MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 14
Unedited...
"Kaya ko ba?" nag-aalinlangang tanong ni
Seola habang naglalakad sila sa hallway ng
isang sikat na TV network na pag-aari nina
Red.
"Kakayanin!" sagot ni Clouds kaya napangiwi
si Seola.
"Inii-stress mo 'ko eh!" ani Seola.
"E di tumigil ka na! Nag-uimpisa ka pa lang,
ang dami mo nang reklamo!"
"Sorry naman. Kapag tumigil ako, hindi ka
na magkakaroon ng bagong album," ani
Seola at nginitian si Clouds
"Huwag ka ngang ngumiti! Nawawala ang
ilong mo eh!" ani Clouds at piningot ang
ilong ng dalaga. "Yuck! Puno ng
whiteheads!"
"Wala kaya!" ani Seola at inayos ang sarili
nang makitang makakasalubong nila sina Red
at Clarissa.
"Congrats, Seola, at isa ka sa mga napiling
sasabak sa pagkanta," ani Red na nakangiti
sa dalaga.
"Salamat, Sir. Kinakabahan ako," pasalamat
ni Seola habang nakatitig sa guwapong
mukha ng mabait na boss.
"Kaya ninyo ni Clarissa 'yan," sabi ni Red at
inakbayan ang kasamang dalaga.
"Sasali ka rin?" tanong ni Clouds habang
nakatingin sa matalik na kaibigan.
"Oo eh," sagot ni Clarissa.
Survival song ang sasalihan nila. Kung sino
ang may pinakamataas na total vote mula sa
audience votes and online votes ay siyang
manalo.
Binuksan ni Clouds ang pinto kaya pumasok
na sila. Sumalubong ang nagkikislapang
camera sa kanila.
"Galingan mo! Dapat last number ka para
last ka rin mag-perform," sabi ni Clouds.
"Ako ang bahala. Magaling ako riyan!"
pagmamayabang ni Seola at lumapit na sa
silyang inihanda sa kanilang walo.
"So guys, pili kayo ng number. Ang number
one and two ay unang magkakalaban sa live
show. Kung sino ang manalo, kakalabanin ni
Number 3 hanggang sa isa na lang ang
matira," pagpaliwanag ng organizer.
"Excuse me, if just in case na manalo si
Number 2, kailangan pa po ba niya song
para sa next?" tanong ng sikat na singer
mula sa ibang agency.
"No," sagot ng babae. "Isang song lang ang
i-prepare ng bawat singer. If in case na
manalo si Number 2, papasok si Number
three at kakanta para talunin ang rank at
maagaw ang seat sa kaniya. Kailangan niyang
mataas ang vote ng nanalo. If hindi, si
Number four na naman ang susubok na
talunin si Number two hanggang sa kung
sino ang matirang may pinaka-highest vote
ay siyang tatanghaling champion," paliwanag
nito.
Isa-isang lumapit ang singers at dumukot ng
bola na may numero sa isang box.
"Kaya mo 'yan," senyas ni Clouds kaya
kampanteng nag-okay sign si Seola.
Napansin ni Clouds na napangiwi ang dalaga
matapos makita ang numero.
"Ano na?" walang boses na tanong ni Clouds
na nabasa naman ni Seola ang binibigkas ng
labi niya.
Itinaas ni Seola ang kanang kamay at nag-
peace sign.
"Number two?" bulalas ni Clouds at
napasabunot sa buhok. "Ano pa nga ba ang
aasahan ko sa babaeng 'to?"
Tinawag nila ang number one and two na
unang lalaban. Tumayo si Seola at iginala
ang mga mata. Wala pang tumayo sa
number one. Kahit si Clouds ay nag-aabang
din kung sino ang unang makakalaban ni
Seola hanggang sa tumayo si Clarissa at
ipinakita ang hawak na bolang may number
kaya napanganga ang dalawa.
"Oh? Unang magkakalaban sa ay mula sa
iisang agency, interesting!" sabi ng producer
kaya napahilamos si Clouds sa mukha.
"Sa dinami-rami, bakit si Clarissa pa?"
pabulong na sabi ni Clouds. Nagsitayuan na
sila at lumapit si Seola sa kaniya.
"Number two ang nakuha ko," nakalabing
sabi ni Seola.
"Alam mo 'yong malas, Seola?"
"Huwag mo nang ipaalala, uwi na tayo," sabi
ni Seola na na-disappoint din sa sarili.
Lumabas sila at nadaanan nila si Clarissa
kasama ang manager nitong babae.
"Hey? Good luck para sa Survival Song,"
nakangiting sabi ni Clarissa.
"Salamat. Good luck din," nakangiting sabi
ni Seola.
"Mauna na kami," walang ganang sabi ni
Clouds at hinila na si Seola. Nawalan na siya
ng gana.
"Magpasalamat na lang tayo dahil isa ka sa
napiling lalaban. At least makikita ka na sa
TV," sabi ni Clouds na chine-cheerup ang
sarili.
"Oo nga. Wala naman sa number 'yan,"
pagsang-ayon ni Seola. Nasa voting naman
kaya kahit na huli ka pang magpe-perform,
nasa studio audience at online voting pa rin
nakasalalay ang pagkapanalo mo. "Mabuti na
lang talaga dahil in-upload ng mga
estudyante ang video ko."
"Halika na, magluluto ka pa ng ulam namin
ni Ash bago ka magbebenta ng balut mo!"
yaya ni Clouds at papara na sana ng taxi
pero pinigilan ni Seola.
"Magtitipid tayo kaya mag-jeep tayo."
"Ayaw ko! Ang init!" reklamo ni Clouds.
"Huwag ka nang mag-inarte dahil wala
tayong pera! Kakanta pa ako sa bar," sabi ni
Seola.
"Hindi ba't napag-usapan na natin na bawal
ka nang mag-bar? Kahit paano, may
nakukuha ka na sa Bright Star kaya ingatan
mo na ang pangalan mo."
"Ano ba ang masama kung kakanta ako sa
bar? Eh, doon naman ako nagsimula," sabi ni
Seola.
"Bawal nga kasi iba noon kaysa ngayon! Ako
ang manager ko kaya mas alam ko kung ano
ang nakakabuti sa 'yo!" giit ni Clouds kaya
lumapit si Seola sa kaniya habang nakatitig
sa mga mata niya.
"A-Ano ang ginagawa mo?" tanong ni
Clouds habang nakapaatras.
"Talaga? Alam mo ang nakabubuti para sa
career ko?" mahinang tanong ni Seola na
nasa tapat na niya at nakatingala sa kaniya.
Nanigas siya nang hawakan ni Seola ang
kanang kamay niya. "Okay ka lang? Ano ang
nangyari sa 'yo?" tanong ni Seola.
"W-Wala! Mag-abang ka na ng dyip!" sagot
ni Clouds at mahinang tinulak si Seola sa
kaliwang balikat matapos hilain ang kamay
na hawak ng dalaga.
"Psh! Oo na!" sabi ni Seola at tinalikuran si
Clouds.
"Ayan na naman ang sakit ko. Umaatake na
naman siya," bulong ni Clouds na nakahawak
sa kaliwang dibdib nang maramdaman ang
kaba.
Silang dalawa lang ang pasahero ng dyip na
sinakyan nila.
"See? Masarap sumakay sa dyip, 'di ba?
Walang traffic," sabi ni Seola at nginitian
ang binatang katabi.
"Bakit noong unang sakay natin, sobrang
siksikan?" tanong ni Clouds na unat ang
kamay sa likod ni Seola.
"Kasi po, rush hour noon at weekdays kaya
marami rin ang estudyante," sabi ni Seola at
nilingon si Clouds. "Okay ka lang?" tanong
niya nang mahuling umiwas ito ng mga
mata.
"I-I'm fine. May nararamdaman lang ako,"
pag-amin ni Clouds.
"Ano?"
"Basta," tipid na sagot ni Clouds.
Humarap na si Seola nang may mga
sumakay at hindi na sila muling nag-usap pa
ng binata hanggang sa nakarating sila sa
bahay nila.
"Haist! Hindi ba't sabi ko, ayusin mo naman
ang sapatos mo? Mabuti pa si Ash,
marunong maglagay sa tamang lalagyan!"
naiinis na sabi ni Clouds at nandidiring
kinuha ang lumang doll shoes ni Seola saka
o ilipat sa tabi ng sapatos niya. Pagpasok
kasi nila ng bahay, may maliit na space sa
kaliwa na para sa mga panlabas nila.
"Ikaw na lang mag-ayos," sabi ni Seola at
pumasok na bitbit ang gulay na nabili sa
eskinita bago sila pumasok.
Dumiretso siya sa kusina para magluto.
Mamaya na niya susunduin ang kapatid sa
kaibigan niya.
Napalingon siya kay Clouds na pumasok sa
banyo. Ipinagpatuloy niya ang paglilinis ng
mga gulay hanggang sa isinalang niya sa
kaldero nang malapit nang maluto ang isda.
Tinolang isda ang iuulam nila dahil gusto
raw ni Ash ng gulay.
"Mukhang masarap," sabi ni Clouds na nasa
likuran na pala niya.
"T-Talaga? Kumakain ka rin ng tinolang
isda?" tanong niya at nilingon ang g
mabangong binata.
"Oo," sagot ni Clouds. "Pero hindi ganiyan.
Malalaking isda ang niluluto nina Mommy."
"Ah," sabi ni Seola. "Pero masarap 'tong
sapsap na isda."
"Malalaki ang ganiyang binibili sa bahay,"
sagot ni Clouds at napatingin kay Seola na
binuksan ang kaldero at inamoy ang niluluto.
"Pagtiisan mo na lang," sabi ni Seola at
pinatay na ang apoy. "Tatawagin ko lang si
Ash para makakain na tayo."
"Sige," sagot ni Clouds na mabilis lumayo sa
dalaga at napaupo sa upuan sa sala.
"May problema ba, Clouds?" tanong ni Seola
nang lapitan ang binatang nakahawak sa
dibdib.
"Kinakabahan lang ako. Ang bilis ng tibok ng
puso ko," sagot ni Clouds kaya namilog ang
mga mata ng dalaga.
"N-Nagpa-checkup ka na ba?" nag-aalalang
tanong ng dalaga.
"Oo, pero normal naman daw sabi ni Doc,"
sagot ni Clouds saka tumingala kay Seola na
nakatayo sa harapan niya. "Pero ang bilis
talaga ng pagtibok e."
Natigilan si Seola. "Naririnig mo ba ang
tibok?"
Tumango si Clouds. "Oo."
"Mukhang sasabog ba ang dibdib mo?"
tanong ni Seola.
"Tama! May sakit talaga sa puso--ouch!"
daing niya nang katukin ni Seola ang ulo
niya.
"Pag-ibig lang 'yan! Huwag kang mag-
inarte!" sabi ni Seola at nginitian ang binata.
"Inlove ka na, Ulap? Kanino?" tukso ni
Seola.
"Kapal mo! Ako? Inlove? Asa ka!"
"Uy, ayaw pa aminin! Inlove ka na eh!"
pang-aasar niya sa binatang mukhang
sasabog sa pagkapikon.
"Umalis ka na dahil nagugutom na si Ash!"
pagtataboy ni Clouds at mahinang sinipa
ang kanang paa ng dalaga.
"Oo na!" natatawang sabi ni Seola at
lumabas na bago pa siya masuntok ng
binata.
-------------
"What? Iniba ang kanta niya?" bulalas ni
Clouds. "Pero iba ang ipinasa naming
kakantahin ni Seola!"
"Sir? Iyon ang ibinigay ng production na
song," sabi ng staff.
"Clouds? A-Ano ang gagawin natin?"
natarantang tanong ni Seola.
"Wait!" sabi ni Clouds at napapikit matapos
tingnan ang piyesa ng kanta.
"H-Hindi ko alam ang kantang 'to," sabi ni
Seola. Tinawag na sila para maghanda dahil
isang oras na lang ang natitira ay magli-live
show na sila kaya mas lalong nataranta si
Seola.
"Ang inihanda pa rin namin ang ikakanta
niya!" giit ni Clouds.
"Hindi po puwede, sir. Kung hindi kayo
susunod, hindi na siya matutuloy," sabi ng
staff at iniwan na sila.
Hinawakan no Clouds ang kamay niya. "Hindi
ka marunog magbasa ng lyrics pero
marunong kang sumabay sa beat, 'di ba?"
Nag-aalinlangang tumango si Seola.
"Kailangan mong maging aktibo ngayon.
Kalma lang, Seola at pakinggan mo ako,
okay?" sabi ni Clouds kaya marahang
tumango ang dalaga. Oo na lang. Hinila siya
ni Clouds sa isang silid at kinanta ang nasa
music sheet na inuulit naman ni Seola.
"Seola? Mag-prepare ka na," sabi ng
organizer kaya natarantang lumapit sila ni
Clouds sa backstage.
"K-Kinakabahan ako," sabi ni Seola. Naririnig
niya ang pagkanta ni Clarissa. Ang ganda ng
boses nito.
"Kaya mo 'yan. Isipin mong pangarap mo 'to
at masaya ka sa ginagawa mo," sabi ni
Clouds at muling hinawakan ang kamay ni
Seola saka inawit ang kakantahin ng dalaga
sa huling pagkakataon.
"Don cry for me
Don't be sad for me
Don't look at me like that
With that meaningless look 🎶
There is no love left me inside🎶 anymore
I can't feel anything anymore
Just like you who smiled as you let me go
🎶
Napapikit si Seola at pinakinggan ang
malamyos na boses ni Clouds.
Pagdilat niya, sumalubong ang mga mata ng
binatang nakatunghay sa kaniya kaya
nakaramdam siya ng pagkailang. Kanina pa
ba siya nito minamasdan? Ano kaya ang
hitsura niya? Siguradong pangit sa paningin
ni Clouds.
"Seola? Tandaan mo, hindi lang nota at
lyrics ang mahalaga sa pagkanta. Dapat mula
ito sa puso. Kapag kumanta ka, huwag lang
bastang kanta. Dapat alam mo ang
kahulugan ng iyong kinakanta. Enjoy lang na
parang nagkukuwento ka sa mga nakikinig
ng laman nito. Kapag magkamali ka, huwag
kang tumigil. Hindi titigil ang pangarap mo
sa isang pagkakamali lang."
Tumango si Seola at ngumiti. Alam niyang
hindi siya nag-iisa sa labang ito.
"Seola? Ikaw na," sabi ng staff kaya
binitiwan na ng dalaga ang kamay ng binata
saka tumalikod.
"Seola?" tawag ni Clouds kaya tumigil si
Seola at lumingon sa binata. "Good luck!"
"Kaya ko 'to!" determinadong sabi ng dalaga
at matamis na ngumiti kay Clouds. "Sige na
manager, kakanta na po ako!"
Kinakabahang hinawakan ni Seola ang mic at
pinakalma ang sarili kagaya ng sinabi ni
Clouds. Lahat ng ito ay ginagawa niya para
kay Ash at higit sa lahat, masaya siya. Tama!
Masaya siya sa pagkakanta.
"Don cry for me 🎶
Don't be sad for me
Don't look at me like that
With that meaningless look 🎶
Don't love me
Don't wait for me 🎶
Napakunot ang noo ni Clarissa habang
nakikinig kay Seola na halatang hindi
naniniwala habang nakatitig sa baguhang
singer na kumakanta. Nag-aalala naman si
Clouds pero may tiwala siya kay Seola.
Ngayon lang. At least kalmado lang ito at
paminsan-minsan ay pumipikit. Ramdam ang
emosyon sa bawat pagbigkas ng inaawit.
Because love has ended🎶
Why did you let me leave
If you knew you'd regret it so? 🎶
Then I wouldn't have wandered in pain
There is no love left anymore
I can't feel anything anymore
Just like you
Who smiled as you let me go 🎶
Who smiled as you let me go 🎶
Idinilat niya ang mga mata matapos
kumanta. Tahimik ang lahat ng nasa paligid.
Napalunok siya ng laway. At least she did
her best. Bahala na. Kahit si Clarissa,
kinakabahan din sa magiging reaction ng
mga audience. Natigilan si Seola nang sabay
na nagpalakpakan ang mga tao at sabay na
tumayo.
Umalis na siya at pumunta sa backstage.
"Kyah! Clouds! Nagawa ko!" masayang sabi
niya at niyakap ang binatang sumalubong sa
kaniya pero agad naman siyang natauhan sa
ginawa kaya mabilis na inilayo niya ang sarili
kay Clouds. "Salamat sa pagtulong at
pagbigay ng lakas ng loob."
Kinatok ni Clouds ang ulo ni Seola.
"Binibigyan mo ako ng heart attack pero
masaya ako sa naging performance mo.
Good job!"
"Seola, balik na kayo ni Clarissa sa stage,"
sabi ng isang staff kaya tinulak siya ng
binata.
Kinakabahang lumabas si Seola kasabay ni
Clarissa. Nagsalita ang emcee pero hindi na
naririnig ni Seola dahil sa kaba.
"So? Ang nanalo para sa studio audience
is--" pabitin na sabi ng emcee. Parehong
may spotlight sina Seola at Clarissa. Biglang
namatay ang kay Clarissa. "Congratulations,
Seola."
Naiyak si Seola. Ang totol vote niya ay 1,
553 laban kay Clarissa na 670 lang.
Napa-"yes" si Clouds sa backstage.
"Pero hindi pa 'yan final dahil 50% pa lang
'yan at may online voting pa tayo. Ang first
winner ng Survival Song natin ay si--"
Lahat ay kinakabahan lalo na si Seola pero
kampante si Clouds na mananalo si Seola.
Sobrang laki na ng lamang ni Seola sa
audience at sigurado siyang nanonood ang
taga Westbridge ngayon at nagvo-vote kay
Seola.
Napanganga si Clouds nang biglang namatay
ang spotlight ni Seola.
"Congrats, Clarissa! Ikaw ang first na nanalo
sa Survival Song," sabi ng emcee kaya
napangiti si Seola.
"Salamat po. Sobrang galing din po kasi ng
kalaban ko. Good luck, Clarissa. Fighting!"
masayang sabi ni Clarissa bago iwan ang
stage at lumapit kay Clouds na hindi
maipinta ang mukha.
"Huwag mong sabihin sa akin na okay lang
kung hindi naman talaga!" Inunahan na niya
si Seola bago pa makapagsalita ang dalaga.
"S-Sorry," paumanhin ni Seola.
"Umuwi na tayo, gabi na. Panigurado,
nagpupuyat si Ash sa panonood sa 'yo," yaya
ni Clouds na nakakuyom ang kamao.A/n:
Credit sa "Lovers of Music" sa ibang eksena.
Original drama series.