MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 38
Unedited....
"Clouds? Saan ka pupunta?" tanong ni Taira
nang bumaba si Clouds na bihis na bihis.
"Nag-text si Clarissa, pinapapunta ako ni
Tita Rica," sagot ni Clouds.
"Hindi ka puwedeng umalis," sabat ni Sky.
"Daddy? Nangako ako sa kanila."
"Padating na ang mga kapatid mo kaya hindi
ka aalis!" pagtutol ni Sky.
"Kapatid? Nahanap na ninyo ang nanay ko?"
nagtatakang tanong ni Sky at napatingin sa
ama.
"Oo, pinuntahan ko siya kahapon at
pinasundo ko sila para kausapin na dito na
tumira. Kawawa naman pala sila, matagal
nang namatay ang nanay mo," malungkot na
pagkukuwento ni Taira sa anak. Pamilya na
ang turingan nila kaya nalulungkot siya sa
sinapit ng nanay ni Clouds.
"Tatawagan ko lang po si Clarissa," sabi ni
Clouds at kinuha ang cellphone at naupo sa
tabi ng ama.
"Sigurado ka na ba riyan kay Clarissa?"
tanong ni Sky nang matapos makipag-usap
ng anak sa kasintahan nito.
"Hindi ko naman po siya ililigtas kung hindi
siya mahalaga sa akin, 'di ba?" sagot ni
Clouds at binalik ang cellphone sa bulsa
niya.
"Ah, sabi ko na nga ba, binibiro mo lang ako
nang sabihin mong hindi kagandahan at
pango ang girlfriend mo," sabi ni Sky kaya
napakunot ang noo ni Clouds.
"Sinabi ko ba iyon?" curious na tanong ni
Clouds.
"Ano ang tingin mo sa akin, sinungaling?"
Tumaas ang boses ni Sky.
"Grabe ka naman tumaas ng boses, Dad.
May amnesia nga ako e. Kaya nga
nagtatanong kasi hindi ko maalala,"
nakasimangot na sabi ni Clouds. Mainitin
yata ang ulo ng ama niya ngayon? Baka
hindi na naman naka-score.
"Tama na nga ninyo. Ang ingay ninyong
mag-ama. Masakit sa tainga!" saway ni
Taira. Makapagsigawan, parang sila lang ang
tao sa loob ng bahay.
"Magandang umaga po," magalang na bati ni
Seola kasama si Ash.
"Ano ang ginagawa mo rito?" bulalas ni
Clouds at napatayo. "Paano ka pinapasok ng
guwardiya?"
"Clouds? Huwag ka namang maging harsh sa
mga kapatid mo," malumanay na sabi ni
Taira kaya napakunot ang noo ng binata.
"Kuya Clouds!" bulalas ni Astray Czarina at
patakbong lumapit sa binata.
"Hep!" agad na sabi ni Clouds at nag-stop
sign kaya inosenteng napatingala ang bata sa
kaniya. "Hanggang diyan ka na lang! Huwag
kang lumapit!"
"H-Hindi mo po ba ako na-miss, Kuya
Clouds?"
"Hindi kita kilala! Bakit kita ma-miss?" sabi
ni Clouds.
Nilapitan ni Seola at kapatid at hinila palayo
sa binata.
"P-Pasensiya na po kayo, lalo na sa 'yo,
Clouds. Fan ko kasi si Ash kaya nakikipag-
feeling close na siya kaagad. Nang malaman
nga niyang magkapatid tayong tatlo,
sobrang saya niya."
"Hindi ko kayo kapatid!" tanggi ni Clouds at
umuusok ang ilong ba hinarap si Seola. "Lalo
ka na! Kung ang batang 'yan, matatanggap
ko pa pero ikaw--"
"Tumigil ka na!" saway ni Sky at hinarap ang
anak. "Hindi ka man lang ba maging mabait
sa mga kapatid mo? Dapat maging masaya
ka dahil natagpuan mo na ang kalahating
pamilya mo!"
"The fuck!" bulalas ni Clouds. "Mas mabuti
pang hindi ko sila natagpuan!"
"Clouds!" saway ni Taira. Ang sakit na kasi
ng pinagsasabi nito at sila nag nahihiya kina
Seola at Ash.
"Okay lang po, naintindihan namin,"
nakangiting sabi ni Seola. Alangan naman
iiyak siya sa harapan ng mga ito. Never.
Kahit na masakit na.
"Kuya Clouds? Bakit galit ka sa amin?"
naluluhang tanong ni Astray Czarina.
"Hija? Huwag kang umiyak," sabi ni Sky at
agad na hinila ang bata saka niyakap. "Tahan
na, hindi alam ng Kuya Sky mo na
magkapatid kayo, naninibago pa siya."
"Tito--"
"Call me Daddy Sky. Gusto kong tawagin
ninyo akong daddy," nakangiting sabi ni Sky
at napasulyap kay Seola na nakangiting
nakatingin sa kaniya. Magaan ang loob niya
sa magkapatid dahil wala siyang anak na
babae. Si Angela nga ang palagi nilang
ninanakaw noon e. Si Chummy naman ay
tinataboy rin ni Star kaya sabik na sabik siya
sa babaeng anak.
"Dad? Alis na lang ako! Pupuntahan ko na
lang pala si Clarissa," sabi ni Clouds at
tinalikuran ang mga ito.
"Hayaan na ninyo, naninibago lang si Clouds.
Masasanay rin siya sa inyo balang araw."
Narinig pa niya na sabi ng ina niya habang
palabas na siya ng pinto. Basta hindi talaga
niya matanggap na magkapatid sila ni Seola.
Si Ash, okay pa siya pero si Seola? Labag
ang kalooban niya sa hindi malamang
kadahilanan.
Nagmaneho siya ng sasakyan papunta kina
Clarissa nang makita niya ang sasakyan niya
na naka-park sa isang fastfood restaurant.
"Shit! Bakit nandito 'to?"
Itinigil niya ang sasakyan at bumaba para
lapitan ang sasakyan niya. Kahit saang
anggulo tingnan, sasakyan talaga niya ito.
"Clouds!" bulalas ni Siwon na palapit sa
sasakyan.
"B-Bakit ka sasakay sa sasakyan ko? Bakit
nasa iyo ang susi niyan?" nagtatakang
tanong ni Clouds kaya napangisi si Siwon.
"Bakit? Nabili ko lang naman ito sa online
shop."
"What? Gago ka ba? Cinarnap mo ang
sasakyan ko!"
Napangisi si Siwon at tinaasan siya ng kilay.
"Ako? Nang-carnap? Ulol! Bakit hindi mo
matanggap na kung hindi ka kumapit kay
Clarissa, lubog ka na?"
"Pinagsasabi mo? Sikat pa rin ako!" singhal
ni Clouds kaya tumawa si Siwon.
"Sikat ulit pero ikaw? Nakakahiya ka lalo na't
naging manager ka lang ni Seola noon!"
"A-Ako? Naging manager ng pangong iyon?
Nananaginip ka ba?" singhal ni Clouds kaya
mas lalong lumakas ang tawa ni Siwon.
"Nagkukunwari ka lang ba para pagtakpan
ang kahihiyan mo? Kawawa ka naman,
Clouds!" sabi ni Siwon at tinapik siya sa
balikat bago pumasok na sa sasakyan ni
Clouds kaya napanganga ang binata habang
sinusundan ng tingin ang papalayong
sasakyan.
Agad na nagmaneho siya patungo sa bahay
nina Clarissa pero naguguluhan pa rin siya.
Totoo bang naging manager siya ni Seola?
Paano?
Paulit-ulit na lang na pumapasok sa isipan
niya ang katanungang iyan hanggang sa
makarating siya sa bahay nina Clarissa.
"Magandang hapon po, Tita Rica," magalang
na bati ni Clouds nang salubungin siya ng
mag-ina at hinalikan niya ito sa pisngi.
Ganoon din si Clarissa.
"Halika, pasok ka at mag-uusap tayo," yaya
ni Rica at dinala sa Clouds sa living room.
Naupo si Clouds at napasulyap kay Clarissa
na mukhang asiwa.
"May problema ba, Cla?"
"C-Clouds--"
"Maiwan ko muna kayo para makapag-usap
kayo nang masinsinan," sabi ni Rica at
iniwan na silang dalawa.
"Ano ang problema, Cla?"
"C-Clouds? Kasi--ahmm... Alam kong hindi
mo na naalala pero ano--"
"Diretsahin mo ako, Cla. At susubukan kong
unawain ang lahat."
Napakagat sa ibabang labi si Clarissa at
napayuko. "E-Engaged na tayo."
"En--what?" tanong ni Clouds na nakatitig
sa dalaga. Putiks, sana mali ang narinig niya.
"Engaged na tayo at sabi mo, papakasalan
mo ako sa lalong madaling panahon. Bago
ng comeback show mo, nag-proposed ka sa
akin."
Napanganga si Clouds. "N-Nagawa ko ba
iyon, Cla?"
Marahang tumango si Clarissa at ipinakita
kay Clouds ang singsing na nasa daliri niya.
"P-Pero bata pa tayo," ani Clouds. Ganoon
na ba siya magdesisyon sa loob ng maiksing
panahon? Masyadong padalos-dalos?
"A-Ayaw ko rin kaso nangako ka sa mommy
ko na p-pakasalan ako at panagutan ang
nangyari sa atin," nahihirapang sabi ni
Clarissa. Alam niyang sumosobra na siya
pero iyon ang utos ng ina niya. Para kapag
bumalik na ang alaala ni Clouds, wala na
itong magagawa pa dahil kasal na sila.
"M-May nangyari na sa atin?" tanong ni
Clouds. Alam niyang para siyang tanga dahil
tanong nang tanong pero wala talaga siyang
maalala. Isa pa, parang hindi yata niya
kayang samantalain si Clarissa?
"K-Kung hindi ka naniniwala--"
"Hindi sa gano'n, Cla. Puwede bang pag-
isipan ko muna? B-Baka magsisi lang tayo
dahil bata pa--"
"At may balak kang takasan ang anak ko?"
galit na tanong ni Rica kaya napalingon si
Clouds.
"T-Tita kasi--"
"Kung hindi mo kayang panindigan ang anak
ko, sana hindi mo na siya ginalaw! Umalis ka
sa pamamahay ko--"
"Tita, hindi sa gano'n," agad na sabi ni
Clouds at napatingin kay Clarissa na
umiiyak. "M-Mahal ko naman yata si Clarissa
pero sana bigyan ninyo ako ng sapat na
panahon. Hindi ko ho siya kayang pakasalan
ngayong wala akong maalala dahil gusto
kong ihatid siya sa altar na buo at malinaw
ang pag-iisip ko," mahabang paliwanag ni
Clouds. Malaking gulo kapag umalma ang
mag-ina kaya natakot siya para sa pamilya.
"U-Umalis ka na, Clouds," luhaang pakiusap
ni Clarissa. Umiiyak siya dahil alam niyang
nasasaktan niya ang kaibigan. Ramdam
naman niya na wala talagang nararamdaman
si Clouds para sa kaniya. Pareho lang sila ng
nararamdaman.
"P-Pasensiya na po," paumahin ng binata at
lumabas na saka nagmaneho pauwi ng
bahay. Mas lalong gumulo ang mundo niya.
Hindi maaari ang gusto nila. Wala siya sa
tamang huwisyo kaya hindi hindi siya
magpapakasal.
Pagdating sa bahay, dumiretso siya sa itaas.
Napansin niya na nasa veranda pa sina Seola
dahil ang lakas pa ng tawa ni Ash habang
inuurat ng kaniyang ama.
"Clouds? Halika muna rito, mag-bonding
kayo ng mga kapatid mo," tawag ni Taira
nang mapansin si Clouds.
"Pagod ako, Mom," walang ganang sagot ni
Clouds.
"Naku, pagpaumanhin na ninyo si Clouds,
may pagkasuplado talaga ang batang iyon,"
paumanhin ni Sky kaya napangiti si Seola.
"Alam ko po, halata naman," sagot ng
dalaga at pinagmasdan ang ama ng
kasintahan niyang inaagaw ni Clarissa.
Guwapo si Sky. Mas guwapo pa nga ito
kaysa kay Clouds kung tatanungin at mas
baby face dahil palatawa.
"Daddy Sky? Bilhan mo po ako ng maraming
toys?" tanong ni Astray Czarina at
nagpakalong kay Sky.
Tumawa si Sky, "Oo naman, basta dito na
kayo ng Ate Seola mo, okay?"
"Sige po. Ang ganda at laki po ng bahay
ninyo, gusto ko po rito." Pagpayag ni Ash.
"Hindi po, uuwi kami," sabat ni Seola at
pinandilatan ang kapatid. Napakadaldal nito
kaya siya na ang nahihiya.
"Dito na kaya kayo? Tutal, wala na rin
naman kayong mga magulang. Kami na ang
ituring ninyong mga magulang," magiliw na
sabat ni Taira at nginitian si Ash na nakatitig
sa kaniya.
"Ang ganda mo po, Mommy Taira," puri ni
Astray Czarina.
"Pareho lang tayo," nakangiting sabi ni Taira
at kinurot ang magkabilang pisngi ng bata.
"Please Seola, dito na muna kayo matulog
mamayang gabi, gusto ko pa kayong
makasama ni Ash," pakiusap ni Sky. Gusto
talaga niya ng may anak na babae. Wala pa
kasing pinapakilalang girlfriend ang mga
anak niya maliban kay Clouds. Kaso
madalang lang bumisita si Clarissa sa kanila.
"Sige na po ate, please..." pakiusap ni Astray
Czarina na nagpa-puppy eyes pa.
"Okay po,"napilitang pagpayag ng dalaga.
Hindi talaga siya makatanggi kay Ash. Mahal
niya ito at alam niyang masaya ito ngayon.
Kaninang umaga, bago sila tumungo rito,
na-briefing na niya ang kapatid tungkol sa
amnesia ni Clouds. Ewan lang niya kung
naintindihan siya nito.
Sabay silang naghapunan at masayang
nagkukuwentuhan pero hindi talaga bumaba
si Clouds.
"Hayaan ninyo, ako na ang bahala kay
Clouds para maliwanagan siya. Naguguluhan
lang siya sa ngayon dahil sa pagka-amnesia
niya," sabi ni Taira na papalabas na sa pinto
ng kuwartong tutulugan nila.
"Wala po iyon," ani Seola.
Lumabas na si Taira kaya pinaliguan na niya
si Ash. Manghang-mangha naman ang bata
sa ganda ng kuwarto at mamahaling gamit.
Kahit pagpasok nila sa banyo, halos maluwa
ang mga mata nila sa lawak at ganda nito.
"Matulog ka na," sabi ni Seola.
"Ang sarap naman po matulog, naka-aircon
tayo," sabi ni Ash at pagulong-gulong sa
malambot at malapad na kama.
"Matulog ka na para ma-enjoy mo, uuwi na
tayo bukas," napailing na sabi ni Seola. Ang
yaman nga ng mga ito.
Makalipas ang ilang minuto, mahimbing na
natutulog na si Ash. Isang taon ang tanda
niya kay Clouds dahil tumigil pa siya noong
highschool siya. Hindi niya akalaing naging
surrogate mother pala ang nanay niya kay
Clouds.
"Kapatid pala kita, Ulap," bulong ni Seola.
Napatingin siya sa pinto nang marinig ang
mahinang katok.
Tumayo siya para pagbuksan ang tao sa
labas.
"C-Clouds..."
"Can I come in?" tanong ng binata na amoy
alak kaya tumabi si Seola na nakaharang sa
pinto.
"Bakit ka nandito? Nakainom ka," ani Seola
at isinara ang pinto. Natatakot siya dahil
baka may makakita sa kaniya.
"Hindi ko matatanggap na kapatid kita," sabi
ni Clouds. Nakainom siya sa mini bar ng
bahay pero hindi siya lasing. Dalawang bote
lang naman ang naubos niya.
"Magkapatid tayo sa sinapupunan," sabi ni
Seola.
"Ayaw kong tanggapin ka!"
Natahimik si Seola. Galit ito sa kaniya.
"Bakit ganoon, Seola?" tanong ni Clouds na
napasandal sa dingding habang nakatitig sa
mukha ng dalaga.
Hindi umimik si Seola. Nahihirapan at
nasasaktan siya sa tuwing magkaharap sila ni
Clouds dahil hindi siya nito naalala.
"B-Bakit ang hirap paniwalaan at tanggapin
na magkatapid tayo?" seryosong wika ng
binata at lumapit sa dalaga saka hinawakan
ito sa magkabilang balikat.
"C-Clouds? L-Lumabas ka na, baka magising
si Ash," nauutal na sabi ni Seola. Nahihirapan
siyang huminga. Malapit nang tumulo ang
mga luha niya pero pinipigilan lang niya.
Nanigas ang buo niyang katawan nang
mahigpit na yakapin siya ni Clouds.
"Sabi nila, girlfriend ko raw si Clarissa. Sabi
nila, mahal ko raw siya," bulong ni Clouds.
"If she's the one I loved, why is it--"
Kumalas si Clouds at tinitigan si Seola sa
mga mata saka masuyong hinaplos ang
magkabilang pisngi niya, "My heart tells me
it's you?"
Agad na napahiwalay sila nang bumukas ang
pinto at iniluwa si Sky.
"Labas na ako," paalam ni Clouds kaya
nagkibit-balikat na lang ang dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/323263677-288-k652260.jpg)