36

1K 46 1
                                    

MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 36

Unedited...
"Clouds? About sa surrogate mother mo,
malapit na namin siyang ma-trace,"
pagbabalita ni Taira. Sa kanilang anim, si
Clouds lang ang lumaking walang
kinagisnang surrogate mother. Ang lima
niyang kapatid, naging yaya nila ang mga
ito.
"Mas marami ang dapat na pagtuunan ng
pansin kaysa sa kaniya, Mom. To be honest,
mas priority ko ngayon ang sakit ko.
Nahihirapan na ako," sagot ni Clouds. Palagi
na lang sumasakit ang ulo niya dahil pinipilit
niyang makaalala.
"Kusa na lang 'yan babalik kaya huwag mong
puwersahin ang sarili mo, okay?" sabi ni
Taira at hinimas ang likod ng anak na naupo
sa tabi niya. Nasa sala sila at nag-uusap.
"Putcha! Hindi ka titigil?" malakas na sigaw
ni Star kaya napatingin sila sa kusina.
"Ano na naman 'yan?" tanong ni Clouds sa
kapatid na papalabas at bitbit si Chummy na
may hawak na plato.
"Umuwi ka na nga at huwag ka nang bumalik
pa rito!" pagtataboy ni Star.
"Star? Ano na naman 'yan? Hayaan mo
siyang kumain," malumanay na sabi ni Taira.
"Akin ang cake na 'yon pero inubos niya!"
galit na sagot ni Star.
"Oo na, uuwi na ako! Para kang hindi
kapatid!" mataray na sabi ni Chummy at
padabog na lumabas.
"Minsan na nga lang siya pumupunta rito,
tinataboy mo pa," ani Taira.
"Minsan na nga lang pero inuubos pa niya
ang pagkain," ani Star.
"Kapatid mo siya kaya hayaan mo na," ani
Taira. Minsan na nga lang sila magkaroon ng
babae, tinataboy pa ni Star.
"Hindi ko siya kadugo."
Tumayo si Clouds. "Labas lang po ako,"
paalam ni Clouds pero agad na bumalik at
pumunta sa kusina at nagtimpla ng
chamomile tea na may honey at lemon saka
hinati sa dalawang tumbler.
"Aalis ka?" tanong ni Sky nang
makasalubong siya.
"Yes, Dad. Pupunta lang ako sa studio,"
sagot ni Clouds at lumabas na saka ginamit
ang sasakyan ng ama. Nakapagtataka lang
dahil ang mga personal needs niya ay wala
sa loob ng kuwarto niya.
Dumiretso si Clouds sa agency. Bitbit ang
dalawang tumbler, naglakad siya patungo sa
studio niya.
"Magandang hapon, Ulap," bati ni Seola
nang malapit na niyabg makasalubong ito
pero hindi niya ito sinagot.
"Babe," tawag ni Clarissa kaya napatigil si
Clouds. Napatigil din si Seola at napatingin
kay Clarissa na nasa tabi niya at nakangiti
kay Clouds. Sa totoo lang, nasasaktan na
siya pero ayaw niyang ipahalata. Kapag kasi
ipilit niya ang relasyon nila ni Clouds, mas
magagalit lang ito sa kaniya. Ayaw rin niyang
mahirapan ang binata kaya hintayin na lang
niya na maalala siya nito. Sana lang ay
huwag tumagal.
"Bakit dalawa ang tumbler mo? Para sa akin
ba ang isa?" tanong ni Clarissa kaya
napasulyap si Seola sa bitbit ni Clouds.
"B-Baka?" hindi siguradong sagot ni Clouds.
Basta parang nakagawian na niyang gumawa
ng tea.
"Hindi ako umiinom niyan, eh. May binibigay
si Mommy para sa akin na inumin," sagot ni
Clarissa.
"Ah, para sa akin 'to," sagot ni Clouds at
napasulyap kay Seola na nakatitig lang sa
kaniya kaya nakaramdam siya ng pagkailang.
May nagawa ba siyang mali? Sinusubukan na
nga niyang huwag itong sigawan ngayon e.
"Maiwan ka na namin, Seola," paalam ni
Clarissa at ipinulupot ang mga kamay sa
braso ni Clouds at hinila ang binata palayo
kay Seola.
Habang hila ni Clarissa, parang may bakal sa
mga paa ni Clouds. Ang bigat humakbang
para sumama kay Clarissa.
"Dito na ako sa studio ko," ani Clouds.
"Babe? Sabi ng manager ko, may producer
na tayo sa duet album natin," masayang
pagbalita ni Clarissa. "Tiyak, kakagatin ng
masa dahil matagal na nilang gustong
magkasama tayo."
"Ikaw ang bahala," sagot ni Clouds at naupo
sa swivel chair.
"Sige, alis na ako," paalam ng dalaga na
pinasigla ang boses. Nararamdaman niyang
malayo ang loob ni Clouds pero wala siyang
magagawa.
Kakalabas lang ni Clarissa at napahilot sa
sintido si Clouds. Bakit parang may mali?
Alam niyang may nawawala sa buhay niya na
hindi niya maalala.
Hirap naman hiwalayan si Clarissa dahil
sineryoso niya ito. Hindi naman siguro niya
babasagin ang harang na nilikha niya noon
kung hindi niya ito minahal?
Binuksan niya ang drawer at kinuha ang CD
ng new album niya at pinakinggan. Noong
isang araw pa niya gusto mapakinggan ang
bagong kanta niya na sabi sa video sa
comeback niya, inspired ng babaeng mahal
niya.
"Your eyes are not beautiful 🎶
Neither is your nose 🎶
But how did I get to love you?🎶
Maybe my heart melted at your smile 🎶
I like you, who isn't that pretty 🎶
When I'm in your arms
All of the hard things 🎶
Get erased like magic
Your coziness and warmth
I miss it so much 🎶
All day I only think of you 🎶
I go better with you more than anyone in
this world🎶
I will stay by your side so don't let me go
🎶
You always smile even when things are hard
You say it's alright even when something is
up 🎶
I want to take some of the heavy weight off
your shoulders 🎶
When I kiss you all of hard things get erased
like magic 🎶
Habang pinapakinggan niya ang kanta, mas
lalong sumakit ang ulo niya. Sigurado naman
siyang siya ang may gawa ng kanta pero
bakit parang hindi siya kumbinsido na para
kay Clarissa ito? O kung para kay Clarissa
nga, bakit iyon ang naisulat niya? Maganda
naman si Clarissa. Almost perfect pa nga ito
pero bakit sabi niya sa kanta, hindi ito
kagandahan?
"Mababaliw na yata ako," naiinis na sabi ni
Clouds at lumabas. Alas singko na ng hapon
kaya tinawagan niya ang mga pinsan pero si
Luis lang ang available. Hindi naman
pumupunta si Gab sa bar dahil masikip ang
bar. Paano kapag matumba ito? Mapipisa
ang sampung tao sa malibot niya. Kambal
sina Luis at Gab. Ang pinagkaiba lang ay
sobrang mataba si Gab at hindi mahilig sa
party.
Pagdating sa bar, may nakuha ng VIP room
si Luis at naka-order na.
"Balita ko po, may amnesia ka," sabi ni Luis
habang umiinom sila. Nasabi na ng mga
magulang niya at nalaman na rin naman niya
sa balita ang nangyaring aksidente pero
tinatago pa rin nila ang tunay na estado ng
pag-iisip ni Clouds.
"Masakit sa ulo kapag isipin ko pa ang
amnesia na 'to!"
Inubos na ni Clouds ang laman ng bote at
kinuha ang isa pa na iinumin sana ni Luis.
"Kuya, lasing ka na po, baka bawal sa 'yo
ang uminom," saway ni Luis at inagaw ang
alak dahil namumula na si Clouds.
"Uuwi na ako," sabi ni Clouds at tumayo na
dahil nahihilo na nga siya.
"Ihatid na kita."
"Kaya ko pang magmaneho."
"Kuya? Hindi po. Baka mapahamak ka pa,"
giit ni Luis.
"Magta-taxi na lang ako," ani Clouds at
lumabas na sa VIP room. Hinatid naman siya
ni Luis at nang makasakay na siya sa taxi,
bumalik ito sa loob ng bar dahil
nakasalubong nito ang mga barkada.
"Kuya, pahatid po sa bahay namin," sabi ni
Clouds sa taxi driver at ibinigay ang
kumpletong address ng uuwian.
Kaya pa naman niyang maglakad kahit na
medyo nahihilo siya.
Malapit na siya sa bahay nang mapatingin sa
santan. "Sabi ko na nga bang mamumulaklak
kayo e," bulong niya saka napahawak sa
siderails ng hagdan paakyat sa bahay.
Napatingin siya sa pinto at pinindot ang
password. "S-e-c-r-e-t," nakangising
bulong niya habang pinipindot ang mga
letra.
Pagpasok niya, maliwanag ang bahay.
"Haist! Ilang beses ko bang sabihing ayusin
ninyo ang mga tsinelas ninyo?" galit na sabi
niya habang hinuhubad ang sapatos. Inayos
niya ang dalawang pares ng tsinelas at tinabi
ang sa kaniya.
Bumukas ang pinto at lumabas si Seola nang
makarinig ng sigaw. Bitbit pa niya ang
pamalo niya kay Ash dahil baka napasok na
sila ng magnanakaw. Natigilan siya nang
makita si Clouds na papasok sa kuwarto
nito.
"Wala ba tayong pancit canton diyan?"
tanong ni Clouds at pumasok na sa kuwarto.
Mabilis na sinundan ito ni Seola.
"Finally, nakauwi na ako," napapagod na sabi
ni Clouds at pabagsak na inihiga ang
katawan sa malambot niyang kama.
"C-Clouds? Bakit ka nandito?" tanong ni
Seola nang lapitan ang binata pero ang lakas
na ng hilik ng mokong.
"Tsk! Hindi ka pa magaling pero uminom ka
na?"
Napailing na lang siya at kumuha ng
maligamgam na tubig para punasan si
Clouds.
Kinaumagahan, dahan-dahang idinilat ni
Clouds ang mga mata. Napatingin siya sa
wristwatch. Alas diyes na ng umaga kaya
napabangon siya. Mula nang maaksidente
siya, ngayon lang siya nakatulog ng mahaba.
Siguro dahil hindi siya komportable sa
kuwarto niya.
"Shit!"
Agad na napabangon siya. Hindi familiar sa
kaniya ang silid kaya mabilis siyang lumabas.
"Holy shit!" bulalas niya nang makita si Seola
na nagluluto. Napalingon ito sa kaniya at
napatitig sa mukha niya.
"Mabuti at gising ka na, kumain ka na
muna."
"Paano ako napunta rito? Kinidnap mo ba
ako?" galit na tanong niya pero napa-poker
face lang si Seola. "H-Huwag mo akong
tingnan ng ganiyan! Baka gusto mo, i-rrport
kita sa pulis?"
"Kumain ka na muna," ani Seola at
sumandok ng sabaw ng nilagang baka.
"Hindi ko kakainin 'yan! Alam kong may
lason 'yan!" galit na sabi ni Clouds at
sinamaan ng tingin si Seola.
Inilapag ni Seola ang nasandok na sabaw at
sinimulang higupin nang maupo sa mesa nila.
"Huwag mo na akong sundan pa muli at
ayaw na kitang makita sa buhay ko!
Palalampasin ko muna ito pero kapag
mangyari pa ulit, ipapakulong na kita!"
Isinuot ni Clouds ang sapatos at lumabas na.
Napayuko siya habang naglalakad palabas
dahil sa mga estudyanteng nakakasalubong
niya.
"Haist! Bakit ako napunta sa bahay ng pango
na 'yon?" tanong niya sa sarili nang
makasakay na sa taxi. Wala talaga siyang
matandaan. Ang alam lang niya, nagpahatid
siya sa taxi kagabi. "Ayaw ko nang mag-
isip!" naiinis na sabi niya at sa halip na sa
bahay, sa studio siya dumiretso. May damit
naman siya kaya roon na siya maliligo at
magpalit.
Maghapon na nakahiga siya sa couch at
paulit-ulit na pinapakinggan ang kanta niya.
Nang hapon na ay pumunta siya sa opisina ni
Red.
"Bakit?" tanong ni Red nang maupo si
Clouds at nagde-kuwatro sa harapan niya.
"Paano nakapasok si Seola sa agency?"
"Nag-audition siya," sagot ni Red.
"Pakitanggal siya sa Bright Star."
Diretsahang utos ni Clouds.
"Ako ang boss kaya ako ang masusunod,
Clouds."
"Red naman!"
"Ano ba ang problema mo kay Seola,
Clouds?" napipikon na tanong ni Red.
Marami pa siyang gagawin pero iniistorbo
lang siya ng pinsan dahil sa napakaisip bata
nito.
"Hindi ko siya gusto!" sagot ni Clouds.
Napatigil si Red sa pagsusulat at hinarap si
Clouds saka nakipagtitigan dito.
"Kung hindi mo siya gusto, hayaan mo na
siya dahil ako? Gusto ko si Seola," sagot ni
Red kaya natigilan si Clouds.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" hindi
makapaniwalang sabi ni Clouds.
"Gusto ko si Seola."
"Damn! Kaya ba siya nakapasok sdito dahil
gusto mo siya? Baliw ka na ba? Sa dami ng
babae, bakit siya pa?"
"Why not her?"
"Baliw ka na talaga, Red!" singhal ni Clouds
at tumayo. "Hindi ko alam kung ano ang
nakita mo sa babaeng iyon at nagustuhan
mo siya!"
Lumabas si Clouds at pabagsak na isinara
ang pinto. Pupuntahan niya si Seola para
palayasin sa agency. Pagpasok niya sa studio
nito, walang tao. Napatingin siya sa mesa.
Lumapit siya at kinuha ang keychain.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Seola at agad
na inagaw ang hawak ni Clouds na keychain.
"Huwag mo ngang pakialaman ang gamit
ko!"
"Pangit naman ng keychain mo!"
"Pakialam mo? Mahalaga ang bagay na 'to
sa akin!"
"Akala mo naman, mahal niyan!" ani Clouds.
"Kahit mumurahin, mahalaga ito sa akin dahil
bigay ito ng taong m-mahal ko!" depensa ni
Seola kaya nakapamulsang hinarap siya ni
Clouds.
"Boyfriend mo?"
"Pakialam mo?" pagtataray ni Seola.
"Lumabas ka na!"
"Akalain mo 'yon? May boyfriend ka? Sa
pangit mong 'yan?" pang-aasar ni Clouds.
"Pakialam mo, Clouds?"
"Pango ka!"
"Hindi ka ba titigil?" singhal ni Seola.
"May sayad na sa utak ang lalaking pumatol
sa 'yo! Pakisabi sa boyfriend mo na magpa-
checkup siya ng mga mata!" suhestiyon ni
Clouds kaya napatingala si Seola sa binata at
biglang lumungkot ang mga mata.
"S-Saka na, kapag maalala na ako ng
boyfriend ko," mahinang sagot ni Seola kaya
natigilan si Clouds. Nakatitig lang siya kay
Seola.
"C-Clouds?" mahinang sambit ni Seola at
humakbang palapit sa binata. Agad na
napaatras si Clouds.
"H-Huwag kang lumapit!" natarantang sabi
ng binata na hindi na alam kung ano ang
gagawin. Kinakabahan siya.
"Lumabas ka na," ani Seola at binuksan ang
pinto. Agad namang lumabas ang binata
nang matauhan.
"Sino kaya ang boyfriend niya? Hindi kaya si
Red?" tanong ni Clouds sa sarili habang
naglalakad. Baka sina Seola na nga at Red?

A/n:
Lovers of Music talagang mga eksena e.
Hahaha.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon