2

1.3K 55 0
                                    


MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

[Seola PoV]

Kahit ako'y titibo-tibo. Ang puso ko ay
tibok-tibok pa rin sa 'yo 🎶
Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
🎶
Napalingon ako nang may pumalakpak sa
likuran ko.
"Ang galing mo palang kumanta," puri ni
Red at naupo sa unahan ko. "Fishball,
please."
"Salamat po, sir," magalang na pasalamat ko
kahit na alam kong ini-echos lang niya ako.
"Ilang fishball po?"
"Isang order lang pero kapag ipagpatuloy
mo ang pagkanta, gawin kong tatlo," sagot
ni Red na nakangiti. Ang guwapo niya. Kaya
nga ang daming nagkakagusto sa kaniya.
"Ay, okay na po ang isa," nakangiting sabi
ko at naglagay ng fishball sa mainit na
mantikang nasa kawali. "Drinks po, sir?"
"Ahm? Sprite lang," sagot ni Red kaya
pinauna ko muna ang Sprite kay Sir Red.
"Seryoso ako, maganda ang boses mo,
Seola," ani Red.
"Salamat po."
"Bakit hindi ka sumali sa pa-contest?"
tanong ni Red.
"Naku, hindi po ganoon kaganda ang boses
lalo na ang mukha ko," nahihiyang sagot ko.
Nasubukan ko na noon pero binully lang ako
ng ibang contestants dahil wala raw akong
ganda kagaya nila.
"Sino ba ang nagsabi no'n at sapakin natin?"
natatawang sabi ni Red. Inilagay ko ang
nalutong fishball sa styropor plate at inabot
kay Red.
"Keep the change," sabi ni Red matapos
ibigay ang isang daan.
"Talaga po?" bulalas ko. Ako pa? Sa
ganitong bagay, wala siyang hiya-hiya.
"Hindi ako tumatanggi sa grasya, Sir Red."
"Sure," sagot ni Red at kinindatan pa ako.
Kung hindi ko lang alam na pangit ako, baka
isa pa ako sa magpapantasya sa lalaking nasa
harapan ko.
"Naks, salamat. Bili ka po parati, sir," biro
ko. Para araw-araw, may tip ako.
"Sure," sagot ni Sir Red at sinimulan nang
kumain.
"Red!" tawag ng dalawang babaeng lumapit
sa kanila.
"Yesh? Kahit kayo ni Chummy, libre ko,"
nakangiting yaya ni Sir Red sa dalawang
magagandang babaeng lumapit.
"Yan ang gusto ko sa 'yo, bes. Kaya love ka
namin ni Chummy eh," masayang sabi ng
babaeng tinawag nitong Yesha.
"Binola pa ninyo ako, libre ko na nga e."
Napakamot sa ulo na sabi ni Air Red. "Bili
lang kayo kung ano ang gusto ninyo."
Ayun, pumili ang dalawang babae. Nakatitig
ako sa kanilang tatlo habang masayang
kumakain. Napapansin kong naka-focus si
Yesha sa cellphone niya.
"Salamat sa masarap na kikiam," nakangiting
sabi ni Chummy. Medyo chubby ito pero
ang cute tingnan. Si Yesha naman ay simple
lang at parang walang pakialam sa paligid
basta hawak ang cellphone nito.
"Sana mag-update na ang paborito kong
author," sabi ni Chummy habang palayo na
silang tatlo. Ayon sa naririnig ko,
magkaklase lang silang tatlo.
Dumating ang ilang suki ko kaya masaya ko
silang binentahan. May iilang mayayaman din
naman na mahilig kumain ng mga ibinebenta
ko at ang iba ay nakipagbiruan pa sa akin.
Pasado alas kuwatro nang i-remit ko ang
naibenta ko sa may-ari. Every hapon ay
pumupunta ito at kung hindi siya ay ang
katulong nito.
Pag-uwi ko sa bahay, nadatnan ko si Astray
na gumagawa ng assignment.
"Ate? Nagsalang na po ako ng kanin," sabi
niya na nakatingala sa akin.
"Good," sabi ko. Ayaw ko sanang gumamit
siya ng kuryente pero wala naman akong
magagawa. "Kumusta ang pag-aaral?"
"Okay lang po, perfect ko ang quiz namin!"
masayang pagbalita niya kaya natuwa naman
ako. Siya lang talaga ang pumapawi sa
pagod ko.
"Mabuti naman," ani ko at ginulo ang buhok
niyang hanggang balikat. "Mag-aral ka nang
mabuti para paglaki mo, sa Westbridge kita
papaaralin."
"Talaga po? Hindi ho ba sikat ang school na
iyon?" Nasa mga mata niya ang tuwa at
excitement.
"Yes," sagot ko at inilapag ang dala kong
bag sa mesa. Palagi akong may malaking
sling bag o backpack dahil sa mga damit ko.
Minsan kasi, tinatawagan ako ng mga
kaibigan ko para magkaroon ng raket.
"Ate? Kailangan ko pong bumili ng
illustration board para sa project namin
tapos bagong crayons po dahil putol na po
ang ilang colors tapos papel po at lapis,"
sabi ni Astray kaya napaharap ako sa kaniya.
"Tsaka manipis na po ang tsinelas ko."
"Ano pa? Baka gusto mo pang humingi ng
sasakyan sa akin?" naka-poker face na
tanong ko kaya napasimangot siya.
Makapag-demand, parang tumatae lang ako
ng pera. "Biro lang. Unahin muna natin ang
project at papel mo. Ang tsinelas mo,
nextweek na. Hindi pa naman yata butas
kaya puwede pa 'yan. Alam mo na,
magbabayad pa tayo ng upa sa bahay at
kuryente kaya tipid-tipid muna ang mga
dyosa, okay?" paliwanag ko. Wala na
kaming pera pero may mga hindi pa
inaasahan na bayarin at bibilhin kaya
nawiwindang ang utak ko.
"Okay po," sabi ni Astray at ipinagpatuloy
ang ginagawa.
"Dito ka lang, magpapalit lang ako ng damit
tapos kakain tayo. Mamaya, aalis ako para
may pambili tayo ng project mo bukas,"
paalam ko at pumasok na sa maliit na
kuwarto. Dalawa ang silid nitong bahay na
inuupahan namin pero isang silid lang ang
ginagamit namin at sa kabila ay mga gamit
namin dahil ayaw pang humiwalay ni Astray
sa pagtulog. Natatakot pa raw ito.
Nang matapos akong magpalit, nagluto ako
ng gulay na binili ko kanina sa labasan.
Fifteen pesos lang naman ang isang supot
ng pang pinakbit na kompleto na pero
maninipis ang hiwa ng ampalaya at kalabasa.
Lagyan ko na lang ng asin at magic sarap,
okay na.
Sarap na sarap ang kain ni Astray. Siyempre,
ako ang nagluto.
"Ate? Gusto ko po ng hotdog bukas,"
pagde-demand na naman niya.
"Okay, bibilhan kita kapag marami akong
tip," pagpayag ko. Bumibili naman ako
kapag may pera at pinapasawa si Astray.
Ayaw ko naman siyang maging ignorante sa
buhay. Kapag may pera ako, pinapasyal ko
siya sa mall at pinapakain sa Jollibee.
"Maiwan na kita, maghahanap-buhay lang
ako," paalam ko. Naka-lock ang pinto at
mababait naman ang kapitbahay namin kaya
sigurado akong safe ang kapatid ko. Wala
naman akong choice. Alangan naman dalhin
ko siya sa bar na pinagtatrabahuhan ko. May
cellphone naman siyang 3310 kaya kung may
emergency, imi-missed call lang niya ako
para matawagan ko kaagad. Mabuti na lang
dahil sanay na siya. Hindi kagaya noon,
nagbabayad pa ako ng isang daan sa
kapitbahay kapag iwan ko siya para
mabantayan nila.
Pagdating ko sa bar na kinakantahan ko,
kaagad na isinabak ako ni Boss sa stage.
Iyon naman ang request ko para makauwi
ako nang maaga.
Marami ang parokyano ngayon dahil
Biyernes at sahod na yata kanina.
Sinimulan ko na ang kumanta matapos
akong ayusan ng baklang kasama ko. May
iilang natuwa at may ilang hindi dahil sa
pagmumukha ko. Well, medyo makapal ang
makeup ko kaya gumanda raw ako. Gabi
naman kaya pakapalan lang.
May iilang nagbigay ng tip matapos akong
ipatawag kaya sapat na para may ipon ako.
Susubukan kong sumali sa Kasagana para
may matakbuhan ako kung kinakailangan ng
pera.
Nagpaalam na ako sa kasamahan ko kahit na
hindi pa tapos ang show. Mga hubad-hubad
na rin naman mamayang alas dose kaya hindi
na ako kailangan. Wala naman akong ipakita
dahil lahat ay flat kaya sa kanila na ang
ganiyang trabaho. Sapat na sa akin ang
pakanta-kanta lang.
Habang naglalakad, panay ang punas ko sa
mukha ng basang panyo. Nagpalit na ako ng
damit bago pa ako umalis kanina. Mag-aalas
onse na ng gabi kaya binilisan ko ang
paglalakad. Matao naman kaya medyo safe
ang daan. Sanay na akong maglakad sa gabi
kaya hindi na ako takot sa mga tambay.
"Pasensiya na po, late ako," paumahin ko kay
Mang Tino."
"Sanay na ako," sagot nito at ngumiti saka
inabot ang isang ice box na puno ng balot.
"Huwag kang mag-alala, mauubos 'to
mamaya," sabi ko at kinindatan si Mang
Tino.
Binuhat ko na ang ice box saka sumakay sa
bike na may mani at chicharon sa manibela
at pinatunog ang bell habang inikot ang
buong subdivision.
"Balot!" sigaw ko. Letse! Ang hirap kumita
ng pera. Nakakahiya man sana dahil babae
ako pero wala akong magagawa. Kailangan
ko ng pera at walang tutulong sa akin kundi
sarili ko lang.
May magbarkada na bumili sa akin. Kinse
ang isang balot pero dahil bente ang binili
nila, ginawa ko na lang na tig 14 ang isa.
Actually, dose lang ang isa kaya sa akin ang
tres sa bawat isang balot na maibenta ko.
Minsan, ginagawa ko na lang na katorse
para kunwari, nakakatipid sila para marami
ang bilhin nila. Kaysa naman sa hindi maubos
dahil mahal ang benta ko. Para-paraan na
lang.
Ala una na nang maubos ko ang balot at
mani pero may limang supot pa ng
chicharon. Dalhin ko na lang ito para kay
Ash para may pambaon siya. Minsan,
ginagawa niyang ulam ang chicharon. Hindi
naman siya maarte kaya nakakaluwag din
kami minsan.
Nang maibalik ko kay Mang Tino ang
puhunan niya, naglakad na ako pauwi. Sa
kaniya kasi ang bisikleta.
"Shit!" narinig ko ang pagmumura nang
paliko na ako sa kanto. Medyo madilim sa
kinaroroonan ko kaya hindi ko mamukhaan
ang lalaking lalapit sa akin. Pero isa lang ang
sigurado ko, naka-brief lang siya.
Nakita kong nagtago siya sa poste na
malapit lang sa akin. Narinig ko ang mga
yabag na nagtatakbuhan palapit sa akin kaya
kinabahan ako at hindi ko na kayang
gumalaw sa kinatatayuan ko. May giyera ba?
O baka naman may matotokhang na naman?
"Halika!" Nagulat ako nang hilain ako ng
lalaking naka-brief at itinago sa poste at
tinakpan ang bibig. Hala, gagawin niya
akong hostage? O baka gahasain niya?
"Huwag kang maingay! Kung hindi, patay ka
sa akin mamaya!" pagbabanta nito kaya
napalunok ako ng laway at itinaas ang
dalawang mga kamay. Si Astray ang unang
pumasok sa isipan ko. Paano na lang siya
kapag lalaban ako?
"Saan na siya?" tanong ng lalaki sa mga
kasamahan na may bitbit na mga camera
nang tumigil sila sa tapat namin.
"Sayang!" nanghihinayang na sabi ng babae.
"Ayon! Baka siya iyon!" Turo ng bakla sa 'di-
kalayuan nang may makitang naglalakad.
Tumakbo ang anim palayo sa amin kaya mas
lalo akong kinabahan.
"Haist! Ano ang problema nila sa buhay at
mahilig silang makialam sa buhay ko?" galit
na tanong nito matapos bitiwan ang bibig
ko kaya nakahinga ako nang maluwag.
"K-Kunin mo na po ang lahat sa akin. K-
Kahit ang perang kita ko ngayong gabi. O-
Okay lang na gahasain mo po ako pero p-
parang awa mo na, buhayin mo po ako. K-
Kailangan pa po ako ng kapatid ko," naiiyak
na pakiusap ko habang nakataas ang mga
kamay.
"Pinagsasabi mo? Ambisyosa ka rin, ano?"
pagsisinuplado niya kaya napaharap ako sa
kaniya. Sa tulong ng ilaw sa poste,
namukhaan namin ang isa't isa.
"Ikaw?" sabay na sabi namin.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita. Si
Clouds, naka-brief lang sa harapan ko.
"Haist! Huwag mo akong pagpantasyahan!"
sabi nito. "Sa dinami-rami pa naman ng
makakita, si Pancit Canton girl pa!"
"B-Ba't naman kita pagpantasyahan! Akala
mo, guwapo e!" depensa ko. "Ikaw ang
nanghila sa akin!"
"Pahiram ako ng cellphone mo." Parang
boss na sabi nito.
"Bakit?"
"Pahiram na! Kung hindi, hindi ka na
makakabenta sa Westbridge!"
"Oo na!" Kinuha ko at cellphone at
ipinahiram sa kaniya. May tinawagan siya.
"Hello? Nandito ako sa poste sa tapat ng
bahay na may puting gate. Basta malapit sa
kanang kanto mula sa hotel. Pakibilisan,"
sabi nito at tinapos na ang tawag.
Agad na tiningnan ko ang balance ko dahil
Globe pa ang tinawagan niya.
"Naubos ang extra load ko!" reklamo ko.
Naka-unlicall ako pero sa Smart and Talk 'N
Text number lang dahil Talk 'N Text ako.
"Babayaran kita sa Lunes!" sabi nito. Ilang
sandali pa ay may itim na van na tumigil sa
tapat namin. Agad na tumakbo si Clouds
palapit sa van pero bago pumasok, humarap
pa siya sa akin.
"Kapag may makaalam nito, malalagot ka
talaga sa akin!" pagbabanta niya.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon