18

823 38 0
                                    



MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 18

Unedited...
"Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo
pero nakapagtataka lang na mas inuna ka ng
produced kaysa sa akin!" mataray na sabi ni
Tanya nang pumasok siya sa training room
ni Seola. Sinadya niya ito para sumbatan
dahil made-delay raw ang release ng album
niya at nabalitaan niyang ang isang amateur
singer ang dahilan.
"Desisyon iyon ng producer kaya huwag
mong sisihin si Seola," sabat ni Clouds kaya
sa kaniya napatingin si Tanya.
"Really? Ikaw pala ang manager niya,
Clouds. Ang sikat na singer ay naging
manager na lang nitong babae na walang
ibang ginawa kundi ang magpaawa effect.
Porket tindera lang at magaling kumanta,
sikat na. Siyempre kakagatin talaga siya ng
masa!" panunuya ni Tanya.
"P-Pasensiya na po, Miss Tanya kung iyon sa
tingin mo ang dahilan kung bakit na-delay
ang pag-release ng album mo," paumanhin
ni Seola nang tumahimik si Clouds. Alam
niyang nasukol ni Tanya ang pride ng binata.
"Gumamit ka ng paraan para sumikat pero
huwag mo akong banggain, tinderang
pangit! Kung gusto mong mapansin ka ng
mga tao, magparetoke ka ng ilong!" pang-
iinsulto ni Tanya. Wala namang nakakarinig
sa kanila e.
"Salamat sa suhestiyon pero hindi niya
kailangan gawin iyon dahil hindi siya ikaw!"
sabat ni Clouds at itinuro ang pinto.
"Makakalabas ka na, Tanya!"
"Mababa na pala ang standard mo, Clouds!
Huwag mong gamitin ang pamilya mo para
lang sumikat 'yang alaga mo!"
"Ginagamit ko ang boses niya para sumikat
kaya lumabas ka na, Tanya. Baka hindi ako
makapagpigil at gagamitin ko ang pamilya
ko para mapatalsik ka sa music industry!"
Natigilan ang dalaga saka padabog na
lumabas.
"Bumalik ka na sa pagkanta," sabi ni Clouds
dahil bukas na ang recording ni Seola.
"Clouds?" tawag ni Seola na nakatingala sa
manager.
"Bakit?"
"Hindi ba ako maganda?" tanong ni Seola
kaya napatitig si Clouds dito. "Ganoon na ba
kapangit ang ilong ko para pumangit din
ang mukha ko?"
Napabuntonghininga si Clouds at iniwas ang
mga mata. Prangka siyang tao pero may
mga oras na tinatamad siyang magsalita ng
totoo.
"Mas matangkad ka sa kanila. Mas payat ka
at mas magaling kang kumanta kaya mag-
practice na tayo."
"So? Pangit nga talaga ako," malungkot na
sabi ni Seola kaya napalingon sa Clouds sa
kaniya. "Magpaparetoke na lang kaya ako?
Tingin mo, gaganda ako?"
Lumapit si Clouds sa dalaga at kinatok ng
isang beses ang ulo niya.
"Lahat ng videos mo, pango ka. Ano ang
gusto mong mangyari? Ang makilala ng mga
tao bilang retokada at hindi magaling
kumanta? Hindi lahat ng tao ay pango kaya
dapat magpasalamat ka," sabi ni Clouds kaya
napangiti si Seola at napayakap sa kanang
braso nito.
"Opo, manager."
Napatingin si Clouds sa kamay ng dalaga at
napangiti saka ginulo ang buhok nito.
"Medyo bali lang ang ilong mo pero ano ang
silbi ng makeup artist? Ang mahalaga,
magpakatotoo ka, Seola."
Bumukas ang pinto kaya napahiwalay ang
dalawa.
"Hindi pa ba kayo kakain?" tanong ni Red na
kasama si Clarissa.
"Hindi pa," sagot ni Clouds. "Nagpa-practice
pa kami kaya kung puwede, lumabas muna
kayong dalawa?"
Napailing si Red at hinarap si Seola.
"Congrats, Seola. Excited ka na ba para
bukas sa recording mo?"
"Medyo po," nakangiting sagot ng dalaga at
kinuha ang malamig na tubig pero kaagad
na hinablot ito ni Clouds.
"Bawal ka sa malamig dahil baka mamalat
ka," ani Clouds saka ibinigay ang bottled
water na hawak.
"Sundin mo ang manager mo, alam niya ang
ginagawa niya," nakangiting sabi ni Red at
inakbayan si Clarissa. "Nagugutom na ako.
Kumain ka na ba, Cla?"
"Hindi pa, hinihintay ko na yayain mo ako,"
nakangiting sagot ni Clarissa habang
nakatingala sa matangkad at medyo payat
na lalaking nakaakbay sa kaniya.
"Sure. Masarap kumain kapag may kasama,"
natatawang sabi ni Red at lumabas na sila
para dumiretso sa malapit na restaurant.
"Magkaka-album na pala si Seola," wika ni
Clarissa habang kumakain sila.
"Well, magaling naman siya kaya deserve
niyang magka-album," sabi ni Red habang
hinihiwa ang beef.
"H-Hindi ba ako magaling?" tanong ni
Clarissa. Tumigil si Red at hinarap siya.
"Magaling ka. In fact, malaki ang kita sa 'yo
ng agency kaya proud ako sa 'yo. Napaka-
hardworking mo, Cla."
"Pero mukhang mas paborito mo na si Seola
kaysa sa akin," pagtatampo ni Clarissa kaya
napangiti si Red.
"Business is business. Kung sino ang talent
na mas malaki ang net sa agency, siya ang
paborito ko," natatawang sabi ni Red.
"Grabe ka, pera-pera lang pala," pabirong
sabi rin ng dalaga.
"Magkaiba kayo ni Seola. Ang isa sa inyo ay
inborn na singer at ang isa ay born to be a
singer."
"So? Saan ako?" tanong ni Clarissa.
"Depende kung saan ang gusto mo,"
natatawang sagot ni Red. "Pero magkaiba
kayo ni Seola. May kaniya-kaniya kayong
strenght at weakness."
"By any chance, m-magkakagusto ka ba kay
Seola?" nahihiyang tanong ni Clarissa pero
hindi makasagot si Red. "S-Sorry, alam
kong masyado nang personal. Kumain na
lang tayo," agad na bawi niya.
"She's unique. At hindi malabong
magugustuhan ko siya," sagot ni Red at
matamis na nginitian si Clarissa. "Kumain na
tayo, Cla. Kailangan nating i-enjoy ang
pagkain habang mainit pa ito."
Tipid na ngumiti si Clarissa. Matagal na
silang nagkakasama ni Red pero bakit hindi
siya nito napapansin? Oo nga't palagi silang
magkasama pero bakit hindi ito nagpakita
ng interest sa kaniya?
------------------------
"Good job!" puri ni Clouds nang matapos na
si Seola sa isang kanta.
"Talaga? Baka may mali ako," nag-aalalang
tanong ni Seola. Inabot sa kaniya ni Clouds
ang salabat.
"I-enjoy mo lang ang pagkanta para
maramdaman ng listeners ang puso mo," ani
Clouds at muling tinulak si Seola papasok sa
recording studio.
Napatingin siya sa bag ni Seola nang
tumunog ito pero pinabayaan lang niya.
Tunog pa rin ito nang tunog kaya kinuha na
niya. Si Ash ang tumatawag kaya sinagot na
niya habang nakatingin kay Seola na
kumakanta.
"What? Busy pa si Seola e. Baka puwedeng
pakibantay muna kay Ash?" sagot niya nang
sabihin ng kausap na isinugod nito si Ash sa
hospital dahil mataas ang lagnat at
dumudugo ang ilong. Nang matapos niyang
makausap, palakad-lakad siya habang
napakagat sa kanang hinlalaki.
"Ano ang nangyari?" tanong ni Seola nang
bumukas ang pinto. Napansin niyang hindi
mapakali si Clouds kaya nakiusap siya ng
isang minutong break.
"Si Ash, isinugod ng kaibigan mo sa hospital
dahil tumaas ang lagnat," sagot ni Clouds.
"H-Ha? Saang hospital? Puntahan natin,"
natarantang tanong ng dalaga at lumapit
kay Clouds pero hinawakan siya ng binata sa
kamay.
"Tapusin mo ang recording mo, ako na ang
pupunta kay Ash."
