46

963 36 0
                                    


MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 46

Unedited..
"Ito oh, baunin ninyo," sabi ni Taira at
ibinigay kina Clouds at Seola ang tig-isang
tumbler na may lamang chamomile tea,
honey at lemon.
"Salamat po," magalang na pasalamat ng
dalaga. "Gusto ko po ito, masarap."
"Talaga? Nagtitimpla ka rin niyan?"
maaliwalas ang mukhang tanong ni Taira.
Inakbayan ni Clouds si Seola at humarap sa
ina. "Ako po ang nagtitimpla sa kaniya,
Mom."
"Ikaw? Kailan ka pa sinipag?" nakataas ang
kilay na tanong ni Taira sa anak. Eh, ang
tamad kaya nito.
"Tanong mo kay Dad kung kailan pa siya
sinipag na magtrabaho," sagot ni Clouds at
kinindatan ang ina na nagugulumihan.
"Ang hirap ninyong hulaan," sabi ni Taira.
May kutob siya pero hindi naman puwede
ang iniisip niya.
"Sige na, alis na kami ni Seola," paalam ni
Clouds at hinila na ang dalaga palabas ng
bahay.
"Wala ka bang pasok?" tanong ni Seola.
"Meron pero ihatid na muna kita," sagot ni
Clouds.
"Huwag na, magta-taxi na lang ako," tanggi
ni Seola.
"Ihahatid na kita."
Walang nagawa ang dalaga kundi pumayag
dahil hindi naman titigil si Clouds kapag
hindi siya pumayag.
"Gawa tayo ng album," sabi ni Clouds nang
malapit na sila sa agency.
"Di ba gagawa pa kayo ni Clarissa?" tanong
ni Seola na nakaramdam ng selos.
"Sa tingin mo, matutuloy pa iyon? Mas
gusto kong magkasama tayo sa album,"
sagot ni Clouds at sinulyapan si Seola na
salubong ang mga kilay. "Nagseselos ba ang
pango ko?"
"Para ano? Kapal mo!" pagsisinuplada ni
Seola na ikinatawa ni Clouds. "Anong
nakakatawa, Ulap?"
"Wala lang. Natatawa lang ako dahil
nagseselos ka," sagot ni Clouds na hindi
naitago ang ngiti sa mga labi.
"Hindi sabi eh! Bahala ka."
"Huwag mo nang intindihin si Clarissa, ako
ang bahala sa kaniya."
"Wala naman akong pakialam sa kaniya. Sa
bashers lang na fans ninyi!" sagot ni Seola.
Ang dami nang tsismis sa kanila ni Clouds na
pinabulaan ng binata sa reporters. Kesyo
inaagaw raw niya si Clouds kay Clarissa,
pangit siya at kung anu-ano pang
masasamang salita mula nang mag-duet sila
ni Clouds sa live show niya.
"Huwag ka kasing mag-open ng social
account mo at huwag kang magbasa ng
diyaryo. Kasama sa kasikatan iyon,"
suhestiyon ni Clouds. Kapag mapikon ka,
talo ka. Ganiyan naman ang buhay ng taga-
showbiz.
"Bahala sila. E di magpakasal na kayo ni
Clarissa!"
"Ikaw nga ang papakasalan ko kaya hinihingi
ko ang kaunting panahon sa 'yo," sabi ni
Clouds.
"Ang bata mo pa para magpakasal," depensa
ni Seola.
"Twenty one na ako nextyear kaya puwede
na," sagot ni Clouds. Ang balak nina Clarissa
noon ay sa ibang bansa magpakasal. Mabuti
na lang dahil bumalik na ang alaala niya.
"Bahala ka!" sabi ni Seola.
Inihimpil ni Clouds ang sasakyan at tinanggal
ang seatbelt.
"Huwag ka nang bumaba." Pagpigil ni Seola.
"Pupunta ako sa studio ko. Mamayang hapon
pa ang pasok namin," sagot ni Clouds at
bumaba saka pinagbuksan si Seola ng pinto.
Lumabas ang dalaga at sumunod kay Clouds
sa loob ng agency.
"Ate Seola? Good morning," nakangiting
bati ni Ariana nang makasalubong nila.
"Bakit nandito ka?" tanong ni Clouds.
"May TVC po ako," sagot ni Ariana. Nagpa-
partime modelling ito kaya minsan ay
nandito ang dalagita.
"Si Red?" tanong ni Clouds.
"Pumasok po, sinundo nina Ate Chummy at
Yesha," sagot ni Ariana na ang tinutukoy ay
mga kaklase ni Red.
Ngumiti si Seola kay Ariana nang
magsalubong ang mga mata nila.
"Bagay po kayo ni Kuya Clouds," ani Ariana.
"Umalis ka na, Ariana. Kung anu-ano ang
pinagsasabi mo," pagtataboy ni Clouds sa
dalagita at hinawakan ang kamay ni Seola
para lagpasan si Ariana.
"Ang kamay ko, Ulap," bulong ni Seola na
hinihila ang kamay na hawak ni Clouds. May
iilang talent din kasi na nakamasid sa kanila.
Parang bantat sarado na sila sa lahat ng
nakapaligid sa kanila.
"'Yan ba ang magkapatid lang?"
Pagpaparinig ni Yuri kaya napatingala si
Seola kay Clouds na hindi pa rin binibitiwan
ang kamay niya.
"Hayaan mo sila, basta alam nating tama
tayo," sabi ni Clouds at dinala si Seola sa
studio niya.
"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ni Seola
matapos isara ni Clouds ang pinto.
Tsup!
Nanlaki ang mga mata ni Seola nang hapitin
siya ni Clouds sa bewang at mabilis na
ginawaran ng halik sa mga labi.
"C-Clouds, labas na ako. Baka kung ano pa
ang isipin nila."
"Hmm? May gagawin tayo o wala, hindi na
natin mababago ang nasa isipan nila," sagot
ni Clouds at niyakap si Seola pero agad na
tinulak siya ng dalaga nang bumukas ang
pinto.
"Sabi ni Ariana, nandito ka na raw," sabi ni
Red at napasulyap kay Seola na nakayuko at
namumula ang magkabilang pisngi.
"Hindi ka ba marunong kumatok, Red?"
tanong ni Clouds. Istorbo si Red. Kung
kailangan naglalambingan pa sila, saka
naman ito susulpot.
"I knocked twice pero walang sumasagot
kaya pumasok na ako," sagot ni Red.
"Sana ginawa mong sampu!" ani Clouds.
Napakagat si Seola sa ibabang labi. Alam
niyang nahuli sila ni Red pero patay-malisya
lang ang binata sa nakita.
"May reporters sa labas ng building.
Sasagutin mo ba sila?" tanong ni Red.
"May kailangan ba akong ipaliwanag sa
kanila?" balik-tanong din ni Clouds.
"Ikaw?" ani Red.
"Paalisin mo na sila, wala silang mapapala sa
akin," sagot ni Clouds.
"Naiipit na ang agency dahil sa inyong tatlo,
Clouds. Kailangan ninyong magpaliwanag sa
madla dahil nasa iisang ahensiya lang kayo,"
sabi ni Red. Matunog ang pangalan nilang
tatlo dahil sa ginawa ni Clouds. Malakas ang
pakiramdam ng mga fans kaya hindi nila
maitago ang sweetness at titig na ibinigay ni
Clouds kay Seola.
"Ibinigay ko kay Clarissa ang karapatan para
magpaliwanag sa bagay na iyan, Red,"sagot
ni Clouds. One week nang hindi niya nakikita
si Clarissa. Kahit tawag, wala rin. Ito ang
huling araw na palugit niya para humanap
ng paraan para ipaalam na hindi na
matutuloy ang kasal pero mukhang walang
balak na magpakita si Clarissa.
"Pero wala si Clarissa at hindi ko siya
makontak," sagot ni Red at
napabuntonghininga.
"Kung concern ka sa aming tatlo, kausapin
mo si Clarissa dahil hindi na ako makikinig
pa sa kaniya.
"Bumalik na ang alaala mo, tama?" tanong
ni Red.
"Labas ka na, Red. Ayusin mo ang ibang
talent at huwag kami ni Seola," pagtataboy
ni Clouds.
"Labas na ako, Seola. Kapag may kailangan
ka, pumunta ka lang sa opisina ko," paalam
ni Red at lumabas na.
"Huwag kang pumunta. Dapat na iwasan mo
na si Red kasi gusto ka niya," sabi ni Clouds
matapos isara ng pinsan ang pinto.
"Mabait naman si Red at hindi naman siya
nanliligaw sa akin," depensa ni Seola.
"Kahit na. Alam mo namang bantay-sarado
tayo ngayon. Mas mainam nang maging
sigurado. Okay lang na magkaroon tayo ng
isyu pero mas maging kumplikado kapag
ma-link ka pa kay Red," ani Clouds. Gagawa
at gagawa ng paraan ang haters para
masiraan si Seola at kapag mangyari iyon,
hindi na siya makapagpigil pa.
"Bahala ka kung ano ang gusto mo," sabi ni
Seola. "May sasabihin ka pa? Pupunta na
ako sa room ko dahil kanina pa naghihintay
si Manager Yoo," paalam ni Seola.
"May sasabihin pa ako," sabi ni Clouds na
hinawakan sa kamay si Seola at dinala sa
dibdib niya. "I love you."
Napangiti si Seola at marahang tinulak si
Clouds. "I love you too, Ulap."
"Pango? Ipaampon mo na kasi si Ash sa
amin," pag-iiba ni Clouds kaya hinila ni Seola
ang kamay.
"Ayaw ko."
"Paano kapag maging asawa na kita? E di si
Ash lang ang hindi Villafuerte? Kapatid ko
rin naman siya ah," giit ni Clouds. Sana
talaga ay pumayag na si Seola. Kahit siya,
gusto rin niyang maging legal na kapatid si
Ash.
Umiling si Seola. "Kapag buhay ang mga
magulang ko, hindi rin sila papayag," tanggi
ni Seola.
"Malay mo, baka hindi kayo magkapatid ni
Ash?" biro no Clouds pero pinandilatan siya
ni Seola.
"Magkapatid kami! Sigurado ako!" giit ni
Seola kaya itinaas ni Clouds ang mga kamay.
Alam naman niyang magkapatid nga ang
dalawa.
"Biro lang, galit ka na agad?" mahinahong
sabi ni Clouds at ginulo ang buhok ng
kasintahan. "Gusto lang talaga namin na
maampon si Ash. Kilala mo naman si Daddy,
sabik siyang ampunin kayo."
"Matanda na ako para magpaampon,"sabi ni
Seola.
"Kaya nga si Ash na lang para ikaw,
pakasalan na lang kita," pagtanggol ni
Clouds sa mga magulang.
"Bakit hindi sila gumawa ng babae?"
"Kasi ayaw ng lolo ko ng babae dahil
mawawala ang apelyido ng Villafuerte kapag
mag-asawa ito," sagot ni Clouds kaya
napabuntonghininga si Clarissa.
"Mawawala rin naman kay Ash kapag mag-
asawa siya."
"Hmm? Hanapan ko na lang siya ng lalaking
Villafuerte," nakangising sabi ni Clouds kaya
nanlaki ang mga mata ni Seola at tinampal
siya sa braso.
"Hoy, Ulap! Ang bata pa ng kapatid ko para
ireto mo!"
"Sus, okay lang 'yan. Uso naman sa amin ang
pagpapakasal kahit na bata pa," natatawang
sabi ni Clouds. Hindi na niya ipipilit ang
pag-ampon kay Seola. Hahanapan na lang
niya ito ng mapapangasawang Villafuerte.
Kapag kasi ampunin nila, wala nang pag-
asang makapag-asawa ito ng angkan nila.
Naging desperado na rin yata siyang maging
Villafuerte si Ash kagaya ng ama at mga
kapatid niya. Kahit sina Moon, gustong
ampunin sina Seola at Ash pero alam ng
mga ito na bawal ampunin si Seola dahil
pagmamay-ari na niya ito.
"Labas na ako," paalam ni Seola na lumapit
sa pinto.
Sumunod si Clouds sa kaniya. "Sabay na
tayo, ihahatid kita."
Pagbukas nila ng pinto, ang daming
reporters at bloggers sa hallway. Tumayo
ang mga ito nang makita sila.
"Sir? Puwede bang ma-interview kayo
sandali?" tanong ng babaeng blogger.
"Wala akong time," sagot ni Clouds.
"Sandali lang po, sir," giit ng baklang
journalist.
Mas lalong hinigpitan ni Clouds ang
pagkahawak sa kamay ni Seola nang
maramdamang hinahatak ito ng dalaga.
"Sir? Totoo bang hindi lang magkapatid ang
relasyon ninyo ni Seola?" -reporter 1.
"Sir? Paano na po si Clarissa? Hindi ba't
engaged na kayo?"-Journalist
"Seola? Totoo bang inaagaw mo si Clouds
at ginagamit mo ang pagiging magkapatid
ninyo?" -Reporter 2
"Tuloy pa ba ang kasal ninyo ni Clarissa? O
totoong hiwalay na kayo?"-blogger.
"Ano po ang sabi ng management dahil nasa
iisanf agency lang kayong tatlo?"-Journalist
2.
Sunod-sunod na tanong ng mga ito at
humarang sa daan kaya tumigil sina Clouds
at Seola. Tiningala ni Seola ang binata at
inaabangan kung ano ang gagawin nito.
Kinakabahan siya.
"Hindi ba kayo titigil sa mga tanong ninyo?"
Lahat sila ay napalingon kay Rica na may
kasamang dalawang guwardiya na papalapit
sa kanila kaya Napabuntonghininga si
Clouds.
"Hindi totoo ang lahat ng haka-haka at
tuloy ang kasal nina Clarissa at Clouds!" giit
ni Rica.
"Hindi na matutuloy ang kasal," mahinang
sabi ni Clouds kaya naagaw niya ang
atensiyon ng mga ito.
"C-Clouds..." usal ni Seola habang
nakatingala sa kasintahang salubong ang
mga kilay.
"Totoong wala na kami ni Clarissa at si Seola
ang dahilan dahil si Seola naman talaga ang
mahal ko," dagdag ni Clouds. "Mahal ko si
Seola kaya tigilan na ninyo siya!"
Hinila ni Clouds si Seola na nabigla sa
pinagsasabi niya palayo sa mga ito bago pa
siya makagawa ng ikasira ng pangalan niya.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon