33

1.1K 55 1
                                    


MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 33

Unedited...
"Maraming salamat po," magalang na bati ni
Seola habang nag-autograph sa notebook
ng fan niya. Mahaba pa ang pila pero
masaya siya kahit na medyo gutom na siya
at masakit ang mga daliri aa kakapirma. Alas
otso nagsimula ang fans day niya at alas
dose na pero hindi pa rin matapos-tapos.
Apat silang artist na nagkaroon ng fan sign
pero mas mahaba ang pila ng sa kaniya.
"Next," sabi ng organizer.
"Maraming salamat sa pagpunta,"
nakangiting pasalamat ni Seola sa lalaking
nakasombrero at binuksan ang puting papel
na inabot nito para mapirmahan.
"Pango ko!"
Napatingala siya nang mabasa ang nakasulat
sa papel.
"C-Clouds?" pabulong na tanong niya nang
mamukhaan ang binatang naka-shades at
sombrero.
"Have a break, have a kitkat," mahinang sabi
ni Clouds at ibinigay kay Seola ang dalawang
piraso ng kitkat at tumbler na may
chamomile tea. "Kahit hindi ka pa kumakain,
at least magkaroon ka man lang ng sugar
para hindi ka mahilo."
"Ulap ko," nakalabing sabi ni Seola at sinilip
ang pagkahaba-habang pila.
"Ayusin mo nga ang hitsura mo, para kang
nasa bahay lang."
Ngumiti si Seola at hinawi ang ilang hibla ng
buhok na tumatakip sa kanang pisngi niya.
"Pumila ka?"
"Pirmahan mo na ang papel ko at marami pa
ang nakapila."
Sinulatan niya ang puting papel ni Clouds ng
"I love you, Ulap ko."
"Next!" anunsiyo ng organizer kaya kinuha
na ni Clouds ang papel at umalis na sa
harapan ni Seola.
Ngingiti-ngiting kinain ni Seola at isang
kitkat dahil medyo nakaramdam na nga siya
ng gutom.
"Guys? Last fifty na lang muna dahil magbe-
break pa kami kaya ang iba, mamaya na lang
ulit. Magbibigay na lang kami ng number
kaya huwag munang sirain ang linya."
Ang hanggang alas tres lang dapat ay
umabot sa alas singko na autograph pero
sulit naman ang pagod ni Seola habang
nakikita niya ang tuwa sa mukha ng fans
niya.
"Uuwi ka na?" tanong ng manager niya.
"Opo, may gagawin pa ba tayo?"
"Sige, magpahinga ka na. Kita na lang tayo
bukas sa studio mo," sabi ng manager.
Dumaan lang siya dahil busy ito kanina sa
ibang talent.
"Salamat po sa pagsingit ng sched mo sa
akin, Manager Yoo," pasalamat ni Seola.
"Basta ikaw. Malaki ang kita ko sa 'yo eh,"
biro ng manager niya.
"Para kang si Sir Red," ani Seola kaya natawa
si Manager Yoo.
"Actually, sa kaniya ko nakuha ang linyang
'yan."
Tumawa si Seola. "Mauna na po ako, may
pupuntahan din naman ako."
"Saan ba? Ida-drop na kita," tanong ng
manager.
"Huwag na po, magta-taxi na lang ako para
diretso ang biyahe ko."
Mabilis na lumabas si Seola saka pumara ng
taxi at nagpahatid sa cemetery.
"Clouds!" tawag niya at patakbong lumapit
sa kasintahan. Magtatakip-silim na kaya sila
na lang ang tao sa paligid. "Kanina ka pa?"
"Bago lang," sagot ng binata at inabot ang
bouquet ng white roses sa kaniya.
Napasulyap si Seola sa fresh basket ng
bulaklak sa ibabaw ng puntod ng kaniyang
mga magulang na dinala ni Clouds. Mabuti
pa ito, palaging may dalang bulaklak pero
siya na anak, wala.
"Salamat kanina," pasalamat ni Seola.
"Ang hirap pumila kaya kiss mo 'ko," sabi ni
Clouds sabay senyas sa kanang pisngi niya.
Natawa si Clouds at nag-tiptoe para halikan
ang binata sa kanang pisngi.
"Sa lips pa, Seola."
Mahinang hinampas siya ng dalaga sa
balikat. "Sumosobra ka--"
Tsup!
Mabilis na halik ang iginawad ni Clouds sa
mga labi ng dalaga.
"At least ako lang ang humahalik sa lips
mo," ani Clouds.
"Loko ka."
"Hindi 'yan kayang gawin ng fans mo sa
'yo," proud na sabi ni Clouds.
"Ulap?" tawag ng dalaga kaya niyuko siya ng
binata. "I love you!" Niyakap niya ito sa
bewang at isiniksik ang mukha sa malapad
na dibdib ng kasintahan. Ang bango ni
Clouds.
Mahinang tinapik ni Clouds ang likod ng
dalaga. "I love you too. Pasensiya ka na,
alam kong pagod ka na."
Ngumiti si Seola. "Sanay na ako. Mas
nakakapagod ang gawain ko noon," sagot
ng dalaga. Lahat ng pagod niya ay napawi
na ngayong nasa bisig siya ng binata.
Kumawala si Clouds sa pagkakayakap at
pinisil ni ang tip ng nose ni Seola gamit ang
right pointing finger. "Pango," nakangiting
sabi ng binata. Pinisil niya ulit na parang
nagdo-doorbell lang. "Pango. Pango."
"Ikaw na ang may matangos na nose!"
nakasimangot na sabi ni Seola. Heto na
naman si Clouds, inaasar siya. Tuwang-tuwa
pa ang mokong.
"Proud naman ako na pango ang girlfriend
ko," nakangising wika ng binata kaya kinurot
siya ni Seola sa tagiliran.
"Gusto mo mag-summer vacay?" tanong ni
Clouds at muling niyakap si Seola sa
bewang.
"Saan?" tanong ni Seola habang nakatingala
sa binata.
"Bora? Palawan? Baguio? Ikaw?" tanong ni
Clouds.
"Kaso may pasok si Ash," nanghihinayang na
sabi ni Seola.
"Shit, nakalimutan ko," sagot ni Clouds.
Hindi puwedeng iwan nila ang bata. "Sa
December na lang."
"Sige," pagpayag ni Seola. Excited na rin
siya sa plano ni Clouds. At least
magkapagpahinga naman sila. "Salamat pala
sa lahat ng effort para sumikat ako. Ikaw
ang pinaka the best na manager sa mundo
ng showbiz."
"God of music ako," pagtatama ni Clouds at
kumalas sa pagkakayakap kay Seola. "Kain na
tayo?"
"Baka may makakita sa atin."
"Huwag kang mag-alala," sabi ni Clouds at
hinawakan ang kamay ni Seola saka lumabas
sila sa cementeryo at pinasakay ito sa
nakaparadang sasakyan.
"Nasaan si Luke?" tanong ng dalaga.
"Pumuntang US kaya pinahiram muna niya
ang van niyang ito," sagot ni Clouds at
inayos ang maliit na bed at pinaupo si
Seola. "Dito na tayo kakain, may food akong
dala."
"Sige," sabi ng dalaga. May trash can naman
sa frontseat kaya walang problema. Binilisan
lang nila ang pagkain.
"Salamat sa dinner, Clouds."
"Dalhin mo na ang sobra kay Ash."
"Sige, basta huwag ka nang lumabas, idaan
mo na lang ako sa bahay."
May paparazzi na rin kasi na tumatambay sa
street nina Seola kaya baka matamaan ng
mga ito si Clouds.
"Seola? Sa Sunday, ipapakilala na kita sa
parents ko after ng live show at comeback
ko."
"H-Hindi ba masyado pang maaga?" nag-
aalalang tanong ni Seola.
"Mas okay nga iyon para walang masayang
na sandali sa ating dalawa."
Lumipat sila sa frontseat at nagmaneho na si
Clouds pero sa kantong malapit lang niya
pinababa si Seola.
"Matao naman dito pero mag-ingat ka pa
rin," sabi ni Clouds at hinalikan muna sa
kanang pisngi ang dalaga bago pinababa.
Sinusundan niya ng sasakyan si Seolang
naglalakad para masigurado ang safety nito.
"Kaasar talaga! Kung hindi lang tayo
celebrity, sa bahay na kita iuuwi!" reklamo
niya habang nakatingin sa kasintahang
naglalakad. Bibili siya ng condo nextyear
para magsama na sila ni Seola. Bahala na
ang fans. Napangiti siya nang mapagmasdan
ang patpating katawan ng kasintahan.
Ngayon lang niya napansing maumbok
naman pala ang puwet nito dahil hapit ang
suot na pantalon. Napailing siya sa naisip.
Tiyak, magagalit na naman si Seola kapag
malaman ang iniisip niya.
-----------------
"Hindi ka ba uuwi?" tanong ni Sky nang
sadyain ang anak sa studio nito.
"Daddy!" bulalas ni Clouds saka tumayo at
lumapit sa ama. "I miss you!"
Yayakapin na sana niya ang ama pero agad
na tinulak siya ni Sky.
"Baliw ka na ba? Alam mo bang halos hindi
na makatulog ang mommy mo sa pag-alala
sa 'yo?"
"Ikaw ang nagpalayas sa akin!" depensa ng
binata.
"Ano? Kailan ka magpapakatino, Clouds?"
seryosong tanong ni Sky at naupo sa upuang
nasa gilid lang ng table ng anak.
"Matino na ako, Dad."
"Tapatin mo nga ako, saan ako nagkulang,
Clouds?"
"Dad naman, ayaw ko ng drama. Bakit ka ba
napunta rito?" tanong ni Clouds. Hindi ito
pupunta para lang ipaalam na nag-aalala ang
mommy nila.
"Sabi ng Lolo Skyler mo, may bago kang
kasintahan?" Nagtatanong-tanong naman
sila ni Taira tungkol sa pinaggagawa ni
Clouds nitong nga nakaraang buwan.
Nabalitaan nilang magbabalik na si Clouds sa
showbiz sa Linggo. Hindi lang niya alam
kung sino ang babaeng tinutukoy ni Skyler.
"Ipapakilala ko siya sa Linggo, after ng
album ko. Sa mansion kami magdi-dinner,"
sagot ni Clouds. Siguro panahon na para
maging okay sila ng ama. Mahirap din
naman na ipakilala niya si Seola sa mga ito
na nagkakatampuhan sila.
"Sa tingin mo, magugustuhan namin siya?"
seryosong tanong ni Sky. Ngayon lang may
pormal na ipapakilala si Clouds sa kanila.
Pero hindi naman siya tutol dahil matagal na
siyang nag-aasam na magkaroon ng anak na
babae.
"Hindi siya maganda," diretsahang sagot ni
Clouds kaya mataman na nakikinig si Sky sa
anak. "Pango siya," dagdag ni Clouds kaya
natawa si Sky.
"Huwag mo na akong linlangin," hindi
naniniwalang sabi ni Sky.
"Bahala ka," sabi ni Clouds. Wala naman
talagang maniniwala sa kaniya. Siyempre
mataas ang standard ng mga Villafuerte lalo
na pagdating sa mga babae.
Tumayo si Sky. "Aasahan ko kayo sa Linggo
ng gabi."
Nang makalabas ang ama, napasimangot si
Clouds.
"Bahala sila kung ayaw nilang maniwala!"
sabi niya at lumabas. Mabuti na lang dahil
may naiwang van si Luke na magagamit
niya.
Pumunta siya sa boutique.
"Yes, Sir?" bungad ng saleslady na ang
lapad ng ngiti nang mamukhaan siya.
"Miss? Ano ba ang bagay sa babaeng medyo
payat ang katawan?" tanong niya. "Semi-
formal lang."
"Maputi ho ba?"
"Oo, maputi naman siya kahit paano.
Ahmmm.. Medyo may puwet din naman
pero payat lang talaga," nakangiting sagot
ni Clouds. Kahit paano, may maipagmalaki
naman siya sa kasintahan. Iyon lang talaga.
"Ah, ito po ang mga damit na babagay sa
kaniya," sagot ng dalaga at ipinakita sa
kaniya ang puti, itim at pulang mini-dress.
"Kukunin ko ang puting bestida," sabi ni
Clouds. Sigurado siyang babagay ito kay
Seola.
"Bagay po ito sa girlfriend mo," sabi ng
babae kaya ngumiti si Clouds.
"Yes, gaganda siya kapag ito ang suot niya,"
pabirong sagot ni Clouds na ikinangiti ng
saleslady.
"Pakibalot na lang ng gift wrapper,"
pakiusap ni Clouds kaya sinunod naman ng
babae.
Bitbit ang box, bumalik siya sa agency.
Pinakiusapan niya ang guard na ihatid ang
regalo sa studio ni Seola.
Nang masiguradong nandoon na ang regalo,
pumunta siya sa studio ni Seola.
"Clouds? Kumusta," bati ng manager ni
Seola.
"Okay lang, Manager Yoo. Puwede ko bang
makausap si Seola?"
"Sure!" sagot ng baklang manager at
lumabas.
"Bakit nandito ka?" tanong ni Seola nang
silang dalawa na lang ang naiwan.
"Kasi nandito," sagot ni Clouds at lumapit sa
dalaga saka hinapit ito sa bewang at
hinalikan sa mga labi.
"B-Baka may pumasok," nag-aalalang sabi ni
Seola.
"Wala 'yan, basta kiss tayo," bulong ni
Clouds at hahalikan pa sana ang dalaga pero
itinulak na siya nito. "Ang killjoy mo talaga!"
"Ano ba ang ipinunta mo rito?"
"Hmm? Buksan mo ang gift ko," parang
batang sabi ni Clouds at napasulyap sa gift
na nasa tabi ng table ni Seola.
"Sa 'yo galing 'yan?" tanong ni Seola at
napasulyap din sa box.
"Oo," sagot ni Clouds. "Buksan mo na, para
malaman ko kung nagustuhan mo."
"Nag-abala ka pa," sabi ni Seola habang
palapit sa box at binuhat saka inilapag sa
mesa tapos binuksan ito. Tinulungan na siya
ni Clouds. Napanganga siya nang makita ang
puting bestida.
"Maganda ba, pango ko?"
"P-Para sa akin 'to?"
"Oo naman," sagot ni Clouds.
"Pero ang mahal nito," ani Seola.
"Mas mahal ang mga ngiti mo," sagot ni
Clouds na nakatitig sa mga mata ng dalaga.
Agad na iniwas ni Seola ang mga mata dahil
hindi niya kayang makipagtitigan kay Clouds.
Bumibilis ang tibok ng puso niya e.
"P-Para saan ito?"
"Isuot mo kapag ipakilala na kita sa family
ko sa Linggo," sagot ni Clouds na ikinalaki
ng mga mata ng dalaga.
"I-Ipakilala mo na ako?"
Tumango si Clouds. "Oo, ipapakilala na kita."
"Clouds naman, kinakabahan ako."
"Mababait sila kaya okay lang. Isa pa, na-
inform ko na sila na pango ka," natatawang
sabi ni Clouds na ikinasimangot ng dalaga.
Kilala niya si Clouds kaya sigurado siyang
ipinaalam nito sa mga Villafuerte na pango
siya.
"Hindi ka talaga mabait na boyfriend! Ang
sama mo, Ulap!"
"Ang mahalaga, mahal kita at ikaw ang
priority ko."
"Kailan mo ba ako purihin na maganda ako?"
Pinindot na naman ni Clouds ang ilong niya.
"Hindi ko ugaling pumuri. Iparamdam ko na
lang sa 'yo na maganda ka kahit na iba ang
sinasabi ng bibig ko," sagot ni Clouds at
kinindatan siya. Kindat na nakakalusaw ng
puso at binigyan siya ng pag-asang siya
lang ang babae sa buhay ni Clouds.
"Labas na, baka may pumasok," pagtataboy
ng dalaga.
"Kiss muna, Seola."
"Ayaw!"
"Lalabas lang ako kapag i-kiss mo 'ko""
parang batang sabi ni Clouds kaya napilitan
si Seola na halikan siya sa mga labi.
"Sayang, hindi natin maranasan ang nose to
nose kasi--"
"Isang pang panlalait at pupunitin ko ang
damit na ito!" pagbabanta ni Seola kaya
natawa si Clouds.
"Bye na, Seola. May pupuntahan pa ako,"
paalam ni Clouds.
"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni
Seola. Wala sinabing appointment si Clouds
sa araw na ito.
"Sama ka?"
"Saan?"
"Sa forever natin," nakangising sagot ni
Clouds kaya napanganga si Seola. "Paano
'yan? Mauna na ako, pango. Hintayin na lang
kita roon, okay?"
"Labas na. Wala kang sinasabing matino!"
pagtataboy ni Seola at tinulak na si Clouds
palabas sa studio niya. Habang tumatagal,
nasanay na siya sa panlalait ng boyfriend.
Sabi nga nito, kapag laitin siya, ibig sabihin,
nagpapansin lang ito sa kaniya. Mahal niya si
Clouds. Ito ang tumuro sa kaniya kung
paano niya yakapin ang pagiging hindi
perpekto ng sarili. Ito rin ang nagpapalakas
ng loob niya kahit na hindi siya kagandahan.
Si Clouds ang nagpamulat sa kaniya na
talented siya. Sapat na iyon para masabi
niyang siya ang pinakamagandang pango sa
balat ng lupa.

A/n:
Hindi ko pa rin alam ang title kasi parang
hindi naman napanindigan ang
"Diskartedora". Parang ang nilalaman lang
nito ay ang pagiging pango ni Seola.
Hahaha. Parang mostly kasi ng bida,
matangos kaya itatayo natin ang bandera ng
mga pango. Charot.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon