25

1K 46 1
                                    



MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 25

Unedited...
"Huwag kang masyadong kumain ng
matatamis at dapat lagyan mo ng lemon at
pipino ang tubig mo, okay?" sabi ni Clouds
nang iabot kay Seola ang tumbler na may
lamang pipino at lemon ang tubig. "Kung
ayaw mo ng tubig, mag-chamomile tea ka
at lagyan mo ng kaunting honey at lemon."
Napatingala si Seola kay Clouds at nakatitig
sa mukha ng binata.
"Ba't ganiyan ka makatingin?" tanong ni
Clouds nang mapansin ang facial expression
ni Seola. Para itong batang iiwan ng mga
magulang para magkaroon ng makain sa
araw-araw.
"A-Aalis ka na ba?" tanong ng dalaga. Ewan
ba niya pero parang nalungkot siya. Kahit na
pasaway si Clouds, nasanay naman siya ugali
nito.
"Mahigit three months na ako sa bahay na
ito kaya kung aalis man ako, wala naman
sigurong masama? Isa pa, may buhay rin
ako, Seola. Mas sikat ako kaysa sa 'yo."
Hindi sumagot si Seola kaya kinatok niya
ang ulo ng dalaga. "Huwag ka ngang
sumimangot diyan! Gusto mo rin naman na
lumayas ako sa bahay na ito kaya huwag ka
nang magkunwari na malungkot ka!"
"Hindi naman ako malungkot," sabi ni Seola
at tumayo. "Ano ang gusto mong
merienda?"
"Huwag ka nang mag-abala pa," sabi ni
Clouds. "Nag-order na ako ng ice cream,
cake at spaghetti para sa ating tatlo."
"Aalis na ka na nga talaga," mahinang sabi ni
Seola.
"Kumain ka ng ice cream ngayon hanggat sa
gusto mo. May two weeks ka pa naman para
maibalik ang boses mo kung sakaling
mamaos ka."
Guest si Seola sa live concert ni Siwon.
Tutol man si Clouds pero para din naman
iyon sa career ni Seola. Ayaw man niyang
tanggapin pero si Siwon ang namamayagpag
ngayon dahil nawalan siya ng spotlight.
"Kuya? May naghahanap po sa 'yo," sabi ni
Ash nang pumasok kasama ang delivery boy.
Kinuha ni Clouds ang in-order na pagkain at
inihanda nila ni Ash sa mesa habang
nakatingin lang si Seola.
"Oh? Ano pa ang hinihintay mo? Kumain ka
na, Seola," yaya ng binata matapos mag-
scoop ng ice cream para kay Ash.
"Ate? Kain na po. Ang sarap po ng ice
cream," tuwang-tuwang yaya ni Ash kaya
naupo si Seola sa tabi ng kapatid na kaharap
ni Clouds.
"Dapat na maging masaya ka dahil inililibre
ko kayo ng masarap na pagkain," ani Clouds
na tinaasan ng kilay si Seola.
"Masaya naman ako," sagot ng dalaga at
sinimulan nang kumain.
"Tingnan mo nga ang mukha mo, daig mo
pa ang bombay na nalugi!" sabi ni Clouds.
Matapos nilang kumain, pumasok na si
Clouds sa kuwarto habang si Seola naman ay
naghuhugas ng plato at si Ash ay nanonood
ng TV sa sala.
Lumapit si Seola sa kuwarto ni Clouds at
sinilip itong nagliligpit ng gamit at nilalagay
sa malaking maleta.
Napasulyap si Clouds kay Seola na
nakasandal sa pinto.
"May kailangan ka?" tanong ni Clouds kaya
umiling si Seola.
"Kailan ka aalis?"
"Bukas," sagot ni Clouds at nginitian si
Seola. "Gusto mo, ngayon na?"
"Good luck sa comeback mo. Sana mag-
duet tayo," sabi ni Seola kaya natawa si
Clouds.
"Kung tatanggapin ng fans ko na ikaw ang
ka-duet ko," sagot ng binata at
pinagmasdan si Seola.
"Grabe ka! Nawala na ang fans mo, iniwan
ka na nila," biro ng dalaga kaya
napabuntonghininga si Clouds.
"I know. Alam kong kaunti na lang ang
natira," pabulong na sabi ng binata.
Labag sa loob na pinakawalan niya si Seola
at walang salitang namutawi sa kanila
habang palabas na siya sa kuwarto ng
magkapatid na napamahal na sa kaniya.
Hindi siya makatulog at pabaling-baling lang
sa higaan hanggang sa alas tres na ng
madaling araw.
Nang sa tingin niya ay mahimbing na
natutulog na ang magkapatid, tumayo siya
at binitbit ang maleta saka maingat na
lumabas sa kuwarto. Ayaw niya ng
madramang pag-alis. Mas mainam na sa
paggising ng dalawa ay wala na siya.
Malapit na siya sa pinto nang masulyapan
niya sa maliit na salamin na nakasabit sa
dingding ang pagbukas ng pinto ng kuwarto
nina Seola. Iniwas niya ang mga mata sa
salamin at ipinagpatuloy ang paglalakad
palapit sa pinto. Naramdaman niya ang
pares ng mga matang nakatutok sa paglabas
niya pero patay-malisya lang siya.
Lutang na naglalakad siya sa tahimik at
medyo madilim na kalsada. Walang tao at
tanging huni ng panggabing hayop ang
naririnig niya. Mapayapa ang paligid pero
hindi ang puso niya. Mas mabuti pa nga
noong pinalayas siya ng ama, mas madali
lang sa kaniyang lisanin ang tahanan ng mga
magulang. Pero iba ngayon. Para siyang
isang leon na kinuha sa kagubatan at
inilagay sa Zoo para paglaruan ng mga tao.
"Ugh!" hiyaw niya at pabagsak na binitiwan
ang maleta saka pinagsusuntok ang poste
hanggang sa mawala ang sakit na
nararamdaman ng puso niya.
--------------------------
"Kumain ka na? Libre kita sa cafeteria," yaya
ni Red nang pumasok sa dressing room ng
dalaga.
"Hindi pa po," sagot ni Seola at napatingin
sa bulaklak na binigay ni Red sa kaniya
kanina. "Salamat pala sa bulaklak na
ibinibigay mo, Sir Red."
"Wala iyon," nakangiting sagot ng binata.
Silang dalawa lang sa dressing room. "Hindi
naman lingid sa kaalaman mo na gusto kita,
Seola."
Umiwas ng tingin si Seola. Sa totoo lang,
hindi siya makapaniwalang nililigawan siya ni
Red. Sa lahat ng babaeng talent nila, bakit
siya pa? Hindi naman siya maganda.
"B-Bata pa po kasi ako at may pangarap pa
ako para kay Ash kaya bawal muna akong
makipagrelasyon," nahihiyang sabi niya.
"Naintindihan kita, Seola. Hindi naman ako
nagmamadali. Maliban na lang kung may iba
kang gusto?" ani Red kaya natigilan si Seola.
May iba ba siyang gusto? Parang wala
naman. Ne hindi nga sumagi sa isip niya na
magka-boyfriend na siya.
"Sir naman, wala po. Focus muna talaga sa
career para kay Astray Czarina," sagot ng
dalaga kaya tumawa si Red.
"Masyado kang seryoso. Halika, libre kita sa
cafeteria."
Sumunod si Seola kay Red at masayang
nakipagkuwentuhan sa boss habang kumain.
"Magpa-practice ka pa?" tanong ni Red kaya
tumango si Seola.
"Tapusin na natin ang pagkain para may
time ka pang magpahinga. Huwag mong
pagurin ang katawan mo at mag-vitamins
ka," sabi ni Red.
"Ikaw rin po, pareho lang tayong hindi
katabaan," sabi ni Seola. Matangkad na
payat din kasi si Red pero guwapo.
"Oo na, payat na ako pero pogi naman,"
natatawang sabi ni Red.
Nang matapos silang kumain, lumabas na
sila at naglakad pabalik sa dressing room ng
dalaga. Marami silang nasasalubong na
bumabati kay Red. Mostly ay mga senior ni
Seola.
Napatigil si Seola sa paglalakad nang
makitang makakasalubong niya sina Clouds
at Clarissa na masayang nag-uusap kaya
napatingin si Red sa tinitingnan ng dalaga.
"Red," nakangiting bati ni Clarissa at
napatingin kay Seola. "Hi, Seola. Kumusta
ka?"
"O-Okay lang," nakangiting sagot ng dalaga
na hindi alam kung saan titingin.
Mula nang umalis si Clouds sa bahay nila,
hindi na sila nagkita pa dahil hindi ito
nagawi sa puwesto niya.
"Gumagawa pala si Clouds ng kanta para sa
comeback niya," pagbalita ni Clarissa nang
mapansing walang kibo si Clouds.
"Good. Galingan mo, Clouds. Nakasalalay sa
performance mo ang muling tiwala ng tao,"
sabi ni Red.
"Alam ko," tinatamad na sagot ni Clouds na
hindi man lang sinulyapan si Seola.
Pinakiramdaman ni Clarissa sina Clouds at
Seola na para bang hindi nagkakilala ang
mga ito.
"By the way, mabuti at okay naman ang
manager mo, Seola?" nakangiting tanong ni
Clarissa.
Pasimpleng napasulyap si Seola kay Clouds
na para bang hindi sila nito nagkakilala.
Tama, wala na nga siyang puwang sa buhay
ni Clouds dahil ginamit lang siya nito para
magka-album ito. Mukhang masaya naman
ito sa buhay. Kung sabagay, bumalik na ito
sa dati.
"Okay naman siya," sagot niya at sinikap na
maging natural. "Masayang kasama si
Manager Yoo." Bakla ang bago niyang
manager. Medyo mahigpit lang ito lalo na sa
oras niya pero okay naman dahil nakabiruan
din niya.
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Red na kay
Clarissa ang mga mata.
"Uuwi na," sagot ni Clouds at nilampasan
ang mga ito.
"Sige Sir, mauna na po ako," paalam ni Seola
at mabilis na umalis para pumunta sa
dressing room.
"Well?" ani Clarissa habang naka-cross
arms. "Obvious naman na gusto nila ang
isa't isa kaso ayaw lang aminin."
"Mauna na ako, Clarissa," wala sa mood
palaam ni Red at lumabas ng agency.
Napataas ang kilay ni Clarissa at pumunta sa
opisina ni Red. Nang pumasok siya, wala ang
secretary nito kaya dali-dali niyang binuksan
ang drawer ni Red. Nang makita niya ang
brown envelope, kinuha niya iyon at
pumunta sa dressing room ni Seola.
Ito lang ang tao kaya nagkaroon siya ng
pagkakataong makausap ito.
"Ano ang kailangan mo?" tanong ni Seola.
"Alam mo ba kung bakit nag-resign si
Clouds bilang manager mo?"
"Kasi babalik na siya sa pagkanta.
Magkakaroon na siya ng big comeback,"
sagot ni Seola kaya napa-smirk si Clarissa at
inilapag sa ibabaw ng dresser ang brown
envelope.
"A-Ano 'to?" nagtatakang tanong ni Seola at
binuksan ang envelope. Napanganga siya
nang makita ang mga litrato nila ni Clouds.
"May reporter na nagba-blackmail sa agency
gamit ang mga litrato ninyo ni Clouds.
Napigilan iyon ni Red sa ngayon. Oras na
lumabas 'yan, tapos ang career mo. Iniwan
ka ni Clouds para hindi tumigil ang
pamamayagpag mo."
Inagaw niya kay Seola ang envelope.
"Ibabalik ko ito sa drawer ni Red bago pa
niya malamang hiniram ko ito. Kung ano
man ang nalaman mo, sana hindi mo
ipaalam kay Red."
"B-Bakit mo ito ginagawa, Clarissa?"
"Well? Sabihin na lang nating kaibigan mo
ako sa bagay na ito," makahulugang sagot ni
Clarissa at lumabas bitbit ang brown
envelope.

A/n:
Credit sa "Lovers of Music" sa ibang eksena.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon