MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 42
Unedited...
"Magsisimula na ang taping ko sa
December," sabi ni Red.
"Mag-aartista ka?" tanong ni Seola.
"Walang choice, nasa dugo e," nakangiting
sagot ni Red. Nagme-merienda sila ngayon
sa cafeteria ng agency. Kakatapos lang ng
rehearsal nina Seola para sa TV show.
"Oo nga. Idol ko ang Daddy Blue mo," sabi
ni Seola. Team Bluevery siya noon pa man.
Hanga nga siya sa pagmamahal ng ama ni
Red sa ina nito. Ang dami palang
pinagdaanan nila bago sila ikinasal.
"Red? Puwede ba tayong mag-usap?"
Napalingon sila nang lumapit si Clouds.
"Ano iyon?"
"Tayong dalawa lang," sagot ni Clouds at
napasulyap kay Seola na kumakain ng ice
cream. Inilapag niya ang hawak na tumbler
na may chamomile tea. "Inumin mo para
hindi ka mamalat."
Napatitig si Seola sa tea. Ito ang madalas na
ibigay ni Clouds sa kaniya.
"Kay Clarissa mo na lang ibigay," ani Seola.
"Kung gusto kong ibigay kay Clarissa, e di
sana sa kaniya ko na ibinigay," sagot ni
Clouds at sumunod kay Red na palabas na
sa cafeteria. Sa rooftop ng building sila
dumiretso para walang makarinig.
"Ano ang kailangan mo, Clouds?"
"Gusto kong makita ang CCTV sa likod ng
building," diretsahang sagot ni Clouds.
"Akala ko ba--"
"Wala namang masama kung gusto kong
malaman ang tunay na nangyari nang araw
na maaksidente ako, 'di ba?"
Napabuntonghininga si Red at namulsa
habang nakasandal sa dingding.
"Nasira ang CCTV."
"Kailan pa?"
"Noong araw na naaksidente ka," sagot ni
Red kaya napaisip si Clouds.
"Nasira o sinira?" tanong ni Clouds kaya
hindi na nakasagot si Red. "May copy ka ng
footage kaya gusto kong makita."
"Nasira din," sagot ni Red kaya galit na
napatingin si Clouds sa kaniya.
"Pinsan kita kaya huwag mo akong bigyan
ng dahilan na pagdudahan ka, Red!"
Desperadong napatingin si Red sa pinsan.
"Sa tingin mo, magagawa ko iyon sa 'yo,
Clouds?"
"Kung talagang gusto mong makatulong,
gumawa ka ng paraan para ma-restore ang
footage nang araw ng aksidente ko. Kapag
magawa mo iyon, pasasalamatan kita bilang
CEO ng agency na ito."
"Akala ko ba, iyon na ang huling tanong
mo?" tanong ni Red.
"Hindi ko ikakamatay kapag hindi ako
tumupad sa sinabi ko," seryosong sagot ni
Clouds.
"Kung nagdududa ka, iurong mo ang kasal
hanggang sa bumalik ang alaala mo,"
suhestiyon ni Red. Mahirap manguna sa
desisyon nito pero naniniwala siyang may
kakaibang nangyari.
"Bakit ko gagawin iyon?" tanong ni Clouds
na nakipagtitigan kay Red. "Hindi ba't gusto
mo si Seola? Mas pabor sa 'yo na kami ni
Clarissa--"
"Hindi ako ganoon ka desperado, Clouds.
Alam kong may gusto ka rin kay Seola."
"Paano kung aaminin kong may gusto nga ako?"
"Wala na akong magagawa pa roon. Kung
ikaw ang gusto niya, nirerespeto ko siya," sagot ni Red."Hindi kayo ni Seola," sabi ni Clouds.
"Kung nagdadalawang isip ka, bakit mo itutuloy ang kasal ninyo ni Clarissa? Mahirap
makawala sa kasal, Clouds."
"Kung talagang nagmamahalan kami ni Seola
noon, ipaglaban niya ako ngayon lalo na't nakasalalay ang katotohanan sa kaniya,"
sagot ni Clouds.
"Paniniwalaan mo ba?"
"Why not?" sagot ni Clouds at tinalikuran na
ang pinsan para puntahan si Clarissa.
Habang naglalakad, napapaisip siya. "Tita
Rica?" tawag niya nang makita ang ina ni Clarissa na naglalakad pero mukhang hindi
siya nito narinig kaya sinundan niya ang ginang. Patungo ito sa studio ni Seola.
Malapit na siya sa pinto nang marinig niya
ang usapan ng dalawa.
"Huwag ka nang umeksena sa relasyon nina
Clouds at Clarissa kung ayaw mong maeskandalo ka bilang third party nila,"
pagbabanta ni Rica.
"Magkapatid ho kami ni Clouds at hanggang
doon na lang po iyon. Bakit hindi ninyo i- enjoy ang spotlight habang nasa inyo pa ang
papuri nga publiko?" matapang na sagot ni
Seola.Pak!
Hindi natinag ang dalaga kahit na sobrang
lakas ng pagkakasampal sa kaniya ni Rica.
"Huwag kang magpatapang-tapangan dahil
isa ka lang surot na kumapit sa mga Villafuerte!" taas noong sabi ni Rica.
Nang maramdaman ni Clouds na paalis na ang ina ni Clarissa, mabilis na nilisan niya
ang studio ni Seola.
"Babe?" tawag ni Clarissa nang
makasalubong niya.
"Hi," sagot ni Clouds at hinalikan ito sa kanang pisngi. "May anniversary party
mamaya sa hotel, punta tayo? Nandoon ang
lahat ng singers ng Bright Star. Sabi ni Red, kakanta raw tayo."
"Sure," sagot ni Clouds at sumama sa dalaga
para kumain sa labas.
"M-Mamayang hapon, pupunta pala ang mananahi sa bahay ninyo para sukatan ang
parents mo," sabi ni Clarissa at napakagat sa ibabang labi. Siya lang yata ang ikakasal
na hindi masaya.
"Kayo ang bahala," sagot ni Clouds at ipinagpatuloy ang pagkain. Wala nang
nagsalita pa tungkol sa kasal nila.
Nag-ikot-ikot muna sila sa mall hanggang sa tinawagan sila ng Mommy Taira niya para magpasukat.
Inihatid muna niya si Clarissa bago umuwi.
"Mabuti at nandito ka na," sabi ni Taira matapos halikan ni Clouds sa pisngi.
"Oo," sagot ni Clouds at nagkibit-balikat.
Napasulyap siya kay Seola na nagpapasukat
dahil ito ang bridesmaid nila.
Lumapit siya sa mananahi at nagpasukat.
"Puwede bang pakibilisan?" pakiusap niya nang makitang umakyat na si Seola.
"Okay na," sabi ng babaeng nasa kuwarenta
ang edad.
"Anak? Kumbinsihin mo si Seola na magpa-
adopt sila ni Ash," pakiusap ni Sky.
Napatingin si Clouds kay Astray Czarina na
tumatakbo habang palapit sa kanila dahil
hinahabol nina Sun at Dust.
"Huwag na. Ayaw ko silang maging Villafuerte," tanggi ni Clouds at tinalikuran
ang ama.
"Buwesit ka, Ulap!" pahabol ni Sky.
Dumiretso si Clouds sa kuwarto ni Seola at
kumatok sa pinto.
"C-Clouds..." sambit ni Seola na parang nakakita ng multo.
"Pasok tayo," sabi ni Clouds at nauna nang pumasok.
"B-Bakit nandito ka?" tanong ng dalaga
matapos isara ang pinto.
Iniwas niya ang mga mata nang hindi alisin
ni Clouds ang mga titig nito sa mukha niya.
Sa bandang huli, sa sahig na lang nag- landing ang mga mata niya.
"C-Clouds?"
"Masakit pa ba ang sampal ni Tita Rica
sa'yo?" seryosong tanong ni Clouds kaya
napatingin si Seola sa kaniya. "Pasensiya ka
na kung nasampal ka niya nang dahil sa akin kanina."
"N-Nakita mo?"
"I was there..."
"W-Wala iyon. Kasalanan ko naman kasi,"
nakangiting sabi ni Seola.
"Kung nahihiya kang aminin sa akin ang totoo dahil magkapatid tayo, huwag mong
isipin iyon, Seola. Tayong dalawa na lang
ang nandito kaya umamin ka na," nahihirapang sabi ni Clouds.
"C-Clouds--" Napalunok siya ng laway at humagulgol sa pag-iyak.
Naramdaman niya ang mga kamay ni Clouds
sa pumulupot sa katawan niya at niyakap
siya.
"Alam kong ayaw mong manakit sa damdamin ng iba kaya huwag ka nang magsalita, pango. Sapat na sa akin na matuklasan ang totoo sa pamamagitan ng
mga luha mo," bulong ni Clouds at hinagkan ang dalaga kaya mas lalong humikbi ito.
Kumalas siya sa pagkayakap at pinisil ang ilong ni Seola. "Hindi nakakatangos ng ilong
ang pag-iyak kaya tumigil ka na."
Ngumiti si Seola at hinampas sa balikat si Clouds.
"Lumabas ka na, Ulap. Baka kung ano pa ang isipin nila."
"Hmm? Hayaan mo na sila," malambing na
sabi ni Clouds at hinapit sa bewang ang
dalaga saka hinagkan sa mga labi.
"Clouds!" saway ni Seola at itinulak ang binata kaya napahiwalay ang mga katawan
nila.
"Fine. Lalabas na. See you party mamaya," sabi ni Clouds at kinindatan siya bago
lumabas kaya napailing na lang ang dalaga.Alas siete imponto ay nasa harap na sila ng
gate ng bahay ni Clarissa.
"Clouds," nakangiting bati ni Clarissa nang
makita si Clouds at pinagbuksan siya ng pinto.
"Ang ganda mo, Cla," puri ni Clouds at napasulyap sa kuwentas na suot ni Clarissa.
"B-Bagay ba ang kuwentas sa black cocktail
dress ko?" tanong ni Clarissa nang mapansing titig na titig si Clouds sa kuwentas na iniregalo nito.
"Oo naman, bagay sa'yo," sagot ni Clouds.
Pumasok na si Clarissa pero natigilan siya nang makita si Seola sa loob ng sasakyan.
"Sabay na tayong tatlo para isang driver na lang," sabi ni Clouds.
"S-Sana kay Mommy na lang ako sumabay," wika ni Clarissa at napilitang pumasok at
maupo sa tabi ni Seola. Bale napagitnaan siya ng dalawa.
Walang kumikibo sa kanilang tatlo habang nasa biyahe. Parehong nasa labas ng bintana
ang mga mata nina Clouds at Seola habang nasa unahan naman ang mga mata ni
Clarissa.
Nang makarating sila sa hotel, naunang bumaba si Clouds at pinagbuksan ang
dalawa. Agad na ngumiti si Clarissa at ipinulupot ang mga kamay sa braso ni
Clouds habang nakatingin sa nagkikislapang camera.
Bright Star Ball ang gaganapin ngayong gabi pero minsan lang silang dumalo.
Naiilang na ngumiti si Seola sa
photographers at sumunod kina Clouds papasok sa hotel.
"Maiwan ko na kayo," paalam ni Seola para lumapit sa ibang talents dahil naaasiwa
siyang kasama sina Clouds at Clarissa.
"Sabay tayong uuwi mamaya," sabi ni Clouds
na gusto sanang hilain pabalik ang dalaga. Ayaw niyang makihalubilo ito sa ibang lalaki.
"Gusto ko ng drinks," wika ni Clarissa at pinisil ang braso ng binata dahil titig na titig
pa rin ito kay Seola.
"Sige," ani Clouds at iginiya siya palapit sa isang table kasama sina Yuri.
"Dito na pala ang lovers," nakangiting sabi
ni Yuri.Hinila ni Clouds ang silya para maupo si Clarissa.
"Kailan kami makakatanggap ng invitation letter ng kasal? Kailangan lahat kami
imbitado, ha?" sabi ni Surin kaya hindi alam ni Clarissa kung ngingiti ba o hindi?
"Kapag tapos na, lahat kayo na taga Bright Star ay makakatanggap ng wedding
invitation ko," sagot ni Clouds na kay Seola ang mga mata. Nilapitan na naman ito ni
Red at hinawakan sa bewang.
"Talaga? Wow, exciting. Tiyak na engrande ang kasalan," excited na sabi ni Yuri.
"Maiwan muna kita, Cla," bulong ni Clouds at tumayo.
Napatitig din si Clarissa kina Red at Seola na
nagtatawanan habang nag-uusap. Kumirot
ang puso niya sa nakikita.
Habang palapit si Clouds, hindi niya maiwasang mapatingin sa puting damit na suot ni Seola."Basta isuot mo ang damit na ibinigay ko kapag ipakilala kita sa buong pamilya ko."
"Paano kung ayaw ko?"
"Wala mang babagay sa 'yo na damit!"Isang eksena ang bumalik sa diwa niya habang nagmamaneho sa sasakyan pero
hindi niya mamukhaan ang babaeng kausap niya. Napabuntonghininga si Clouds nang makaramdam ng sakit ng ulo. Ganito siya kapag pilitin niya ang sariling makaalala.
Dagdagan pa nang makita niyang inaakbayan na ni Red si Seola. Naninikip ang dibdib niya sa inis.
Malapit na siya sa mga ito nang may humarang sa daan niya.
"Tumabi ka!" galit na sabi niya sa humarang.
"Hindi mo ba ako iwe-welcome?"
nakangising tanong ng lalaki kaya napatitig si Clouds sa lalaki. Tumaas ang kilay niya
nang makita ang mukha nito.
"Para ano? Tumabi ka sa daan ko, Luke!"
sabi niya kaya napailing si Luke."Matapos kitang tulungan, ganiyan na lang kung ituring mo ako? Palibhasa nakabalik ka
na sa pamilya mo?"
"Ako?" ulit na tanong ni Clouds saka tinuro ang sarili. "Paano mo ako tinulungan?"
Nilagpasan niya si Luke dahil nagsasayang lang siya ng oras."Aba, matapos kang magdrama at lumayas sa bahay nina Seola, ganiyan ka na?
Matapos ninyo akong gawing tanga noong nagde-date kayo tapos sa iba ka rin pala
ikakasal?"Napapreno si Clouds at muling hinarap si Luke na naglalakad na palayo sa kaniya.
"Luke, sandali!" tawag ni Clouds at hinabol ang kaibigan.
