48

1.3K 50 1
                                    

MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 48

Unedited...
"Ayaw ko na po. Hindi ko na kaya ang mga
pinaggagawa mo sa akin," matapang na sabi
ni Clarissa sa ina. Nasa mini bar ito at may
hawak na kopita. Tulala. Matapos ang
mahigit isang minuto, humarap ito sa kaniya.
"Ganon na lang ba iyon, Clarissa?" mahinang
tanong ni Rica.
"Mom? Ano pa ba ang gusto mo?
Magpasalamat na lang tayo dahil hindi
inilabas nu Clouds ang buong video. That's
enough! Kaibigan ang turing ni Clouds sa
akin pero naging makasarili ako dahil sa
kasikatan," malungkot na sabi ni Clarissa.
Gusto man niyang yakapin si Clouds pero
alam niyang hindi na puwede. Hindi na
kaibigan ang turing nito sa kaniya. Kahit siya
ang nasa kalagayan nito, ganoon din ang
gagawin niya. Baka mas sobra pa nga.
"Bahala ka kung ano ang gusto mo," sabi ni
Rica.
Mapait na ngumiti si Clarissa at iniwan ang
ina. Pupunta siya sa agency.
Siya na ang nagmaneho.
Nang makarating siya, agad na inihimpil niya
ang sasakyan sa parking lot.
Bumaba siya at tumungo sa studio saka
inayos ang lahat ng mahahalagang gamit at
inilagay sa malaking bag.
Malungkot na pinagmasdan niya ang
kabuuan ng studio. Ang dami niyang
karanasan sa loob nito. Kapag bored siya sa
bahay, dito siya naglalagi. Madalas din
siyang abutan ng madaling araw dahil sa
pagpa-practice noon.
Bitbit ang malaking bag, lumabas siya at
tumungo sa opisina ni Red. Isang malalim na
buntonghininga ang pinakawalan niya bago
kumatok ng dalawang beses at pumasok sa
loob.
Napatingala si Red sa kaniya na busy sa
pagsusulat sa bondpaper.
"H-Hi,"nahihiyang bati ni Clarissa.
"Hello. Ang aga mo naman yata?" tanong ni
Red. Alas tres pa lang ng hapon at 4P.M pa
ang calltime nila para sa fashion show event
mamayang alas siyete.
"Si Yuri na ang papalit sa akin," sabi ni
Clarissa.
"Huh? Bakit? Masama ba ang pakiramdam
mo?" nag-aalalang tanong ni Red.
Mapait na ngumiti si Clarissa. "Bakit nagawa
mong mag-pretend na parang wala lang ang
lahat, Red?" Sigurado siyang nakita na nito
ang buong pangyayari noong araw na
naaksidente si Clouds.
"Tapos na iyon, Cla. At wala akong pakialam
sa nangyari dahil hindi naman ako involved.
Masyadong personal ang kaganapan kaya
hindi na dapat ako manghimasok pa kahit
talent ko kayo. Ginawa na ni Clouds ang
nararapat at double kill na kung dagdagan
ko pa," sagot ni Red.
"Mali ako," mahinang sabi ni Clarissa.
"Masyado akong nabulag sa kasikatan at
naging desperada na magustuhan mo."
"Maganda ka at mabait, Cla. Hindi malabong
may magkagusto sa 'yo," sabi ni Red at
pinagmasdan ang maamong mukha ni
Clarissa. Almost perfect. Wala siyang
masabi. Tila isang Anghel na bumaba sa lupa
pero naging biktima lang ng inggit at
pagkabigo.
"Pero hindi ako nagugustuhan ng gusto ko,"
malungkot na sabi ni Clarissa habang
nakipagtitigan kay Red. "Salamat sa lahat ng
kabaitan, Red. Hayaan mo, ito na ang huling
pagkikita natin. Good luck sa acting career
mo. Alam kong magiging sikat ka kagaya ng
ama mo."
Napakunot ang noo ng binata. "A-Aalis ka
ba?"
"Mangibang bansa. Gusto kong doon na ako
manirahan kasama si Daddy," sagot ni
Clarissa at matamis na ngumiti kay Red.
"Sana sa pagbalik ko, magiging ka-loveteam
mo na ako. Malay mo?"
Tumawa si Red, "Sure. Hihintayin kita, Cla.
Mag-practice ka muna sa ibang bansa para
mapantayan mo ang kagalingan ko," pilyong
sabi ni Red at kinindatan ang dalaga.
Tumawa naman si Clarissa. Totoong tawa.
Ang sarap sa pakiramdam lalo na't ngayon
lang niya muling nagawa ito after ng ilang
taon.
"Maghintay ka lang, Red." Sumeryo si
Clarissa. "Sana kapag dumating ang araw na
bumalik ako, tanggapin mo pa rin ako."
"Always welcome ka sa agency namin, Cla.
Alam mong ikaw ang pinaka-favorite talent
ko," sagot ni Red.
"S-Salamat. Sige, mauna na ako, Red,"
paalam ni Clarissa at bitbit ang bag ay
lumabas na siya sa opisina ni Red. No, wala
na siyang balak pang bumalik dito. Matapos
ang lahat? Wala nang tatanggap pa sa
kaniya bilang singer. Nang buksan niya ang
social media account, agad na nag-
deactivate siya dahil hindi niya masikmura
ang mga pinagsasabi ng mga tao.
Palabas na siya ng building nang
makasalubong niya si Clouds. Sumalubong
ang kilay ng binata at umiwas sa kaniya pero
hinabol niya ito.
"C-Clouds, s-sandali," tawag niya kaya
tumigil si Clouds at hinarap ang dalaga.
"Kung sisirain mo na naman ang buhay ko,
huwag mo na akong kausapin pa, Clarissa!"
Umiling ang dalaga. "Hindi na. Pasensiya ka
na sa lahat ng nagawa ko,Clouds. I-Isa kang
mabuting kaibigan. S-Salamat sa lahat dahil
sa kabila ng ipinakita ko sa inyo ni Seola,
naging mabait ka pa rin sa amin ni Mommy.
S-Sana maging magkaibigan pa rin tayo."
"God bless," tanging nasabi ni Clouds at
tinalikuran si Clarissa. Mahirap nang
makipag-usap dito dahil hindi niya alam
kung kailan siya ipapahamak para lang sa
kasikatan.
"Clouds!" masiglang bati ni Siwon nang
makasalubong niya.
"Ba't ka nandito?"
Ngumisi ito at napakamot sa ulo. "May
pinirmahan lang na kontrata. Magkaka-TVC
raw kami ni Seola."
Umakyat ulit ang init sa ulo ni Clouds sa
narinig. "Hindi na matutuloy iyon!"
"Bakit? Nakapirma na kami ng talent
manager ko," ani Siwon.
"Nakapirma ka o wala, wala akong pakialam!
Basta hindi matutuloy ang TVC ninyo!"
Umuusok ang ilong na sabi ni Clouds kaya
napaatras si Siwon at napataas ang mga
kamay.
"Chill, e di iurong! Akala mo naman, gusto
kong makasama ang pangit na iyon? Panira
lang sa career ko!"
Hindi lang init kundi pati dugo yata ay
umakyat sa ulo ni Clouds sa sinabi ng
kaharap.
Boogsh!
Napatili ang ilang nasa paligid nang malakas
na suntukin ni Clouds sa pisngi si Siwon.
Hindi nito inaasahan ang ginawa niya kaya
bumagsak ito sa sahig.
"Gago ka pala eh! Bawiin mo ang sinabi
mo!" singhal ni Clouds at tatadyakan sana si
Siwon pero agad ba napigilan ni Seola.
"C-Clouds? Tama na," mahinang saway ng
dalaga at hinigpitan ang kapit sa kanang
braso ng binata.
"Haist! Biro lang naman, Clouds," sabi ni
Siwon nang makatayo na. Kapag lumaban
siya, matatalo lang siya kay Clouds dahil mas
matangkad at mas malakas ito sa kaniya.
"Biro?" ulit ni Clouds.
"Biro lang. Hindi naman talaga pangit si
Seola." Mabilis na pagbawi ni Siwon nang
makakuha na sila ng atensiyon ng
karamihan.
"Insultuhin mo lang ang iba, huwag ang
babaeng mahal ko dahil sa impiyerno ang
babagsakan mo!" pagbabanta ni Clouds at
nagpahila na kay Seola hanggang sa
makarating sila sa studio niya.
"Bakit mo ba pinatulan si Siwon? Paano
kung may lumabas na namang isyu sa 'yo?"
tanong ni Seola nang maisara na ang pinto.
"Ininsulto ka niya at hindi ko iyon
mapapalampas!" pagtanggol ni Clouds sa
sarili. "Kala mo, guwapo ang puta!" dagdag
ni Clouds na nanginginig pa ang kalamnan sa
galit.
Napabuntonghininga si Seola habang
nakatingala kay Clouds. "Hayaan mo na,
sanay naman akong iniinsulto ng iba."
"Hindi ako sanay!" giit ni Clouds. "Hindi ko
hahayaang insultuhin ka ng mukhang unggoy
na iyon sa harapan ko! Kahit sinong tao,
walang karapatan na insultuhin si Seola ko!"
Napangiti si Seola at niyakap si Clouds
bilang pasalamat. "Salamat, Ulap ko. Kaya
mahal kita eh." Isiniksik niya ang mukha sa
dibdib ni Clouds. Naramdaman niya ang
pag-tap ng kamay nito sa ulo niya.
"Basta ayaw kong insultuhin ka ng iba,
okay?" malumanay na sabi ni Clouds.
Tumingala si Seola at pinagmasdan ang
guwapong mukha ng kasintahan. "Pero ikaw
nga ang unang nang-iinsulto sa akin eh."
"Insultong may halong pagmamahal 'yon,"
depensa ni Clouds kaya natawa na lang si
Clarissa pero hindi na niya natuloy pa ang
pagtawa nang angkinin ni Clouds ang mga
labi niya at hinapit siya sa bewang.
Agad na naghiwalay ang mga katawan nila
nang may kumatok.
"Kanina pa namin kayo hinihintay," sabi ni
Manager Yoo nang pumasok.
"Pasensiya na, nakasalubong ko kasi si Siwon
kaya kailangan kong magpalamig ng ulo,"
paumanhin ni Clouds.
"Sige na, nandito na ang bloggers.
Sumunod na lang kayo sa conference room,"
sabi ni Manager Yoo.
"Halika na," yaya ni Clouds at hinawakan ang
kamay ni Seola.
Hinarap nila ang ibang bloggers at sinagot
ang lahat ng tanong maliban kay Clarissa.
Bago pa nagsimula ang interview, nilinaw na
ni Manager Yoo ba bawal pag-usapan ang
tungkol sa kanila ni Clarissa kaya ang lahat
ng tanong ay tungkol sa kung paano sila
nagkakilala at pag-iibigan.
Naging maayos naman ang daloy ng tanong
pero hindi maiwasang hindi mapansin ni
Seola ang curiousity sa mga mata ng
bloggers. Sigurado siyang tungkol sa
pagpanggap iyon nina Clarissa at Clouds
bilang magkasintahan.
Nang matapos na ang interview, lumabas na
sila at kumain muna sa malapit na restaurant
dahil kanina pa nagugutom si Clouds. Dahil
mapilit si Clouds, sumama si Clarissa sa
mansion nila. Alas nuwebe na ng gabi kaya
tulog na raw si Ash nang tumawag sila kay
Moon.
Nang makapasok sila sa garahe, naunang
bumaba si Clouds para pagbuksan si Seola.
"Ulap? Paano kung magpumilit ang mga ito
na alamin ang totoo? Paano kung makita
nila ang CCTV?" nag-aalalang tanong ni
Seola.
"Hayaan mo silang lahat," sabi ni Clouds at
inakbayan si Seola. "Maglalaho rin ang isyu
natin. Nabura na iyon ni Red at tanging ang
video na lang na ipinakita ko sa media ang
hawak nila," sagot ni Clouds.
"Pero ano ang isasagot ninyo ni Clarissa
kapag magtanong sila kung bakit ninyo
nasabi iyon sa publiko?" nag-aalalang
tanong ni Seola.
"Wala. Bahala na si Clarissa kung sasagutin
pa niya," sagot ni Clouds. Pero mas
makabubuti sa kanilang pareho kapag
manahimik na lang hanggang sa mamatay
ang isyu.
"Clouds? Naaawa ako kay Clarissa."
Kinatok ni Clouds ang ulo ng dalaga.
"Pasalamat siya, naging kaibigan ko siya.
Kung ang ina lang niya ang kalaban ko,
ipapakita ko ang buong video nang itinulak
ka niya."
Tumigil si Seola at nginitian si Clouds
matapos tingalain ito. "Alam mo? Proud ako
sa ginawa mo."
Napasimangot si Clouds. "Hindi pa rin ako
kuntento dahil masakit ang ginawa nila sa
atin pero mga babae ang kalaban ko."
"Kahit na. Kaya mas lalong minahal pa kita,"
sabi ni Seola na ikinangiti ng binata.
"Inlove ka na talaga sa akin, Pango."
"Hindi ako pango!" sabi ni Seola pero
inakbayan lang siya ni Clouds.
"Pango ba talaga ako, Ulap?" nagtatampong
tanong ni Seola. Maliit lang naman ang
bridge niya.
"Hindi naman," sagot ni Clouds. "Mas pango
lang kaysa sa akin."
"Kaasar ka minsan!" sabi ni Seola at kinurot
ang tagiliran ng kasintahan.
Pumasok na sila sa mansion at nadatnan ang
mag-asawa sa sala.
"Magandang gabi po," magalang na bati ng
dalaga kina Sky at Taira.
"Good evening," sagot ni Taira.
"Ba't gising pa kayo?" tanong ni Clouds sa
mga magulang.
"Hinihintay namin ang first love ng daddy
mo!" naiinis na sagot ni Taira.
"Hindi ah," mabilis na tanggi ni Sky. "Ikaw
kaya ang first and only love ko."
"Huwag mo na akong bolahin, Sky!"
pagsisinuplada ni Taira. Naupo sina Clouds
at Seola sa harapan ng mga magulang.
"Totoo namang ikaw lang," depensa ni Sky.
"Good evening."
Napalingon sila sa nagsalita. Dalawang
magagandang babae na pumasok kasama
ang katulong na nagbukas ng gate.
"Amanda," bulalas ni Sky at tumayo. "Long
time no see."
"Na-miss mo siya?" pagtataray na tanong ni
Taira kaya muling napaupo si Sky at
hinawakan ang kamay ng asawa.
"Pasensiya na kung sobrang late kami,"
paumanhin ni Amanda at nakipagbeso-beso
kay Taira.
"'Yan na ba ang anak mo? Ang ganda ah,"
tanong ni Sky at pinagmasdan ang
magandang dalaga sa harapan. Tindig pa
lang ay alam niyang modelo ito.
"Yes, si Samantha pala, anak ko,"
pagpakilala ni Amanda. Ex-girlfriend ito ni
Sky. Ito rin ang kauna-unahang babae na
ipinakilala ni Sky noon da pamilya bilang
kasintahan niya. Ito rin ang naging kasosyo
niya noon sa toy factory hanggang sa
ibinenta sa kaniya ang shares nito para
mangibang bansa.
"Oh? Si Clouds na ba ito?" tanong ni
Amanda nang mapansin ang magkasintahan.
"Yes," sagot ni Taira.
"Magandang gabi ho," magalang na bati ni
Clouds.
"Si Seola pala, kapatid ni Clouds sa
sinapupunan," pagpakilala rin ni Sky.
"Girlfriend ko rin po," dagdag ni Clouds at
inakbayan si Seola na nakatitig kay
Samantha. Manghang-mangha ito sa ganda
ng kaharap na sa tingin niya ay kaedad lang
niya. Para itong barbie doll.
"K-Kapatid sa sinapupunan?" ulit ni Amanda
na nakatitig sa mukha ni Seola.
"Oo, alam mo namang may surrogate
monther ang mga anak ko, 'di ba?" tanong
ni Sky.
Marahang tumango si Amanda. "Kumusta na
ang nanay ninyo?"
"Wala na po siya," malungkot na sagot ni
Seola. "Patay na po."
Napansin ni Seola ang pagkabalisa sa mukha
ni Amanda matapos nitong iniwas nito ang
mga mata sa kaniya pero saglit lang iyon.
"Mauna na po kami, inaantok na po ako,"
paalam ni Clouds at iginiya na si Seola
papanhik sa itaas.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon