23

1.1K 54 1
                                    


MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 23

Unedited....
"Nasa hospital si Clarissa dahil may thyphoid
fever siya," ani Red na kanina pa pabalik-
balik sa loob ng opisina. Linggo ngayon at
may photoshoot mamayang hapon si
Clarissa.
"Hindi ba puwedeng ipagpaliban muna ang
photoshoot? I-resume na lang kapag
makalabas na siya sa hospital," tanong ni
Glenda na secretary ni Red.
"Hindi sila papayag dahil iyon ang nakasaad
sa kontrata. Ilang beses na silang nag-adjust
sa atin at kapag hindi magawa ni Clarissa,
magbabayad tayo sa company na iyon,"
sagot ni Red.
"Hindi naman natin hawak ang kapalaran ng
tao. Mga walang konsiderasyon," reklamo ni
Glenda.
"Business is business," sagot ni Red. Hindi
pa niya puwedeng istorbohin ang ama dahil
nasa ibang bansa ito kasama ng kanilang ina
na nagpapagamot.
"Paano na 'yan?" problemadong tanong ni
Glenda.
"Good morning po, sir," magalang na bati ni
Seola nang pumasok sa opisina ni Red.
"Pinapatawag mo raw ako?"
Napatitig si Red sa dalaga kaya napayuko si
Seola.
"Are you free today, Seola?" tanong ni Red.
"Magpa-practice lang po para sa mall tour
sa Sabado. Bakit ho?" sagot ng dalaga na
naiilang kay Red.
"Good. Okay lang ba sa 'yo na mag-
photoshoot ka ngayon?" diretsahang tanong
ni Red. "Hindi makapunta si Clarissa dahil
nasa hospital ito ngayon kaya kung puwede
ka, ikaw na lang ang ipalit ko."
"S-Seryoso ka po?"
Tumango si Red.
"Kakausapin ko si Clouds. Papayag naman
'yon kung para sa 'yo. Saan na ba siya?"
tanong ni Red.
"N-Nasa labas po," sagot ni Seola. Seryoso
ba talaga si Red? Magpho-photoshoot siya?
Pero hindi pa niya naranasan ang ganiyang
bagay. Paano kung hindi siya bagay at
nagmumukha lang siyang katawa-tawa?
"S-Sir? Hindi ho ba, magaganda lang ang
mag-photoshoot para sa endorsement?
Hindi kaya mapahiya ang agency kapag ako
ang ipalit ninyo?" parang naiihing sabi ni
Seola at napakagat sa ibabang labi.
Ngumiti si Red. "Maganda ka naman, Seola.
Isa pa, kung hindi ka confident sa sarili
mong ganda, nandiyan ang makeup artist
para tumulong sa 'yo. As long na hindi
retokada ang isasabak namin sa
endorsement, walang problema sa kanila."
"Anong endorsement?" salubong ang kilay
na tanong ni Clouds at humarap kay Seola.
"Kanina pa kita hinahanap, dito ka lang
pala."
"Bakit mo ako hinahanap?" tanong ni Seola.
"Hindi ba puwedeng mag-alala ang ibang
tao sa 'yo?" sagot ni Clouds pero
napabuntonghininga nang magsalubong ang
mga mata nila ni Red. "Siyempre manager
mo ako kaya normal lang na hanapin kita."
"May sakit si Clarissa kaya kung puwede si
Seola na ang pumalit sa kaniya bilang
endorser ng energy drink?" tanong ni Red.
"Great opportunity na 'to para kay Seola.
Minsan ka lang makakuha ng big
endorsement lalo na kapag baguhan ka
lang."
"Oo na. Ang galing mo rin mag-sales talk
eh!" pagpayag ni Clouds kaya napatingala sa
kaniya si Seola.
"Huwag mo na akong tingnan ng ganiyan.
Mag-ayos ka na at pupunta tayo sa
photoshoot," sabi ni Clouds at tinulak na
ang dalaga palabas kaya napailing si Red na
sinundan sila ng tingin.
Pagdating sa soccer field ng Arellano
University, agad na inayusan nila si Seola.
Okay na rin sa company nang tumawag si
Red habang patungo sina Clouds. Mas gusto
nga raw nila ang bagong mukha. Isa pa, uso
ang kanta ni Seola ngayon kahit saan ka
magpunta dahil madala lang kabisaduhin at
tatatak talaga sa utak ang kanta.
"Ayaw mo pa no'n? Nag-iisa ka lang na
inaalagaan ko?" sagot ni Clouds at
tinalikuran na si Seola. "Bilisan mo, uuwi na
tayo dahil ikaw ang magluluto ngayon."
"Okay, manager!" sagot ni Seola at tumakbo
para habulin si Clouds.
"Pangit na nga, bobo pa. Hinakot na talaga
niya ang lahat ng negatibo sa mundo!"
bulong ni Clouds at binilisan ang
paglalakad.
------------------
"Salamat pala sa endorsement, Sir Red,"
pasalamat ni Seola. Tapos na siyang
magbenta at nang pauwi na ay nakita niya si
Red na patungo sa tree park kaya sinundan
niya para magpasalamat.
"No. Huwag kang magpasalamat, Seola. Ako
ang dapat na magpasalamat sa 'yo dahil
pumayag ka ini-save mo ang agency sa
kahihiyan. Isa pa, tumaas daw ang sales ng
company nila dahil sa inyo ni Siwon."
"Talaga po? Naku, dapat lang ako na
magpasalamat, sir." Ani Seola at naupo sa
tabi ni Red. Marami na ang nakakakilala sa
kaniya lalo na sa advertisement na ginawa.
Minsan nga, may nagpapa-autograph sa
nakakasalubong niya. Ang iba ay nagpapa-
picture pa.
"Ako nga kasi ang dami ko namang kita dahil
sa 'yo," natatawang sabi ni Red kaya
napailing si Seola. Alam naman niyang biro
lang nito ni Red.
"Red!" Napatingin sila sa babaeng palapit.
"Clarissa? Kumusta ka na? Okay ka na ba?"
nag-aalalang tanong ni Seola nang lumapit si
Clarissa sa kanila.
"Masaya ka na?" galit na tanong ni Clarissa
na kay Seola nakatingin. "Masaya ka na dahil
nakuha mo ang project ko?"
"Clarissa--" Red.
"Huwag mo nang ipagtanggol si Seola, Red!
Alam kong mas papaboran mo siya kaysa sa
akin!" Mapait na ngumiti si Clarissa at
sinalubong ang mga mata ng binata. "Oh,
well? May gusto ka nga pala kay Seola kaya
dapat lang na magpa-impress ka sa kaniya!"
Napanganga si Seola at napatingin kay Red
na nagtagis ang bagang.
"Kung wala kang sasabihing mabuti, umalis
ka na, Clarissa!" pagtataboy ni Red.
"Masaya ka na, Seola?" Hindi pa rin nawala
ang galit niya kay Seola lalo na't maganda
ang preview ng viewers sa dalaga. Siya ang
dapat na endorsed at hindi si Seola.
"Huwag mong isisi sa kaniya ang lahat.
Magpasalamat ka pa nga sana dahil isinalba
lang niya ang endorsement mo. Kung hindi
dahil sa kaniya, magbabayad sana tayo--"
"Puwede ba, Red? May sakit at valid naman
ang reason ko! Lumabas naman ako
kinabukasan, ah!" depensa ni Clarissa at
masamang tinitigan si Seola. "Kung patuloy
mo pa akong aagawan ng project,
sisiguraduhin kong isa sa atin ang lulubog!"
"Clarissa!" Saway ni Clouds pero tumalikod
ito at iniwan sila.
"S-Sir--"
"Huwag mong damdamin ang pinagsasabi
niya, nadala lang siya sa bugso ng
damdamin. Kilala ko si Clarissa. She worked
hard para makuha ang project na iyon pero
nagkasakit siya. I tried na kausapin ang
may-ari ng company pero hindi sila
pumayag na hintayin pa si Clarissa that's
why I sent you."
"H-Hindi ko po alam ang sasabihin kaya
maraming salamat po, Sir Red." Nahihiyang
sabi ni Seola. Hindi niya alam na hindi pala
okay kay Clarissa ang pagpalit niya. Kung
alam lang niyang magagalit ito, hindi na
sana siya tumuloy. Ayaw niyang umangat na
may inaapakan kapwa lalo na at kapwa
singer pa niya.
"Mauna na po ako, hinihintay na ako ni Ash
sa bahay," palaam niya na hiyang-hiya sa
sarili pero nahawakan ni Red ang kamay
niya.
"Sir? Bakit po?" nagtatakang tanong niya.
"A-About sa sinabi ni Clarissa kanina--"
"Wala ho iyon. Naintindihan ko po siya.
Hindi lang niya napigilan ang sarili niya kaya
nasabi niya iyon," malungkot na sabi ni
Seola.
Ngumiti si Red. "Totoo iyon, gusto kita,"
pag-amin ni Red kaya nagtatanong ang mga
matang napatingala si Seola sa matangkad
na binata. "Totoong gusto kita, Seola.
Noong una pa lang kitang nakita sa
paaralang ito at nang narinig ko ang boses
mo, nagustuhan na kita."
"S-Sir..." speechless na siya habang
nakatingin kay Red. Baka nananaginip lang
siya?
"Alam kong nabigla ka pero gusto ko lang
ipaalam sa 'yo," sabi ni Red at binitiwan ang
kamay ng dalagang hindi na nakapagsalita
pa.
Tumango si Seola at tumalikod kay Red.
Blangko ang utak niya. Paulit-ulit na
sumasagi sa utak niya ang sinabi ni Red kaya
nakaramdam siya ng tuwa. Basta. Guwapo
naman si Red at ang bait pa nito. Ang
problema lang ay mayaman ito at baka
binibiro lang siya.
"Ouch!" daing niya nang mabangga sa
matigas na bagay.
"Saan ba ang isip mo?" nakasimangot na
tanong ni Clouds at kinatok sa ulo ang
dalaga. Nang makita niyang palapit si Seola,
tumigil siya at pinagmasdan lang ito
hanggang sa mabangga na nga siya nito
dahil mukhang wala sa sarili ang dalaga.
"C-Clouds? Ikaw pala?" nakangiwing sabi ni
Seola.
"Hindi, multo ko lang 'to," sabi ni Clouds na
salubong ang kilay.
"S-Si Clarissa kasi, galit yata siya dahil
napunta sa akin ang endorsement niya?"
sumbong niya.
"Huwag mo na siyang pansinin dahil hindi
naman ikaw ang rason kung bakit nagkasakit
siya," sabi ni Clouds kaya tumango ang
dalaga.
"Seola," tawag ni Red kaya napalingon ang
dalawa.
"S-Sir..." sambit ni Seola na hindi
makatingin kay Red.
"Tungkol pala kay Clarissa, ako na ang
bahala sa kaniya," ani Red kaya napatingin si
Clouds sa dalagang hindi makatingin sa
pinsan niya.
"S-Salamat po," sabi ni Seola at tumalikod
pero dahil wala siya sa sarili, natapilok siya.
"Seola!" sabay na sabi nina Clouds at Red
saka hinawakan ang dalaga. Si Red sa
kaliwang kamay at si Clouds naman sa
kanan.
"Bitiw Red!" Mahina pero may diin na utos ni
Clouds dahil may mga estudyante na malapit
lang sa kanila. Natigilan si Seola at hindi na
alam ang gagawin.
"Paano kung ayaw ko?" matapang na
tanong ni Red at nakipagsukatan ng tingin
sa pinsan.
"Kyah!" Tili ni Seola nang puwersahan siyang
hinatak ni Clouds kaya nabitiwan ni Red ang
kaliwang kamay niya.
"See? Bumitiw ka rin," wala sa mood na sabi
ni Clouds at tinaasan ng kilay si Red at hinila
na si Seola patungo sa gate. "Uuwi na tayo,
Seola!"

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon