Finale

1.4K 48 1
                                    


MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

FINALE

Unedited...
"Buwesit talaga na Seola. Alam ba niyang
limang minuto na tayong naghihintay?"
reklamo ni Clouds. Pupunta sila sa Baguio
para sa Pinagbenga festival.
"Kalma lang, na-traffic lang siya. Malapit na
raw," wika ni Red at isinuot ang sunglasses.
Alas siyete pa naman ang call time nila.
Sadyang maaga lang talagang dumating si
Clouds.
"Kainis! Sana sa bahay na lang siya natulog
kagabi!" reklamo ni Clouds. Masama ang
loob niya kay Seola dahil ayaw nitong
tumabi sa kaniya. Mas pinili pa nitong
puntahan ang kaibigan kahit na hating-gabi
na dahil lang lasing daw ito.
"Saan siya natulog? Sa ibang kama ba?"
pang-aasar ni Red kaya namula ang mukha ni
Clouds sa galit.
"Ikaw, Red, wala ka bang magawa sa buhay
kundi sirain kaming dalawa?" singhal ni
Clouds kaya napatingin ang ibang talents sa
kanila.
"Bakit? Malapit na sigurong mamulat si
Seola sa katotohanang hindi ka naman
talaga mabuting kasintahan," pang-aasar pa
ni Red. Ang sarap lang pagmasdan ni
Clouds. Para itong tanga.
"Kung hindi lang kita pinsan, kanina pa kita
sinapak. Hindi mo kami masisira. Mas
matibay pa 'to sa Great Wall of China!"
pagmamayabang nu Clouds. Going strong
naman sila ni Seola kaso may tampuhan lang
minsan. Subukan lang nitong ipagpalit siya
sa iba dahil papatayin talaga niya ang lalaki
nito.
"Malilintikan talaga ang pango na 'yo
pagdumating siya!" pagmamaktol ni Clouds.
Kanina pa siya nag-aalala at kinakabahan.
Bakit kay Red ito tumawag? Napasulyap siya
sa pinsan na nakipag-asaran na sa mga
artistang bitbit. May relasyon kaya sila ni
Seola?
"Hindi puwede!" pagbawi niya sa naisip. Mali
na pag-isipan niya ng masama ang
kasintahan. "Hindi ganoon si Pango. Haist!"
Naupo siya sa isang tabi. Ilang sandali pa ay
tumigil ang itim na kotse at bumaba si
Seola.
"Oh, ayan na si Seola mo," sabi ni Red kaya
napatayo si Clouds.
Lahat sila ay nag-aabang kung ano ang
gagawin ng binata. Tiyak, magtatalo na
naman ang mga ito. Normal na sa kanila na
lumalabas ang masamang ugali ni Clouds.
Sanay na sila sa binata.
Ang iksi ng maong shorts ni Seola kaya
kitang-kita ang mahahaba nitong binti. Pero
maluwag naman ang suot na light slate gray
tshirt tapos naka-shades.
"Seola!" malakas na tawag ni Clouds saka
lumapit sa dalaga.
"Ulap," pabulong na sagot ni Seola.
Kinakabahan siya. Sobrang galit kasi ito
kagabi nang iwan niya para puntahan ang
nalasing na kaibigan. Sasama pa sana ito
pero iniwan na niya tapos hindi na sinagot
ang tawag nito.
"Akin na ang bag mo, mabigat 'yan," parang
maamong boyfriend na sabi ni Clouds saka
kinuha ang bitbit ni Seola. "Tingnan mo nga
'yang katawan mo, ang payat mo pero
nagbubuhat ka ng ganito? Hindi tama.
Dapat kasi kumuha ka na ng PA para hindi
ka mahirapan dahil minsan, hindi naman tayo
nagkakasama."
Napatingala si Seola sa kasintahan.
Inakbayan siya nito at iginiya palapit sa van
na sasakyan nila patungong airport. Hapon
pa naman mag-uumpisa ang guesting nila sa
mall show.
"Hindi ka galit, Ulap?" bulong ni Seola.
"Hindi na," sagot ni Clouds na maaliwalas na
ang mukha.
"Psh! Nabahag ang buntot," bulong ni Red
nang madaanan nila ito pero napaharap si
Red sa katabi nang tumigil si Clouds saka
hinarap siya. "Alam mo, Rico? 'Yong tuta ng
kapitbahay namin? Ang lakas makatahol
pero nang lapitan ko, tumakbo rin. Nabahag
ang buntot ng tuta," pagkukuwento ni Red.
Kunyari ay wala sina Clouds sa harapan niya.
"Halika na, Seola. Sa gitna tayo ng van
maupo." Yaya ni Clouds at hinila na ang
kasintahan.
Apat sila nina Red at ka-loveteam nitong si
Lovely ang nakaupo sa gitna ng van. Ang
dalawang lalaki sa gitna at dalawang babae
naman sa gilid ng bintana.
Hinubad ni Clouds ang jacket saka itinakip sa
hita ni Seola. "Malakas na ang aircon,"
bulong ni Clouds saka isinandig ang ulo ni
Seola sa balikat niya. "Medyo malayo pa ang
airport kaya matulog ka na lang muna.
Gisingin na kita kapag nandoon na tayo."
"Dapat sa airport na lang ako dumiretso,"
reklamo ni Lovely.
"Mas okay kapag sabay tayong pumunta,"
ani Red.
"Namamawis na tuloy ako. Hindi pa naman
ako sanay sa masikip na van," reklamo ni
Lovely. Isa sila sa inaabangan ng mga tao sa
Baguio kahit na kakapasok pa lang niya
teleserye ni Red.
"Ayaw mo? Kuya? Pakitigil ng van dahil
bababa si Lovely," naiinis na sabi ni Clouds.
Pinapatulog niya si Seola pero ang ingay ng
bunganga ng isang 'to.
"Biro lang. Sanay naman talaga akong
marami tayo para masaya," mabilis na bawi
ni Lovely saka inayos ang sarili.
"Tsk! Para kang babae," saway ni Seola saka
kinurot ang kasintahan sa tagiliran.
"Ingay e," bulong ni Clouds saka niyakap si
Seola at ipinatong ang ulo niya sa ulo ng
dalagang nasa balikat niya.
Pagdating sa Baguio, hindi pumayag si
Clouds na hindi sila magkasama ni Seola sa
iisang kuwarto. Nakipagtalo ito kay Red
pero sa bandang huli, nanalo pa rin si Red.
Bawal ang mga lalaki sa girl's room. Marami
sila kaya nag-share na lang ang iba. May
taga ibang TV network pa kasi silang
kasama. Kaso magkaibang mall lang sila.
"Nagka-stampede na sa SM," sabi ng isang
staff nang pumasok sa kuwarto nina Red.
"Ha? Mamayang hapon pa kami pupunta.
May ano pa roon?" nagtatakang tanong ng
binata.
"Alam mo na, inaabangan kayo."
"May napahamak ba?"
"Wala naman. Minor enjury lang daw pero
okay lang," sagot ng lalaking staff. "Pero
ang luwag ng Robinson."
Napailing na lang si Red. Kapag outside ng
Metro Manila, dinudumog ang mga artista
ng TV network nila. Isang patunay na sila
ang nangungunang TV network sa bansa.
"Saan ka pupunta, Clouds?" tanong ni Red
nang makitang bitbit nito ang unan.
"Makipagpalitan," sagot ni Clouds kaya
napahilamos si Red at hinarangan ang
pinsan.
"Not now, Clouds. Ang dami kong iniisip
para dagdagan mo pa," pakiusap ni Red.
"Huwag mo na akong isama sa problema
mo, Red. Aalis na ako sa room na ito."
"Putang ina, Clouds!" pagmumura ni Red
kaya napatingin sa kanila ang ibang kasama
sa loob ng room. "Huwag ka ngang isip bata
kung ayaw mong i-ban ko ang lahat ng
concerts mo! Bawal ka ngang pumunta kay
Seola dahil ayaw ko ng isyu. Magkasama
naman kayo kapag bumalik tayo sa Maynila!
Ano ang gusto mo? Nasa tabloid na naman
kayo? Sisirain mo ang pangalan ni Seola? O
makisabay ka sa live in isyu? Iyon ba ang
gusto mong gayahin ng fans ninyo?"
"Nagpakatotoo lang naman kami ni Seola.
Ano ang masama roon? Gusto mong
hangaan kami sa maling pagkatao? Sigurado
naman kami sa relasyon namin," tanong ni
Clouds.
"Kung sigurado kayo,why not marry her?"
hamon ni Red kaya natigilan si Clouds.
"Nang mabawasan na ang sakit ng ulo!"
"Fine! Papakasalan ko naman talaga si Seola.
Huwag kang atat!" matapang na sagot ni
Clouds saka bumalik sa kama nito.
"Kitang nag-iipon pa 'ko e," bulong ni
Clouds saka tinawagan si Seola kung okay
lang ba ito sa kabilang hotel room.
Alas dos ng hapon, bumaba na sila at
tumungo sa SM.
Paglabas pa lang nila sa van, ang dami nang
tumitili at sumisigaw ng mga pangalan nila.
Mabuti na lang dahil mahigpit ang security
at bodyguards na dala ni Red. Marami
kasing fans na nanakit. Ang iba ay
nanununtok pa. Sa dami nila, mahirap nang
mahanap kung sino ang nanakit.
Agad na pinauna ang ibang artists sa
paglabas sa stage.
Naupo si Seola sa silya at inayos ang buhok
niya. Light makeup lang ang inilagay niya
dahil alam niyang magagalit si Clouds kapag
kinapalan niya.
"Here."
Napatingala siya sa kasintahan nang abutan
siya ng tumbler nito na may lamang
chamomile tea.
"Baon mo 'to?"
"Nakatimpla na 'yan kanina pag-alis ko sa
bahay. Nilagyan ko lang ng maligamgam na
tubig sa hotel. Uminom ka muna dahil baka
isang oras pa tayo," sagot ni Clouds at
yumuko saka inayos ang shoelace ni Seola.
Napangiti ang dalaga saka napayuko para
tingnan ang ginagawa ni Clouds.
"Okay na 'yan, Ulap. Salamat."
Naupo si Clouds sa tabi niya saka kinuha ang
tumbler saka binuksan at muling inabot sa
kaniya.
Uminom si Seola at humarap kay Clouds.
"Kinakabahan ako," ani Seola. "Pqqno kung
makalimutan ko ang lyrics?"
Tinakpan ni Clouds ang tumbler. "Kasama
mo naman ako kaya huwag kang kabahan."
Ngumiti si Seola nang akbayan siya ni
Clouds.
"U-Ulap? Hindi ka ba galit sa akin?" tanong
niya. Alam niyang may malaking kasalanan
siya sa binata kagabi.
"Hindi naman," sagot ni Clouds saka
pinagmasdan si Seola. "Basta huwag mo
nang ulitin iyon dahil nag-aalala ako, okay?
Paano kung ikaw ang napahamak?"
"Lasing kasi siya kaya kailangan kong
puntahan sa boarding house niya. Suicidal
kasi ang isang 'yon," sagot ni Seola.
"Tapos na iyon. Pero ayaw kong umalis ka
na hindi ako kasama. Paano kung hindi
naman pala totoo?"
"May tiwala naman ako sa kaibigan ko," sabi
ni Seola at pinisil ang magkabilang pisngi ni
Clouds. "Ang cute ng ulap ko."
Ngumiti si Clouds na parang nagpapa-cute
na bata.
"Cute ka rin naman, pango ko."
"Nilalanggam na tayo," biro ng organizer.
"Kayo na ang next."
Nagpalit ng lineup dahil may emergency na
pinuntahan si Red kaya sila na ni Lovely ang
pinauna at sina Clouds ang huli.
Tumayo si Clouds saka inilahad kay Seola
ang kanang kamay.
"Let's go?"
"Sure," masiglang sagot ni Seola saka
sumama kay Clouds palapit sa backstage.
Hindi sila magli-lipsync. Bawal daw sabi ni
Red dahil tunay raw silang singers. Pero
kapag namamaos o kinakailangan,
pumapayag naman ito.
"Seola?" tawag ni Clouds at hinigit si Seola
palapit sa kaniya.
"Ano 'yon, Ulap?"
Naramdaman niya ang paglapat ng malamig
na bagay sa leeg niya.
"Mas bagay sa 'yo. Ngayon, nasa totoong
nagmamay-ari na talaga siya," sabi ni Clouds
at hinapit sa bewang si Seola at mabilis na
ginawaran ng halik sa mga labi.
"Huwag na nating paghintayin pa ang fans
natin, Seola. Let's go?"
Napahawak si Seola sa kuwentas habang
papalabas sila sa stage. Ang sweet lang ng
boyfriend niya kahit na palagi siyang inaasar
nito. Siguro bored lang 'to sa buhay kaya
pang-aasar sa kaniya ang madalas na trip
nito.
"Hello, Baguio!" pasigaw na sabi ni Clouds
nang lumabas sa stage habang hawak ang
kamay ni Seola.
"Magandang gabi, Baguio!" nakangiting bati
ni Seola na parehong may hawak na mic ang
kabilang kamay nila ni Clouds.
"Kyaaah. I love you, Clouds!"
"Ate Seola, ang ganda mo!"
"Lodi!"
"Petmalu!"
Hindi na nila alam kung saan nanggaling ang
mga sigaw.
Nagsimulang kumanta si Seola kaya medyo
tumahimik na ang ibang fans. Ang daming
tao. Halos hindi mahulugang karayom sa
dami kahit na gabi na. Dalawang kanta lang
ang kakantahin nila dahil kulang sa oras.
"Okay guys? You want more?" nakangiting
tanong ni Clouds na sanay na talaga sa mga
tao.
"More! More!"
"Medyo namamaos na kami ni Ulap pero
kakanta pa rin kami," nakangiting sabi ni
Seola.
"Last song na namin ito," sabi ni Clouds.
"Pero bago ko ito kantahin, gusto ko lang
malaman ninyo na para talaga kay Seola ang
kantang ito. This song of mine was inspired
by her beauty. Habang isinusulat ko ito
noon, siya ang nasa isip ko. Well? Ahm--
inlove na ako noon sa kaniya," natatawang
sabi ni Clouds.
"Ayieeee..." sabay na tukso ng fans kaya
uminit bigla ang magkabilang pisngi ni
Seola.
"N-Noon pa 'yon," sabi ni Seola.
Inakbayan siya ni Clouds at hinigit payakap
sa dibdib nito kaya napasubsob ang mukha
ng dalaga sa mabangong dibdib ni Clouds.
Dug... Dug... Dug...
Ang lakas ng tibok ng puso nila pareho.
Napatingala siya kay Clouds. Kinakabahan ba
ito? Pero mukhang hindi naman.
"Mas long inlove na ako ngayon kaya ito ang
kakantahin natin," nakangiting sabi ni Clouds
kaya nagtatalunan ang fans nila sa kilig.
"Ate Seola? How to be you po?" sigaw ng
dalagitang nasa unahan nila na hindi
nakaligtas sa pandinig ni Clouds.
"Huwag na ninyong gustuhin na maging si
Seola. Ang dami na ninyo. Loyal ako sa isa,"
biro ni Clouds kaya napangiti si Seola. Hindi
na niya kaya. Saan kaya humuhugot ang
mokong sa mga pinagsasabi nito sa harap
ng maraming tao.
Nagsimulang tumugtog ang gitarista. Gusto
sana ni Clouds na siya ang maggigitara pero
mas pinili niyang ipaubaya sa banda. Kinuha
ni Clouds ang mataas na upuan saka pinaupo
si Seola saka nagsimulang kumanta ng
kantang na-composed niya.
Your eyes are not beautiful 🎶
Neither is your nose 🎶
But how did I get to love you?🎶
Maybe my heart melted at your smile 🎶
Panimula ni Clouds saka humarap kay Seola.
I like you, who isn't that pretty 🎶
When I'm in your arms
All of the hard things 🎶
Get erased like magic
Your coziness and warmth
I miss it so much 🎶
All day I only think of you 🎶
I go better with you more than anyone in
this world🎶
Iniwas ni Seola ang mga mata kay Clouds at
humarap sa audience. Iniangat niya ang mic
saka sinabayan na si Clouds sa pagkanta.
I will stay by your side so don't let me go
🎶
You always smile even when things are hard
You say it's alright even when something is
up 🎶
Natawa si Seola nang lumuhod si Clouds sa
harapan niya habang hawak nito ang
kaliwang kamay niya. Ang daming pakulo ng
mokong para mapasaya ang mga taga
Baguio.
I want to take some of the heavy weight off
your shoulders 🎶
When I kiss you all of hard things get erased
like magic 🎶
Tumigil ang banda kaya nagtatakang
napalingon si Seola sa mga ito. Kahit ang
mga tao ay nagsimula nang magbubulungan.
Napayuko si Seola kay Clouds na may hawak
na maliit na box.
"Kyaaaah. Oh my!"
"Oxygen, please!"
Tilian ng mga tao na ikinanganga ni Seola.
"U-Ulap..." usal ni Seola sa binatang
nakaluhod sa harapan niya.
"Bago ako mawalan ng amnesia, sinabi kong
magpro-propose ako sa babaeng
pinakamamahal ko. Pero nangyari ang hindi
dapat mangyari. Nagka-amnesia ako kaya
nabura sa aalala ko ang babaeng iyon."
Panimula ni Clouds kaya kinakabahan si
Seola. Nabibingi siya kaya wala na siyang
naririnig sa palibot niya kahit na nagtitilian
na ang lahat ng taga Baguio.
"Pero napatunayan kong taka nga sila,
nakakalimot ang utak pero hindi puso. Kahit
na wala akong maalala, ang bilis pa rin ng
pagtibok ng puso ko sa tuwing nakikita kita,
Seola."
Napatutop si Seola sa bibig nang buksan ni
Clouds ang hawak nitong box. Mamahaling
singsing ang laman nito.
"U-Ulap..." usal ng dalaga habang nakatitig
sa mga mata ng kasintahan.
"Sa harap ng fans, sa harap ng taga Baguio,
will you marry me, Seola? Willing ka bang
maging isang Villafuerte?" puno ng pag-
asang tanong ni Clouds kaya tumulo na ang
mga luha ni Seola. Sino ba ang
makakatanggi sa guwapo at sweet na
lalaking nakaluhod sa harapan niya? Alam
niyang hindi siya kagandahan pero sa harap
ng lahat, pinaparamdam ni Clouds na siya
ang pinakamagandang babae sa balat ng
lupa.
"Y-Yes! Oo, Ulap ko," luhaang sabi ni Seola
saka pinatayo si Clouds.
"Yes!" masayang sigaw ni Clouds na parang
nanalo ng jackpot sa lotto matapos ipasuot
sa daliri ni Seola ang singsing saka itinaas
ang kamay nito at humarap sa maraming
tao. "Engaged na kami! Lahat ng taga
Baguio, magdiwang!"
Ang lakas ng hiyawan ng lahat kasabay ng
pagputok ng fireworks sa labas ng mall.
Niyakap ni Clouds si Seola saka masuyong
hinalikan sa mga labi.
"Ikakasal na 'ko!" proud na sigaw ulit ni
Clouds nang magkahiwalay ang kanilang
mga labi.

A/n:
May epilogue pa...

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon