50

1.1K 44 1
                                    


MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 50 ( Lost Empress )

Unedited...
"Ba't malaki ang tiyan mo? Buntis ka na
ba?" masiglang tanong ni Sky kay Seola.
Tumawa nang malakas si Clouds kaya kinurot
siya ng dalaga sa tagiliran.
"Sana nga po, buntis siya," nakangiting sabi
ni Clouds na hindi pinansin ang pagsimangot
ng kasintahan.
"Babae, Clouds ha."
Mas lalong tumawa si Clouds. Ganito talaga
ka desperado ang ama niyang mabigyan ng
apong babae.
"Hindi po ako buntis!" Hindi naitago ni Seola
ang pagkairita sa mag-ama. Nainsulto talaga
siya.
Inakbayan siya ni Clouds. "Hindi po siya
buntis, Dad. Busog lang si Seola kaya medyo
lumubo ang tiyan niya."
Gumuhit ang hiya sa mukha ni Sky pero
nandoon ang disappointment.
"Hayaan mo, Daddy. Bibigyan ka namin ng
apong babae," nakangiting sabi ni Clouds at
hinalikan sa pisngi si Seola.
"Akala ko kasi, buntis na. Pasensiya ka na,
hija. Excited lang talaga ako na magkaapo sa
inyo," paumanhin ni Sky.
"O-Okay lang po," naiilang na sagot ni Seola
at alanganing ngumiti kay Sky.
"Paano kaya 'pag mabuntis ka? Para ka
sigurong bulate na--"
"Isa pa, Ulap!" saway niya at pinandilatan
ang kasintahan.
"Biro lang, Seola. Kapag mabuntis ka, proud
na proud ako sa 'yo," sabi ni Clouds.
Naikuyom ni Seola ang kamao. Sa payat
niyang 'to, hindi niya ma-imagine ang
sariling buntis. Paano pa kaua kapag kambal
o triplets? Paano na siya makakalakad? Baka
maratay na siya sa kama.
"Tama na nga 'yan. Pumunta raw si Amanda
rito kahapon?" pag-iiba ni Sky.
"Oo pero hindi ko alam kung bakit ganoon
na lang siya. Namumutla siya kahapon kaya
nagmamadaling umuwi," sagot ni Clouds.
Ang ipinagtataka lang nila ay humingi ito ng
sorry sa kanila.
"Ah, pupunta raw siya rito mamaya," sabi ni
Sky.
"Bakit? Inimbitahan mo naman ang ex mo
na 'yon?" sabat ni Taira na kakababa lang
kaya nagulat si Sky.
"Hindi ah. Babymine naman. Huwag mo nga
akong isipan ng masama. Good boy na si
Sky," sabi ni Sky at hinalikan sa pisngi ang
asawa.
"Kailan pa? Bakit ba kasi nakikipagkaibigan
ka sa kaniya? O baka naman kapag
mangibang bansa ka, pasimpleng nagkikita
kayo?" nagdududang tanong ni Taira.
"B-Bakit ka ba ganiyan mag-isip? Hindi ko
magagawa 'yon," depensa ni Sky. "Hindi
talaga, babymine."
"Oras na malaman ko, hihiwalayan kita, Sky.
Itaga mo 'yan sa bato!" pagbabanta ni Taira.
"Hindi nga e. Huwag ka na kasing magselos.
Halika sa kuwarto, gawa tayo ng baby.
'Yong babae naman," nakangising sabi ni
Sky.
Napangiti si Seola habang nakatingin at
nakikinig sa mag-asawa. Ang sweet lang ng
dalawa kapag magselosan. Minsan, ganito
rin si Clouds sa kaniya. Ang lakas mang-asar
e.
"Pango?" bulong ni Clouds. "Tayo na lang
ang gagawa ng baby girl para sa kanila."
"Tumigil ka!" impit na bulong ni Seola.
"Oh? Amanda? Bakit ang aga mo yata?"
tanong ni Sky nang makitang papasok ang
kaibigan.
"Magandang umaga," bati ni Amanda at
nginitian si Taira saka sinulyapan si Seola.
"Magandang umaga. May kailangan ka?"
tanong ni Sky.
"P-Puwede ko bang mahiram sina Seola at
Ash?" tanong ni Amanda na hindi makatingin
nang diretso sa mag-asawa.
"Bakit ho?" nagtatakang tanong ni Seola.
"Wala rito si Ash!" pagtataray ni Taira.
"Para magpa-test ng DNA," sagot ni
Amanda.
"Para saan?" takang tanong ni Sky. "Bakit
kailangan ng DNA test?"
"P-Para malaman kung magkapatid nga
silang dalawa," sagot ni Amanda. Kailangan
niyang malaman ang totoo dahil
binabagabag siya ng konsensiya niya.
"A-Ano hong totoo?" naguguluhang tanong
ni Seola. "Kapatid ko po si Ash at iisa lang
ang ina namin."
Natahimik si Amanda dahil hindi niya alam
ang isasagot. Kagabi pa siya nag-iisip kung
paano niya mapapayag ang mga ito.
"Kung may balak kang guluhin ang pamilya
namin, itigil mo na ito, Amanda. May
pamilya ka na at may pamilya na rin si Sky.
Huwag mo namang sirain ang pagsasama ng
mga bata!" sabat ni Taira na nanggigigil na
rito.
"H-Hindi naman sa sinisira ko kayo. Masaya
na ako sa buhay ko pero kailangan lang
lumabas ng totoo," sagot ni Amanda. Tama
man o mali ang hinala niya, kailangan niyang
harapin ang lahat.
"K-Kilala mo ho ba ang nanay ko?" tanong
ni Seola. Base sa kilos ni Amanda, mukhang
matagal na silang magkakilala ng kaniyang
ina.
"O-Oo," sagot ni Amanda na ikonakunot ng
noo nina Sky at Taira.
"P-Paano mo nakilala?"
"Tauhan siya ng daddy ko," pag-amin ni
Amanda. "Puwede bang magpa-DNA sina
Ash at Seola?"
"Tauhan? Kayo ba ang rason kung bakit
bigla itong nawala matapos isilang si
Clouds?" galit na tanong ni Taira.
"M-Magpa-DNA tayo at saka ko sasabihin
ang totoong nangyari," sagot ni Amanda.
"Ako ang gagastos. Please, kailangan nating
malaman ang katotohanan. Ito na lang ang
tanging paraan."
Hindi na nila napilit pa si Amanda na
magsalita kaya pumayag na lang sina Sky at
Taira. Sinamahan ni Clouds ang mga ito na
sunduin si Ash sa paaralan saka dumiretso sa
clinic.
"Clouds? Puwede bang magpa-DNA test ka
rin?" pakiusap ni Amanda.
"Ako?" tanong ni Clouds sabay turo sa sarili.
Tumango si Amanda at malungkot na
nginitian ang binata. "Sorry pero gusto ko
lang makasigurado dahil minsan ka nang
nanirahan sa sinapupunan ng ina nila."
"Ako ang natatakot sa mga pinaggagawa mo
sa amin, Tita Amanda," sabi ni Clouds na
walang nagawa kundi pumayag na lang.
Wala namang mawawala sa kaniya sa
gagawing test.
--------------
Nasa hospital sila at nag-aabang ng resulta
ng DNA test dahil ngayon daw lalabas ang
result.
"Bakit nandito kayong lahat?" tanong ni Sky
nang sabay na nagsidatingan ang lima pa
niyang anak.
"Hihingi kami ng monthly allowance, Dad,"
sagot ni Matter.
"Kailangan pa talagang pumunta kayo rito?"
naiinis na tanong ni Sky. Pinagtitinginan na
sila ng mga pasyente at medical team dahil
ang tatangkad pa naman nila.
"Walang pumasok sa account namin," sabat
ni Dust. Ilang beses na bilang tiningnan mula
pa kanina pero wala talaga.
"Busy ako! Hindi ba kayo makapaghintay?"
singhal ni Sky na kung puwede lang, isa-isa
niyang ibabalibag ang mga ito. Nauubos na
ang pera niya sa kakahingi ng anim. Minsan,
gusto naman niyang magpahinga sa
kakahingi ng mga anak.
"Ang ingay ninyo!" reklamo ni Clouds na
bitbit si Ash. Kanina pa sila naghihintay pero
wala pa ang doctor.
"Doon na nga kayong anim sa isang tabi.
Huwag kayong haharang-harang sa hallway.
Dalhin mo sina Seola at Ash, Clouds!" utos
ni Sky at napahawak sa batok. Sigurado,
mataas na naman ang blood pressure niya.
"Ang allowance namin, Dad," ani Star.
"Maghintay kayo!" sagot ni Sky kaya parang
mga batang naupo sa isang tabi ang anim
kasama sina Ash at Seola.
"Bakit kailangan ipa-DNA ni Amanda sina
Ash at Seola?" tanong ni Taira nang silang
dalawa na lang ang nakaupo sa mahabang
silya sa labas ng clinic ng doctor.
"Hindi ko rin alam, babymine," sagot ni Sky
sa asawa. Bigla na lang itong susulpot tapos
nanghihingi ng DNA test.
"Hindi kaya may kinalaman ito Sa pagkawala
ng surrogate mother ni Sky noon?" tanong
ni Taira. Sa lahat ng ina, ang nanay ni Sky
lang ang biglang naglaho na parang bula
kahit na mataas ang offer nila bilang yaya ng
anak nila.
"Matagal pa ba ang doctor?" Napatingala
sila kay Amanda na lumapit sa kanila.
Naupo ito sa tabi ni Sky kaya napagitnaan
nila ang lalaki.
"S-Sky? Naalala mo pa ba noong
nagpaplano tayo ng toy factory business
natin?" mahinang tanong ni Amanda.
"Ang alin do'n?" tanong ni Clouds.
"Hindi ba't sabi mo, gagawa ka ng team
galaxy?" paalala ni Amanda. Naikuyom ni
Taira ang kamao habang nakikinig sa dalawa.
Hindi niya nagustuhan ang biglaang
pagsulpot ni Amanda sa pamilya niya. Para
kasing may dala itong delubyo.
"Nagawa ko na," sagot ni Sky at hinawakan
ang kamay ni Taira. "Nagawa na namin ni
Babymine."
Umiling si Amanda. "N-Naalala mo pa ba na
gusto mong magkaroon ng babae sa team
galaxy? Natatandaan mo pa ba ang gusto
mong ipangalan sa kaniya?"
Napasulyap si Clouds sa mga anak nang
maalala ang gusto niyang ipangalan sa anak
kung magkaroon man ng babae sa team
galaxy niya. Natatakot siya. Kinakabahan.
Naguguluhan.
"Kung pumunta ka rito para guluhin ang
pamilya namin, Amanda, makakaalis ka na!"
pagtataboy ni Taira nang hindi na napigilan
ang sarili.
"Ayan na ang doctor!" masayang sabi ni Star
nang bumukas ang pinto. Lahat sila ay
nagsitayo at lumapit para kapag tapos na,
agad na nilang makuha ang allowance.
"Nandito pala ang buong pamilya,"
nakangiting sabi ng family doctor nina Sky.
"Pasok muna kayo."
"Kami--" Hindi na natuloy ni Sky ang
sasabihin nang nauna pang pumasok ang
mga anak kaya nagmistulang sardinas sila sa
loob ng clinic ni Dr. Ramirez.
"Doc? Puwede pa bang ipa-abort ang anim
na 'to?" problemadong tanong ni Sky.
Malapit nang pumuti ang buhok niya sa
kakulitan ng anim.
Naupo ang doctor sa harap ng magpamilya
at kinuha ang white folder sa mesa saka
binuklat ito.
"Hawak ko na ang resulta ng DNA test na
pinagawa ni Amanda," panimula nito at
napasulyap kay Amanda na balisa.
"Doc? Pakibilisan na lang po, kailangan na
namin ang allowance namin," pakiusap ni
Dust.
"Oo nga po, Doc." Segunda ni Moon.
Allowance lang naman talaga ang ipinunta
nilang lima rito dahil may usapan silang
gagala mamayang gabi.
"Peste! Lumabas nga kayo!" pagtataboy ni
Sky kaya tumahimik na ang mga ito.
"Tatlong tao ang nagbigay ng sample. Sina
Clouds, Seola at Ash," pagpatuloy ng
doctor.
"A-Ano po ang resulta?" kinakabahang
tanong ni Amanda. Si Seola naman ay wala
lang sa kaniya. Sigurado naman siyang anak
ng nanay niya sila ni Ash.
"Negative. Hindi magkapatid sina Seola at
Ash ayon sa DNA result," sagot ni
Dr.Ramirez na ikinabigla nilang lahat.
"H-Hindi 'yan totoo," sabi ni Seola at
napatayo. "M-Magkapatid kami ni Ash.
Nagkamali lang ang result. Doc, ang nanay
ko ang lumuwa kay Ash!"
Hinawakan ni Clouds ang kanang kamay ni
Seola para pakalmahin ang dalaga.
"C-Clouds? Kapatid ko si Ash. Mali lang ang
doctor," sabi ni Seola at napatingin sa
kapatid na inosenteng nakatingala sa kaniya.
Tumulo ang mga luha niya. Paanong hindi
niya naging kapatid si Ash? Ampon ba siya?
Agad na niyakap niya si Ash. Hindi ito
totoo. Hindi niya matatanggap.
"Negative rin. Ayon sa DNA sample, hindi
biological mother ni Ash ang nanay mo,
Seola, kaya malabong magkapatid kayo,"
sabi ng doctor na ipinagtataka nila--maliban
kay Amanda.
"I-I'm sorry," umiiyak na paumanhin ni
Amanda habang nakatingin kina Seola at Ash
na nagyayakapan.
"Positive. Kay Clouds nag-match ang DNA ni
Ash," sabi ni Dr. Ramirez kaya lahat ay
napanganga at sa kaniya nakatuon ang mga
mata.
"U-Ulitin mo nga ang sabi mo," nanginginig
ang boses na wika ni Sky nang siya ang
unang matauhan.
"99.9 percent positive ang DNA result nina
Clouds at Ash kaya magkapatid sila," ulit ng
doctor kaya tumulo ang mga luha ni Taira.
"N-Niloko mo ako, Sky?" nanlalamig na sabi
ni Taira habang tumutulo ang mga mata.
Ang mga anak ay nablangko bigla ang mga
mukha sa narinig mula sa doctor.
"Shit!" bulalas ni Sky at niyakap ang
asawang tumayo. "H-Huwag kang maniwala,
hindi ako ang ama niya."
Nagpupumiglas si Taira pero mas lalong
himihigpit ang yakap ni Sky sa kaniya.
Nakatingin lang silang lahat sa mag-asawa
nang magsalita si Amanda.
"I-I'm sorry, it w-was my father's fault,"
paumanhin ni Amanda kaya sa kaniya naman
ang mga mata ng mga ito. "A-Anak ninyo si
Ash. K-Ka--k-kakambal siya nina Clouds."
"A-Ano ang ibig mong sabihin?"
nahihirapang tanong ni Sky.
"I think, she was a preserved specimen,"
sabat ng doctor, "mula sa inyong mag-
asawa."
"A-Anak ko si Ash," usal ni Sky  bago
magdilim ang paningin niya.
"Daddy!" sabay na sigaw ng team galaxy
saka mabilis na sinalo ang amang nawalan
ng malay.

A/n;
Astray Czarina- "Lost Empress"
Astray(synonym of Lost)
Czarina(an empress of Russia before 1917)
Kaya madalas kong, binubuo ang "Astray
Czarina".
May mga naisip akong plot, twist, etc...
pero kailangan kong magsulat ng
pagkahaba-habang eksena bago makarating
sa mga gusto kong isulat. Tiyaga lang
talaga.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon