MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 40
Unedited...
"Kumain ka na," sabi ni Seola nang lumabas
si Clouds sa kuwarto nito. Kakatapos lang
niyang magluto ng tuyo, pritong itlog at
sinangang.
"Hindi ako naka-dinner kagabi," sabi ni
Clouds at naupo sa mesa. Antok na antok
siya kaya hindi na niya nakaya pang
bumangon para kumain.
"Pasensiya ka na sa ulam," paumanhin ni
Seola matapos ilapag sa mesa ang pagkain.
Tahimik na kumain si Clouds kaya sumabay
na si Seola.
"May load ka?"
"Cellphone lang ni Ash," sagot ni Seola.
"Pahiram, may tatawagan ako," ani Clouds
kaya tumayo si Seola at kinuha ang
cellphone sa ibabaw ng TV katabi ng
cellphone niya.
"Ito, pero mga thirty lang yata pero unlicall
naman 'yan sa Smart and Tnt 'N Txt," sabi ni
Seola.
"Naiwan ko pala ang cellphone ko sa
kuwarto," sabi ni Clouds matapos abutin ang
cellphone na ibinigay ni Seola. "'Di na bale,
memorize ko naman ang number niya."
Napatingin si Seola sa binata. Nakaramdam
siya ng inggit kay Clarissa. Bakit ganoon?
Samantalang siya, parang hindi niya naririnig
na memorize ni Clouds ang number niya.
Napatingin siya sa cellphone na nag-ring
kaya tumayo ang dalaga at kinuha ang
cellphone.
"Hello?" pagsagot niya.
"What the--"
Napatingin sila sa isa't isa habang parehong
nasa tainga ang cellphone.
"P-Paano mo nalaman ang number ko?"
tanong ni Seola habang nakatitig kay Clouds
na nasa tainga pa rin ang cellphone niya.
"Paanong ikaw ang natawagan ko? Nagpalit
ba kayo ni Clarissa?"
"Hindi ah! Ito na kaya ang gamit ko,"
depensa ni Seola at muling naupo sa
harapan ni Clouds. "Ano ba ang number ni
Clarissa?"
"Ang tinawagan ko."
"Baka mali ka lang."
"Paano ako magkamali, eh, 'yan ang number
ng girlfriend ko!" depensa ni Clouds at
inilapag ang cellphone saka
napabuntonghininga.
"B-Baka may isang maling number lang," ani
Seola.
"Alam mo? Una, kabisado ko ang password
ng pintuan mo, ngayon naman, kabisado ko
ang number mo. Tapatin mo nga ako,
Seola? Nakatira na ba ako rito?"
naguguluhang tanong ni Clouds kaya iniwas
ni Seola ang mga mata.
"Great! Walang magsasalita sa inyong lahat
kaya ako na mismo ang tutuklas!" ani
Clouds saka tumayo. Nawalan na siya ng
ganang kumain.
"Naging manager kita kaya nakakapunta ka
rito sa amin ni Ash."
"Tinatamad na akong makinig sa 'yo at kahit
kanino! Niloloko lang yata ninyo ako. Alam
mo ba kung gaano kahirap ang kalagayan
ko, Seola? Alam mo bang sobrang
nahihirapan na ako?" naguguluhang sabi ni
Clouds na halos mawalan na ng malay sa
mga nangyayari. "Kung alam ko lang na
ganito ang mangyayari sa akin paggising ko,
sana namatay na lang ako!"
"Clouds!" pasigaw na sabi ni Seola. "H-
Huwag mong isipin 'yan."
"Pasensiya ka na kung naistorbo kita, hayaan
mo, magiging tapat na ako kay Clarissa.
Malaki na ang kasalanan ko sa girlfriend ko
dahil pakiramdam ko, niloloko ko siya."
Napayuko si Seola. Gusto niyang isigaw kay
Clouds na siya naman talaga ang girlfriend
nito pero magugulo lang ang lahat. Ayaw
niyang pahirapan ito dahil alam niyang
magugulo lang silang tatlo nina Clarissa.
Masyadong malaki na ang damage ni
Clarissa.
"Mula ngayon, hindi na kita gagambalain pa.
Mabuti nga iyon, para maging masaya na
kayo ng boyfriend mong si Red!"
Masama ang loob na lumabas si Clouds
matapos niyang makuha ang cellphone sa
kuwarto.
Sumakay siya sa taxi at nagpahatid sa bahay
nina Clarissa.
Napailing siya habang tinititigan ang number
ni Clarissa. Ang layo sa number ni Seola
dahil Globe ito at Smart naman si Seola.
"Babe," ani Clarissa at hinalikan siya sa
kanang pisngi. "Napasyal ka?"
"Wala lang. Gusto ko lang bisitahin ang
kasintahan ko, may masama ba?" sagot ni
Clouds at matamis na nginitian si Clarissa.
Mapait na ngumiti si Clarissa habang
nakatitig sa mukha ng matalik na kaibigan.
Gusto niyang maiyak.
"Hey," natatawang sabi ni Clouds nang
yakapin siya ni Clarissa.
"H-Hayaan mo akong yakapin ka muna,
Clouds," sabi ni Clarissa. Sana kapag
makaalala si Clouds, mapatawad siya nito.
Pero mukhang malabo kaya tanggapin na
lang niya ang lahat.
"Babe? May email pala ang jewelry shop na
pinagawan ko ng necklace, puntahan natin,"
sabi ni Clouds nang buksan ang Gmail niya.
"Sige, magpapalit lang ako."
Pinigilan siya ni Clouds sa kanang kamay.
"Huwag na, okay na 'yan."
"S-Sure ka?"
"Oo," ani Clouds kaya sumama na si Clarissa sa
kaniya na nakaputing tshirt at maong shorts
lang.
Pagdating nila sa jewelry shop, sinalubong
sila ng saleslady.
"Sir? Mabuti naman po at ligtas ka,"
nakangiting sabi ng saleslady.
Tumango lang si Clouds dahil ang totoo,
hindi niya ito matandaan.
"Nasaan na ang necklace?"
"Ay, wait lang po," sabi ng babae at tumungo sa counter at kinuha ang necklace.
"Ito na po."
Binuksan ni Clouds ang box at napatitig sa necklace. Ang ganda nito kaya sigurado
siyang siya ang nagpagawa. May nakaukit na PG sa pendant nito. Napakunot ang noo
niya, alam niyang siya ang C pero sino ang P? Hindi naman P si Clarissa. Dapat CC.
"P-Para ba sa akin 'yan?" tanong ni Clarissa
kaya natigilan si Clouds at napatitig sa
makinis at maputing leeg ni Clarissa.
"Naku, tama po kayo, bagay nga sa kasintahan mo," nakangiting sabi ng saleslady na hindi maikubli ang kilig.
"O-Oo, para nga sa 'yo," ani Clouds at hinawi ang buhok ni Clarissa saka inilagay sa
leeg nito.
"Salamat. Ang ganda, Clouds."
"Walang anuman," sabi ni Clouds habang nakatitig sa necklace na nasa leeg na ng dalaga.
"Bagay po kayo. Sabi mo ho, hindi ganoon kaganda ang girlfriend mo, eh, sobrang
ganda nga po niya," sabi ng medyo madaldal na saleslady kaya napatingin si Clouds dito.
"Sinabi ko ba na hindi siya maganda?" curious na tanong ni Clouds.
Ipinulupot ni Clarissa ang mga kamay sa braso ni Clouds at nginitian ang saleslady.
"Salamat sa pag-message kay Clouds, mauna na kami."
Bago pa makareklamo si Clouds, hinila na niya ito palabas ng shop at muling bumalik sa bahay nila.
"Mabuti naman at napadalaw ka, hijo," nakangiting sabi ni Rica at hinalikan sa kaliwang pisngi ang binata.
"Magandang umaga po."
"Tanghali na. Halikayo, kumain muna kayo," yaya ni Rica dahil luto na ang nilutong kare-
kare niya.
