MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 53
Unedited...
Hindi na sumama si Seola kin Clouds sa
Hongkong at mas pinili niyang sumama sa
mall tour ng agency nila.
Kagaya ng dati, masaya at maingay ang fans
kapag lumabas na sila sa entablado. Nasanay
na ang katawan niya sa pagpe-perform kaya
palagi na niya itong hinahanap-hanap.
"Saan si Clouds?" tanong ni Red.
"Nasa Hongkong. Family bonding nila,"
sagot ni Seola.
"Ba't hindi ka sumama?"
"Gusto kong magkasarili naman silang
magpamilya," sagot ni Seola. Ilang beses
siyang tinatawagan ng mag-asawa lalo na ni
Ash pero tumanggi siya. Isa pa, hindi niya
kayang pakisamahan si Clouds. Mahigit isang
linggo na silang walang pansinan. Break na
nga siguro sila.
"Mas masaya sila kapag nandoon ka. Hindi
ka pa nasanay kay Tito Sky?" sabi ni Red
pero ngumiti lang si Seola.
"Kailan pala sila uuwi?"
"Ngayon. Baka mamayang hapon, nandito na
sila sa 'Pinas," sagot ni Seola. Nakita niya sa
Instagram ng galaxy ang mga litrato ng mga
ito sa Disneyland. Ang saya ni Ash kahit sa
litrato lang niya nakikita. At least nabibili na
nito ang gusto.
"Ah, akalain mo 'yon? Magkapatid pala sina
Clouds at Ash? Kaya pala ang gaan ng loob
ko sa kaniya, pinsan ko pala siya," hindi
nakapaniwalang sabi ni Red. Nailatha na ang
istorya ni Ash sa lahat ng pahayagan. Meron
na rin silang magazine at balak ng ama
niyang si Blue na gawan ng story ang buhay
ni Ash at ang kapalaran nito. Parang MMK.
"O-Oo nga e. Small world," ani Seola na
naalala ang ina niya. Hanggang ngayon,
hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ng
ina. Ang buti nitong tao. Maybe, may rason
ang nanay niya. Sakitin naman kasi siya
noong bata pa siya at sobrang hirap sa
buhay. Ang bait lang ng mga Villafuerte
dahil sa halip na magalit, nagpapasalamat pa
ang mga ito dahil binuhay ng nanay niya si
Seola.
"Congrats pala sa teleserye mo, ang taas ng
rating," bati ni Seola kaya ngumiti si Red na
proud sa sariling achievement. Mapa-rural o
urban man, sila ang nangunguna sa TV
rating.
"Salamat. Wala pa nga akong ka-loveteam
pero okay lang," pasalamat ng binata. May
ilang leading lady pero hindi naman
nababagay sa kaniya. Action naman ang
teleserye niya kaya okay lang na walang ka-
loveteam sa ngayon.
"Makakahanap ka rin ng babaeng
makakapareha mo," ani Seola.
Tumawa si Red. "Sa ngayon, wala pa. Huwag
na lang muna. Pero nextyear, maghahanap
na ako. Gusto nila ng Romance genre para
sa next movie ko eh."
"Masaya ako para sa 'yo. Napaka-talented
mo talaga."
"Well? Dating superstar ang dad ko noong
kapanahunan niya kaya nasa dugo," proud
na sabi ni Red.
------------------
"Ang ganda!" puri ni Ash nang bumaba sila
sa van. Nauna silang dumating sa resort
kasama sina Star, Seola, Moon at mga
magulang. Alas siyete pa lang ng umaga
kaya hindi pa masyadong mainit. Madilim pa
sila nang umalis kanina para iwas na rin sa
traffic.
"Nagustuhan mo, baby?" tanong ni Sky at
hinawakan ang kanang kamay ni Ash.
"Opo," sagot ng bata na sunod-sunod na
tumango. "Gusto ko pong maligo sa dagat."
Two days lang ang pahinga nila mula sa
bakasyon ng three days sa Hongkong at
naisipan ng magpamilya na dito na muna
manalagi sa resort ng mga Rodriguez sa
Batangas. Tutal, sa ibang lugar naman
nagbabakasyon ang iba pa nilang kamag-
anak.
"Mamaya na. Magpahinga ka muna," sabi ni
Sky. "Mamayang hapon, maliligo tayo kapag
hindi na mainit."
"Minsan lang po kami pumupunta sa dagat
ni Ate Seola noon. Tuwing may outing lang
ang kapitbahay," pagkukuwento ni Ash.
"Huwag kang mag-alala, madalas na kitang
ipapasyal sa dagat kapag gusto mo," sabi ni
Sky kaya pumapalakpak ang bata sa tuwa.
Napalingon sila sa van na biglang tumigil sa
likuran nila.
"Hayop! Ang bilis mong magmaneho, Dust!"
reklamo ni Matter nang bumaba sa van.
Bumaba na rin sina Clouds, Sun at Dust.
"Hindi a," tanggi ni Dust at napatingin kina
Seola. "Hi, Seola."
"Hello," bati ni Seola at sinulyapan si Clouds
na isinuot ang sunglasses saka binuhat ang
maliit na maleta nito. Ne wala man lang
kahit isang sulyap sa kaniya.
"Halina kayo, aayusin pa natin ang mga
gamit natin," yaya ni Taira.
"Dad? Bawal ba talagang magdala ng syota?
Bakit si Clouds, kasama naman si Seola,"
tanong ni Moon.
"Oo nga. Ang unfair," segunda ni Sun.
"Wala akong girlfriend," tinatamad na sabat
ni Clouds kaya napatingin silang lahat kay
Seola.
"W-Wala rin akong boyfriend!" sabi ni Seola
at binitbit na ang bag saka pumasok sa
resthouse. Bahala na silang mag-isip ng
gusto nilang isipin. Kapal ng mukha ni
Clouds! Ito pa talaga ang may ganang
ianunsiyo sa buong pamilya na wala na sila?
"E di wala!" bulong ni Seola.
"Hija? Isa-isa na lang tayo ng kuwarto.
Medyo maliit lang ang silid dito dahil
sinadya talagang liitan para marami ang
maka-accomodate," paumanhin ni Taira.
"Sanay po ako sa masikip," sabi ni Seola.
Malaki ang resthouse at three storey house
ito.
"Dati, double story lang ang resthouse na
ito pero sinadya naming gawing tatlo dahil
minsan, dito kami nagtitipon-tipon.
Lumalaki na rin kasi ang angkan namin kaya
ganito na. Alam mo namang hindi lang
Rodriguez kundi Villafuerte na rin ang
nandito," pagkukuwento ni Taira. Napangiti
siya habang tinitingala ang kabuuan ng
resthouse. Mula pa ito kina Daddy Tyron
niya. Ang dami ring samahan ang nabuo sa
resthouse na ito. Ang daming tampuhan ang
naganap at natapos sa resthouse na ito.
"Daddy? Maraming buko po sa likod, kukuha
po kami mamaya," paalam ni Star nang
mapansin ang mga bunga ng niyog sa gilid
ng resthouse.
"Sige. Pero huwag lang kayong magbaon
pauwi sa bahay dahil baka makita ng Lolo
Skyler ninyo at pati ako, malatigo ng
matandang 'yon," pagpayag ni Sky.
Well? It was a long story. Basta ayaw ni
Skyler makakita ng buko at alam ng mga
apo iyon dahil minsan na silang nagdala ng
buko salad noon pero sa halip na matuwa,
hinabol sila ng latigo ng Lolo Skyler nila.
"Halika na, Seola. Pumili ka ng kuwarto mo,"
yaya ni Taira.
Pinili ni Seola ang kuwartong nakaharap sa
dagat. Pagpasok niya, napailing na lang siya.
Ito ba ang sinasabi nilang maliit na
kuwarto? Kasing laki lang ito ng silid nila ni
Ash sa bahay nila. May pandalawahan na
kama at may mini toilet din.
Lumapit siya bintana at hinawi ang kurtina.
Mula sa kinatatayuan niya, tanaw na tanaw
niya ang malawak na karagatan.
Lumapit siya sa sliding door saka binuksan
ito para lumabas sa veranda.
Napatingin siya sa left side niya. Nakaupo si
Clouds na naka-sunglasses habang
nakatanaw sa malawak na karagatan.
Ngayon lang niya napansin na isang veranda
lang pala silang lahat sa side na ito.
"Fresh air!" hiyaw ni Sun nang lumabas din
sa kuwarto. "Oh? Hello, Seola."
"Hi," nakangiting bati ni Seola at muling
itinuon sa magandang view.
"Tsk! Sarap lang pag may girlfriend na
kasama sa bakasyong 'to," sabi ni Moon
nang lumabas din sa silid nito.
"Sinabi mo pa. Sarap mag-sex sa beach,"
natatawang segunda ni Sun. Pinalampas na
lang iyon ni Seola. Ano pa nga ba ang
asahan niya sa mga lalaking ito? Sa dami ba
naman ng babae nila, hindi maiwasang
maririnig niya ang ganitong topic.
"Clouds? May papupuntahin ka bang babae
rito?" tanong ni Sun.
"Oo nga. Hindi ba't marami kang babae?"
segunda ni Moon kaya napasulyap si Seola
kay Clouds. May babae na ito kaagad? Sa
ganoon kabilis? Kaya pala atat na atat na
maghiwalay sila. Siguro, siya na lang ang
hinihintay nitong magsabi ng hiwalayan.
"Nakita na ba ninyo kung paano
magkabangga ang araw at buwan?"
seryosong tanong ni Clouds kaya napakamot
na lang sina Sun at Moon.
"Huwag na, Ulap. Huwag ka nang magdala
ng babae," ani Moon.
Tumayo si Clouds saka pumasok sa loob ng
kuwarto nito.
"Papupuntahin ko rito ang barkada ko
mamaya. May mga chicks siyang kasama.
Diyan lang sa kabila ang resort nila," sabi ni
Sun.
"Sige, gusto ko 'yan," pagsang-ayon ni
Moon.
Lumapit si Seola sa magkapatid. "M-May
babae ba si Clouds?" usisa ng dalaga.
Minahal naman niya si Clouds kaya hindi
maiwasang hindi siya masaktan.
"Biro lang 'yon," sagot ni Sun at ngumisi kay
Seola. "Inaasar lang namin si Clouds dahil
ang boring na niyang kasama. Ne ayaw
magsalita."
"Broken hearted eh," sabat ni Moon.
"Ah..." tanging nasabi ni Seola. Akala niya,
totoong may iba na si Clouds. "Sige,
magpapahinga lang ako," paalam niya saka
bumalik sa kuwarto.
Naupo siya sa kama at napabuntonghininga.
Ang bilis ng pangyayari. Noon, masaya pa
sila ni Clouds at ang lakas nito mang-asar
pero ngayon, ang tahimik ng mokong at
hindi siya pinapansin.
"Asa pa siyang papansinin ko rin siya!" naiinis
na sabi ni Seola. Umaasa pa naman siyang
magkabati pa sila at suyuin siya ni Clouds
pero hindi e. Mas kinumpirma lang nito ang
breakup nila nang ianunsiyong wala itong
girlfriend.
Saka lang niya namalayang tumutulo na pala
ang mga luha niya. Ngayon lang siya
umiyak. Parang balewala lang kasi noong
una ang nangyari dahil parang maliit na
tampuhan lang pero nang ma-realize niya na
wala na talaga sila ni Clouds, ang sakit lang.
"B-Bakit ko pa kasi nasabi iyon? S-Sana
hindi ko na lang nasabi," humihikbing saad
niya at sinabunutan ang sarili. Naiinis niya.
Kung hindi niya sinabing break na sila, e di
masaya pa sana sila ng Ulap niya kahit na
inaasar siya nito parati.
Pinahidan niya ang mga luha at inayos ang
sarili saka nahiga sa malambot na kama.
Hindi niya namalayang nakatulog na pala
siya. Nagising na lang siya sa mahihinang
katok sa pinto niya.
Pupungas-pungas ng mga matang
bumangon siya at binuksan ang nasa labas.
"Kain na raw tayo," sabi ni Star kaya
tumango si Seola.
"Susunod na lang ako. Salamat," sagot ng
dalaga at muling isinara ang pinto sala
dumiretso sa banyo para maghilamos at
nagpalit ng damit. Summer shorts and white
tshirt ang suot niya kapares ng puting
tsinelas.
Nang matapos ayusin ang sarili, bumaba na
siya dahil nakaramdam na siya ng
pagkagutom.
"Kain na tayo," yaya ni Taira nang makita
ang dalagang papasok sa mahabang dining
room.
Hinila ni Star ang silya sa tabi nito. "Dito ka
na maupo, Seola."
"Salamat," nakangiting pasalamat ng dalaga
saka naupo sa tabi ni Star. Napasulyap siya
kay Clouds na kumakain sa harapan niya.
"Kumain ka nang marami, Seola. Magpataba
ka," sabi ni Sky at inabot sa dalaga ang
plato na may crabs.
"Salamat po," ani Seola at inabot ang plato
na may malalaking crabs.
Ang ingay ng mga ito habang kumakain
pero ne isang salita, walang narinig si Seola
mula kay Clouds.
"Maiba tayo. Wala na pala kayo ni Seola,
Clouds?" tanong ni Dust pero hindi sumagot
si Clouds at ipinagpatuloy lang nito ang
pagkain.
"Ibig sabihin, puwede na naming ligawan
siya?" nakangising tanong ni Matter pero
wala pa ring kibo si Clouds at kinuha ang
baso saka uminom.
"Haist! Huwag nga kayong ganiyan sa
hapag-kainan!" saway ni Taira sa mga anak
kaya nagsitahimik na ang nga ito. Alam
naman ng lima na may pinagdadaanan si
Clouds, mas lalo pa nilang ginagatungan ang
tension. Ganiyan 'yan sila. Mga walang
pakiramdam. Mas natutuwa pa silang
nakikitang nahihirapan ang bawat isa.
"Clouds? Pupunta pala rito mamaya ang
kaibigan ni Sun, may mga chicks na
kasama," sabi ni Moon.
"Oo nga. Kasama yata nila ang ex mo.
Tinatanong ka nga raw niya e," sabi ni Sun
kaya napasulyap si Seola sa binata. Subukan
lang nitong maghanap ng iba.
Lahat sila ay napatingin kay Clouds na
tumayo. "Tapos na akong kumain.
Magpapahinga lang po ako, Mom," paalam ni
Clouds at umalis na.
"Huwag na nga ninyong asarin ang kapatid
ninyo!" saway ni Sky pero sabay na tumawa
lang ang magkapatid.