54

1.1K 50 0
                                    

MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 54

Unedited....
"Nandito na ang mga chicks," anunsiyo ni
Sun nang pumasok ang barkada at mga
kaibigang babae nito. Mga modelo kaya ang
kikinis ng kutis at matatangkad pa. Nasa
labas sila at nanonood ng napakagandang
sunset habang nag-iihaw ng matatabang
isda sa labas ng resort. Alas sais na ng
hapon kaya nagsimula na silang magluto ng
dinner.
"Lintik! Hindi ba't bawal magdala ng babae
rito?" singhal ni Sky.
"Dad? Magswi-swimming lang naman sila,"
depensa ni Moon.
"Oo nga po, Dad. Diyan lang sila sa kabilang
resort at kaibigan naman namin sila," sabat
ni Matter.
Napabuntonghininga si Sky. Naalala tuloy
niya noong nagbibinata siya. Ganito rin sila
ng ka-triplets niya. Medyo boring lang si
Black pero si Blue? Ito ang kasama niya sa
kalokohan. Ang problema lang ay mas nauna
itong nagpakatino kaysa sa kaniya.
"Umalis na kayo sa harapan ko!" pagtataboy
ni Sky kaya nagsilayasan na ang mga anak at
lumapit sa mga kaibigan. Mahigit sampu ang
babae at lima ang lalaking bisita.
"Ikaw Clouds? Hindi ka ba makiki-jamming
sa kanila?" tanong ni Taira kaya napalingon si
Seola sa binata na hindi pa nakaalis.
"Mas gusto kong manood ng sunset kasama
si Ash," walang ganang sagot ni Clouds na
nasa kandungan ang bunsong kapatid.
"Kuya Clouds? Ligo tayo?"
"Tama na ang paliligo, baby," sabat ni Sky.
Kanina pa kasi ito naglulublob sa dagat
kasama ang mga kapatid. Umahon lang nang
pinasundo ni Sky kay Moon.
"Bukas naman po, Daddy?" inosenteng
tanong ni Ash.
"Oo, bukas ng umaga. Sabay ulit tayo," sabi
ni Sky. Mas nauna lang siyang umahon dahil
kailangan niyang tulungan si Taira sa dinner
nila kahit na may katulong naman na
tigahanda ng pagkain nila.
Napatingin si Seola sa mga babaeng naka-
two piece at nagswi-swimming. Ang hahaba
ng binti nila kaya magmumukha siyang
mushroom kapag tumabi siya sa mga ito.
5'4 lang naman ang height niya. Eh sila? 5'7"
yata ang pinakamababa.
"Hija? Ako na rito. Maki-join ka sa kanila,"
sabi ni Taira.
"Huwag na po. Dito na lang ako. Napagod
na po ako sa pag-swimming kanina," tanggi
ni Seola. Ayaw niyang makisalamuha sa mga
ito. Mao-OP lang siya.
Tumulong siya kay Taira na mag-ihaw ng
isda.
"Hija? Alam mo bang sa lahat ng
magkakapatid, si Clouds ang pinaka-bubbly
at maingay sa kanila? Bata pa lang ito, siya
ang madalas na nangunguna sa kakokohan?"
wika ni Taira kaya napalingon ang dalaga sa
kaniya. Minsan, ganoon din naman ang lima
pero si Clouds ang panganay sa anim kaya
ito rin ang madalas na masusunod.
"Alam ko po," mahinang sagot ni Seola at
napatingin sa isdang iniihaw. "Siya pa ang
pinakamaloko sa lahat."
Ngumiti si Taira. "Pero lately, paunti-unti
nang nawawala ang panganay ko."
Hindi nakaimik si Seola at napasulyap kay
Clouds na tumayo at lumapit sa mga kapatid
sa tabing-dagat.
"N-Nawawala?"
Ngumiti si Taira at humarap sa kaniya. "Mula
nang ma-inlove siya, nag-iba na si Clouds.
Pero mas lalong nagbago siya nang
maranasan niyang mabigo at masaktan."
"T-Tita..." Iniwas ni Seola ang mga mata.
Hinawakan ni Taira ang kamay ni Seola.
"Kung may problema kayo ni Clouds, pag-
usapan ninyo."
"K-Kasi tita, hindi ko alam kung ano ang
gagawin ko. May hindi lang po kami
pagkakaunawaan at n-nauwi nga po sa
hiwalayan," pag-amin ni Seola.
"Ganiyan ang mga lalaki ng Villafuerte.
Kapag mahal ka nila, mamahalin ka nila sa
abot ng makakaya nila pero kailangan mo
ring tiisin ang pagiging bipolar at seloso
nila," sabi ni Taira. Kung alam lang ni Seola
kung gaano kahaba ang pasensiya na
ibinibigay niya kay Sky.
"Kung sumasakit ang ulo mo kay Clouds,
mas masakit ang ulo ko kay Sky dahil mula
pa noong bata kami, tinitiis ko na siya,"
natawa si Taira nang maalala ang kabataan
nila ng asawa. "Mahirap na masaya. Wala e.
Napamahal ako sa isang Villafuerte. Mahal na
mahal ko si Sky kahit na masakit siya sa ulo.
Ang akala nila, masuwerte na ako sa dahil
isang Villafuerte at habulin ng babae ang
napangasawa ko. Ang totoo niyan, sila ang
masuwerte sa atin dahil kahit na ganoon ang
ugali nila, nakaya pa natin silang mahalin."
"T-Tita? Hindi na po ako mahal ni Clouds.
Break na po kami," malungkot na sabi ni
Seola.
"Pag-usapan ninyo ni Clouds dahil mas
nasasaktan siya sa nangyayari sa inyo
ngayon. Hindi lang siya umiimik pero alam
kong wasak na wasak siya ngayon, Seola."
Inilagay ni Seola ang mga isda sa plato.
Nahihirapan siya sa sitwasyon lalo na't wala
namang balak si Clouds na kausapin siya.
Kahit tawag o text, wala rin siyang
natatanggap mula sa binata.
"Tawagin ko lang sila. Ihanda na lang ninyo
ang hapunan sa mesa. Dito na tayo sa labas
kumain," sabi ni Taira nang makitang inaayos
nina Sky ang mesa sa labas ng resthouse.
Lumapit siya sa mga anak at kaibigan ng
mga ito.
"Guys? Kumain na muna kayo," sabi niya.
Madilim na ang buong paligid at ang ilaw sa
poste na nakapaligid sa resthouse ang
nagbibigay ng liwanag sa buong paligid.
"Good evening po, Tita," sabay na bati ng
mga ito.
"Good evening," sagot ni Taira at hinarap si
Matter. "Pakainin mo na ang mga kaibigan
ninyo."
Ayun, naunang nagsitakbuhan ang mga bata
pabalik sa resthouse kaya napailing si Taira.
Naranasan na rin naman niya ang mga ito
kaya hindi sila masyadong strict ni Sky sa
mga anak. Isa pa, lalaki naman ang mga
anak niya. Pero kahit paano, gusto pa rin
niyang magkaroon ng respeto ang mga ito
sa mga babae.
Pabalik na siya nang mahagip ng mga mata
niya si Clouds na nakaupo sa malaking bato
sa gilid ng dagat.
"Clouds? Nag-iisa ka yata? Ayaw mo bang
mag-join sa mga kaibigan mo?" tanong ni
Taira nang makalapit.
"Wala ako sa mood, Mom," walang ganang
sagot ni Clouds at tinungga ang alak sa can.
Naupo si Taira sa tabi niya at napatingala sa
langit. "Ang dilim ng kalangitan. Walang
buwan o kahit na isa man lang na bituin,"
wika ni Taira at napasulyap sa mukha ng
anak. Kahit na medyo madilim sa puwesto
nila dahil hindi na naaabot ng liwanag ng
ilaw mula sa poste, naaninag niyang
malungkot ito.
"Alam mo ba kung bakit walang bituwin at
buwan, Mom?" mahinang tanong ng binata.
"Dahil natatakpan sila ng makapal na ulap."
Ngumiti si Taira. "Oo, natatakpan sila,"
pagsang-ayon ng ina.
"Mom? Nalulungkot po ang Ulap kaya ayaw
niyang makita ng mga tao ang liwanag,"
saad ni Clouds. Hinawakan ni Taira ang
kamay ng binata at pinisil ito. "M-Mom?
Alam mo ba kung bakit umuulan?"
"A-anak..." wika ni Taira na hindi alam ang
gagawin. Anak niya ito kay siya ang
nahihirapan.
"Umuulan kasi lumuluha ang ulap," pabulong
na wika ni Clouds saka inubos ang laman ng
can na hawak. "Hindi ko alam kung ano ang
kasalanan ko agad siyang nagdesisyon na
maghiwalay kami. Ganoon ba 'yon? Ang
bagay na puwede namang pag-usapan,
tatapusin na lang sa breakup?"
"H-Hijo? Kaya nga mag-usap kayo,"
malumanay na sabi ni Taira.
"Anong klaseng pag-uusap? Kailan ba niya
ako maiintindihan? Alam mo ba kung gaano
kasakit nang marinig ko mula sa kaniya na
mag-break na kami?" sabi ni Clouds na hindi
pa rin makapaniwalang nasabi iyon ni Seola
sa kaniya. Matapos ang lahat? Sa hiwalayan
lang pala ang bagsak nila?
"Si Seola? Wala man lang siyang lambing sa
katawan. Mas mabuti pa nga siguro sa ibang
lalaki, kinikilig siya," puno ng hinanakit ang
dibdib na sumbong ni Clouds sa ina.
"Clouds? Hindi naman kasi lahat ng babae,
malambing at showy. Iba si Seola. Hindi siya
kagaya ng mga babae mo noon na kaya
kang yakapin sa harap ng maraming tao."
"Baka nandidiri siya sa akin," ani Clouds.
"Kaya nga kausapin mo siya nang matapos
na ang drama ninyo. Mahal ka ni Seola kaya
tama na 'yan, okay? Nahihirapan din naman
siya."
"Mom? Puwede ho bang iwan mo na ako?
Gusto ko pong mapag-isa," pakiusap ni
Clouds.
"W-Wala kang ibang gagawin?"
"Kahit na hindi na ako makapag-asawa pa
dahil hiniwalayan ako ni Seola, hindi ako
magpapakamatay kaya huwag kang mag-
alala."
Tinapik ni Taira ang balikat ni Clouds saka
tumayo. "Kapag nagugutom ka na, bumalik
ka sa resthouse para kumain. Huwag kang
uminom na walang laman ang tiyan mo dahil
magkaka-ulcer ka."
"I will, Mom..."
"Clouds?"
Napatingala si Clouds sa magandang ina.
Wala namang pangit sa pamilya nila at
kapag may manlait, malalagot ang mga ito
sa kaniya.
"Mahal kita. Mahal ka namin," nakangiting
sabi ni Taira saka iniwan na ang anak na
nagdadrama. Pag-uusap lang naman ang
kulang sa dalawa dahil pareho lang silang
nahihirapan.
"T-Tita? Si Clouds po?" tanong ni Seola
nang makasalubong ang ginang.
"Nasa tabing-dagat. Hija? Ayaw ko sanang
makialam pero puwede bang kausapin mo si
Clouds?" pakiusap ni Taira.
"S-Sige po," pagpayag ni Seola. Gusto rin
naman niyang makausap nang masinsinan
ang binata.
Kumain muna sila pero hanggang natapos
sila ay hindi nakita ni Seola si Clouds na
bumalik sa resthouse kaya nang matapos
niyang tulungan ang dalawang katulong na
maghugas ng plato, napagdesisyunan niyang
hanapin si Clouds. Nagbo-bonfire ang mga
ito at ang iingay pa.
"Star? Nakita mo ba si Ulap?" tanong niya
nang makasalubong ito na may inaakbayan
na babae.
"Nasa pusod ng dagat," sagot ni Star.
"Kausapin mo nga. Alam mo namang ilang
araw na iyong nagdadrama."
"Maiwan ko na kayo," paalam ni Seola. May
naaninag siyang anino sa batuhan kaya
lumapit siya.
"Huwag ka nang umasang babalik pa ako sa
'yo dahil hindi na mangyayari iyon, Meriam."
Boses iyon ni Clouds kaya huminto si Seola.
"Alam ko namang may Seola ka na. Pero
nakakatuwa lang dahil sa dami ng babae,
siya pa ang gusto mong seryosohin. Ano ba
ang nakita mo sa kaniya? Hindi naman siya
maganda."
"Mas maganda siya kaysa sa 'yo kaya itigil
mo na ang bunganga mo!" sabi ni Clouds.
"Huwag mo siyang insultuhin sa harapan ko
kung ayaw mong mawala ang respeto ko sa
'yo, Meriam!"
"Fine! Good luck sa inyo! Hindi ka kawalan,
Clouds!" naiinis na sabi ng babae saka umalis
na pero napahinto ito nang matapat kay
Seola.
"Hindi ko alam kung anong meron sa 'yo
pero sana maisip mo na napakasuwerte mo
dahil nasa iyo ang lalaking minsang inaasam
ko!"sabi ni Meriam at nilagpasan si Seola.
Lumapit si Seola kay Clouds at walang imik
na naupo sa tabi nito.
Walang isang nagsalita sa kanila. Tanging
ingay ng alon ng dagat at paghampas ng
tubig sa batuhan ang naririnig ng kanilang
mga tainga. Napayakap si Seola sa braso
nang dumampi ang malamig na hangin sa
balat niya. Ang sarap pakinggan ng tunog
ng kalikasan lalo na't nakikisabay ang mga
dahon sa punong nakapalibot sa resort sa
ihip ng hangin. Wala pa ring tatalo sa
musikang likha ng kalikasan.
"Sorry/Sorry." Sabay na sabi nila.
Napatingin si Seola kay Clouds na umiinom
ng alak.
Ilang segundo na ang nakalipas pero wala
nang nagsalita pang muli sa kanilang dalawa.
Naramdaman ni Seola ang mainit na kamay
ni Clouds na kumuha sa kaliwang kamay niya
saka dinala sa mga labi nito.
Umusod si Clouds palapit sa kaniya na hawak
pa rin ang kamay niya.
"U-Ulap?"
"Mahal pa rin kita, Seola. Mahal na mahal.
Hindi ko kayang maghiwalay tayo. Kung
ikaw, nakakaya mo, ako hindi. Hindi ko
kayang mabuhay nang wala ka. Bakit ganiyan
ka? Bakit basta-basta ka na lang
nagdedesisyon na maghiwalay tayo na wala
man lang konsiderasyon sa nararamdaman
ko? Mahal mo ba talaga ako?" mahabang
sumbat ng binata.
"Mahal ko ang Ulap ko. Alam kong bigla-
bigla na lang akong nagdedesisyon nang
hindi man lang nag-iisip. Pero nahihirapan
ako. Na-miss ko na ang Ulap ko. N-Na-miss
ko na ang kakulitan mo," humihikbing saad
ni Seola at mahigpit na niyakap si Clouds.
"Bati na tayo, Ulap?"
"Kiss mo muna ako, pango," sagot ni Clouds
kaya nahampas siya ni Seola sa balikat.
"Sige na, wala namang nakakakita sa atin
dahil madilim," hirit ni Clouds.
"Ulap naman!"
"Kiss lang e. Sige na, please."
Walang nagawa ang dalaga kundi humarap
siya kay Clouds at masuyong hinalikan ito sa
mga labi. Agad na sinalubong naman ni
Clouds ang mga labi niya at tinugunan ang
mga halik. Mas malalim at mapusok kaya
halos mawalan ng hangin si Seola nang
maghiwalay ang mga labi nila.
Mahigpit na niyakap siya ni Clouds.
"Ulap? Balik na tayo. Marami ka nang
nainom kaya kumain ka na muna."
"Ikaw na lang kaya ang kainin ko rito?"
pilyong sagot ni Clouds at napatingala sa
tumayong dalaga.
"Eh, kung pukpukin kaya kita ng bato sa
ulo?" pagtataray ni Seola na ikinangiti ni
Clouds.
Tumayo si Clouds at inakbayan si Seola.
"Mas gusto ko ang ganito. Kahit na nag-
aaway, tampuhan at asaran tayo, basta
walang nakikipaghiwalay."
"H-Hindi na ako makikipaghiwalay," sabi ni
Seola at ipinulupot ang kamay sa bewang ni
Clouds habang pabalik na sila sa resthouse.
Mas lalo pa niyang minahal si Clouds dahil sa
ugali nito. Tama nga ang ina ng binata--
mahirap pero masarap mahalin ang isang
Villafuerte.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon