1

1.8K 58 0
                                    


MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 1

Unedited...
"Ate? Wala po bang masarap na ulam?" inosenteng tanong ni Astray Czarina.
"Ash? 'Yan lang ang nakaya ng pera ko kaya huwag ka nang mag-inarte. Ang sarap kaya ng pancit canton. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong iulam. Chili-mansi, sweet and spicy, o original? Pili ka lang," sagot ni Seola.
"Magto-toyo na lang ako, masarap pa," nakalabing sabi ni Ash kaya napabuntonghininga na lang si Seola. "Mas mainam pa para tipid tayo sa gas!"
"Hay naku. Mag-asawa ka po kasi ng mayaman," sabi ni Ash.
"Aba, ikaw Ash, ang ambisyosa mo na ah!" sabi ni Seola at ginulo ang buhok ng kapatid.
"Bakit ang ganda mo, Ash?" nagtatampong tanong ni Seola. Matangos ang ilong, mapupulang mga labi at ang kinis ng balat ni Astray pero siya, kabaliktaran yata.
"Maganda ka naman po, ate. Pango nga lang," nakangiting sagot ni Ash na ikinasimangot ni Seola.
"Oo, ako na ang pango. Ako na ang hindi maganda. Hindi yat tayo magkapatid e!" sabi niya kaya natawa ang kapatid.
"Ampon ka lang, ate?" inosenteng tanong ng bata.
"Oo," malungkot na sagot ni Seola kaya nanlaki ang mga mata ni Ash.
"T-Talaga, ate? Ampon ka lang po?"
Tumango si Seola at malungkot na ngumiti sa kapatid. "Ang totoo niyan, tatay ko talaga si Duterte. Nahihiya lang akong aminin sa publiko kasi baka makakasira ako sa pangalan ng ating presidente."
Napasinangot si Ash. "Ikaw talaga, Ate Seola. Hindi ka makakausap nang matino."
Tumawa si Seola at ginulo ang buhok ng kapatid. "Kumain na tayo, masarap ang toyong ulam kapag mainit pa ang kanin."
Tumayo siya para maghain na at seryoso talaga silang toyo lang ang iulam.
"Ate? Gusto ko po ng kamatis sa toyo," sabi ni Ash kaya kumuha ng tatlong preskang kamatis si Seola sa labas ng bahay.
Masayang kumain ng umagahan ang magkapatid.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Seola.
"Opo. Pero ate? Talaga pong itlog lang ang ulam ko?" Nang kumulo ang isinasaing kanina, inilagay ni Seola ang isang itlog para baunin ng kapatid.
"Oo, okay na 'yon kaysa sa tuyo," sagot ni Seola at naglakad na para ihatid ang kapatid. Walking distance lang ang boarding house nila sa school kaya malaki ang naititipid nila.
"Mag-aral ka nang mabuti, okay?" bilin ni Seola bago pumasok sa gate ang kapatid.
Napangiti siya habang nakatingin kay Ash na tumakbo na papasok sa paaralan.
"Balang araw, makakatapos ka rin ng pag-aaral mo, magsisikap ako." Determinadong sabi ni Seola sa sarili. Kahit si Astray na lang ang magpatuloy sa mga pangarap niyang hindi na matutupad.
Sumakay na siya sa jeep na dumaan patungo sa Westbridge. Pagbaba niya, napatingala siya sa malaking pangalan ng paaralan. Well, at least nakapasok siya sa Westbridge, tindera nga lang.
Pumunta siya sa store room para kunin ang mga ititinda niya.
"Good morning, ate," magalang na bati ng isang estudyante.
"Good morning!" masiglang bati ni Seola habang binubuksan ang gas para magpainit ng tubig para sa pancit canton at magluto rin ng kikiam.
"Ate? Matagal pa ba? Magpapaluto po ako ng pancit canton," tanong nito.
"Hmm? Malapit nang uminit ang tubig ko," sagot ni Seola.
"Balik na lang po ako. Basta sweet and spicy 'yong akin. Iyong Yakisoba lang po," sabi nito.
"Okay," sagot ni Seola. Suki na niya ito kaya natatandaan niya ang mukha.
Pakanta-kanta pa siya habang nagluluto.
It' spicy, spicier than pepper. 🎶
Passing by hills, hills. There is still one left 🎶
"Ehem!"
Napatigil siya nang may tumikhim sa harapan niya.
"S-Sir, good morning po," magalang na bati niya sa guwapong lalaking nasa harapan.
"Kumakanta ka pala?" tanong ng binata.
"Ah--k-kapag ako lang po," naiilang na sagot niya.
"May boses ka," wika nito at nginitian siya.
"Naku, hindi naman po masyado. Bibili po kayo?" tanong niya.
"Sige, gusto ko ng--" Napatingin siya sa mga paninda ni Seola. "Sige, kikiam na lang."
"Kumakain ka po ng street foods?" tanong niya sa binatang mukhang mayaman.
"School foods lang," nakangiting sagot nito. "Wala ka naman sa street kaya school food."
"Sige po," sabi ni Seola at naglagay sa kawali ng kikiam dahil mainit na ang mantika niya.
"Hey, kumakain ka pala ng ganiyan?" tanong ng lalaking palapit sa kanila kasama ang limang kapatid nito.
"Oo naman," sagot ni Red kay Sunny.
"Masarap? Kakain ako," wika ni Star na hinila ang silya sa tapat ni Seola.
"Ako rin, pa-order ako," segunda ni Moon at kinindatan ang dalaga.
Ayun, naupo silang pito sa harapan niya. Napag-alaman ng dalaga na magpinsan pala si Red at ang team Galaxy. Ewan ba niya kung ba't sikat ang anim sa paaralan. Siguro dahil sila ang may-ari at aminado siyang ang gaguwapo ng mga ito kahit ba iba-iba ang mukha. Isa pa, anim silang magkapatid. Sa pagkakatanda niya, naging test tube babies muna ang anim. Dagdagan pa na mula sila sa angkan ng mga Villafuerte-isa sa mayayamang pamilya ng bansa.
"Kailan kaya ako magkaka-girlfriend?" out of the blue na tanong ni Moon.
"Ako rin, kailan kaya ako ma-devirginize?" segunda ni Star.
"Sino kaya ang first kiss ko?" tanong ni Clouds. Napakunot ang noo ni Seola habang nakikinig sa magkapatid na nasa harapan. Maliit na stall lang ang puwesto niya katabi ng Waffletime, Shawarma at kung ano pa kaya may mga table sa tapat ila. Siya ang maaga pang nagbebenta at ang iba ay mamayang alas nuwebe pa.
"Huwag na nga tayong maglokohan!" sabat ni Red sa anim na pinsan.
"Hala, sino po ang naglolokohan?" inosenteng tanong ni Dust.
"Kayo? Mga virgin pa? Ulo ninyo!" Napailing na sabi ni Red. Parang last week lang, nahuli pa niya sina Star at Moon na may babaeng inaano sa VIP room ng bar ng kaibigan nila.
"Hala, virgin pa ako!" sabi ni Clouds at napahawak sa dibdib na para bang natatakot na magahasa.
"Kayong anim? Eh, numero uno kayo sa pakikipag-boom boom paw eh!" ani Red.
"A-Ano pong boom boom paw?" inosenteng tanong ni Dust. Lahat silang anim ay napatingin sa kaniya at inosenteng hinihintay ang sagot niya kaya naikuyom ni Red ang kamao. Wala siyang mapapala sa magkapatid dahil mukhang pinagkaisahan na naman siya ng mga ito.
"Mauna na ako," paalam ni Red bago pa mapikon sa anim.
"Kuya Red? Ano hong boom boom paw?" pahabol ni Clouds habang palayo na si Red.
Sabay na nagtawanan ang anim nang makalayo na si Red.
"Miss? Padagdag pa ako ng isang order," sabi ni Moon kay Seola.
"Sige po," ani Seola at naglagay pa ng kikiam.
"Ako, squid balls," sabi ni Matter.
Tapos na silang kumain kaya nagsitayuan na at umalis pero may isang naiwan at lumapit kay Seola.
"B-Bakit po?" inosenteng tanong ni Seola. Kakaiba kasi ang titig nito sa kaniya.
"Huwag ka sanang ma-offend, Miss. Pero sana maglagay ka ng hairnet habang nagluluto ka. Hindi mo ba nakikita? Mas mahalaga ang food safety and cleanliness dito. Hindi naman kasi sa kalsada lang ang paninda mo. See? Westbridge ito. Sikat na paaralan sa bansa kaya dapat na paki-maintain ng cleanliness," maarteng sabi ng lalaki na dinaig pa ang babae pagdating sa kalinisan. Okay, hindi niya napansin na wala pala siyang hairnet dahil dumating na si Red at sabay pa na nag-order ang anim.
"S-Sorry po, nakalimutan ko," paumanhin ni Seola.
"Sa susunod, huwag mo nang kalimutan dahil nagha-handle ka ng pagkain. Nakasalalay sa 'yo ang kaligtasan ng costumer mo," bilin nito habang nakapamulsa na nakatunghay sa kaniya.
"P-Pasensiya na po ulit," paumahin niya. Ano kaya ang laman ng isipan nito? Panigurado, sinisigaw ng isip nito na ang pangit ng babaeng kaharap nito.
"At isa pa, pakilagay naman ng kaunting makeup para maayos ka naman tingnan. Kahit na tindera ka lang dito, kailangan mo pa rin maging presentable sa mga tao dahil nire-represent mo ang paaralan namin."
Hindi makaimik si Seola. Ganoon na ba talaga siya kapangit sa paningin nitong lalaking ito?
"Aba't--"
"Ano? Lalaban ka? Gusto mong hindi na makabenta pa?" hamon ng binata kaya mabilis na naitikom ni Seola ang mga bibig at iniwas ang mga mata. Ang hirap maging mahirap. Mas malala pa dahil hindi siya biniyayaan ng ganda.
"Tandaan at gagawin mo ang mga pinagsasabi ko," dagdag pa nito.
"Clouds? Bakit ka nandito?" tawag ng babaeng palapit sa kanila.
"Napadaan lang," tipid na sagot ni Clouds.
"Napadaan?" bulalas ng babae. "Huwag mong sabihin, kumakain ka nito?"
"Of course not. Sino Moon lang ang kumain pero hindi ako," agad na tanggi ng binata at binalaan si Seola na huwag magsalita sa pamamagitan ng matatalim na tingin.
"Ah, ayaw ko lang kasing magka-hepa ang bestfriend ko," sabi ng dalaga. Inakbayan siya ni Clouds.
"Halika na, bes. Ayaw kitang manatili sa lugar na ito. Haist, ba't ba nandito ako?" sabi ni Clouds at niyaya ang bestfriend palayo kina Seola.
"Psh! Sinungaling!" bulong ni Seola habang nakatingin sa dalawang papalayo na.
"Ate? Okay na po ba ang pancit canton ko?" tanong ng dalagang nagpa-reserve kanina.
"Ay, oo. Kukunin mo na ba?" tanong ni Seola.
"Hindi po, dito na ako kakain. Pabili na rin po ng tinapay at iced tea," nakangiting sabi ng dalaga kaya ibinigay ni Seola ang pancit canton.
Malungkot na napangiti siya habang pinagmasdan ang mga estudyanteng dumadaan sa harapan niya. Ang saya nila habang nag-uusap tungkol sa lectures nila. Kung may pera lang sana sila, e di sana isa siya sa mga estudyante sa paaralang ito.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon