MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
Chapter 30
Unedited...
"Ano ang kumakalat na video na ito?"
tanong ni Rica kay Clarissa.
"Pagod ako that time," walang ganang sagot
ni Clarissa.
"Hindi mo ba talaga iingatan ang pangalan
mo?" singhal ng ina at itinapon ang
newspaper sa mukha ng dalaga.
"H-Hindi ba puwedeng mapagod ang isang
singer kagaya ko? Pagod ako sa rehearsal at
tinulak niya ako para lang makakuha ng
autograph ko! Tao lang ako at napapagod
din," depensa ng dalaga kaya nakapamewang
na hinarap siya ni Rica.
"Nagiging stubborn ka na, Clarissa! Celebrity
ka at kailangan mong maging mabait kahit
na sobrang pagod ka na!"
"Mom? Pagod ako at sinaktan niya ako.
See?" Pinakita niya ang sugat sa braso. "May
sugat ako kaya nasigawan ko siya. Hindi ba
puwedeng magreklamo ako?"
Sinigawan niya ang isang fan dahil malakas
ang pagkakatulak sa kaniya at nagkagalos pa
siya sa braso.
"Kahit na! Clarissa naman, dapat nagtimpi
ka! Paano natin maayos 'to dahil may
nakakuha ng video?"
Tumayo si Clarissa at tinalikuran ang ina.
"Kinakausap pa kita, Clarissa!"
Pero ne hindi lumingon si Clarissa at tuloy-
tuloy sa paglabas ng bahay.
"Ma'am? Saan ka po--"
Natahimik na ang driver na naglilinis sa
sasakyan nang isinara ni Clarissa ang pinto
at pinaharurot ang sasakyan.
Umiiyak na nagmamaneho si Clarissa
patungo sa agency nila. Gusto niyang
makatakas sa ina at sa lahat dahil
napapagod na siya.
Kaka-park lang niya sa sasakyan nang may
kumatok.
Binuksan niya ang pinto at lumabas.
"Red," matamlay na wika niya.
"Himala, wala kang driver? Firstime mo
yatang nagmaneho?" nakangiting sabi ni
Red.
"Matagal ko nang gustong gawin ito," sagot
ni Clarissa at naglakad papasok sa agency
building. Napansin niyang sumusunod si Red
sa kaniya.
"Clarissa!" Salubong ng manager niya sa
kaniya. "My ghad! Alam mo ba kung ano ang
ginawa mo sa fan mo?"
"Gusto kong mag-practice sa music room,"
ani Clarissa na binalewala ang sinabi ng
manager niya.
"Alam mo bang nakakasira sa career mo ang
video na iyon? Ano na lang ang sasabihin
natin?"
"Ate? Puwede bang mamaya na lang kayo
mag-usap ni Clarissa? Mag-uusap lang po
kami," sabat ni Red kaya tumango ang
manager ni Clarissa at tinalikuran sila.
"Cla? Nagugutom ako. Baka puwede mo
akong samahang kumain sa labas?" yaya ni
Red at inakbayan siya. "May alam akong
bagong restaurant. Ang sabi, masarap daw
ang ulam doon."
"Sige," pagpayag ni Clarissa.
Ang sasakyan ni Red ang ginamit nila
papunta sa restaurant.
"Bakit mo ako niyayang kumain?" tanong ni
Clarissa.
"Kailangan mo kasi ng break," sagot ni Red
at napasulyap sa dalagang nasa unahan ang
mga mata.
"Huwag kang gumawa ng bagay na bigyan
ko ng ibang kahulugan," mahinang sabi ni
Clarissa kaya ngumiti si Red.
"Nasa iyo na iyon kung paano mo i-interpret
ang mga ginagawa ko para sa 'yo. But
believe me, purely business lang talaga ito.
Let's just say na this day, kaibigan mo ako
at gusto kong kalimutan mo muna ang
showbiz sa araw na ito."
Hindi umimik si Clarissa. Matagal na niyang
gustong lumayo sa mga tao pero hindi niya
kayang magawa dahil sunod-sunod ang
problema niya ngayon.
"Ano ba ang gusto mo, Cla?"
"Hindi ko alam," sagot ng dalaga.
"Huwag kang mahiya," ani Red.
"Gusto ko?" tanong ni Clarissa at napaisip.
Ano nga ba ang gusto niya sa buhay?
"Gusto kong mamasyal na hindi ako
nakikilala ng tao. Gusto kong tumawa nang
malakas na walang camera. Gusto kong
pumunta sa mataong lugar na walang
nakakakilala sa akin at manghusga kahit na
ano man ang gawin ko. At gusto kong
matulog magdamag hanggang sa babangon
ako sa oras na gusto ko."
"Hmmm? Simpleng kagustuhan pero
mahirap gawin?" ani Red at napasulyap sa
dalaga habang maingat pa rin na
nagmamaneho. Tumango si Clarissa.
"Here, isuot mo 'to," sabi ni Red at inabot
ang sombrero at wig sa kaniya. "Gawin natin
ang gusto mo sa araw na ito."
"R-Red--"
"Haist! Huwag mong bigyan ng masamang
kahulugan. Gusto ko lang na magawa mo rin
ang gusto mo sa buhay dahil favorite talent
kita at higit sa lahat, malaki ang ibinigay mo
sa agency namin. Simple at hindi magastong
pangarap mo ay hindi makakalugi sa akin."
-----------
"Natanggap mo text ko?" tanong ni Clouds
nang pumasok sa practice room ng agency.
"Hindi."
"Nag-text ako."
"Ikaw ba 'yon?" tanong ni Clarissa. Nag-iba
na pala ng number si Clouds.
"Kanina pa ako naghihintay sa 'yo!"
"Sorry naman, Ulap. Akala ko, wrong
number lang."
Iyong tipong "babe? Meet tyo sa parking
lot." "Hon? San k na?"
Sweetheart? Mtgal k pa?" Sino ba naman
ang mag-iisip na si Clouds ang nagte-text?
"Wrong number? Marami ba ang nakakaalam
ng number mo, ha?"
Medyo malayo sila sa ibang talent kaya hindi
sila naririnig ng mga ito.
"Ang dami mo kasing tawag sa akin!"
"Hindi ko kasi alam kung ano ang itatawag
kasi girlfriend na kita!" Depensa ni Clouds.
Wala naman siyang kaalam-alam sa mga
endearment at labag pa sa kalooban niyang
tawagin si Seola na gano'n.
"Be natural. Tawagin mo na lang ako sa
pangalan ko o kahit ano na nakapagpagaan
sa loob mo!"
"Pango ko?" nakangiting wika ni Clouds kaya
umusok ang ilong ni Seola. "Biro lang, Seola
na lang para tropa-tropa lang," mabilis na
pagbawi ni Clouds at inangat ang kamay
para akbayan sana si Seola pero agad na
ikinuyom niya at kinamot na lang ang ulo
nang maalalang nasa practice room sila.
"Muntik ka na," nakangiting sabi ni Seola.
"Labas na tayo, sumunod ka sa akin sa
parking lot dahil kanina pa naghihintay ang
driver natin."
Naunang lumabas si Clouds. Inayos muna ni
Seola ang mga gamit niya na nasa isang
sulok sa ibabaw ng mesa.
"E di lumabas din ang tunay na ugali ni
Clarissa." Narinig niyang sabi ni Yuri.
"Sinabi mo pa. Ito na ang simula ng
pagbagsak niya. Kahit gaano ka pa kagaling,
ang kagaspangan ng ugali mo ang siyang
magpapabagsak sa 'yo," pagsang-ayon ni
Serin. Parang sila, ang babait ah.
Dali-dali nang lumabas si Seola dahil baka
magwawala na naman si Clouds kapag
maghintay nang matagal sa kaniya.
Sa pinakadulong sasakyan daw ito kaya
doon siya lumapit. Bumukas ang pinto kaya
mabilis na sumakay siya bago pa may
makakita sa kaniya.
"Haist! Ginawa na nga ninyong service itong
kotse ko, pati pa naman ba driver, ako pa
rin?"
"Huwag ka nang magreklamo at ipagmaneho
mo na kami!" Utos ni Clouds kaya napailing
na lang su Luke saka sinunod ang gusto ni
Clouds.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Seola sa
katabi.
"Sa langit," bulong ni Clouds at niyakap ang
maliit na braso ni Seola at inihiga ang ulo
niya pero agad na siniko ng dalaga. "Ano
ba?"
"Umayos ka ng upo, Clouds!"
"Parang higa lang eh!"
Niyakap niya sa bewang si Seola kaya mas
lalong nainis ang dalaga.
"Hindi ako makakahinga, Ulap!"
"Tiisin mo na lang. Akala mo, masarap
yakapin ang isang payat na kagaya mo?" ani
Clouds at ipinikit ang mga mata.
"E di huwag mo 'kong yakapin! Masasaktan
ka lang dahil ang tulis ng buto ko!" naiinis
na sabi ni Seola.
"Kahit masasaktan ako, yayakapin pa rin kita
dahil ikaw ang pancit canton na mahal ko,"
sabi ni Clouds at napasubsob sa dibdib ni
Seola nang agad na nagpreno si Luke at
napaubo.
"Ano ba ang problema mo, Luke?" galit na
tanong ni Clouds at tinulungan si Seola na
ayusin ang sarili dahil muntik din iton
napasubsob. Wala pa naman silang seatbelt.
"Hinaan lang ninyo ang pagharutan ninyo
dahil nasusuka ako! Kulang pa ako sa tulog!"
reklamo ni Luke at muling pinaandar ang
sasakyan.
"Last na 'to pero huwag mo akong kausapin
kapag bumalik na ang kasikatan ko!" ani
Clouds.
"Ngayon lang talaga ako nasuka pero baka
bukas, okay na ako. Tawagan lang ninyo ako
kapag nangangailangan ulit kayo ng driver.
Libre lang talaga ang serbisyo ko.
Bestfriends tayo eh," mabait na sabi ni Luke
kaya tumahimik na sina Clouds at Seola na
umayos na sa pagkakaupo.
Sa malapit na amusement park sila
nagpahatid at parehong nakasuot ng
sunglasses at sombrero.
"Kailangan ko pa ba 'to?" tanong ni Seola.
"Papasikat ka na kaya marami na ang
nakakakilala sa 'yo," sagot ni Clouds at
hinawakan sa kamay si Seola at hinila na sa
loob para sumakay sa rides.
Panay ang sigaw ni Seola kaya tawa naman
nang tawa si Clouds.
"A-Ayaw ko na," tanggi ni Seola nang yayain
siya nitong sumakay sa roller coaster. "N-
Nasusuka na ako, Ulap!"
"Okay. Gusto mo ng ice cream?"
"Gusto ko ng cotton candy," nakangiting
sabi ni Seola at tumingala sa binatang
salubong ang kilay. "Para kay Ash."
"Sige, basta huwag lang marami dahil
masama sa 'yo ang masyadong matamis."
Sunod-sunod na tumango si Seola at
ipinilupot ang kaliwang kamay sa braso ng
binata.
"Gusto ko pink at blue na cotton candy."
"Okay. Pero si Ash lang ang kakain sa iba.
Dalawa lang sa 'yo," pagpayag ni Clouds at
bumili na sa nagtitinda. Ang daming
magpamilya sa palibot na masayang nagpi-
picture taking. Ang iba ay mga kabataang
nagde-date.
"Ang tagal kong hindi nakapunta rito. Ang
huling natatandaan ko, mga grade one pa
ako," pagkukuwento ni Seola habang
naglalakad sila at kumakain ng cotton
candy. "Next week, ipapasyal ko si Ash."
"Isama ninyo ako," sabi ni Clouds.
"Kaming dalawa lang."
"Pamilya na rin ninyo ako kaya isama ninyo
ako!" nakasimangot na sabi ni Clouds kaya
natawa si Seola.
"Clouds? Bili tayo ng keychain," sabi ni
Seola nang makita ang souvenir sa gilid ng
park. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim
kaya yayain na niya itong uuwi.
"Ang cheap mo!" ani Clouds. Singkuwenta
lang kasi ang presyo nito.
"Sige na, para terno tayo."
"Ayas ko!" tanggi ni Clouds kaya padabog na
iniwan siya ni Seola.
"Ouch!" reklamo ng dalaga nang mabunggo
ang isang tao.
"Ingat--Seola?" bulalas ni Red nang
mamukhaan ang dalagang inaayos ang
nalaglag na sombrero.
"Sir Red? Nandito ka rin?"
"Red? Kain na tayo," yaya ni Clarissa nang
lumapit sa kanila. Kahit na naka-wig, agad
na namukhaan ito ni Seola. "Sino ang
kasama mo, Seola?" nakakunot ang noong
tanong ni Clarissa.
"Magandang hapon o gabi sa inyong
dalawa," nakangiwing bati ni Seola sa
dalawa.
"Bakit ka ba nang-iiwan?" naiinis na tanong
ni Clouds nang makalapit na sa kaniya pero
agad na namewang at napahilamos sa mukha
nang makita sina Clarissa at Red.
"Magkasama pala kayo," ani Clarissa at
nginitian si Clouds.
"Uuwi na ba kayo? Kain muna tayo," yaya ni
Red. "Tutal, nagkita na rin naman tayo."
"Sige po," pagpayag ni Seola kaya sabay na
napabuntonghininga sina Clarissa at Clouds.
Ang sasakyan na ni Red ang sinakyan nila.
Nasa backseat sina Seola at Clouds habang
si Red ang nagmamaneho katabi si Clarissa.
Nang makarating sa resto bar, bumaba si
Clouds at pinagbuksan si Seola.
"Umuwi na tayo," yaya ni Clouds pero
sinaway siya ni Seola kaya napilitan siyang
pumasok sa loob ng resto dahil alas siyete
na at kanina pa siya nagugutom. Tinawagan
ni Seola si Ash at sinabihang gabihin siya
kaya doon muna siya sa bahay ng kaibigan
niya.
Libre ni Red ang pagkain.
"Mabuti at napasyal kayo rito," sabi ni Red
na bumasag sa katahimikan nilang apat.
"Ano ang mabuti roon kung nagkita naman
tayo?" prangkang sagot ni Clouds pero agad
na ipinagpatuloy ang pagkain nang sikuhin ni
Seola.
"Clouds? Kayo na ba ni Seola?" curious na
tanong ni Clarissa kaya napasulyap si Red
kay Seola na umiinom ng tubig.
"Hindi pa." Mabilis na sagot ni Seola kaya
pabagsak na inilapag ni Clouds ang kutsara
nito.
"Tapos na akong kumain," ani Clouds.
"Masarap ang wine nila, inom tayo," pag-
iiba ni Red.
"Uuwi na kami," ani Clouds.
"Okay lang, mamaya na. Minsan lang tayong
nagkakasama nina Sir Red," pagpayag ni
Seola at inirapan si Clouds.
"Okay lang, para may kasama naman kami ni
Red," sabat ni Clarissa kaya napilitan si
Clouds na manatili at uminom. Wine sa mga
babae at alak naman sa kanila ni Red.
Sunod-sunod ang pagtungga ni Clouds dahil
sa inis. Si Clarissa naman ay nag-ladies drink
na rin.
"Tama na, lasing ka na," saway ni Seola.
"Tama nang inom, Clouds. Mabilis ka lang
malasing," saway ni Red kaya nanggigigil na
hinarap siya ni Clouds.
"Tumigil ka, Pula! Mas lasenggo ka sa akin!"
Nasa VIP room sila kaya safe sa paparazzi.
"Pupunta lang ako sa restroom, naiihi ako,"
paalam ni Clarissa at tumayo.
"Samahan na kita, baka matumba ka," alok
ni Red at tumungo sa restroom kasama si
Clarissa.
Napatingin si Seola sa relo. Alas onse na
pala ng gabi.
"Tama na, Clouds." Saway niya at inagaw
ang isang boteng hawak ng binata dahil ang
pula na ng magkabilang pisngi nito.
"Pancit canton ko? Kakainin kita..."
pabulong na sabi ni Clouds habang
namumungay ang mga matang nakatitig sa
babaeng katabi.
"Lasing ka na," nakasimangot na sabi ni
Seola.
Hinawakan ni Clouds ang kamay niya at
matamis na nginitian.
"Ang ganda mo, Seola. Ang ganda mo pala
kahit na pango ka."
"C-Clouds? Tumahimik ka na," saway ni
Seola nang makitang pabalik na sina Red at
Clarissa.
"Bakit kaya sa lahat ng babae, sa 'yo pa ako
na-inlove?" tanong ni Clouds at matamis na
nginitian si Seola kaya napakagat sa ibabang
labi ang dalaga. "Pasensiya ka na kung
nahihirapan ka nang dahil sa akin. P-
Pasensiya ka na kung hindi ko pa maamin sa
publiko na mahal kita."
"A-Ahm... Lasing na siya kaya hindi na niya
alam ang pinagsasabi niya," nahihiyang sabi
ni Seola. Sa lahat ng oras, ngayon pa talaga
nagganito si Clouds. "B-Baka script lang sa
magiging commercial niyam"
Napangiti si Clarissa na nakahawak sa
kanang braso ni Red at tumingala kay Red.
"Uwi na tayo?"
"Tumayo ka na, Clouds! Uuwi na tayo,"
walang emosyong sabi ni Red sa pinsan.
"Lasing ka na kaya uuwi na tayo," segunda ni
Seola at tatayo na sana pero mahigpit na
nahawakan ni Clouds ang kamay niya.
"Seola?" mahinang tawag ni Clouds kaya
napatingin ang tatlo sa kaniya at hinintay
ang susunod na sasabihin nito. Tumingala si
Clouds kay Seola at tinitigan ito sa mga
mata.
"I love you."
Napanganga si Seola at naiilang na
sinulyapan sina Red na nakatingin kay
Clouds.
"L-Lasing ka na kaya umuwi na tayo,"
nahihiyang bulong ni Seola.
"Bakit ayaw mo na akong sagutin? May iba
ka na bang mahal?" nagtatampong tanong
ni Clouds kaya mas lalong namutla si Seola.
"Sagutin mo na para makauwi na tayo," sabi
ni Clarissa at hinila na si Red palabas ng VIP
room.
Tumayo si Clouds at hinarap si Seola.
"Clouds--uhmp!" Seola
Nanlaki ang mga mata ni Seola nang hapitin
siya sa bewang ni Clouds at inangkinin ang
mga labi niya. Tila nawala ang katinuan niya
sa mainit na halik ng binata lalo na nang
idikit nito ang katawan sa kaniya.
"I l-love you, Seola," hinihingal na bulong ni
Clouds habang puno ng pagmamahal ang
mga matang nakatitig sa dalaga.
"I love y-you too," mahinang sagot ni Seola
kaya napangiti si Clouds.
"Uwi na tayo?" yaya ng binata at hinawakan
ang kanang kamay ng dalagang hindi pa
nakabawi sa pagkabigla.
"S-Sige..." Lutang na saad ng dalaga.
Bubuksan na sana niya ang pinto nang
maramdaman ang malamig na bagay na
inilagay ni Clouds sa kamay niya.
"A-Ano--" Napatigil siya sa sasabihin nang
makita ang bagay na iyon.
"Gusto mo 'yan kaya binili ko," nakangiting
sabi ni Clouds habang nakatitig sa keychain
na may heart design na hawak ni Seola.
"Akala ko ba, ang cheap nito?"
May dinukot si Clouds sa bulsa at ipinakita
kay Seola. "Pareho na tayong may keychain
kaya huwag mong iwala 'yan."
Napangiti si Seola.
"Salamat, Ulap ko."
Inakbayan siya ni Clouds at hinalikan sa noo.
"Uwi na tayo, Seola."
"May gagawin ka ba bukas?" tanong ni Seola
habang palabas na sila.
"Bukas?" ulit na tanong ni Clouds at
napaisip. Nawala na yata ang kalasingan
nito. "Mamahalin na naman kita bukas."
Natawa si Seola at tumahimik na lang. Ang
corny na nila.
