sa
harapan ko mismo?" seryosong tanong ni
Clouds kaya natigilan si Seola. Tama nga ang
hinala niyang napansin iyon ni Clouds kanina.
"H-Hindi--"
"Tapatin mo nga ako, Seola. Mahal mo ba
talaga ako o isa sa mga kapatid ko ang mas
gusto mo?"
"C-Clouds? Mali ang iniisip mo. Ano ka ba?"
Mukhang mahihirapan siyang magpaliwanag
dito.
"At ano ang tamang iisipin ko, Seola?
Parang hindi ako nag-iexist kanina sa tabi
mo!"
"Clouds? Let me explain," pakiusap niya.
"Kanina ka pa may panahong mag-explain,
Seola. Ano pa ba ang gusto mo? Sige, may
isang oras ka--no, may magdamag ka para
magpaliwanag!" sagot ni Clouds kaya
napalunok ng laway si Seola. "Magdamag
kitang pakinggan ng explanation mo. Go
ahead!"
"C-Clouds? Kasi--hindi naman talaga ako
nagnanasa sa mga kapatid mo. Normal lang
naman iyon na mapatingin ako sa kanila dahil
naghubad sila sa harapan ko. Hindi ako
sanay na may lalaki sa paligid ko. Alam mo
namang kami lang ni Ash sa bahay. Hindi
naman tumagal ang mga mata ko sa
katawan nila. Napasulyap lang talaga ako.
Kahit ikaw, naiilang din ako sa 'yo kapag
maghubad ka," mahabang paliwanag ni
Seola.
"Nainsulto ako," mahinang sabi ni Clouds.
"Alam mong nainsulto ang pagkatao ko.
Nagdududa rin ako kung mahal mo ba talaga
ako? Ako lang kasi parati e. Ne hindi mo
ipinaramdam sa akin na mahalaga ako sa
buhay mo. Na mahal mo rin ako. Hinayaan
mo nga lang na maikasal sana ako kay
Clarissa. Paano kung hindi bumalik ang
alaala ko, Seola? Paano na tayo?" sumbat ni
Clouds kaya iniwas ni Seola ang mga mata
sa binata. Kahit na hindi ito umiiyak,
ramdam niya ang hinanakit sa boses ng
kasintahan.
"M-Magugulo kasi ang lahat, Clouds."
"Magugulo?" Isang nakakainsultong ngiti ang
pinakawalan ni Clouds. "Ikaw at si Clarissa
lang ang nakakaalam ng totoo, Seola. Alam
mong papanig ako sa 'yo kapag aminin mo
ang totoong ikaw ang kasintahan ko."
"H-Hindi makabubuti sa 'yo na aminin ko
noon ang totoo dahil malilito ka lang,"
depensa ni Seola.
"Sa anong paraan na malilito ako kung ikaw
lang naman ang paniniwalaan ko?"
baliktanong ni Clouds kaya napayuko na si
Seola.
Mahal niya si Clouds pero bakit kailangan
siya nitong pagdududahan? Nagkulang ba
siya? Nasaktan din naman siya ah.
"S-Sorry..." mahinang paumanhin ni Seola.
"Alam kong tapos na iyon pero hindi ko lang
kayang hindi maglabas ng sama ng loob,"
mahinang sabi ni Clouds.
"A-Alam kong may pagkukulang ako noon,
Clouds. Hindi ko na kasi alam ang gagawin
ko. N-Nasanay lang siguro ako na ikaw
parati ang nagso-solve ng problema ko,"
wika ni Seola.
"Matulog ka na, Seola."
"H-Hindi mo ba ako mapapatawad? H-Hindi
ba tayo magbabati bago tayo matulog,
Clouds?"
"Bukas na lang tayo mag-usap, Seola.
Magpahinga ka na dahil alam kong pagod
ka," walang ganang sabi ni Clouds at nahiga
na sa kama patalikod kay Seola.
Naikuyom ni Seola ang kamao. "Kung hindi
mo ako babatiin Clouds, mas mainam pang
maghiwalay na lang tayo!"
Agad na napaupo si Clouds at poker face na
napatingin kay Seola.
"Kung iyon ang solusyon mo, bahala ka,"
sabi ni Clouds saka muli nang nahiga. Ilang
minutong nakatitig si Seola sa binatang
hindi na gumagalaw pero alam niyang gising
pa ito.
Nanlalamig ang buo niyang katawan pero
nang makabawi ay kinuha niya ang unan saka
ubod ng lakas na tinapon kay Clouds.
"Fine! Break na tayo!" singhal niya saka dali-
daling lumabas sa kuwarto ng binata.