"P-Pero ang kapatid ko--"
"Kailangan mong tuparin ang pangarap mo,
Seola. Magiging okay rin si Ash. Sumunod
ka na lang mamaya, okay?" Inabot niya ang
cellphone ni Seola. "Huwag kang mag-alala,
aalagaan ko ang kapatid mo habang wala ka
pa."
Nang tumalikod si Clouds, pinigilan siya ng
dalaga a braso. "C-Clouds? Huwag mong
pabayaan ang kapatid ko," naiiyak na
pakiusao ng dalaga. Dalawang araw nang
nilalagnat si Ash pero pinapainom lang niya
ng paracetamol. On and off naman ang
lagnat nito kaya akala niya ay okay na ito.
"Hindi mo na kailangang sabihin iyan,
parang kapatid ko na si Ash," sabi ni Clouds
at kinatok ang ulo ng dalaga ng isang beses.
"Ituloy mo ang pangarap mo, ako ang
bahala kay Ash."
"Umaasa ako sa 'yo, Clouds."
Nagmamadaling nilisan ni Clouds ang
recording studio at pumara ng taxi pero
nang tumawag niya ang number ni Ash,
inilipat daw ito sa private hospital.
"A-Ano ang nangyari?" tanong ni Clouds sa
kay Joy na nasa labas ng ICU.
"May dengue siya at sobrang baba ng
platelet count niya. Kailangan daw ng pirma
ng kamag-anak para masalinan siya ng
dugo," sagot ni Joy na labis na nag-aalala sa
batang nasa ICU room. Mula sa labas,
nakikita nilang maraming needle ang
nakatusok sa kamay ng bata at may mask
din ito dahil mataas ang carbon dioxide nito
sa dugo.
Lumapit si Clouds sa nurse. "Miss? Puwede
ba akong magpirma para sa blood
transfusion ni Ash?" tanong ni Clouds.
"Kamag-anak lang po ang puwede, sir,"
sagot ng nurse.
"Wala siyang kamag-anak. Patay na ang
parents niya at ako ang guardian niya,"
sagot ni Clouds at napatingin sa doctor na
lumapit.
"Wala pa ba ang kamag-anak ng bata?
Kailangan na niya ng dugo dahil mabilis ang
pagbaba ng platelet count niya," tanong ng
doctor.
"Wala ho ang kapatid niya kaya ako na lang
ang pipirma," sabat ni Clouds.
"Kailangan ho ang kamag-anak," sabat ng
nurse.
"Kapag emergency cases, may exception ang
consent, 'di ba? Paano kung mamatay ang
bata nang dahil lang sa consent na iyan?"
tanong ni Clouds at ang doctor na ang
kinausap.
Pumayag sila at inilagay na lang sa system
na mamaya pa darating ang kapatid nito.
Gabi na nang makarating si Seola.
"Kumusta na si Ash?" umiiyak na tanong
niya. Nang sabihin ni Joy na nasa ICU si Ash,
muntik na siyang hinimatay.
"Under observation pa siya dahil hindi pa
stable ang vital signs niya," sagot ni Clouds.
Kaya pala may napapansin siyang rashes sa
dibdib ni Ash.
Niyakap ni Joy si Seola na umiiyak.
"Magiging okay rin ang lahat. Ano ka ba,
matatag na bata si Ash kaya hindi siya
basta-basta."
"P-Puwede po ba akong pumasok?" tanong
ni Seola sa nurse na lumabas sa room.
"Sige po, magsuot lang po kayo ng mask at
gown," sagot ng nurse kaya agad namang
ginawa ng dalaga at pumasok sa loob saka
kinausap si Ash na wala pa ring malay.
"M-Magpakatatag ka, Ash. N-Nandito lang si
Ate mo, hindi kita pababayaan. L-Lumaban
ka naman," naiiyak na pakiusap niya saka
pinahidan ang mga luha. Wala na silang mga
magulang, kaya hindi na niya makakaya pa
kapag mawala si Astray sa kaniya.
Napatingin siya sa kamay ng kapatid nang
maramdamang gumalaw ito.
"L-Lalaban si Ash, 'di ba? Alam kong
matapang ka," nakangiti pero umiiyak na
sabi niya. Kung puwede lang sanang siya na
lang ang nakaratay at hindi si Ash.
Napalingon siya nang maramdaman niya ang
mabigat na kamay na pumisil sa balikat niya.
"Magiging okay rin ang lahat, Seola.
Gagaling din si Ash," mahinang sabi ni
Clouds kaya mas lalong tumulo ang mga
luha ng dalaga.
Niyakap siya ng binata at hinaplos ang ulo
niya. "Tahan na, gagaling si Ash kaya
magpakatatag ka. Sabi ng doctor, bumaba
na ang carbon dioxide niya kaya tatanggalin
na nila ang EPAP mask after one hour."
Hindi puwedeng manatili sila sa ICU at isang
bantay lang ang puwedeng manatili buong
gabi kaya si Seola na ang nagpaiwan. Ayaw
pa sanang umalis ni Clouds pero pinilit siya
ng dalagang umuwi na.
Kinabukasan, maaga pang dumating si
Clouds.
"Hindi ka pa tapos sa recording mo kaya
umuwi ka na at maligo bago pumunta sa
studio," sabi ni Clouds. "Ako na ang bahala
kay Ash."
Humarap si Seola kay Ash na gising na.
"Aalis si Ate kaya magpagaling ka, okay?"
Tumango si Ash kaya ngumiti si Seola bago
umalis. May tiwala naman siya kay Clouds.
After two days, inilipat na si Ash sa ward
nang masiguradong ligtas na ito at nag-
stable na ang vital signs lalo na ang platelet
count ng bata. Araw-araw ay silang
nakabantay sa bata. Palitan lang hanggang
sa nakatapos si Seola ng recording niya.
"Idi-discharge na tayo mamaya pero w-wala
na akong pera," nanlulumong sabi ni Seola.
Ubos na rin ang laman ng alkansiya niya
dahil sobrang mahal ng mga gamot, doctors
fee at hospital ward. Nasa private hospital
pa naman sila.
"Dito ka lang, nasa labas si Luke kaya
puntahan ko muna," paalam ni Clouds at
tumayo. After ng klase lang siya pumupunta
rito dahil hindi niya puwedeng pabayaan ang
pag-aaral niya. Ina-update naman siya ni
Seola kaya napapanatag siya.
Paglabas niya, pumara siya ng taxi at
nagpahatid sa building ng opisina ng lolo
nila.
"What brought you here?" tanong ni Skyler
sa apo.
"Uutang po ako," diretsahang sagot ni
Clouds.
"Hindi mo ba ako kumustahin? Pera
kaagad?" nagtatampong tanong ni Skyler.
"Kumusta ka na po, Lolo?"
"Haist! Pare-pareho lang kayo nina Star.
Alam mo bang galing siya rito at humingi
rin ng pera? Wala ba talagang silbi ang ama
ninyo at sa akin kayo dumudulog?" reklamo
ni Skyler.
"Mas mayaman ka po kay Daddy," walang
ganang sagot ni Clouds.
"Umuwi ka na dahil nag-aalala na ang
mommy mo. Ilang beses siyang tumatawag
araw-araw para kumustahin kung lumapit ka
sa akin."
"Hindi po sa ngayon. Pero Lolo Skyler,
pautang po ako ng pera. Emergency lang
po," sagot ng binata.
"Sa ama mo ikaw humingi. Kahit galit iyon,
hinihintay rin niya na umuwi ka na,"
suhestiyon ng matanda.
"Emergency ito kaya pautangin mo na ako.
Lolo, kailangan ko lang ng pambayad sa
hospital bill ng kapatid ng kaibigan ko,"
pakiusap ni Clouds.
"Wala akong pera."
Tumayo si Clouds para lumabas.
"Ganoon na ba kahalaga ang paggagastusan
mo ng pera para ibaba mo ang pride mo at
humingi ng tulong sa akin?" tanong ni Skyler
sa apo na mukhang problemado.
"Buhay ang kapalit ng pride ko kaya handa
akong lunukin iyon, makalabas lang kami sa
hospital" sagot ni Clouds at nakipagsukatan
ng titig sa lolo.
Magkano ba ang kailangan mo?" labag sa
loob na tanong ni Skyler tanda ng pagsuko.
Ilang milyon na kaya ang nawala sa kaniya sa
araw na ito? Pang anim na itong si Clouds
na pumunta. "Lahat na lang ba kayong anim,
sa akin tatakbo kapag may problema? Ano
ba ang silbi ng ama ninyo?"
"Wala siyang silbi sa ngayon," sagot ni
Clouds na hindi pa rin nawawala ang
pagtatampo sa ama.
"Basta may kapalit. Kausapin mo ang Lola
Kim mo na tumabi na sa akin. Alam mo
bang two days na siyang natutulog sa
kabilang kuwarto?" parang batang sumbong
ni Skyler sa apo.
"Two hundred thousand pesos pero
kailangan ko ng cash na fifty thousand
ngayon," sagot ni Clouds kaya napilitang
magbigay si Skyler. Hindi niya matitiis ang
mga apo niya. Matitiis niya ang mga anak
pero hindi ang mga apo. Huwag naman sana
siyang sugurin ng mga apo kina Blue, Black,
Lyn at Erika dahil mapapatay na siya ni
Kimberly kapag maubusan sila ng pera.
Pagkatapos makuha ni Clouds ang gusto,
dumiretso siya sa opisina ng lola.
"Kung pumunta ka rito para kausapin ako na
tumabi sa lolo mo, makakaalis ka na,
Clouds," naiinis na sabi ni Kimberly matapos
humalik ni Clouds sa kaniya.
"Nandito na galing ang lima kong kapatid?"
siguradong tanong ni Clouds.
"Umuwi ka na sa inyo dahil hinihintay ka na
ng ama mo," sabi ni Kimberly.
"Alis na po ako, Lola. Magbati na kayo ni
Lolo Skyled dahil hindi no'n kaya na matulog
na wala ka," sabi ni Clouds bago lumabas.
Dali-dali siyang lumabas sa building at
pumara ng taxi para bumalik sa hospital.
Pagdating niya sa ward, nadatnan niyang
nakaupo si Ash sa kama at nasa tabi na nito
ang mga gamit nila.
"Ang ate mo?" tanong ni Clouds.
"Lumabas po," sagot ni Ash na nilalaro ang
magandang barbie doll na hawak.
"Clouds, mabuti at nandito ka na,"
masayang sabi ni Seola na may hawak na
papel. "Nabayaran ko na ang hospital bill
natin."
Napatingin si Clouds kay Red na pumasok.
"Pinautang ako ni Sir Red para may
pambayad ako," ani Seola na sobrang saya.
"Ano ka ba, talent kita at normal lang na
pahihiramin kita dahil magpamilya tayo sa
Bright Star," nakangiting sabi ni Red.
Nalaman niya kahapon na nasa hospital ang
kapatid ni Seola kaya bumisita siya.
"Salamat po talaga. Hindi ko na alam ang
gagawin ko. Mabuti na lang dahil dumating
ka para tulungan kami," naiiyak na sabi ni
Seola. Tama lang ang pagdating ni Red
kanina.
"Kuya Red? Salamat po sa barbie doll,"
tuwang-tuwa na pasalamat ni Ash kay Red.
"Kasing ganda mo ang barbie kaya binili
kita," nakangiting wika ni Red at kinindatan
ang bata.
"Okay ka lang?" tanong ni Seola kay Clouds
na tahimik sa isang tabi. "Nasaan na si Luke?
Ang tagal mo namang bumalik."
"Okay lang ako," sagot ni Clouds at binuhat
ang dalawang bag para lumabas na sa
hospital. Sumunod naman ang tatlo na
buhat ni Red si Astray.
Pumara si Clouds ng taxi.
"Sa akin na kayo sumabay," alok ni Red.
"Huwag na po, nakakahiya na. Sobra-sobra
na po ang tulong mo sa amin," tanggi ni
Seola at kinuha si Ash kay Red.
"Magtatampo ako kapag hindi kayo sumabay
sa akin. Sabihin na lang natin na interest na
lang ng pinautang ko ang paghatid sa inyo."
Napatingin si Seola kay Clouds na hinihingi
ang permiso ng binata. Lumapit ito sa kanila
at binuksan ang compartment ng sasakyan
ni Red saka inilagay ang dalawang bag.
"Sumabay na kayo, magta-taxi na lang ako,"
sabi ni Clouds at tinalikuran ang tatlo.
"C-Clouds--" Seola.
"I'm fine. Huwag mo na akong intindihin,
sumabay na kayo kay Red, kailangan nang
magpahinga ni Ash," sabi ni Clouds at
sumakay na sa pinarang taxi.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon