11

945 42 0
                                    



MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11

Unedited...
"Normal naman lahat," sabi ng doctor
matapos basahin ang result ng ECG at
echocardiogram.
"Sure ka, Doc? Hindi kaya sira ang machine
ninyo?" nagdududang tanong ni Clouds sa
lalaking doctor.
"Sure ako. Nakalimang beses na tayong
umulit," sagot ng doctor na malapit nang
mapikon sa pasyente.
"Pero doc? Bumilis talaga ang pagtibok niya
saka naririnig ko pa nga e!" giit ni Clouds
kaya natigilan ang doctor.
"Sino ang kasama mo nang mangyari iyon?"
tanong ng doctor.
"K-Kasi ano..." Hindi niya mahagilap ang
mga salitang isasagot sa doctor. "Ang
pangit na tindera ng school namin."
Napahilamos sa mukha ang doctor at
napatitig sa binata. "Pangit ba talaga siya?"
Sunod-sunod na tumango si Clouds. "Opo.
Pangit nga po siya pero bakit ba? Doc?
Sagutin mo na kasi ako, may sakit ba ako sa
puso? Ngayon ko lang talaga naramdaman
'to--kagabi lang pala pero natatakot ako.
Paano kung bigla na lang akong atakihin?
Traidor pa naman ang sakit sa puso,"
natatakot na sabi ni Clouds. Ang bata pa
naman yata niya para magkaroon ng heart
attack?
Tinapik siya ng doctor sa balikat. "Huwag
kang mag-alala, hijo. Normal lang 'yan.
Umuwi ka na at kapag maranasan mo ulit
'yan kapag kasama ang pangit na tinderang
iyon, huwag kang mabahala sa kalusugan
mo, hindi ka mamamatay," sabi ng doctor
at tinulak sa likod si Clouds para lumabas na
dahil may mga naghihintay pang pasyente sa
labas ng clinic niya.
"D-Doc?"
"Please, Clouds. Umuwi ka na dahil wala
kang sakit sa puso. Sadyang tanga ka lang
talaga," pabirong sabi ng doctor kaya
napasimangot ang binata.
"Psh! Hindi mo lang alam kung gaano
kasakit ang nararamdaman ko!" ani Clouds
at isinuot ang mamahaling sunglass.
"Darating ang araw, ikaw mismo ang
makakadiskubre ng sakit mo na 'yan," sabi
ng doctor at napailing habang nakatingin
kay Clouds na palabas ng hospital. Mula
noon, ito na talaga ang sakit ng mga
Villafuerte.
Pagdating ni Clouds sa school, dumaan siya
sa stall ni Seola pero iba na ang nagtitinda.
Dinukot niya ang cellphone at tinawagan ang
dalaga.
"Nasa agency ka na?" agad na bungad niya
nang sagutin ni Seola ang tawag.
"Oo, practice namin. Salamat pala sa 'yo,
medyo naka-catchup na ako," pasalamat ni
Seola.
"Ayusin mo para maganda ang performance
mo bukas."
"Opo. Basta kapag mauna kang umuwi,
pakitingnan na lang si Ash, ha."
"Pupunta ako riyan after ng klase kaya
tawagan mo na lang ang kaibigab mo," sabi
ni Clouds.
"Ano ang gagawin mo rito?"
"Manager mo ako kaya dapat lang na alam
ko kung ano na ang pinaggagawa mo
riyan?" naiinis na sagot ng binata.
"Ah, sige. Tawag na kami ng instructor,"
paalam ni Seola at tinapos na ang tawag
kaya muling ibinalik ni Clouds ang cellphone
sa bulsa niya.
"Bes?" tawag ni Clarissa na palapit sa binata.
"Hi," bati ni Clouds.
"Nakita mo si Red?"
"Hindi, kakarating ko lang. Tawagan mo na
lang kaya?" sagot ni Clouds. Medyo lumayo
ang loob niya sa pinsan dahil sa nangyari.
"H-Huwag na," sagot ni Clarissa na sumabay
kay Clouds na naglakad. "Sigurado ka ba
talaga kay Seola? I mean, ang pagha-handle
sa career niya?"
Napasulyap si Clouds sa matalik na kaibigan.
"Ano ang ibig mong sabihin, Clarissa?"
"To be honest, walang dating si Seola. Well,
marunong siyang kumanta pero wala siyang
dating para sa 'yo. Kilala kita, Clouds.
Naging matalik na kitang kaibigan kaya
kabisado na kita. Of all the girls, bakit siya
pa?"
Nagtagis ang bagang ni Clouds. Ilang beses
din niyang tinanong 'yan sa sarili. Pero si
Red kasi, sa dami ng babae, bakit si Seola
pa? Pati tuloy siya, nadadamay sa kalokohan
ng pinsan. Nagiging mababa na tuloy ang
standards niya pagdating sa mga babae.
"S-Si Seola kasi..." Napabuntonghininga
siya. Ang hirap sagutin e. "S-Siya kasi ang
tipo ng babaeng simple lang tingnan at
unexpected ang talent. Isa pa, naniniwala
ako na balang araw, makikilala siya."
"Trot singer sa 'Pinas? Pero hindi nga
tinatangkilik sa Korea kahit na sa bansang
iyon pa nagmula ang genre na 'yan, 'di ba?"
tanong ni Clarissa. Well, wala siyang
karapatang hamakin at i-underestimate ang
kapwa artist. Of course, magaling ang
trainors ng Bright Star kaya sigurado siyang
matutulungan nila ang mga baguhan dahil
doon din siya nagsimula.
Itong si Clouds lang talaga ang
nakapagtataka. After ng malaking scandal
nito, bumaba na rin ang reference ng binata.
Hindi ito ang Clouds na nakilala niya. Sa
kanilang anim na magkapatid, ito ang
pinakapihikan sa mga babae.
"Kaya rin ni Seola ang ibang genre pero
hindi lang niya sinusubukan," sagot ni Clouds
na hindi siya sigurado sa pinagsasabi.
"Clouds!" tawag ni Red nang makasalubong
nila. Kasama nito ang dalawang kaklase.
"Hello, Red," nakangiting bati ni Clarissa.
"Hi, Clarissa," nakangiting bati ni Red at
hinarap ang pinsan. "Nasa agency na ba si
Seola?"
"Oo!" napilitang sagot ni Clouds.
"Red? Pupunta ka ba sa agency mamaya?"
tanong ni Clarissa at napatingala sa
guwapong binata.
"Yes. Gusto mong sumabay? After ng klase
namin, susunduin kita sa classroom ninyo,"
tanong ni Red.
"Sure," nakangiting sagot ni Clarissa.
"May usapan tayong gagawa ng assignment,
Red!" sabat ni Yesha na pinandilatan ang
kaibigan.
"Alam ko namang kaya mo na ang
assignment natin. Libre na lang kita ng
fishball," nakangiting sabi ni Red at
inakbayan si Yesha saka hinarap si Chummy.
"Hindi ba tama ako, Chum? Magaling naman
si Yesha e."
"Ewan ko sa inyo!" pagsisinuplada ni
Chummy at iniwan na sila.
"Ano ang problema no'n?" clueless na
tanong ni Red. "Hoy, dahan-dahan sa
paglalakad, nagtatalbog!"
"Mauna na ako," paalam ni Clouds sa mga
ito nang makita ang dalawang kapatid.
----------------------
"Mabuti naman at kabisado mo na ang
steppings," puna ng dance instructor.
"Opo. Nag-practice po kasi ako kagabi,"
nakangiting sagot niya.
"With Clouds?"
"O-Opo," naiilang na sagot niya. "Alam mo
na po, medyo maselan ang manager ko."
"Good job. At least ginagawa niya ang part
niya bilang handler mo," sabi nito at iniwan
na siya. Pagod na naupo si Seola sa upuang
katabi ng bag niya. Pinagmasdan niya ang
ibang kasamahan niyang masayang
nagkukuwentuhan. Ang iba ay matataray at
ang iba ay mababait naman.
"Balang araw, makapag-aaral din ako,"
bulong niya sa sarili. Hindi naman masamang
umasa na magkakaroon siya ng sapat na
pera para ipampa-aral sa sarili at sa kapatid
niya sa pamamagitan ng pagkanta.
Napasulyap siya kay Clouds na palapit sa
kaniya. Alas singko na pala pero hindi niya
namalayan.
"Tapos na ba kayo?" tanong ni Clouds at
naupo sa tabi niya.
"Oo, tapos na raw," sagot ng dalaga at
inunat ang mga paa. "Ang sakit sa binti!"
"Dapat nag-warm-up ka muna para hindi ka
masaktan," sabi ni Clouds at muling tumayo.
"Uwi na tayo. Baka naghihintay na sa atin si
Ash."
Tumayo na rin si Seola at dinampot ang
malaking shoulder bag na may lamang mga
damit niya.
"Kain muna tayo," yaya ni Clouds habang
palabas na sila.
"Wala na akong pera," sabi ni Seola.
"Libre kita."
Napatingala ang dalaga kay Clouds. Seryoso
ito kaya ngumiti siya.
"Sure," pagpayag niya. Himala, ililibre siya ni
Clouds?
Masayang sumunod siya sa binata sa
pinakamalapit na ice cream house. Pagpasok
nila, kaagad na natakam si Seola sa bango
ng iba't ibang flavor ng ice cream.
"Dito ka lang, order lang ako." Bilin ni
Clouds matapos makaupo ni Seola.
Pinagmasdan niya ang binata habang nag-o-
order. May attitude talaga ito. Minsan,
mabait kay Astray pero madalas na masungit
sa kaniya.
Nakangiting lumapit si Clouds na bitbit ang
tray na may dalawang order ng ice cream.
Umuusok pa ito sa sobrang lamig kaya
natatakam na si Seola.
"Pasensiya na sa pagpahintay," nakangiting
paumanhin ni Clouds kaya natigilan ang
dalaga. Himala, wala itong ginawa kundi
ngitian siya ngayon.
"Walang anuman. Madali ka lang naman."
Matamis na ngumiti siya kay Clouds at
napatingin sa dalawang ice cream. Ang isa
ay ube at ang isa ay macapuno ice cream.
"Here," sabi ni Clouds saka inabot kay Seola
ang tisyu at isang mineral water.
"Salamat," pasalamat ni Seola at hihilain na
sana ang ube ice cream pero kaagad na
kinuha ni Clouds.
"Kakanta kayo bukas kaya bawal sa 'yo ang
malamig. Mag mineral water ka para hindi ka
mamaos. Huwag kang mag-alala, hindi 'yan
cold."
Napanganga si Seola habang nakatitig sa
binatang sumusubo ng ice cream. "Hmmm?
Alam mo bang paborito ko na talaga ang
ice cream house na ito? Dito kami madalas
kumain ni Clarissa at bitin sa akin ang isa.
Kaya nga dalawa na ang in-order ko eh,"
Pagkukuwento ng mokong at dinilaan ang
gilid ng itaas na labi para masimot ang ice
cream kaya naikuyom ni Seola ang kamao.
"Akala ko ba, ililibre mo ako?" sumbat ng
dalaga.
"Ha? Libre naman kita ah. Ang mahal kaya
ng mineral water nila rito. Singkuwenta
'yang two fifty mL ha," inosenteng sagot ni
Clouds na ikinakulo ng dugo ng dalaga.
"Walang hiya ka!" Nanggigigil na kinuha ni
Seola ang mineral water at puwersahang
binuksan saka ininom. Kung may nandito
lang si Kamatayan, ibebenta niya ang buhay
ni Clouds ng 99% discount.
"Sandali lang, bilisan ko lang 'to. Bibilhan ko
pa pala si Ash para matikman din niya itong
masarap na ice cream. Pustahan, hindi mo
pa siya napakain nang ganito kasarap,"
masayang sabi ni Clouds kaya inubos na ni
Seola ang tubig at pabagsak na inilapag sa
mesa.
"Gusto ko pa ng dalawang tubig!" sabi niya
na pinapakalma ang sarili.
"Wait lang, ibibili kita," ani Clouds at mabilis
na tumayo saka lumapit sa counter.
"Kapal ng mukha!" Reklamo ni Seola na para
bang magtra-transform ang mukha habang
matalim na tinutitigan si Clouds.
Bitbit ang 250mL na ice cream, lumabas ang
dalawa sa ice cream house.
"Taxi tayo, libre mo naman ako," sabi ni
Clouds kaya automatikong umakyat ang
kanang kilay ni Seola. "What? Nilibre naman
kita ng water ah. Nakatatlong bote ka nga."
"Hindi ka na nakakatuwa!" sabi ni Seola at
pinara ang sasakyan.
"Hey!" tawag ni Clouds pero nakasakay na
ang dalaga. Hindi naman siya puwedeng
sumakay dahil puno na at isa pa, never pa
siyang nakasakay sa dyip.
"Sir? Sasakay ka? Isa pa ang kakasya,"
tawag ng konduktor kaya lumapit si Clouds.
"Sige po," sagot ng binata at pumasok.
"Ate? Puwede bang patabi ako sa kasama
ko?" pakiusap niya. Agad na umurong
naman ang dalagita kaya sa tabi siya ni Seola
naupo.
"Alis na!" sabi ng konduktor at kinatok pa
ng barya ang gilid ng sasakyan.
Dedma lang si Seola at humarap sa unahan.
Magkadikit na ang balat nila ni Clouds na
nasa likuran niya pero wala siyang pakialam.
"Seola," bulong ni Clouds kaya nanayo ang
maliit na balahibo niya sa batok. Siksikan
kasi at kaunting galaw lang ay mahuhulog na
ang puwet niya. "Umayos ka nga ng upo,
ang sikip."
"Bumaba ka kung nasisikipan ka!" pabulong
na sagot ni Seola. Ang ingay naman ng
limang magbabarkadang nasa harapan nila
na pasulyap-sulyap kay Clouds kaya walang
nakakarinig ng usapan nila.
"Firstime ko 'tong sumakay," puno ng
reklamong bulong ni Clouds na nauuntog na
ang ulo sa bubong ng sasakyan dahil ang
tangkad pa naman niya.
Nanlaki ang mga mata ni Seola nang
ipinulupot ni Clouds ang kamay sa bewang
niya.
"Ano ang ginagawa mo?" impit na ungol
niya na naiilang sa mga pasaherong sa kanila
na nakatingin kaya napayuko na lang siya.
"Pakapit, mahuhulog yata ako," sagot ng
binata at hinigpitan ang pagkapit sa
kaniyang bewang kaya napasandal siya sa
malapad na dibdib ni Clouds habang
nakaharap sa unahan.
Hindi makagalaw at halos mawalan na rin ng
hininga si Seola. Nakakahiya naman kapag
magreklamo siya dahil baka sila pa ang
maibalita at mag-trending sa Facebook kaya
hinayaan na niya si Clouds kahit na naninigas
ang buo niyang katawan.
"Haist! Bakit ba ang sikip ng sasakyan? Ang
init pa!" reklamo ni Clouds nang makababa
na sila. Sumunod siya kay Seola na tahimik
na naglalakad papasok sa eskinita nila. "Ano
ba 'yan? Malapit nang matunaw ang ice
cream ni Ash."
Tuloy-tuloy lang si Seola na walang lingong
naglalakad.
"Seola? Galit ka?" inosenteng tanong ni
Clouds nang maabutan ang dalaga.
"Nagugutom na ako, Ulap! Kaya bilisan mo
na ang paglalakad dahil kanina pa
naghihintay ang kapatid ko!" sagot ni Seola
na kulang na lang hampasin niya ng tubo
ang binata para matauhan naman ito.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon